Below is the material for our Family Prayer Cell on December 08, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
ERRATUM: EPHESIANS 4 not EPHESIANS 5.
CHILDREN OF LIGHT
December 08, 2021
Ephesians 4:21-32 By: Rev. Kay Oyco-Carolino
1. Introduction
Salamat sa Dios sa HOLIDAY ngayong araw na ito dahil may panahong makapagpahinga at magkaroon ng Prayer Cell nang walang masyadong iniisip. Ngunit, nawa ay naiintindihan natin na ang dahilan ng holiday na ito ay hindi na natin ipinagdidiwang. Kung paanong hindi natin pinagdidiinan na December 25 ang kapanganakan ni HesuKristo, mas lalong hindi natin pinagdidiwang ang kapanganakan ni Maria. Hindi kasi siya Dios. Alam natin ang halaga na ginamit si Maria sa kapanganakan ni Hesus ngunit, katulad ni Maria, sinasamba natin ang tunay na Dios na hindi natin nakikita. Siya rin ay taong katulad natin.
2. Pag-aawitan
It’s a great day to praise the Lord (3x) Walking in the Light of God
Walk, walk, walk, walk in the Light (3x) Walking in the Light of God
(serve, love, thank)
You are holy, holy
Lord there is none, like You
You are holy, holy
Glory to You alone
I sing Your praises forever
Deeper in love with You
Here in Your courts
Where I'm close to Your throne
I've found where I belong
3. Praise Report and Testimony
Nabanggit last Sunday na ang mga toang nasa Liwanag na ay mga anak ng Dios na nakakaranas ng Grace upon Grace. Hindi lang basta nniligtas mula sa kadiliman at kamatayan kungdi, natitikman ang kabutihan ng Dios sa pang-araw araw na buhay. Maari ka bang mag-share ng blessing after blessing sa iyo ng Dios nitong nakaraang linggo?
4. Pambungad na Panalangin
(Manalangin with HANDS RAISED)
Ama naming Dios, kami po ay nagpapasalamat sa buhay na iyong ibinigay ---- buhay na nagliwanag dahil sa Liwanag ng Inyong ipinakita sa amin sa pamamagitan ng Inyong Salita. Nawa’y magpatuloy po kami sa Inyong Liwanag upang hindi na po kami maligaw ng landas. Nawa’y hindi ka masilaw ng liwanag ng kayamanan ng mundong ito, hindi ka mabulagan ng katanyagan at sariling kagandahan at kaguwapuhan…..kungdi makita naming patuloy ang ningning ng Inyong kabanalan. Tulungan po Ninyo kami sa aming pananalangin, Banal na Espiritu. Sa pangalan ni Hesus, Amen!
5. Scripture Reading
Ephesians 4:21-32
21Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya.
22Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa.
23Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip;
24at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
26Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.
27Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
28Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.
29Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.
30At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw.
31Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.
32Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
6. Message
Malinaw na malinaw sa ating binasang Bible passage na iba na talaga ang nabubuhay sa Liwanag ng Dios. May mga bilin ang Dios sa pamamagitan ni Apostol Pablo tungkol sa mga dapat na gawi ng mga anak ng Dios na nasa Kaliwanagan na…mga Christians na, mga born again na. Isa-isahin natin:
Mga DO NOTs to be replaced by the DOs:
1) Do not lie. Huwag nag-iimbento ng kuwento para makalusot lang sa isang bagay na ikapapahiya.
