top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 42 - Solid Investment

Below is the material for our Family Prayer Cell on November 3, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




Solid Investment

November 3, 2021

2 Corinthians 12:14-19 By: Ptra. Glo Bernal-Oyco


 

1. Introduction


Sadyang napakabilis ng panahon! Nasa unang Miyerkules na tayo ng November para sa ating Family Prayer Cell, 59 days na lang at matatapos na ang taong kasalukuyan. Anu-ano na nga po ba ang masasabi natin na naging solid investment natin sa taong ito na kahit mayroong pa rin pandemya at unstable ang ekonomiya ay masasabi natin na tayo ay nagkaroon ng solid investment? Sama-sama po tayong mag-aral ngayong gabi. Bago ang lahat tayo muna ay magpasimula sa ating FPC sa pamamagitan ng ating sama-samang pag-aawitan.


2. Pag-aawitan


Jesus you're my firm foundation I know I can stand secure Jesus you're my firm foundation I put my hope in your Holy Word I put my hope in your Holy Word I have a living hope (echo) I have a future (echo) God has a plan for me (echo) Of this I'm sure, of this I'm sure. Your Word is faithful (echo) Mighty in power (echo) God has delivered me (echo) Of this I'm sure, Of this I'm sure You're my firm foundation You're the rock of my salvation You're my firm foundation


3. Praise Report and Testimony


Ano ang mga naibigay ng Dios sa iyong buhay ngayong nakaraang linggo? Maaari mo bang i-share sa amin para mapasalamatan din naman naming ang Dios? (isa-isang sumagot)


4. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Father, we come to you with humble hearts. You are Lord of lords and King of kings. Wala pong makahihigit sa Iyo. Totoo ang Inyong Salita at nananalig kami na tinutupad Mo ang Iyong mga pangako para sa Iyong mga anak. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami. Tulungan po Ninyo kami sa aming pananalangin. Sa pangalan ni Hesus, Amen.


5. Scripture Reading


Scripture: II Corinthians 12:14-19 (Contemporary English Version)

14 I am planning to visit you for the third time. But I still won’t make a burden of myself. What I really want is you, and not what you have. Children are not supposed to save up for their parents, but parents are supposed to take care of their children. 15 So I will gladly give all that I have and all that I am. Will you love me less for loving you too much? 16 You agree that I wasn’t a burden to you. Maybe that’s because I was trying to catch you off guard and trick you. 17 Were you cheated by any of those I sent to you? 18 I urged Titus to visit you, and I sent another follower with him. But Titus didn’t cheat you, and we felt and behaved the same way he did.

19 Have you been thinking all along that we have been defending ourselves to you? Actually, we have been speaking to God as followers of Christ. But, my friends, we did it all for your good.

II Corinto 12:14-19 (MBBTAG)

14 Ito ang ikatlong pagpunta ko riyan, at hindi pa rin ako magiging pabigat sa inyo. Sapagkat kayo ang nais ko, at hindi kung anong mayroon kayo. Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang. 15 At ikaliligaya kong gugulin ang lahat pati ang aking sarili upang kayo'y mabuhay. Kung madagdagan ang pagmamahal ko sa inyo, dapat bang mabawasan ang pagmamahal ninyo sa akin? 16 Alam ninyong hindi ako nakabigat kaninuman sa inyo. Subalit sinasabi ng ilan na ako'y tuso at dinadaya ko kayo. 17 Bakit? Pinagsamantalahan ko ba ang inyong kabutihan sa pamamagitan ng mga isinugo ko riyan? 18 Pinakiusapan ko si Tito na pumunta riyan at pinasama ko sa kanya ang isang kapatid. Si Tito ba'y nagsamantala sa inyo? Hindi ba't namuhay kami ayon sa iisang espiritu, at iisa ang aming pamamaraan?

19 Akala ba ninyo'y ipinagtatanggol namin ang aming sarili? Hindi! Mga minamahal, lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti ninyo. Nagsasalita kami sa harapan ng Diyos ayon sa kalooban ni Cristo..


6. Message


Investment, sa panahon ng pandemya na ang ang ekonomiya ay unstable, saan at papaano tayo magkakaroon ng solid investment? Tunghayan natin ang kaparaanan ni Apostol Pablo, ang nagtatag ng simbahang Corinto sa kanyang ikalawang missionary journey. Sa mga nakaraang FPC material #40 ay nalaman natin kung papaanong patuloy na nagbigay ng encouragement sa atin si Pablo sang-ayon sa ng kanyang mga naranasan.



Ang mga talatang ating binasa ay bahagi ng puso ni Apostol Pablo na nagnanais na muling bumalik sa Corinto, sa ikatlong pagkakataon at ito ay bahagi rin ng kanyang pagtatapos sa kanyang second missionary journey at ng kanyang paghahanda para sa kanyang Third Missionary Journey. Kaya binibigyan niya ng emphasis kung papaano siyang nag-iwan ng mga Solid Investment sa mga taga-Corinto.

Solid Investment #1: Vs.14a HINDI NAGIGING PABIGAT – INTEGRIDAD SA PANANALAPI Alam ni Pablo ang mga kahinaan sa simbahang Corinto upang matiyak na wala silang dahilan para sa anumang paratang laban sa kanya. Kaya nga hindi siya nakakuha ng personal na suporta para sa kanila, sa halip na piliing maging tolda para matustusan ang kanyang sarili o ang tinatawag natin na “tent-making missionary”. Bagama't malinaw sa Banal na Kasulatan na ang "manggagawa ay karapat-dapat sa kanyang suweldo" (I Kay Timoteo 5:18).


