Below is the material for our Family Prayer Cell on February 10, 2021.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Testimony
February 10, 2021
John 4:39-42
By: Ptra. Kay Oyco-Carolino
Instruction: Ang material na ito ay designed para ang buong pamilya at extended family, young and old, ay magkaroon ng participation. Mas mabuting i-assign ang kani-kaniyang bahagi nang maaga upang maipanalangin at at mapaghandaan. The easier ones can be given to the new ones. Sa mga sanay na, maaaring sila ang magshare ng message. Pero later on, turuan na rin ang iba na gawin yung ibang bagay, kahit parang binabasa muna sa una. Masasanay din po. Happy FPC!
1. Picture Taking
Agad-agad gawin ito, hindi para sa pagyabang na nagawa kito kungdi bilang isang TESTIMONY na nagtitiwala sa Dios kaya tayo nananalangin at patuloy Niyang sinasagot ang ating mga panalangin. Practically, nagkukuha po ang Foursquare ng mga attendance sa mga gawain kaya marapat lamang na gawin natin ito para mas madali para sa church na makita sa mga larawan kung ilan at sinu-sino ang mga nag-attend. Salamat po ha.
2. Pagbati
Napapansin ninyo po ba na nasa Book of John na tayo.. Nune nagsimula tayo sa Family Prayer Cell, we started with the Book of Matthew. Natapos na tayo sa Books of Mark and Luke at nasa Book of John. Dahil sa gawaing ito, natututo tayong basahin ang buong Bagong Tipan, unti-unti, at nahihimay natin ang laman nito. Nawa’y huwag kayong magsawa. At sa mga first timer, maaari ninyong gamitin ang mga nakaraang leksiyon bilang Bible Study ninyo sa pamilya o sa barkada.
3. Pag-aawitan
(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)
D- Bm - G - A - D - Bm - G - A
Halina’t sama sama, purihin natin Siya. Halina’t sama sama, awitan natin Siya
G - Bm - G - Bm - Em - A - D
Ipalakpak ang inyong kamay, itaas at ikaway, lahat ay magsabing Dios ay buhay
4. Opening Prayer
.
5. Scripture
John 4:39-42 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)
6. Mensahe
Background: Kinausap ni Hesus ang isang Samaritana (hindi basta-basta nakikipag-usap ang lalaki sa babae, lalo na kung galing sa bayan na hindi maayos ang relasyon sa mga Judio). Sa sobrang tuwa ng babaeng ito, sa vs. 28, iniwan niyang bigla ang kanyang pag-iigib sa balon at dali-daling bumalik sa kanyang bayan upang i-TESTIFY at ipamalita sa nangyaring engkuwentro nila ni Hesus. Ang laman ng testimony niya ay si Hesus na marahil ang inaabangan nilang Messias na Magliligtas sa kanila.
Tingnan ninyo agad ang mga reaksyon ng mga tao sa verse 30. THEY CAME OUT OF THE TOWN AND MADE THEIR WAY TOWARD HIM. Ang bilis nilang pinaniwalaan ang sinabi niya. Dahil alam nila ang malungkot na buhay ng Samaritana (marahil laging namamatayan ng asawa, sa pagtingin ng iba sa ating panahon ay “malas” at tila mailap ang kabutihan sa buhay niya), naging kakaiba ang kanyang pagmamadali at ‘excitement’ na maibalita ang mga nangyari sa kanya.
REFLECT: Simpleng-simpleng pamamalita ng kanyang nasaksihan, ang Samaritana ay nag-introduction na sa kanyang TESTIMONY. Hindi pormal, hindi bonggang pananalita ngunit nakahuli agad ng interest ang mga tao sa kanilang lugar sa kanyang sinasabi tungkol sa Messias. Ganoon lamang ang TESTIMONY. Pagsaksi sa ginawa ni HESUS at naka-sentro sa Kanya.
I. Vs. 39 MARAMING MGA SAMARITANO ANG NANAMPALATAYA KAY HESUS DAHIL SA TESTIMONY NG BABAE.
Isang simpleng babae. Isang babae na may hindi magandang buhay. Nag-iisang namalita ng tungkol kay Hesus. Iniwan ang napakahalagang ginagawa dulot ng kasiyahan at excitement na IPAMALITA ANG MABUTING BALITA.
Bunga nga kanyang ginawa ay MARAMI ang na-curious at na-impluwensiyahan agad-agad. Unang sabi lang, mabilis silang nag-responde. Pinuntahan talaga ng mga ito ang lugar kung nasaan naroon ang sinasabi ng Samaritan na Messias.
Reflection: Noong nakilala mo si Hesus builang iyong Tagapagligtas at Panginoon, at narinig mong mahal na mahal ka Niya, ibinalita mo ba agad ito sa iba? Ilang taon ka nang nag-eenjoy ssa buhay na kasama ang Messias, ilang barangay na ba ang nakaalam noon, o ilang kapitbahay o kamag-anak mon a ang may alam tungkol sa iyong nalaman tungkol kay Hesus? Ilan na ang nabahaginan mo ng iyong testimony? Tanong: may testimony ka nga ba o marahil hindi mo pa rin naisuko ang iyong buhay kay Hesus? Ang iyong TESTIMONY ay manggaling sa iyong pagtanggap kay Hesus nang buong-buo.
II. Vs. 40 ANG MGA SAMARITANO AY MAS LALONG NAGING INTERESADO NA MAKILALA SI HESUS.
Sa sobrang tuwa nila, pinapa-stay pa nila si Hesus sa kanilang lugar. Hindi alintana ang sasabihin ng ang mga Judio at mga Samaritano ay hindi magkabati, mas naging mahalaga sa kanila ang matututunan pa nila sa pagkikipagkuwentuhan kay Hesus. Marahil, hinanapan pa nila ng titirhan si Hesus. Marahil, may naging in charge pa sa Kanyang kakainan sa dalawang araw na Siya ay nag-stay dun.
Reflection: Nung nakilala mo ba si Hesus nang personal at isinuko mo ang iyong buhay sa Kanya, naging mas interesado ka ba na makilala Siya? HInahanap mo na ba ang mga bagay na tungkol sa Kanya? May interest ka na ba sa Salita ng Dios (Bible) at excited na makinig sa mga Salita Niya? Think about it. Wala na si Hesus ngayon ngunit iniwan Niya ang Kanyang Salita (Bibliya) upang malaman natin kung anong gusto Niyang sabihin at ituro sa atin.
III. Vs. 41 MAS MARAMI PANG TAO ANG NANALIG KAY HESUS DAHIL SA KANYANG MGA SINABI.
When Jesus stayed in Samaria, it was purposeful. May layunin ang SHARING na ginawa ni Hesus --- na mas malamn ng mga taga – Samaria ang tungkol sa kaharian ng Dios. They listened well for these two days. Dalawang araw na pagtuturo, dalawang araw na pakikinig sa mga bagay na magbibigay ng layunin sa kanilang buhay. Ang galing! Short but fruitful stay ni Hesus. Ang bunga: MANY MORE BELIEVERS IN JESUS!!!
Reflection: Whenever other people hear of Jesus through the sharing of the Word of God, mas lumalalim ang pagtingin nila sa Dios, mas gumaganda, mas lumalawak…..mas lalo na nilang pinagtitiwalaan si Hesus. Dahil wala na si Hesus sa mundo, ang Bible o ang Salita ng Dios ang dapat nilang marinig. Ang tanong: Ikaw ba mismo ay interesadong makilala Siya kaya ka nagbabasa nito? Patuloy ka bang nakikinig nang mataimtim? Naging interested na rin ba ang mga kakilala mo tungkol sa Salita ng Dios? What do you tell them?
Conclusion:
Vs. 42 ANG TESTIMONY NG MGA SAMARITANO: Hindi na lang sila basta naniwala sa TESTIMONY ng babaeng Samaritana, kungdi napalalim ito dahil narinig nila mismo sa bibig ni Hesus ang kailangan nilang marinig. CONFIRMED ANG TESTIMONY!!!
Kapag ang mga tao ay nakapakinig ng ating TESTIMONY, matutuwa sila at magiging curious sa Dios. At kapag nakapakinig at nakapagbasa sila ng Salita ng Dios, mas lalong mako-CONFIRM ANG ATING TESTIMONY. Mas marami pang multiplication ang mangyayari!!!
7. Papuri sa Dios
Ikaw, ano ang kuwentong Samaritana mo? Ibahagi mo namana sa amin yung panahon na nakilala mo si Hesus…kanino mo agad ito ikinuwento? Dumami na ba ang nakakilala kay Hesus dahil sa una mong TESTIMONY at nagpagtuloy sila sa TESTIMONY ng SALITA NG DIOS?
8. Pag-Aaksyon sa Natutunan
Sabihin mo sa pamilya kung paano mo pa gagawin ang pagte-TESTIMONY (testify) sa iba upang magmultiply ang mga mananalig kay Kristo. Magshare ng isang konkretong aksyong gagawin.
9. Pananalangin
Ipanalangin ang mga action plans na ginawa kanina na maisakatuparan. Nawa mag-match ang ating TESTIMONY sa ATING BUHAY.
JCLAM Church – pagsama sa ating mga Sunday services – physical man o livestream --- na dumaloy ang ‘anointing’ o pagkasi ng Dios sa atin --- sa SIMBAHAN MAN O SA SIMBAHAY.
Kagalingan ng mga mahal sa buhay at kapatiran --- na ang kanilang buhay ay magiging TESTIMONY sa paligid nila na ang DIOS ay BUHAY! (Sis. Lennie Bautista – nasa New York, Sis. Rose Atendido (both of them to be free from any cancer stuff), Ptra. K (cyst), atbp.
Pagpaplano ng church para sa mga gagawin habang pandemya. Mag-raise up ng leaders ng angkop at handa para sa challenges
BRADERIE Corporation – yung bagong nagrerent ay biyayaan ng Dios upang maging tuluy-tuloy ang income (BFF lot)
Couples – na ang kanilang TESTIMONY o PATOTOO ay makita ng mga anak
Personal Requests
10. Offering
Sa patuloy na pagsagot ng Dios sa ating panalangin, hindi bang marapat lamang na magbalik tayo ng para sa Kanya? Gawing practice ang pagbibigay!!! Let your lives be a testimony sa iba ng pagpapala at hindi lang dahil may nasasandalan at may nahihingian kungdi maranasan din ang pangako ng Dios na Siya ang magbabalik anng higit pa sa ating binigay! KEEP GIVING!
11. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas
Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.
12. Mga Anunsyo
Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership.
Patuloy na sagutan ang Missions Pledge kung hindi po nagawa.
Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.
Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.
Comments