top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2021 Family Prayer Cell 9 - In Search of Jesus

Below is the material for our Family Prayer Cell on March 03, 2021.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


In Search of Jesus

March 03, 2021

John 6:16-24

By: Ptra. Kay Oyco-Carolino


Instruction: Hindi lang po pang Prayer Cell ang material na ito. Bible Study material na rin po ito. Nawa’y may discoveries po kayo sa Salita ng Dios at mas lalo kayong napapalapit sa Panginoon.

 

1. Picture Taking


Smile! Picture muna. Pero pagkatapos ng picture, hear and pray na.


2. Pagbati


Nakakatuwang malaman na maraming panalangin ang sinasagot ng Panginoon hindi dahil mabait tayo kungdi dahil tapat Siya sa Kanyang mga Salita. God is good!


3. Pag-aawitan


(kung hindi alam, subukang hanapin sa Youtube o magtanong. Magandang matuto ng iba’t ibang awit para sa Dios)


(Only You Are God by Tommy Walker)

(G) C F C F

I will give You praise, I will sing Your song, I will bless Your holy name

C F C F

For there is no other god who is like unto You, You’re the Only Way

C F C F

Only You are the Author of Life, Only You can give the blind their sight

C F C F

Only You are called the Prince of Peace, Only You promised You’d never leave

F G C G C

Only You are God!


(I Will Come To You – Don Moen)

(A7) D G D (A7)

I will come to You You have the words of life

D G C- A7

I will come to You You are the Door

(A7) D G D (A7)

I will come to You You are the Light of Life

D Bm Em A D

I will come to You For You are Lord


4. Pambungad na Panalangin

.

5. Pagbasa ng Scripture


John 6:16-24 (Open your Bibles please, huwag lang makinig, basahin)


6 Nang magtatakipsilim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi nglawa. 17 Sumakay sila sa bangka at naglayag papuntang Capernaum. Madilim na'y wala pa si Jesus. 18 Lumakas ang hangin at lumaki ang alon. 19 Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila'y natakot. 20 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito!” 21 Tuwang-tuwa nilang pinasakay si Jesus; at kaagad na nakarating ang bangka sa kanilang pupuntahan.


22 Kinabukasan, nakita ng mga taong naiwan sa dalampasigan na iisa lamang ang bangkang naroon. Nalaman nilang si Jesus ay hindi kasama ng mga alagad nang ang mga ito'y sumakay sa bangka dahil ang mga ito lamang ang umalis. 23 Dumating naman ang ilang bangkang galing sa Tiberias at dumaong sa lugar na malapit sa kinainan nila ng tinapay matapos magpasalamat ang Panginoon. 24 Kaya't nang makita nilang wala roon si Jesus at ang kanyang mga alagad, sila'y sumakay sa mga bangka at pumunta sa Capernaum upang hanapin si Jesus.


6. Mensahe


Background:

Nang gumabi na pagkatapos ng pagpapakain sa maraming tao ni Hesus at ng mga alagad, pumunta ang mga alagad ni Hesus sa lawa/lake. Sakay ng bangka, binaybay nila ang lawa upang makarating sa Capernaum. Hindi nila kasama si Hesus.


Madilim at malakas ang hangin na nagpaalon lalo nang malakas sa tubig ng lawa. Nakaka ilang milya na sila ng layo, bigla nilang nakita si Hesus. Papalapit sa kanilang bangka ngunit naglalakad sa tubig. Natural, natakot sila. Kagyat na sinabi ni Hesus

“ Huwag kayong matakot, Ako ito!” Pinasakay nila si Hesus at nakarating AGAD sila sa kanilang patutunguhan. Isang himala na hindi natin pansin ngunit sa kabila ng kumokontrang hangin at alon, ay MADALI SILANG NAKARATING SA KANILANG PUPUNTAHAN.


REFLECT: Kapag kasama si Hesus, walang kahit anong hadlang o balakid ang makakapigil sa Kanyang pagpapala at himala.


Sa susunod na araw, makikita natin, na tila naghahanap ang mga taong pinakain ni Hesus at ng mga alagad sa kay Hesus. Alam nilang wala na si Hesus. Nang napansin nila na isang bangka lang ang nawala sa pampang, alam nilang hindi kasama ng mga alagad si Hesus. Ang hindi nila alam ay naglakad ito sa tubig.


Pagdating ng ibang mga bangka galing sa Tiberias patungo sa lugar kung saan sila ay napakaing lahat ni Hesus at ng mga alagad mula sa kakaunting pagkain, akala nila nandoon si Hesus at ang mga alagad. Ibig sabihin HINIHINTAY nila si HESUS.


Kapansin-pansin ang kapanabikan ng mga tao kay Hesus.


Nang malaman nila na wala si Hesus at ang mga alagad, sumakay sila sa mga bangka at pumalaot papuntang Capernaum UPANG HANAPIN SI HESUS.


REFLECT: Iniiwan nila ang lahat upang makita, marinig si Hesus at masaksihan ang iba pang himalang Kanyang gagawin. (Kaya? Abangan sa mga susunod na FPC) Hindi sapat ang pisikal na pagpapala. Marami pang maaaring matutunan mula kay Hesus at ang Kanyang mga sinasabi sa Kanyang Salita. Gaano ka pa rin kasabik na hanapin Siya sa iyong buhay?


CONCLUSION:


1) Maaari naming gamitin ni Hesus ang himala upang hanapin lalo ng mga tao si Hesus. Ngunit, nawa, hindi laging kailangan ng himala upang hanapin natin si Hesus.

2) Talaga naming gumagawa si Hesus ng himala. Ngunit, nawa, hanapin natin Siya hindi lang para sa himala kungdi para sa atin pang ikakabuti, ikakatuto, ikakabago.

3) Kapag sumunod ang tao kay Hesus, hindi lahat ay madali. May isasakripisyo ka…oras, prayoridad, damdamin, resources. Manatili ka, nawa, sa paghanap sa Kanyang kalooban at huwag kang susuko at manghinawa.


7. Pananalangin


Kapag hinanap natin ang kalooban ni Hesus sa mga sumusunod na bagay, ano kaya ang dapat nating ipanalangin para sa mga ito? Ipanalangin ang mga ito ayon sa naisin ng Dios:


1. Pamilyang nagkakaaway-away dahil sa lupain, sa pagkain, sap era, atbp.

2. Sa mga mahal natin sa buhay na nalilito sa kanilang ‘sexualidad’

3. Korapsyon sa ating bansa/bayan

4. Mga kapatirang nalulubog na sa utang

5. Inaalihan ng mga iba’t ibang espiritu – pangangalunya, pandaraya, pagsisinungaling, violence, kahalayan, atbp.


Ipanalangin din ang:


6. Personal Requests - Ipanalangin ang nasa kaliwa at kanan

7. NATIONWIDE PRAYER AND FASTING MULA Feb. 28 hanggang April 4. Fresh Anointing ng Banal na Espiritu


8. Offering


Huwag kang magpanic kung mag-ooffering ka! Huwag mo ring sabihin na WALA KANG PERA o KULANG PA NGA. Simulang mag-invest kahit PRAYER MEETING ‘lang’ ito.


9. Pagsalu-salo at Panalanging Pangwakas


Magpasalamat na sa Dios kahit hindi pa nakikita ang sagot. Ipanalangin ang pagkaing nakahain.


10. Mga Anunsyo


1. Prayer and Fasting month ng buong Foursquare family mula February 28 (launching) hanggang April 4 (culmination) sa ganap na 8:00 hanggang 9:00 ng GABI. Ihanda ang sarili sapag-aayuno at pananalangin. Bantayan ang mga announcements hinggil dito. Kung maaaring 2 meals sa March 29 (maliban kung may sakit)


2. Maging active sa FB page ng Marikina Foursquare Gospel Church dahil TESTIMONY natin ito sa mundong ginagalawan natin. Sumagot sa mga tanong nang maagap, mag-react nang maayos. Matutuwa ang mga nakakabasa na makita ang iyong participation. Thank you for the partnership. Salamat sa mga sumasagot!


3. Patuloy na sagutan ang Missions Pledge kung hindi po nagawa. Puede pang humabol sa pagbigay ng Alabaster Offering ( mga kababaihan…P365.00)


4. Patuloy na mag-small group at Bible Study. Kung need na ng bagong grupo, message Ate Meki muna.


5. Mag-enrol sa Foursquare Bible College online. Malaking tulong ito sa inyong paglago. Magtanong kay Kuya Marts.


6. Patuloy na i-share ang ating livestream para ang mga kamag-anak mo sa malayong lugar ay makarinig din ng Salita ng Dios. Patuloy ang pag-post ng pictures kaysa kung anu-anong post na lalong nakakasira ng ating testimony.

140 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page