top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 5 - Joy Completed

Below is the material for our Family Prayer Cell on February 3, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


Joy Completed

February 3, 2021

John 3:22-36

By: Ptra. Kay Oyco-Carolino

 

1. Picture Taking


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes.


2. Pagbati


Ang bilis talaga ng panahon! Biruin ninyo, tapos na agad ang January. Sa totoong buhay, hindi naman talaga ito tumatakbo sa ia’t ibang speed pero pakiramdam talaga natin ang bilis…mag-iisang taon na ang pandemya! Pero sa buong panahon, hindi tayo pinagkukulang ng Dios, di ba?


Kapag tila nakakaranas na tayo ng panlulumo, may gagawin ang Dios na situwasyon upang bigyan NIya tayo ng kasiyahan. Sadyang kay buti ng ating Panginoon!


3. Pag-aawitan


SONG #1:

D A

Si Hesus ang lahat sa buhay kaya may saya.

Em A D (A7)

Si Hesus ang lahat sa buhay kaya may saya

D D7 G Gm

Problema’y dumarating, ito’y Kanyang lulutasin

D A D

Si Hesus ang lahat sa buhay kaya may saya.


(replace ‘saya’ with galak and with tuwa)

SONG #2:

D F#m G A

Pag-ibig Mo ay hindi nagmamaliw,

D F#m G A

Ang awa Mo ay walang kapantay

D7 G A F#m Bm

Ito’y laging sariwa sa bawat umaga

G A D Am D G A D

Katapatan Mo’y dakila, tapat Ka’t dakila


4. Opening Prayer

.

5. Scripture


John 3: 22-36 (PLEASE OPEN YOUR BIBLE AND READ.)


6. Mensahe


Kung mapapansin ninyo (sa matagal nang gumagawa ng FPC), tapos na tayo sa Aklat ng Luke. Kaya tuluy-tuloy tayo sa aklat ng John. Before we know it, matatapos natin ang buong New Testament. Magpatuloy lang tayo upang lumalim sa Salita ng Dios upang maging handa sa mga darating na pagsubok.


Ang ating binasang passage sa Bible ay tungkol muli kay Juan Bautista. Ngunit sa panahong ito ay may tanongsa kanya ang kanyang naging disciples. Sa verse 26, may observation ila tungkol sa kasama niyang si Hesus. Ang tanong ay tila ganito: Rabbi, yung kasama ninyo dun sa Jordan na ibinibida ninyo sa amin --- nagbabautismo rin Siya (tulad ni Juan Bautista) at lath sila ay nagsusunuran sa Kanya. Marahil, nagtataka sila kasi noong una si Juan ang nagbabautismo nung wala pa si Hesus at kay Juan sumusunod ang mga tao. Ngunit nang dumating na si Hesus, tila naglipatan sila sa Kanya.


Ngunit malinaw na malinaw ang sagot ni Juan:

1. Kahit kailan hindi niya sinabing siya si Kristo (vs. 28)

2. Inaamin niyang siya ay nauna upang ihanda ang pagdating ng Messias (vs.28)

3. Kinumpara niya ang kanyang sarili sa isang kaibigan (abay) ng lalaking ikakasal na naghihintay at nakikinig sa sasabihin sa kanya ng lalaking ikakasal. (Ang tinutukoy niya ay si Hesus). (vs.29)

4. At kapag narinig niya ang tinig ng lalaking ikakasal (si Hesus), mapupuno siya ng kagalakan. At yun ang kagalakang nadarama ni Juan. (vs. 29) At LUBOS (COMPLETE) na ito.

5. Ipinahayag niya na si HESUS DAPAT ang MAITAAS at si Juan ang maibaba.


(Both in Hebrew and Greek, the understanding of the Middle Eastern wedding is like this: A friend of the bridegroom is to arrange the contract, acts for the bridegroom during the ‘betrothal’/engagement, and arranges for, and presides at, the festivities of the wedding-day itself. It was a position of honor, in proportion to the position of the bridegroom himself, and was given to his chief friend. That friend then joyed in his joy, and there was none brighter on that day than he.) (Source: Bible Hub – Ellicot’s commentary)


Reflection:

May kagalakan ka ba ngayon? Ang tinutukoy natin ay hindi lang basta kasayahan kung kagalakan na nanggagaling sa ating inner man. Saan galing ang galak na iyon? Sino ba talaga ang nagbibigay noon? Sino ba ang nakaka ’complete’ sa iyo? Ang jowa? Ag asawa? Ang mga anak? Ang dabarkads? Ang trabaho? Ang career? Ang Negosyo? Ang kasikatan mo?


Conclusion:

Consistent si Juan sa pagmamalaki kay Hesus. Si Hesus ang bida at nagkukumpleto kay Juan.

Alam niyang HIGIT na MATAAS si HESUS dahil galing Siya sa kalangitan (vs.31) Tinuring din niya na mahal ng Dios Ama ang Kanyang Anak na si Hesus at ibinigay na ng Dios Ama ang lahat sa Kanyang Anak.


Ang magkukumpleto sa atin ay kung pananaligan natin ang Panginoong Hesus na tanging makakabigay ng buhay na walang hanggan (vs.36)


Kahit ano pang sabihin ng iba na magkukumpleto sa kanila, wala pa ring mas totoo kungdi ang buhay nang may relasyon kay Kristo. Hindi ‘fake’ na kagalakan kungdi totoong-totoo.


7. Praise Report


Magbahagi ka ng isang praise report na saksi ka sa kagalakang dulot ni Hesus at wala nang hihigit pa dito.


8. Pananalangin


  1. Sing a new song of joy to the Lord. Huwag mahiya. Ipagmalaki Siya sa iyong buhay

  2. Ipanalangin ang isang kilala na dumadaan sa ‘kalungkutan’. Nawa’y ma-encounter niya si Hesus na nagbibigay ng tunay na kagalakan.

  3. Magbanggit ng mga kakilala sa abroad na tila nawawalay sa Panginoon. Nawa’y makumpleto muli ang kanilang kagalakan sa pagbalik sa Panginoon.

  4. Magulang: Ipanalangin ang mga anak na sila ay hindi na kung saan saan maghahanap ng kagalakan. Anak: Ipanlaangin ang magulang na sumaya sila sa Panginoong Hesus.

  5. Ang mga lingkod ng Dios sa buong Foursquare ay patuloy na maging magalakin sa kabila ng pandemya.

  6. Ang mga nag-aaway ay magbati at makumpleto ang kanilang kagalakan.

  7. Personal Requests


9. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH – 006970029203

GCASH/COINS/PAYMAYA – 09175571551

BPI – MELODY KAY CAROLINO - 0019503526


10. Mga Anunsyo


11. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo

1 view0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page