Below is the material for our Family Prayer Cell on November 17, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
EACH OTHER (CARRY... RESTORE... DONT COMPARE)
November 17, 2021
Galatians 6:1-5 By: Ptr. Noolen Jebb Mayo
1. Introduction
Isa na namang linggo ang nakalipas at tunay na papalapit na ang pasko. Tila ba napakabilis talaga ng panahon upang patuloy na maranasan ang kabutihan at katapatan ng Diyos. Hindi Siya nagpapabaya sa atin, nagpapatuloy Siyang nagbibigay kagalingan at probisyon sa lahat ng pangangailangan at higit sa lahat ipinapakita Niya ang pagtugon sa lahat ng mga panalangin natin. Kaya’t tayo ay magpasalamat sa pamamagitan ng ating pag-aawitan.
2. Pambungad na Panalangin
Our Father in heaven, tunay Kang mabuti at matapat sa bawat araw ng aming buhay kayat pinapasalamatan Ka namin sa pag-ibig mo sa amin, Di mo kami pinabayaan sa buong linggong nagdaan bagkus inalagaan mo kami sa anomang sitwasyon na meron kami. Tinugon mo ang aming mga panalangin ayon sa Iyong kalooban at pinakita ang Iyong kapangyarihan. At sa oras na ito, idinudulog namin lahat ng aming gagawin na magbigay kaluwalhatian sa Iyo at pagkilos ng Iyong Banal na Espiritu lalo na sa Salita Mo na aming maririnig. Amen!
3. PaSalamat, Salamat
Malayang Pilipino
https://www.youtube.com/watch?v=6oUi3FnjF_U
Kung aking pagmamasdan ang kalawakan Hindi ko maunawaan Ang iyong dahilan kung bakit ako'y Pinili mo't inalagaan
'Di ko kayang isipin, ni hindi ko kayang sukatin Ang pag-ibig mo, Hesus ay iyong binigay sa akin
Chorus
Salamat, salamat, oh Hesus sa pag-ibig mo Walang ibang nagmahal sa akin ng katulad mo Salamat, salamat, oh Hesus sa pag-ibig mo Ako'y magsasaya sa piling mo, oh-oh
Kung aking pagmamasdan ang kalawakan Hindi ko maunawaan Ang iyong dahilan kung bakit ako'y Pinili mo't inalagaan
'Di ko kayang isipin, ni hindi ko kayang sukatin Ang pag-ibig mo, Hesus ay iyong binigay sa akin
Repeat Chorus 2X
4. Praise Report and Testimony
Ngayon naman ay pasalamatan natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga testimonies. Ano ang ginawang katapatan ng Diyos sa buhay mo nitong linggong nagdaan? At sa pamamagitan nito ay itataas mo ang Kanyang Pangalan sa pamamagitan nito.
5. Scripture Reading
Galatians 6:1 - 5 (NIV)
Brothers and sisters, if someone is caught in a sin, you who live by the Spirit should restore that person gently. But watch yourselves, or you also may be tempted. 2 Carry each other's burdens, and in this way you will fulfill the law of Christ. 3 If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves. 4 Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, 5 for each one should carry their own load.
Galacia 6:1 - 5 (MBBTAG)
Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad[a] ninyo ang kautusan ni Cristo. Kung inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili. Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng kanyang sariling dalahin.
6. Message
Noong nakaraang linggo, natutunan natin kung papaano natin ipamuhay ang Espiritu ng Diyos sa buhay natin sa pamamagitan ng ‘fruit of the Spirit’. At ngayong gabi naman ay matututunan natin kung papaano natin magamit ito sa pakikipag-kapwa o kaya naman maranasan ang kapangyarihan nito sa pamamagitan ng pagtrato sa iba lalo na ang mga kapwa Kristiyano.
Ang aklat na ito ay naisulat dahil may nagtuturo sa mga taga-Galatia patungkol sa ‘legalism’ kaysa sa biyaya na ibinigay na sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Hesus. At malalaman natin dito kung ano ang iba’t ibang sample ng legalism na binabanggit ko sa mga susunod na talata ng ating binasa.
Kaya’t ating namnamin ang Salita ng Diyos na ating pag-aaralan ngayon dahil malaking tulong ito upang maunawaan natin kung ano ang gagawin natin sa bawat sitwasyon na dumarating sa ating buhay lalo na sa relasyon natin sa mga tao.
RESTORE EACH OTHER (v. 1) – Binabanggit ni Pablo dito sa talatang ito na kahit na tayo ay Kristiyano, tayo ay posibleng magkasala at di nalalayong pede din tayo mahuli sa akto na gumagawa ng kasalanan. Sa kadahilanan na nahuhulog tayo sa mga deisres ng ating laman.
Kaya’t kailangan natin ang tulong ng ibang mananampalataya upang tayo ay MAITUWID. Ang salitang ‘restore’ ay nangangahulugan ng isang pag-aayos ng nasirang fish net o kaya naman pag-aayos ng nagibang bahay. Kailangan natin ng isa’t isa, lalo na ang mga Kristiyano upang tulungan tayong maisa-ayos ang ating buhay upang lumakad muli sa nais ng Banal na Espiritu
Dugtong nito ang sabi ay tulungang ma-restore at HUWAG HUSGAHAN. Nangangailangan dito upang tumulong ay namumuhayayon sa nais ng Banal na Espiritu upang magamit niya ang mga bunga nito tulad ng natutunan natin noong nakaraang linggo. Tandaan natin na tayo din mismo ay posibleng magkasala at mahuli din ng iba at nangangailangan din sa pagtutuwid ng ibang mananampalataya.
CARRY EACH OTHER’S BURDEN (v. 2 - 3) – Ang buhay Kristiyano ay hindi hayahay ngunit dumarating din sa buhay ng may pasanin o madalas ay puno ng mga problema. Ganun din ay may pagkakataon na hindi natin kayanin ang mga sitwasyon sa ating paligid. Kaya’t kailangan natin ang tulong ng isa’t-isa.
At tulad ng nabanggit kanina ay pasanin ng kasalanan. Higit natin kailangan ang tulong ng ibang Kristiyano upang maranasan muli ang pag-ibig ni Kristo. Tulungan tayong maka-alis sa kasalanan na ito at huwag pagtulungan upang ibaon pa ito sa kabigatan ng kaniyang sitwasyon.
Dumarating din tayo sa pasanin tungkol sa problemang relasyonal; kabigatan sa emosyon; pinansyal na pangangailangan; o kaya naman malubhang karamdaman. Maunawaan natin na kailangan natin ng tulong ng iba at huwag ng pairalin ang pride na kaya mo lahat ng bagay. At nananawagan din si Pablo na tulungan natin ang isa’t isa sa mga pagkakataon na ganito. Tutulong tayo gamit muli ang mga bunga ng Banal na Espiritu upang mailayo tayo sa pagmamayabang.
DONT COMPARE WITH EACH OTHER (vv 4 – 5) – Kung kanina ay tungkol sa ‘Carrying each other’s burden’, dahil sa kabigatan ng dinadala ng kapwa nating Kristiyano... ito naman ay may pagkakataon na para sa sariling responsibilidad o kaya obligasyon na di naman kailangang ibahagi sa iba.
Magbigay ito ng pang-unawa na huwag ikumpara ang sarili sa iba. Magbigay daan na mag-reflect tayo sa ating mga nagawa para sa kapwa tulad ng, ‘Ito ba ay may kabuluhan?’, ‘Nakita ba si Kristo sa buhay ko?
Katulad ng isang basketball team, may kanya-kanya tayong role na dapat gampanan. Magtulungan at huwag kaiingitan ang iba. Kung ano ang meron sa kanila; kung ano ang kakayanan nila; kung ano ang wala ka na meron sa iba at marami pang iba... Ngunit gampanan mo kung ano ang dapat mong responsibilidad o obligasyon ng may kasiyahan.
CONCLUSION:
Malaking bagay ang bunga ng Banal na Espiritu na mayroon tayo upang magampanan ang mga bagay na natutunan natin ngayon sa pakikipag-kapwa. Mas manaig na makita si Kristo sa buhay natin kaysa magyabang; gawin ang bagay ng may pagmamahal at hindi ito isang kabigatan; manatili ang pagpapakumbaba kaysa sa pagmamataas na ginawa mong tumulong sa iyong kapwa.
Patuloy tayong mamuhay bitbit ang bunga ng Banal na Espirtu upang magampanan natin ang ating tungkulin para sa mga kapwa natin at magawa din natin ang ating kanya-kanyang responsibilidad at obligasyon ng ayon kay Kristo.
7. Pananalangin
1) Let someone pray in general to pray for forgiveness – to have boldness in restoring someone caught in sin and also to check self-righteousness attitudes.
2) Pray for those in need and help carry their burdens:
i. Those with sicknesses – pray for healing & provisions of medical needs
ii. Those without work / job – pray for daily provisions & knowledge in seeking job
iii. Those with relational issues – pray for reconciliation & love for each other
iv. Those with emotional problems – pray for joy & forgiveness from hurt / pains
v. Those in need for financial / material needs – pray for provisions & wisdom in spending
3) Pray for the person at your right – to reflect on his / her life and not compare his / her life to others
8. Closing Prayer & Announcements
1) Physical service para sa mga FY at FSY ngayong Nov 21, 2021. Signup here: https://bit.ly/mfgcphysicalservice
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Komentar