Solid Investment #2 vs. 14b MAY INTEGRIDAD SA LUBUSANG PAGMAMAHAL

“Sapagkat kayo ang nais ko, at hindi kung anong mayroon kayo. Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang. 15 At ikaliligaya kong gugulin ang lahat pati ang aking sarili upang kayo'y mabuhay.”

Ang pagmamahal ni Pablo sa mga taga-Corinto ay maihahalintulad sa pagmamahal ng magulang sa kanyang anak, nagmamahal dahil ang mga taga-Corinto ay ay kanyang mga anak sa pananampalataya. Bilang mga anak, nahahanda si Pablo na gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga anak. Hanggang saan ang kanyang gawin? Ang sabi niya sa vs.15, ikaliligaya kong gugulin ang lahat pati ang aking sarili upang kayo’y mabuhay. Maraming magulang ang patuloy na gumagawa ng sinabi ni Pablo. In real life, may mga magulang na namamasukan, nagwawalis sa daan, nagbabasura, ginagawang araw ang gabi sa paghahanap-buhay upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga anak.

Ito ay nagpapaalala din sa mga pastol/mentors/care circle leaders at sa lahat ng mayroong inaalagaang mga tupa; ang pagbibigay ng lubusan ng kanyang sarili para sa kapakanan ng kanyang tupa. Kahit pa nga magkaminsan ay nasasaktan rin, ang tagapangalaga ay nagpapatuloy pa rin J


Application: Mahikayat tayo ng mapagmahal na mga tao. Ang hangaring makita ang kanilang kaluluwa sa langit na may buhay na walang hanggan ang pinakadakilang mithiing magpatuloy sa ating ministeryo. Mag-ukol ng panahon sa panalangin at hilingin sa Diyos na ibigay sa inyo ang pinakadakilang pagmamahal na ito sa iba. Kapag mahal natin ang iba sa gayong paraan, mapupuspos tayo ng habag para sa kanila. Makikita natin sila sang-ayon sa pagtingin ng ating Panginoong Dios.

Solid Investment #3 INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG SALITA NG DIYOS

19 Akala ba ninyo'y ipinagtatanggol namin ang aming sarili? Hindi! Mga minamahal, lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti ninyo. Nagsasalita kami sa harapan ng Diyos ayon sa kalooban ni Cristo..


Si Pablo ay patuloy na nagpapaalala at mariin niyang sinagot na sa pamamagitan na ng lahat ng kanyang sinabi ay nangusap sa Diyos bilang Kanyang patotoo at nahikayat ng kanyang pagmamahal at kaugnayan kay Cristo. Lahat ng bagay na ibinahagi niya sa kanila ay nasa paningin ng Diyos kung kanino siya mananagot.


Ang ginawa ni Pablo ay para sa kanilang ikabubuti – ang Diyos ay saksi sa mga bagay na ibinahagi ni Pablo. Bukod pa rito, lahat ng sinabi niya ay nahikayat ng kanyang pagmamahal sa kanila at sa hangarin niyang makita silang lumago sa Panginoon.

CONCLUSION

Ito ang dapat hangarin ng bawat magulang, guro, pastol at sinumang nangangalaga ng bawat tupa, upang tapat na masabi ang gayon ding bagay, na ginagawa natin ang "lahat para sa inyong ikabubuti." Suriin ang sarili ninyong relasyon. Ang inyong pagiging magulang ba ay para sa paglago ng inyong mga anak? Ang ministeryo ba ninyo sa simbahan ba ay para sa paglago ng kawan?


Ang sabi nga sa mensahe last Sunday as shared ni Sis. Edith, KUNG MARUNONG TAYONG MAGMALASAKIT, MARAMING BABALIK SA TUNAY NA DIYOS. Nawa kabilang tayo sa TUNAY NA NAGMAMALASAKIT.


7. Announcement


SALAMAT po sa lahat ng mga nagpakita ng appreciation sa ating mga Pastor nitong October.


May physical service na po ulit this November! May department po na naka-assign bawat Sunday:

- November 7 – UFW

- November 14 – UFM

- November 21 – FY and FSY

- November 28 – FYC


Limited seats lang po kaya mag-signup na rito: https://bit.ly/mfgcphysicalservice


8. Pananalangin


1) INTEGRIDAD SA KAPERAHAN: Matuto sa prinsipyo ng Dios sa pagiging mabuting katiwala; kahabagan ng Dios na mabayaran ang mga utang.

2) INTEGRIDAD SA TUNAY NA PAGMAMAHALAN SA LOOB NG SA PAMILYA – ang sambahayang nagmamahal sa Dios ay maging patotoo sa bawat isa

3) INTEGRIDAD SA PAGIGING GURO, PASTOL AT TAGAPANGALAGA NG MGA TUPA

Patuloy na wisdom sa mga nagme-mentor, nagdi-disciple – na magabayan sila ng Banal na Espiritu sa kanilang pagmi-ministry at hindi sila magmalaki sa kanilang accomplishments at panghinaan ng loob sa mga discouraging situations


4) INTEGRIDAD SA COMMUNITY: Maayos na; Mapayapa na; Mabago na.

5) INTEGRIDAD NG MGA NAMUMUNO SA PAMAHALAAN: Ma-expose ang mali at maitama ito; Maluklok ang kalooban ng Dios na bagong mamumuno sa bayan; ang mga Christians ay lumuhod sa Dios, hindi lang puro salita, para sa pagbabago

6) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


9. Closing Prayer


10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


Sa pagkakataong ito... hayaan natin na magbigay tayo sa gawain ng Panginoon sa pamamagitan ng offering pagkatapos ay ipanalangin ito. At habang ibinibigay ang kaloob ay sabayan natin ng awiting nasa baba. Magbigay ng may ngiti at kasiyahan.


Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.




115 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page