Below is the material for our Family Prayer Cell on November 10, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Led By The Spirit
November 10, 2021
Galatians 5:16-26 By: Rev. Kay Oyco-Carolino
1. Introduction
Salamat sa Dios sa panibagong linggo na ipinagkaloob Niya sa atin. Hindi Niya tayo pinabayaan at patuloy Niya tayong pinalalakas sa ating pananampalataya at sa ating pangangatawan. Ang maganda pa nga sa Pilipinas ay malaya tayong nakakasimba, nakakasamba, nakakapag-aral ng Salita Niya at nakakapanalangin. Kaya huwag nating sayangin ang mga ganitong pagkakataon. Baka kung kailan binawal na, tsaka natin hahanapin… tsaka natin gugustuhin…..i-enjoy na natin ngayon ang gawaing ito. Tayo rin naman ang makakaranas ng benepisyo nito, para sa glory ni Lord!
2. Pag-aawitan
Oh Let The Son Of God Enfold You
With His Spirit And His Love
Let Him Fill Your Heart And Satisfy Your Soul
Oh Let Him Have The Things That Hold You
And His Spirit Like A Dove
Will Descend Upon Your Life And Make You Whole
Jesus, Oh Jesus
Come And Fill Your Lambs
Jesus, Oh Jesus
Come And Fill Your Lambs [2]
Oh Come And Sing This Song With Gladness
As Your Hearts Are Filled With Joy
Lift Your Hands In Sweet Surrender To His Name
Oh Give Him All Your Tears And Sadness
Give Him All Your Years Of Pain
And You’ll Enter Into Life In Jesus’ Name
3. Praise Report and Testimony
Ano ang mga naibigay ng Dios sa iyong buhay ngayong nakaraang linggo? Maaari mo bang i-share sa amin? Makigalak tayong nakakarinig. After every testimony, sabihin natin “Praise the Lord!” o kaya “ God is good!’ o kaya “Glory to God!” o kaya “Hallelujah”, atbp.! Ang ibig sabihin ng pagsagot nang ganito ay nakikigalak tayo sa kagalakan ng iba at sama-sama nating pinupuri ang Dios.
4. Pambungad na Panalangin
(Manalangin with HANDS RAISED)
Father, we come to you with humble hearts. You are Lord of lords and King of kings. Wala pong makahihigit sa Iyo. Totoo ang Iyong Salita at nananalig kami na tinutupad Mo ang Iyong mga pangako para sa Iyong mga anak. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami. Tulungan po Ninyo kami sa aming pananalangin. Banal na Espiritu, Kayo po ang gumabay sa aming mapag-uusapan at sa aming idadalangin. Sa pangalan ni Hesus. Amen.
5. Scripture Reading
Gal. 5:16-26
16 Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. 17 Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya't hindi ninyo magawa ang nais ninyong gawin. 18 Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19 Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
24 At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito. 25 Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay. 26 Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa't isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan.
Gal. 5: 16-25 (niv) 16 So I say, walk by the Spirit, and you will not gratify the desires of the flesh. 17 For the flesh desires what is contrary to the Spirit, and the Spirit what is contrary to the flesh. They are in conflict with each other, so that you are not to do whatever[c] you want. 18 But if you are led by the Spirit, you are not under the law.
19 The acts of the flesh are obvious: sexual immorality, impurity and debauchery; 20 idolatry and witchcraft; hatred, discord, jealousy, fits of rage, selfish ambition, dissensions, factions 21 and envy; drunkenness, orgies, and the like. I warn you, as I did before, that those who live like this will not inherit the kingdom of God.
22 But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, forbearance, kindness, goodness, faithfulness, 23 gentleness and self-control. Against such things there is no law. 24 Those who belong to Christ Jesus have crucified the flesh with its passions and desires. 25 Since we live by the Spirit, let us keep in step with the Spirit. 26 Let us not become conceited, provoking and envying each other.
6. Message
Ang isang taong walang relasyon na personal sa Dios ay may katawan, may kaluluwa at espiritu ngunit hindi ito buhay….patay ito (ang espiritu) dahil sa kasalanan. Malalaman lamang ng marami ito kapag mabasa nila ito sa Salita ng Dios o maituro sa kanila. May pahiram lang na hininga ngunit ang espiritu ay walang ugnayan sa Dios. Hindi pa nabigyan ang espiritu ng bagong buhay. Hindi pa na ‘born again’ ang espiritu kaya ‘hiwalay pa ito sa Dios’. Kahit anumang mabuting gawa ang gawin ng taong ito ay okay lang sa paningin ng tao ngunit ‘kapos pa rin ito sa harap ng Dios.’ Walang tunay na pagbabago ang nangyayari sa kanya dahil sarili lang niya ang kumikilos at nagsisikap na mabago. Ang tawag ng Bibliya dito ay NABUBUHAY SA LAMAN. Kung ano lang ang gusto ng kanyang katawan, ng kanyang kaluluwa, iyon ang nasusunod.
Sa kabilang banda, ang mga taong may personal na ugnayan sa o nakipag-isa kay Kristo, ay may katawang-lupa, may kaluluwa rin at ang KAKAIBA AY ANG KANILANG ESPIRITU ay BINAGO NA NG DIOS --- NABIGYAN ITO NG ESPIRITUNG TUMATALIMA SA DIOS. Dahil dito, ANG BANAL NA ESPIRITU AY NANINIRAHAN NA SA MGA TAONG MAY RELASYON NA SA DIOS!
Paano nalalaman na ang tao ay may relasyon na sa Dios? Hindi lang dahil sumunod lang sa SINNER’S PRAYER. Ang mga binanggit sa Bibliya na kondisyon ay: 1) Nang isinuko mo ang iyong buhay kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay. 2) Tinalikuran mo ang iyong dating buhay na malayo sa Dios ng 180 degrees at humarap ka na ngayon sa Kanya 3) Nanalig ka sa ginawa ni Hesus sa Krus ng kalbaryo na para sa iyo at nabuhay Siya muli para bigyan ka ng bagong buhay kasama Siya 4) Ang Banal na Espiritu ay ang ‘seal’ o tatak na ikaw ay anak na ng Dios. Siya ang Saksi na ikaw na nga ay believer.
Ang tawag ng Bibliya sa mga taong ganito ay ‘believers’, ‘mananampalataya’, ‘born again Christians’, ‘regenerated’ (mga binago), ‘redeemed (mga tinubos), ‘followers of Christ’, ‘anak ng Dios’, atbp.
Pause: (tanungin ang bawat isa… kung alam na niyang siya ay ipinanganak na muli --- na ang kanyang espiritu ay iniligtas na ng Panginoon at ang katuwiran na ng Panginoong HesuKristo ang nasa kanya.)
(Kung hindi sigurado, nawa ay matulungan ng isa sa grupo upang magawa niya ang pagsuko sa Dios bago matapos ang Family Prayer Cell)
At kung ang lahat ay sigurado nang naging ‘anak ng Dios, ang mabuting laging mangyari ay pangunahan tayo bilang anak ng Dios ng Kanyang Banal na Espiritu. Hindi man natin Siya nakikita ay patuloy Siyang nagtuturo, nagbibigay ng kaaliwan sa ating kalungkutan, nag-co-convict para hindi natin magawa ang mali at gumagabay sa atin. Napakahalaga ng role Niya sa buhay natin lalo na sa gitna ng pandemya.
Sa ating passage ngayon makikita natin ang pagkakaiba ng mayroong Banal na Espiritu sa buhay, at ng walang Banal na Espiritu na gumagabay.
BUNGA / HILIG NG LAMAN (Wala sa kanya ang Banal na Espiritu) - Work of the FLESH
1) pakikiapid, 2) kahalayan at 3) kalaswaan 4) pagsamba sa diyus-diyosan, 5) pangkukulam,
6) pagkapoot sa isa't isa, 7) pag-aaway-away, 8) pagseselos, 9) pagkakagalit 10) kasakiman,
11) pagkakampi-kampi 13) pagkakabaha-bahagi, 14) pagka-inggit, 15) paglalasing, 16) kalayawan,
at iba pang katulad nito (kumbaga, marami pang kamag-anak ito…)
(Magbigay kayo ng alam ninyong halimbawa o karanasan ng mga bagay na nabanggit)
BUNGA NG BANAL NA ESPIRITU – Work of the Spirit of God in us
1) pag-ibig, 2) kagalakan, 3) kapayapaan, 4) katiyagaan, 5) kabaitan, 6) kabutihan, 7) katapatan,
8) kahinahunan, 9) pagpipigil sa sarili.
Walang batas laban sa mga ito. (kahit kailan lagi itong tama!)
(Magbigay kayo ng alam ninyong halimbawa o karanasan ng mga bagay na nabanggit)
REFLECT: Pansin na pansin ba natin ang pagkakaiba? Paano ninyo ito nakikita?
Ang buhay na pinamumunuan ng Banal na Espiritu ay HINDI IBIG SABIHIN ay PERFECT NA. Dahil nandito pa tayo sa mundo, nasa laman pa, lumalaban ang ating laman sa gusto na ng ating espiritu (yung regenerated spirit).
Kaya pala sabi sa verse 17 (basahin) ng ating Scripture… laging IN CONFLICT sila – tila laging may giyera, laging kontra sa isa’t isa (‘gusto kong bumait pero hirap magawa’). Siyempre nga naman, kaya kahit mga Christians na ay may challenges pa rin.
Kailangan lang nating tandaan na:
1) Dapat nating ‘patayin’ o supilin ang gawa ng laman, ang lumang pagkatao at ang mga hilig nito. Dinaig na at dinadaig ito ng espiritu natin na matuwid na sa Dios
2) Dapat nating laging pagharian ng Espiritu ng Dios.
3) Dapat nating laging ikumpisal (ng ating bibig) na tayo ay anak na ng Dios at tayo ay matuwid na sa Kanyang harapan.
4) Dapat nating supilin at i-rebuke ang mga tukso sa ating paligid at ang sarili nating ‘worldly desires’ (naisin ng laman) sa pamamagitan ng kapangyarihang binibigay sa atin ng Banal na Espiritu at ng Salita ng Dios
5) Dapat nating sikaping makinig sa udyok ng Banal na Espiritu sa atin na gawi ang nararapat.
6) Dapat tayong humingi ng paglilinis agad-agad upang hindi ang dumi ng ating kasalanan ay hindi na maging ‘makapal na libag’ o ‘kalyo’ na mahirap nang tanggalin. Confess agad sa Dios at tanggapin ang Kanyang pagpapatawad.
REFLECT: Kumusta ang BUNGA NG BANAL NA ESPIRITU sa iyong buhay? NAMUMUTIKTIK BA? Aling bunga ang tila bubot pa? Alin ang tila binabato na dahil hinog na?
CONCLUSION:
Dalawang bagay:
1) Pasalamat tayo sa Dios na tayo ay may bagong relasyon sa Kanya. Patuloy tayong lumakad kasama ang Banal na Espiritu.
2) Huwag na huwag nating tingnan ang ating sarili na ‘mas banal’ kaysa sa iba…na tila sila ay napakasama at tayo lang ang pinakamabuti! No, no, no! Unawain natin ang mga taong ito ay walang relasyon sa Dios kaya ang lahat ng kamag-anak na kasalanan na nabanggit natin sa ating Scripture ay nagagawa ng mga taong ito ng may kalayaan.
Patuloy lang tayong manalangin na mas marami pa ang makakilala sa Panginoong Hesus.
7. Pananalangin
1) Sabay sabay na manalangin ng paghingi ng tawad sa Dios sa hindi pakikinig sa Banal na Epiritu kaya laging bumbagsak sa tukso. Patuloy na dumami, lumaki at lumusog ang ating mga bunga.
2) Mag-isip ng 3 tao na alam mong kailangan nila si Hesus sa kanilang buhay (barkada, kapamilya, kapitbahay...atbp.) – upang sila rin ay panahanan ng Banal na Espiritu
3) Ipanalangin ang mga taong ating natisod o natitisod dahil hindi tayo nakikitaan ng bunga ng Espiritu. Nawa’y makausap natin ang makahingi tayo ng tawad sa kanila kay Kristo.
4) Ipanalangin ang bawat department natin: ANG MGA BATA (FCM), ang mga kabataan (FT at FY), ang ating working group (FSY), ang mga mag-asawang bata-bata pa (FYC), ang mga adult na babae (UFW), at mga adult na lalaki (UFM), ang mga biyudo/biyuda at single parents (NACs) at mga super senior citizens (FAS) - na magbunga ang Banal na Espiritu sa kanilang buhay at pagpalain ang kanilang mga pamilya ng kalakasan, katalinuhan, probisyon at pag-iingat
5) Ipanalangin ang mga inaalagaang mga disciples – na sila ay magpatuloy sa paglakad kasama ng Banal na Espiritu
6) Anointing para sa mga worship services natin tuwing 9 am na live at 2pm and 6 pm na recorded- buksan ng Banal na Espiritu ang spiritual understanding ng lahat ng makaka-join dito.
7) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
8. Closing Prayer & Announcements
1) FACE TO FACE NA PO ANG ATING SERVICE. Second Sunday – Adult Men, Third Sunday – mga Teens, Youth, at Young Professionals, Fourth Sunday – Young Couples. Sign up na po! Bihira lang ito! Join na! https://bit.ly/mfgcphysicalservice
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments