Below is the material for our Family Prayer Cell on December 15, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
MAGANDANG BALITA
December 15 2021
I THESSALONIANS 1:2-10 By: Rev. Kay Oyco-Carolino
1. Introduction
Patuloy nawa po tayong nagniningning! Sa kabila nga ting pagkukulang, sa kabila ng ating pagtingin na tayo ay walang kuwentang tao, sa kabila ng ating pagdududa, sinasabi ng Dios sa Kanyang Salita na si HESUS ay LIWANAG na pinapakita at pinapakilala Niya sa lahat. Kailangan lang na kilalanin natin Siya nang may pagpapakumbaba at kumpletong pagsuko.
Dahil diyan, ay awitan natin Siya nang may pasasalamat at tunay na pagpupuri mula sa ating puso na sasambitin ng ating mga labi at pakikilusin at ang ating mga kamay.
2. Pambungad na Panalangin
(Manalangin with HANDS RAISED)
Pinupuri ka namain O dios at pinasasalamatan dahil nakapagtipon na naman kami para sa Family Prayer Cell. Malayang-malaya pa po naming nagagawa ang bagay na ito kaya.. salamat po sa bansang Pilipinas na hindi nagbabawal sa ganitong bagay. Nawa’y huwag naming sayangin ang libreng pagkakataon na ito upang maidulog naming ang aming pangangailangan sa Inyo. Hindi na po naming hihintayin na nakadapa na kami bago namin Kayo lapitan. Nakikita mo ang lahat Panginoon. Itama Ninyo nga po ang motive ngayon. Anoin our prayers this day. IN Jesus’ name!
3. Pag-aawitan
Thy lovingkindness (thy lovingkindness) Is better than life (is better than life) Thy lovingkindness (thy lovingkindness) Is better than life (is better than life) My lips shall praise thee (my lips shall praise thee) Thus will I bless thee (thus will I bless thee) I will lift up my hands unto Thy name I lift my hands up unto Thy name I lift my hands up unto Thy name My lips shall praise thee, thus will I bless Thee I will lift up my hands unto Thy name
I Will Bless Thee, O Lord, I Will Bless Thee, O Lord; With A Heart Of Thanksgiving, I Will Bless Thee, O Lord.
With My Hands Lifted Up
And My Mouth Filled With Praise;
With A Heart Of Thanksgiving,
I Will Bless Thee, O Lord.
4. Praise Report and Testimony
Katulad po ng ating inawit, My lips shall praise Thee…..My mouth filled with praise…. Ibig sabihin, hindi puedeng sa puso lang ang pasasalamat. Galing sa pusong may pasasalamat, lalabas ito nang natural sa ating bibig. Kung pinipilit pa tayo upang magpasalamat, kailangan nating tingnan ang laman ng ating puso…baka hindi na nito nakikita ang ginagawa ng Dios sa ating buhay. Baka hindi na tayo nagiging grateful kahit sa maliliit na bagay, o mga ginagawa Niya sa nook and cranny ng ating buhay,
Hindi naman sinsabing mahaba at maganda ang ang mga pangungusap natin, kungdi, simpleng pasasalamat at dahilan kung bakit ka nagpapasalamat. Matutuwa ang Dios na Siya ang naitataas!
5. Scripture Reading
I Thessalonians 1:2-10
2 Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.3 Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa dahil sa inyong pananampalataya, ang inyong pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.4 Mga kapatid, nalalaman namin na kayo'y pinili ng Diyos na nagmamahal sa inyo.5 Sapagkat ang Magandang Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin alang-alang sa inyo.6 Sinundan ninyo ang aming halimbawa at ang halimbawa ng Panginoon. Kahit dumanas kayo ng napakaraming paghihirap, tinanggap ninyo ang salita ng Diyos nang may kagalakang mula sa Espiritu Santo.7 Kaya't naging huwaran kayo ng mga mananampalataya sa Macedonia at Acaya,8 sapagkat hindi lamang ang salita ng Panginoon ang lumaganap sa Macedonia at Acaya sa pamamagitan ninyo. Ang inyong pananampalataya sa Diyos ay nabalita rin sa lahat ng dako, kaya't hindi na kailangang magsalita pa kami tungkol dito.9 Ang mga tagaroon na rin ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsasabi kung paano ninyo tinalikuran ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos,10 at maghintay sa pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit. Ito'y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos
6. Message
Si Apostol Pablo uli ang nagsulat nitong letter na ito sa mga taga Tesalonica nang marinig niya ang mabuting balita galing sa mga sambahan doon. Naudlot kasi dato ang journey niya dito kasi nagkaroon ng mga riot. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang nakarating kay Pablo na mga balita tungkol sa mga Christians sa lugar na ito ay very encouraging. Kaya ganito na lang ang pakiramdam at ginagawa ni Pablo at ang kanyang mga kamanggagawa:
Vs. 2 Nagpapasalamat sa Dios dahil sa kanila
Vs. 3 Inaalala sila
Vs. 2 ipinapanalangin sila
Vs. 5 Ipinahahayag ang Mabuting Balita sa kanila sa tulong ng Banal na Espiritu
Vs. 5 Namuhay nang marangal bilang ehemplo sa kanila
Bakit ganito na lamang ang damdamin ni Pablo at ng kanyang mga kasama:
Nasa Vs. 3 inyong gawa dahil sa inyong pananampalataya, ang inyong pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
ü gawa dahil sa inyong pananampalataya (work produced by faith)
ü pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig (labor prompted by love)
ü pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo (endurance inspired by hope)
Kumpleto ang journey na ito: Simula, gitna, huli!
Nakakatuwa talaga na makita ang mga Christians sa Tesalonica na sa pananalig nila kay Kristo ay nagbunga ito ng mabubuting gawa… at sila ay naglilingkod at nagpapagal hindi dahil sa pera, hindi para sumikat kungdi sa udyok ng pagibig. At kahit dumadaan sa kahirapan at mga pagsubok, buhay na buhay ang kanilang pag-asa sa panghinaharap – anuman ang mangyari, buo ang kanilang tiwala kay Hesus. Past, present and future – good news!
Paano naging kapansin-pansin ang mga bagay na ito?
Vs. 6 sinundan nila ang halimbawa ng mga nagturo sa kanila, lalo na ang halimbawa ni Hesus! (HINDI SILA BLIND FOLLOWER, KUNGDI FOLLOWING THE TRUE LIGHT!)
Vs. 6 tinanggap nila ang Salita ng Dios nang may kagalakan na galing sa Banal na Espiritu! (KAHIT HIRAP, MAY GALAK PA RIN SILA HINDI DAHIL SA KUNG ANONG DAHILAN KUNGDI DAHIL SA SALITA NG DIOS!)
Vs. 7-8 naging huwaran sila sa mga karatig na bansa kahit hindi na sila magsalita! (NOT NOTORIOUS FOR EVIL DEEDS PERO GINAYA SILA DAHIL SILA AY NAGING MABUTI..EVEN IF THEY DON’T SPEAK! THEIR TRANSFORMATION WAS SO EVIDENT!)
Vs. 9 ang ibang tao na ang nagkukuwento kung ano ang nangyaring pagbabago sa kanilang buhay: ang pagtalikod sa mga dios-diosan upang sambahin at paglingkuran ang tunay na BUHAY na DIOS! (THE CHANGED LIFE SPOKE FOR THEM! KITANG-KITA ANG PAGBABAGO!!
CONCLUSION:
Hanggang sa huli, naghihintay sila nang may pag-asa sa pagbabalik ni Hesus! Siya ang maghaharimagpakailanman! Si Hesus ay ang Kaligtasan laban sa poot ng Dios sa makasalanang sanlibutan! Purihin ang Dios!
Reflection: Anong nakita mo sa mga taga-Tesalonica na nagbigay ng inspirasyon sa iyo?
7. Pananalangin
1) Ipagpray ang nasa kanan na sundin ang halimbawa ni Hesus, o kaya ay halimbawa ng mga taga-Tesalonica, o kaya naman ay sundin ang halimbawa ng taga-JCLAM na nagdadala at nagpapakita lagi ng Mabuting Balita.
2) Ipagpray ang dalawang tao na nais mong sumunod nang mas malalim sa Panginoong Hesus! Imagine the joy that you will have when this is answered!
3) Pray for our country – lalo na ang mga Christian voters na MAGKAISA, hind isa iboboto, kungdi sundin ang mga prinsipyo ng Dios sa pagboto at maging mahinahon sa isa’t isa.
4) Wisdom and strength and boldness for the pastors/preachers.
5) Sunday services natin. Samahan tayo lagi ng Dios! No virus!
6) Maging tapat sa tithes and pledges, at maging mabuting katiwala ng mga suweldo at bonus.
7) Mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa: One person, two countries where you have relatives. Mention their names and their needs.
8) Other urgent personal requests
8. Closing Prayer & Announcements
1) FACE TO FACE NA PO ANG ATING SERVICE. Third Sunday – mga Teens, Youth, at Young Professionals, Fourth Sunday – Young Couples. Sign up na po! Bihira lang ito! Join na kasi may CHRISTMAS FELLOLWSHIP po kayo pagkatapos. Free food and raffle. VACCINATED po nawa.
2) No children’s church on SUNDAY pero meron po silang CHRISTMAS PARTY via Zoom on Saturday @ 10 am. See our FB page for details.
3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
4) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
5) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments