top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 8 - Jesus Knows What To Do

Below is the material for our Family Prayer Cell on February 24, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


Jesus Knows What to Do

February 24, 2021

John 6:1-14

By: Ptra. Kay Oyco-Carolino


Instruction: Hindi lang po pang Prayer Cell ang material na ito. Bible Study material na rin po ito. Nawa’y may discoveries po kayo sa Salita ng Dios at mas lalo kayong napapalapit sa Panginoon.

 

1. Picture Taking


Smile! Picture muna. Pero pagkatapos ng picture, hear and pray na.


2. Pagbati


Nakakatuwang malaman na maraming panalangin ang sinasagot ng Panginoon hindi dahil mabait tayo kungdi dahil tapat Siya sa Kanyang mga Salita. God is good!


3. Pag-aawitan


(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)


Great is Your faithfulness oh God

You wrestle with the sinner's heart


You lead us by still waters and to mercy

And nothing can keep us apart


So remember Your people, Remember Your children

Remember Your promise Oh God


Your grace is enough, Your grace is enough

Your grace is enough for me


Great is Your love and justice God

You use the weak to lead the strong


You lead us in the song of Your salvation

And all Your people sing along


So remember Your people, Remember Your children

Remember Your promise Oh God


Your grace is enough, Your grace is enough

Your grace is enough for me


Your grace is enough, Your grace is enough

Your grace is enough for me


4. Pambungad na Panalangin

.

5. Pagbasa ng Scripture


John 6:1-14 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)


6. Mensahe


Alam na alam na natin ang kuwento tungkol sa mga himala na ginagawa ni Hesus sa Galilee. Hindi nakakagulat kung marami talagang susunod sa Kanya saan man Siya mapunta. Ngunit isang napakagandang scenario ay ang makitang umaakyat sa bundok si Hesus kasama ang Kanyang mga alagad at sila ay umupo muna roon.


Vs. 5 Natanaw ni Hesus ang dami ng mga taong nag-aabang sa paanan ng bundok at papalapit sa area ng mga algad at ni Hesus. Pansinin:


1) Tanong kay Philip/Felipe – “Saan tayo makakabili ng tinapay para makakain sila?” (Pagod at gutom na ang mga tao. Ramdam ng dios ang pangangailangan nila. Humahanap Siya ng paraan kung paano katatagpuin ang need ng pagkain.)


Notice:

Vs. 6 a) Tinanong o sinabi lamang ni Hesus iyon upang SUBUKIN siya…

Reflect: May mga situwasyon sa buhay natin na akala natin ay gusto ng Dios na mamroblema tayo. Hindi Niya pinadadali ang ibang mga bagay sa buhay natin upang patibayin ang ating

pagtitiwala sa Kanya.


b) Sabi sa pangalawang bahagi ng verse 6: …sapagkat alam na niya ang Kanyang gagawin….. Wow!

Reflect: Ang sarap isipin na laging alam na ni Hesus ang Kanyang gagawin. Siya ay kinakasihan ng Banal na Espiritu na nagbibigay sa Kanya ng kapangyarihang gawin ang mga himala. Alam ba natin na ganito si Hesus? Hindi mo pa alam ang situwasyong darating, alam na ni Lord kung paano ka Niya tutulungan.


Tugon ni Philip: Vs. 7 “Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.” (Ang isang pilak o denarius ay katumbas ng isang araw na suweldo noon. Wala kaya silang mga salapi? O mahirap mamili ng ipapakain sa ganung karami?)


Notice: Ang nakikita ni Philip ay ka- IMPOSIBLEHAN na matugunan ang problem ana magpakain ng napakaraming tao. In short. WALA, WALANG SOLUSYON. HINDI KAYA. IMPOSIBLE.


2) Nagvolunteer si ANDREW/ANDRES na sumagot sa tanong ni Hesus. Tila resourceful siya kasi nakahanap o nakakita siya ng bata o lumapit ang bat ana may dalang 5 barley na tinapay at 2 isda.


Notice:

Vs. 9 Nagsabi nga si Andrew na merong available na pagkain: 5 loaves ng tinapay at 2 isda. Ngunit pagkasabi niya noon ay dinugtungan niya ito ng: Subalit sasapat kaya ang mga ito?”


Reflect:

May naipresentang pagkain, hindi naman wala, katulad ng tinuran ni Philip pero ang sinasabi ni Andrew : KULANG ANG PAGKAIN….KAPOS ANG SOLUSYON. SOBRANG MALAYO SA PANGANGAILANGAN.

 

Pause: Kapag tinitingnan natin ang mga situwasyon sa buhay, ano ang reaksyon natin?

Ala- Philip ba na WALA o IMPOSIBLE…o ala Andrew ba na HINDI SAPAT o KULANG?


(Pakinggan muna ang mga sagot ng mga kasambahay)


Conclusion:


Sinabihan ni Hesus ang mga tao (mga 5,000 lalaki at malamang, may mga babae at mga anak) na umupo na sa damuhan. (kapag pinauupo ka, ibig sabihin, pinaparelax ka na. Piangpapahinga at magaabang ka na lang ng tatanggaping biyaya.)


At alam na natin ang kuwento na tumingala si Hesus hawak ang tinapay, pinagpasalamat ito at dinistribute, gayundin ang isda. So, imagine ninyo na lang kung paano dumadami ang hawak na tinapay at isda sa mga kamay ng alagad at ng Panginoong Hesus hanggang makakain ang lahat.


Vs. 11 says… they ate as much as they wanted. Eat all you can pala!!!! Smanatalang kanina lang ay WALA…KULANG… Ngunit kay HESUS…. SAPAT NA SAPAT at nakakain ang lahat!!!


Vs. 12 says…Nabusog silang lahat!!! Wow!!! He satisfies our need!!!!

And wait, there’s more!!!!


Vs. 13 - Ilang basket pa ang natira? …may ‘take out’…’left over’…Nakapagbalot pa…

Hindi lang Siya SAPAT…kungdi SOBRA-SOBRA!!!! Higit pa sa ating inaasahan ang tugon ng Dios sa Kanyang mga anak!!!


Ano ang kinatatakutan natin sa mga situwasyon natin ngayon? Magtiwala tayo sa Dios. HE KNOWS WHAT TO DO!!!!


Ano ang Action Plan mo ngayon tungkol sa Salita ng Dios na narinig? (Tanungin ang bawat isa.)


7. Pananalangin


Ipanalangin ang mga action plans after ng personal prayer requests.

  1. Mga Bagay na mahirap liripin na agad mangyayari – ex. Kaligtasan ng mga mahal sa buhay, atbp.

  2. Nakakagimbal na Situwasyon – ex. Mga darating na kalamidad, atbp.

  3. Nagbibigay ng Panic – ex. Pagsara ng kumpanyang tinatrabahuhan, atbp.

  4. Compassion Project – Pagpalain ang mga sponsors, bigyan ng karunungan ang mga nagpapatakbo nito, Compassion staff ng JCLAM (may mangunguna)

  5. JCLAM Christian School – Magtuluy-tuloy na may mag-enrol at mag-face to face

  6. Operation: Rehabilitation ng ilang bahay na nagiba. Provision at kaayusan

  7. Mga OFWs…mga kapatiran sa ibang bansa, o nasa barko… (magbanggit ng mga pangalan)…tulungan sila ng Panginoon

  8. Mga manggagawa ng Dios all over the world….na ingatan ng Dios sa mga tukso

  9. Ang pamahalaan….national at local (lahat ay sabay sabay na manalangin)

  10. Personal Requests - Ipanalangin ang nasa kaliwa at kanan

  11. NATIONWIDE PRAYER AND FASTING MULA Feb. 28 hanggang April 4. Fresh Anointing ng Banal na Espiritu.


8. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


10. Mga Anunsyo


  1. Prayer and Fasting month ng buong Foursquare family mula February 28 (launching) hanggang April 4 (culmination) sa ganap na 8:00 hanggang 9:00 ng GABI. Ihanda ang sarili sapag-aayuno at pananalangin. Bantayan ang mga announcements hinggil dito.

  2. Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!

  3. Patuloy na sagutan ang Missions Pledge kung hindi po nagawa. Puede pang humabol sa pagbigay ng Alabaster Offering ( mga kababaihan…P365.00)

  4. Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.

  5. Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.

  6. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios.Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.

146 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page