top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 46 - Iisa Lang

Below is the material for our Family Prayer Cell on December 01, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





IISA LANG

December 01, 2021

Ephesians 4:1-6 By: Rev. Kay Oyco-Carolino


 

1. Introduction


JESUS REIGNS! JESUS REIGNS! JESUS REIGNS! Ang ibig sabihin nitong katagang ito ay:

SI HESUS ANG NAGHAHARI! SI HESUS ANG NAGHAHARI! Si Hesus ---- ang pangalan Niya, ang kapangyarihan Niya, at ang kaharian Niya ang nananaig at mananaig! Isang pangalan lamang, at iyon ang pangalan ng Anak ng Dios - HESUS, JESUS!


2. Pag-aawitan



Ikaw ang Tunay na Diyos


Pupurihin ka O Diyos

Ang aming alay ay pagsamba

Kaluwalhatian buong karangalan

Kapangyarihan Mo'y walang katulad



Koro:

Ikaw ang tunay na Diyos

Ika'y walang katulad

Ika'y nag-iisa

Ikaw lamang wala nang iba

Sa'yo ang aming awit

Dinggin ang aming tinig

Isisigaw sa buong mundo

Kadakilaan mo


3. Praise Report and Testimony


Ano ang mga naibigay ng Dios sa iyong buhay ngayong nakaraang linggo? Maaari mo bang i-share sa amin. Makigalak tayong nakakarinig. After every testimony, sabihin natin “Praise the Lord!” o kaya “ God is good!’ o kaya . “Glory to God!” o kaya “Hallelujah”, atbp. Ang ibig sabihin ng pagsagot nang ganito ay nakikigalak tayo sa kagalakan ng iba at sama-sama nating pinupuri ang Dios.


4. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Father, we come to you with humble hearts. You are Lord of lords and King of kings. Wala pong makahihigit sa Iyo. Ikaw po ay nag-iisang Dios! Totoo ang Iyong Salita at nananalig kami na tinutupad Mo ang Iyong mga pangako para sa Iyong mga anak. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami. Tulungan po Ninyo kami sa aming pananalangin. Banal na Espiritu, Kayo po ang gumabay sa aming mapag-uusapan at sa aming idadalangin. Sa pangalan ni Hesus. Amen.


5. Scripture Reading


1Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa. 3Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo. 4May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. 5Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.


As a prisoner of the Lord, I beg you to live in a way that is worthy of the people God has chosen to be his own. 2 Always be humble and gentle. Patiently put up with each other and love each other. 3 Try your best to let God’s Spirit keep your hearts united. Do this by living at peace. 4 All of you are part of the same body. There is only one Spirit of God, just as you were given one hope when you were chosen to be God’s people. 5 We have only one Lord, one faith, and one baptism. 6 There is one God who is the Father of all people. Not only is God above all others, but he works by using all of us, and he lives in all of us. (CEV)


6. Message


Si Apostol Pablo uli ang nagsulat nitong letter na ito sa mga taga Efeso habang siya ay nakakulong sa Roma. Kinulong siya dahil sa pangangaral niya ng Salita ng Dios. Kahit na nasa ganito siyang kalagayan, ang iniisip pa rin niya ay paano magkaisa ang mga Ephesian Christians. Nakikiusap talaga siya sa mga ito para hindi mabalewala ang kanilang pananampalataya. Ibig niyang makita na ang Christians ay mabuhay ayon sa pagkatawag sa kanila para hindi naman mapahiya ang pangalan ng Dios na nagligtas sa kanila mula sa kasalanan.


Ito ang mga instructions niya:


Vs. 2 MAGING MAPAGKUMBABA – humility is ‘lowliness of human pride’ – Mahirap itong gawin dahil likas sa tao ang ma-pride. Kahit Christians ay dito nasusubok. Pero kapag natutunan natin na ‘lunukin ang ating pride, maraming bagay ang mabilis na naaayos. Kapag na-offend o nasaktan, mabilis na nakakapagpatawad. Kapag naka-offend, mabilis agad na humingi ng tawad. Kapag alam agad na may nasaktan….kapamilya, kaibigan, kapatiran, atbp., mabilis agad nagso-sorry at hindi na nangangatuwiran. Kaya bati agad. Balik-saya agad.


May kakilala ka bang mapagkumbaba? Ikaw ba ito?


Vs. 2 MAGING MAHINAHON – gentleness is mildness – not rough, not rude, not unruly. Hindi palaban, hindi palaaway. Lalo na kapag iba’t ibang issues ang pinag-uusapan, ang tendency ay maging palaban. Ang bawat isa ay gustong ipaglaban ang kanyang pananaw at walang nagpapaubaya. Kaya napupunta mainit na diskusyon, mainit na usapan, hanggang magkapikunan at magkagalit. Kapay hinimay mo ang dahilan ng pag-aaway, ay napakababaw lang. Kung may naging bastos o palaban.pero kung may isang mahinahon, ang malamang na magigiing response ay magiging mahinahon na rin. Tama ba? Na-o-observe inyo ba ito?


May kakilala ba kayong mahinahon? Ikaw ba ito?


Vs. 2 MAGING MATIYAGA – patience is the act of being long-tempered; long-suffering – waiting long. Hindi naiinip. Hindi basta basta gumigive up kahit minsan ay nahihirapan. Hindi agad sumusuko. Ang isang Christian ay matiyaga – gagawin muna ang lahat; sisikaping magawa ang kayang gawin at hindi basta mawawalan ng pag-asa. Kapag may mga relasyong napupunta sa hindi maganda, hindi basta nag-aalsa-balutan o nag-wa-walkout.. Matiyagang hahanapan ng solusyon. Kapag may mga problema sa iba’t ibang aspeto ng buhay, patuloy na gagawan ng maayos na paraaan upang maplantsa ang mga gusot.


May kakilala ka bang ganito? Ikaw ba ito?


Kaya patuloy ang pakiusap ni Pablo na magmahalan sila at mag-adjust sa isa’t isa. Isipin na ang Banal na Espiritu ang nakakapag-ugnay sa mga Christians para maging mapayapa. IISA LANG ANG DAHILAN:


Nang tayo ay naging mananampalataya, pinagbuklod tayo:


SA IISANG KATAWAN (the Body of Christ, and He is the Head)

NG IISANG ESPIRITU (the Spirit of God who lives in each of us)

NA MAY ISSANG PAG-ASA (our ONLY HOPE in JESUS)

NA MAY IISANG PANGINOON (there is only ONE LORD)

MAY IISANG PANANAMAPALATAYA (saving faith in what the Jesus has done on the cross)

NA BINAUTISMUHAN (being baptized into the family of God through believing in Jesus)

SA IISANG DIOS (there is no other ‘god)

IISANG AMA (there is no other HEAVENLY FATHER but the INVISIBLE GOD that we know)


KItang-kita na natin na wala nang iba pa!!!!


CONCLUSION:


Iwasan na natin na magsakitan, at magbigayan ng problema sa isa’t isa. Pare-pareho tayong nasasaktan at masasaktan. Si Pablo nakakulong pero ang naiisip niya na magkaisa ang lahat para nga hindi mapahiya ang pangalan ng Panginoong Hesus. Tayo ay malayang-malaya pero hindi natin iniisip na tayo pa ang kinikitaan ng hindi pagkakaisa. Sabi sa last verse, nabubuhay Siya sa atin kaya tiyaking natin na Siya ay mabigyan natin ng kaluguran sa lahat ng ating mga ginagawa.


Reflection: Ramdam mo ba na KAISA mo ang mga ibang Christians?


7. Pananalangin


1) Ipagpray ang nasa kaliwa na lagi niyang maisip na MAKIPAGKAISA kasi IISA lang tayo.

2) Magisip ng 2 tao na medyo hindi kabati. Ipagpray. Gumawa ng action para mag-ayos.

3) Pray for our country – lalo na ang mga Christian voters na mAGKAISA, hind isa iboboto, kungdi sundin ang mga prinsipyo ng Dios sa pagboto at maging mahinahon sa isa’t isa.

4) 53RD ANNIVERZOOMRY ng JCLAM sa Dec, 3, 6:30 pm. Gabayan ng Dios ang nangangasiwa.

5) Wisdom and strength for the pastors.

6) Harvest of Blessings this Christmas season (and after) for each family.

7) Covering from more viruses. Healing for the sick.

8) Other urgent personal requests


8. Closing Prayer & Announcements


1) FACE TO FACE NA PO ANG ATING SERVICE. First Sunday – UFW; Second Sunday – Adult Men, Third Sunday – mga Teens, Youth, at Young Professionals, Fourth Sunday – Young Couples. Sign up na po! Bihira lang ito! Join na kasi may CHRISTMAS FELLOWSHIP po kayo pagkatapos. Free food and raffle. VACCINATED po nawa.

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



181 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page