Instead, TELL THE TRUTH! Hindi na baleng masaktan kaysa magsinungaling. – vs. 25
2) Do not let your anger make you sin. Puede palang magalit nang hindi nagkakasala. At puede rin palang makapagpatawaran agad-agad na hindi na kailangang ipagpabukas. BE ANGRY AND SIN NOT. – vs. 26
3) Do not give the Devil a foothold. Huwag nating bigyan siya ng pagkakataon na makakilos sa ating buhay. Instead. REBUKE HIM and all his plans and schemes. – vs. 27
4) Do not steal. Huwag nang magnakaw, kahit man lang mangupit. Hindi na ito gawain ng mga anak ng Dios. Kahit sabihin pa nating kamag-anak naman natin. Pagnanakaw pa rin ang gayon. Instead, MAGTRABAHO NA NANG MARANGAL. – vs. 28
5) Do not speak foul words. Huwag magsalita nang hindi makakabuti sa ating kausap. Bagkus, SPEAK in a way that is SEASONED WITH GRACE. Di ba kapag may seasoning ang pagkain, masarap ito.
Gayundin sa pananalita….maraming bumabagsak na Christian dito --- Minsan mapait, bastos, masama, at hindi angkop ang mga salita. Hindi match sa pagiging born again. Instead, WHEN WE SPEAK, IT SHOULD BENEFIT THE HEARERS – vs. 29
6) Do not slander (manirang-puri), do not be bitter and full of hatred (puno ng pait at poot), huwag maging palaban, palaaway sa pamamagitan ng pambubuyaw, pananakit, panlalait. Hindi na ito dapat nakikita sa mga children of Light kungdi, binabantayan na nila ang kanilang sarili. GUARD OUR LIPS. – vs. 31
CONCLUSION:
Paulit-ulit na binabanggit ang mga ganitong gawi at ugali ng mga nasa Liwanag na – may relasyon na kay Kristo – dahil ganyan kasi ang ugali ni Hesus. Siya ay mabait,mahabagin, nagpapatawad --- kaya dapat tayo rin ay ganoon kasi nga inaasahan tayong maging kawangis Niya.
Vs. 30 - Kapag nagtutuluy-tuloy ang ganitong masasamang gawi, nalulungkot at nasasaktan ang Banal na Espiritu na nasa atin na. Kaya ang instruction sa atin ay:
Vs. 22-
Iwanan na ang dating pamumuhay.
Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa.
Isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip;
REFLECT: Saan sa mga nabanggit na Do Nots ang nagagawa mo pa rin na alam mong need mabago? Walang pagbabago kung walang pagsisisi. Walang pagsisisi kung walang pag-amin.Walang pag-amin kung hindi magpapakumbaba.
7. Pananalangin
1) Sabay sabay na manalangin ng paghingi ng tawad sa Dios sa maraming nasasaktan dahil sa ating pamumuhay, pag-iisip at pananalitang walang grace..
2) Ipanalangin ang bawat department natin: ANG MGA BATA (FCM), ang mga kabataan (FT at FY), ang ating working group (FSY) ang mga mag-asawang bata-bata pa (FYC) ang mga adult na babae (UFW) at mga adult na lalaki (UFM) ang mga biyudo/biyuda at single parents (NACs) at mga super senior citizens (FAS) - na patuloy na magningning ng Likwanag ni Kristo upang mas marami ang maging children of Light. Ma-reach out nawa ang mga bagong tao sa departments.
3) Ipanalangin ang mga inaalagaang mga disciples – na sila ay magpatuloy sa paglakad kasama ng Banal na Espiritu. Ipanalangin rin ang mga disciple-makers na ma-encourage silang magpatuloy.
4) Anointing para sa mga worship services natin tuwing 9 am na live at 2pm and 6 pm na recorded.- buksan ng Banal na Espiritu ang spiritual understanding ng lahat ng makakajoin dito.
5) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
8. Closing Prayer & Announcements
1) MASS WEDDING – kung gusto pong sumabay ngayong DIsyembre, makipagugnayan sa pastors.
2) FACE TO FACE NA PO ANG ATING SERVICE at Christmas Fellowship pagkatapos.
Second Sunday – Adult Men, Third Sunday – mga Teens, Youth, at Young Professionals,
Fourth Sunday – Young Couples. Sign up na po! Bihira lang ito! Join na!
3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
4) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
5) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments