Below is the material for our Family Prayer Cell on November 24, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
CONTINUE TO DO GOOD
November 24, 2021
Galatians 6:7-10 By: Ptr. Glo Oyco
1. Introduction
God is so good! Nasa last Wednesday na tayo ng November at next week ay ang masayang buwan ng Disyembre! Sadyang napakabilis ng panahon…tunay na napakabilis kaya’t let us continue to do good…do good to one another…do good to our living God sa pamamagitan ng pagiging matapat sa pagdalo sa ating FPC.
2. Pambungad na Panalangin
Abba Father, pinupuri Ka po namin at pinasasalamatan sa Iyong katapatan sa aming mga buhay. You are our good, good Father. Patuloy po Ninyong kilusin ang Banal na Espiritu sa aming mga buhay upang kami ay makalakad at makapamuhay sang-ayon sa Inyong mabuting kalooban. Patnubayan po Ninyo ang aming pagsasama-sama sa araw ng aming pananalangin Amen!
3. Pag-aawitan
NAPAKALIGAYA AT KAHANGA-HANGA Verse 1: Napakaligaya at kahanga-hanga Sa ating pagmasid Ang nagkakaaisa't laging sama-sama Na magkakapatid Kahit may problema at wala kang pera 'Di ba't laging masaya Ganyan nga ang buhay 'Pag naka'y Hesus Laging may galak sa tuwina... Verse 2: Napakaligaya at kahanga-hanga kung tayo'y nagbabatian 'Di nag-iinggitan at walang tampuhan, kundi nagmamahalan Kay sarap magpuri, kay sarap umawit sa Diyos nating Ama Tinipon Niya tayo na magkalapit upang magkasama-sama. | MINAMAHAL KITA Minamahal Kita Sinasamba Kita Sa aking buhay ay Ikaw ang nagbigay kahulugan Minamahal, sinasamba Kita Ating ihayag ang ating taos-pusong pagmamahal Sa Diyos na sa ati'y nagbigay buhay Minamahal Kita, Panginoon Minamahal Kita Sinasamba Kita Sa aking buhay ay Ikaw ang nagbigay kahulugan Minamahal, sinasamba Kita Minamahal Kita (Sinasamba) Sinasamba Kita (Sa aking buhay ay tanging Ikaw, oh, Diyos) Sa aking buhay ay Ikaw ang nagbigay kahulugan Minamahal, sinasamba Kita Sa aking buhay ay Ikaw ang nagbigay kahulugan Minamahal, sinasamba Kita (Sa aking buhay) Sa aking buhay ay Ikaw ang nagbigay kahulugan Minamahal, sinasamba...Kita |
4. Praise Report and Testimony
Ngayon naman ay pasalamatan natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga testimonies. Ano ang ginawang katapatan ng Diyos sa buhay mo nitong linggong nagdaan? Kung papano mo naisagawa ang pag-restore, carry each other’s burden na ating natutunan last week?
5. Scripture Reading
Galatians 6:7 - 10 (NIV)
7 Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows. 8 Whoever sows to please their flesh, from the flesh will reap destruction; whoever sows to please the Spirit, from the Spirit will reap eternal life. 9 Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up. 10 Therefore, as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.
Galacia 6:7 - 10 (MBBTAG)
7 Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10 Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
6. Message
Sa ating nakaraang FPC natutunan natin kung papaano natin magagamit ang fruit of the Spirit sa pakikipag-kapwa o kaya naman kung papaano maranasan ang kapangyarihan nito sa pamamagitan ng pagtrato sa iba lalo na sa mga kapwa Kristiyano. Natutunan din natin kung papano ang nararapat na gawin sa bawat sitwasyon na kailangang ng pag-restore (maituwid); tumulong na pasanin ang kabigatan ng bawat isa at ang sariling responsibilidad o obligasyon na di naman kailangang ibahagi sa iba.
Ngayong gabi ay patuloy tayong mag-aral sa aklat ng Galacia at sama sama nating alamin at matutunan ang prinsipyo na makakatulong sa ating pang-araw araw na pamumuhay, upang higit na makita sa atin ang bunga ng Banal na Espiritu bilang mananampalataya ana patuloy na gumagawa ng Iyong kabutihan. PRINCIPLE #1: THE LAW OF SOWING – REAPING “Kung ano ang itinanim ay siyang aaninihin.” (v.7b)
Ang sowing and reaping ay kadalasang ginagamit sa larangan ng agrikultura. Maaring naririnig mo na ang kasabihan na “Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin”. Sa totoo lang naman, ang isang magsasaka na magtatanim ng palay ay imposibleng mag-ani ng mais, o magtanim ng repolyo at aani ng pakwan, o magtanim ng talong at aani ng okra! Napakaimposibleng mangyari sa natural na kaparaanan.
Anu nga ba ang ibig sabihin ng prinsipyong ito na ang bawat kataga ay hango sa Salita ng Dios? Ang isang magsasaka ay pumipili ng mainam na binhi upang siguraduhin ang mainam na pag-ani. Samakatuwid, ay nangangailangan ng matalinong pagpili.
Ang bawat pagpili ay may ibubunga at ang bunga ay nakadepende sa kung ano ang itinanim. Ang mga pang araw-araw nating pamumuhay ay kakikitaan ng prinsipyo ng sowing: nagdevote ng time sa umaga sa pagkakaroon ng oras sa pagbabasa ng Salita ng Dios, that’s sowing. Ang bunga: ang iyong maghapon ay nagiging maayos, magkaroon man ng problema ito ay gumagaan, that’s reaping.
Kung pipiliin natin ang matalino, makadiyos na desisyon, maaasahan nating gagantimpalaan tayo ng Diyos para sa ating katapatan. Kung gagawa tayo ng di tamang pagpili na sang-ayon sa ating laman (flesh), maaari nating asahan ang mga negatibong ibubunga (Gal. 6:7-8). Sa madaling salita, aanihin mo ang iyong inihasik, higit pa sa iyong hasik, at kalaunan ay maghasik ka. Bagama't ang alituntunin ay gumagamit ng mga katagang agrikultural, angkop ito sa usaping espiritwal. Ang sabi ng isang quotation:
If we choose to lie – we become a liar
If we choose to steal – we become a thief
If we choose to be patient – we become a patient person
If we choose to do loving things – we become a loving person
- Ang prinsipyong ito ay hindi mababago; ang pinipili mong itanim ang iyong aanihin at ito ay angkop sa lahat: Kristyano o di-Kristyano.
PRINCIPLE #2: YOU CANNOT MOCK THE JUSTICE OF GOD New Living Translation - 7 Don’t be misled—you cannot mock the justice of God. You will always harvest what you plant.
Dito natin nakikita ang alituntunin at kung bakit hindi kutyain ang justice ng Diyos. Sa positibong panig kung maghahasik kayo ng Espiritu, kung hahangarin ninyong sundin ang sinabi ng Diyos, kung gagawin natin ang pagpili ng patungo sa kalooban ng Panginoon, sundin at igalang Siya sa lahat ng ginagawa natin; aanihin natin ang buhay na may pagpapala. Ang Diyos ay hindi maaring kutyain (mocked) Ang paghahasik (pagtataaanim ng kabutihan) upang malugod ang Diyos ay naghahatid ng gantimpala. Wala itong kinalaman sa nadarama ninyong mangyayari dahil ito ang itinakda ng Diyos:
You will always harvest what you plant. Pinagpapala ng Diyos ang naghasik lalo na kung ang inihasik sa kabutihan.
“If you don’t like what you are reaping (harvesting), you had better change what you have been sowing” May isang couple na very loving sa una, ikalawa, ikatatlong taon ng kanilang kasal. Makalipas ang apat – limang taon, unti unting nagbago ang kanilang samahan. Nagkaroon ng anak at ang misis na palaging maayos, mabango at masayahin ay naging losyang, ni hindi makapag-ayos ng sarili dahil sa pag-aalaga sa mga anak at mga gawaing bahay. Kapag darating si Mister ay aligaga at may halong pagkainis na ang dating malambing na pagbati kay Mister. Napapagod na kasi. In short, naging nagger na si Misis. Si Mister naman ay dumating ang pagkakataon na nawawalan ng amor sa kanyang asawa. Ang dating loving na kanilang pagsasama ay napalitan ng unti-unting pagtatalo at sigalutan na magkaminsan ay humahantong sa pisikal na away. Bagama’t may panahon ng sigalutan ay mahal nila ang isa’t isa at sila ay nag-usap. Sa kanilang pag-uusap ay dun nila napansin ang bawat ginagawa nila ay hindi na nagiging mabuti sa isa’t isa dahil sa kaunting mga bagay, sila ay nagkakasakitan. Ipinasya nilang mag-usap at balikan ang ang magagandang bagay na kanilang ginagawa sa isa’t isa at muli itong natural sa kanilang pagsasama – ang pagbibigay ng mapagmahal na relasyon sa isa’t isa at ang paghingi ng karamtang sorry sa bawat kamaliang nagagawa at paghahandog ng kanilang buhay may asawa at relasyon sa Panginoon. Resulta: mas matibay at magandang relasyon
PRINCIPLE #3: TAKE EVERY OPPORTUNITY TO DO GOOD 3.a To all people 3.b To the family of believers.
Ang sabi ni Apostol Pablo, dapat tayong gumawa ng mabuti kapag may pagkakataon tayo. Hindi tayo naligtas sa paggawa ng mabuti, ngunit naligtas tayong gumawa ng mabuti! Kapag nagkaroon tayo ng pagkakataon at binigyan tayo ng Diyos ng lahat ng pagkakataong gumawa ng Mabuti, gawin natin ito. Patuloy nating ipanalangin kung paano nais ng Panginoon na magbukas ng mga bagong pagkakataon para sa atin na gumawa ng mabuti. At ang kabutihang iyan ay dapat magsimula sa mga pinakamalapit sa atin – ang ating mga kapatid kay Cristo o sa sambahayan ng mga mananampalataya at sa lahat ng tao na ibibigay sa atin ng ating Panginoon upang gawan natin ng kabutihan.
Reflection: Magbigay ng mga munting bagay na iyong ginagawa upang sa bawat opportunity ay makapagbigay ng kabutihan sa iyong pamilya at sa iyong kasama sa sambahayan ng mananampalataya
REWARD for DOING GOOD:
Gagantimpalaan sila ng Diyos (Gal. 6:9).
Nangungusap ang Espiritu sa ating puso nang may pananampalataya at nagsasabing, maghasik ng mabuti at hindi napapagod, sapagkat sa tamang panahon ay aani kayo kung hindi kayo susuko. Kung ikaw ay naghasik ngunit hindi mo pa nakikita ang pag-aani, hindi pa ito takdang panahon. Panatilihin ang paghasik. Huwag mapagod o huminto sa paggawa ng mabuti at huwag sumuko – maaaring may pagkaantala, ngunit aani sa takdang panahon. Katulad ng magsasaka na naghihintay ng tamang panahon ng pag-ani, gayundin naman patuloy tayong maghintay sa tamang panahon ng pag-ani sa mga kabutihan na ginawa ng hayagan o lihim man sa iba.
CONCLUSION:
Tandaan na ang Salita ng Dios ay nagbibigay sa atin ng pag-asa sa mga nakalipas na mga binhing pinagsisihan natin (sowing of not good seeds) na maaring nagbigay ng kalungkutan sa iba. Lahat tayo ay maaring nakapaghasik ng binhi sang-ayon sa laman at ang lesson na natutunan natin sang-ayon sa Galacia 6:7-10 ay magbigay nawa sa atin ng patuloy na paalala na tayo ay mamuhay sang-ayon sa bunga ng Banal ng Espiritu upang ang bawat binhi (kabutihan) na ating itatanim sa puso at buhay ng bawat tao ay magbigay ng mabuting bunga sa ating mga buhay.
7. Pananalangin
1) Pray individually – the Lord will reveal all those people na nasaktan mo or nasaktan ka dahil sa hindi magagandang seeds na naitanim sa isa’t isa.
2) Pray for those who people need to be sown good seeds that the fruit of the Holy Spirit manifest
3) Pray for the church activities: Church Anniversary – December 3 via Zoom 3.1 Pray for the program (and the people who are working behind) 3.2 Pray for good internet connection 3.3 Pray for willingness and that each member will prioritize it in their schedule
4) Pray for this coming December Christmas programs per department
5) Pray for more members to commit in the ministry
6) Pray for the person on your right and on your left (prophetic praying)
8. Closing Prayer & Announcements
Physical service para sa mga FYC ngayong Nov 28, 2021
Our ANNIVERSARY celebration -- on DECEMBER 3 (FRIDAY)!
CHRISTMAS fellowships per department this December
Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments