top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 10 - Prayer and Peace

Below is the material for our Family Prayer Cell on March 9, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



PRAYER AND PEACE

1 TIMOTHY 2:1-6 By: Ptra. Glho B. Oyco

 

1. Introduction


Maraming pangyayari sa ngayon ang maaring maging kadahilanan ng pagkabalisa. Nariyan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangangailangan sa araw-araw; kawalan ng sapat na pagkakakitaan, pagkakasakit, banta ng kaguluhan sa iba’t ibang lugar particular na sa pagitan ng basing Russia at Ukraine. Pagkakahati ng mga opinion sa usaping political na magkaminsan ay nagdudulot ng hidwaan at pagkakasakitan. Dahil sa buhay na binago at patuloy na binabago na nagpapasakop sa Kanyang kalooban ay mararanasan ang pagkakaroon kapayapaan. Kaya po bago natin tunaghayaan ang Salita ng Panginoon, tayo muna ay mag-awitan.


2. Pag-aawitan


I’VE GOT PEACE LIKE A RIVER

I've got peace like a river, I've got peace like a river, I've got peace like a river in my soul I've got peace like a river, I've got peace like a river, I've got peace like a river in my soul


I've got love like an ocean, I've got love like an ocean, I've got love like an ocean in my soul I've got love like an ocean, I've got love like an ocean, I've got love like an ocean in my soul


I've got joy like a fountain, I've got joy like a fountain, I've got joy like a fountain in my soul I've got joy like a fountain, I've got joy like a fountain, I've got joy like a fountain in my soul

JESUS AT THE CENTER OF IT ALL

Jesus at the center of it all, Jesus at the center of it all

From beginning to the end It will always be, it's always been You Jesus, Jesus

(repeat)


Chorus

Nothing else matters

Nothing in this world will do

'Cause Jesus You're the center

Everything revolves around You

Jesus You At the center of it all At the center of it all

Jesus be the center of my life Jesus be the center of my life From beginning to the end It will always be, it's always been You Jesus, Jesus

(chorus)


3. Praise Report


Ang buhay na binago at patuloy na binabago ay nakapagbibigay kalakasan at kasiglahan sa bawat isa. Matagal man o bago pa lang nakakilala sa Panginoon, meron pa ring bahagi ng buhay natin na binabago at isinasaayos. Malaki man o maliit na pagbabago, ito ay kagalakan ng ating One Savior at One Lord. Kaya po, with joy na tayo ay nakakilala sa ating One Savior and One Lord, i-share po ang pasasalamat sa ginawa ni Hesus sa iyong buhay.


4. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Dakilang Dios, lumalapit po kami sa Inyong trono ng biyaya nang may pagpapakumbaba at may pagtitiwala na Kayo po ang aming Buhay na Dios at Makapangyarihan sa lahat at nagbibigay ng kapayapaan.Patuloy po naming ipinapasakop sa Inyo ang aming pagsasama sa aming Family Prayer Cell na maging kaparaanan ng kalakasan sa pamagitan ng sama samang pananalangin Maging kaluguran po Ninyo ang lahat ng aming gagawin. Ito po ang aming dalangin sa Pangalan ng aming Panginoong Hesus, Amen.


5. Scripture Reading


1 Timothy 2:1 – 6


1 Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao.

2 Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.

3 Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas.

4 Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.

5 Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.

6 Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay pinatunayan sa takdang panahon.


1 Timothy 2:1-6 (ESV))

2 First of all, then, I urge that supplications, prayers, intercessions, and thanksgivings be made for all people, 2 for kings and all who are in high positions, that we may lead a peaceful and quiet life, godly and dignified in every way. 3 This is good, and it is pleasing in the sight of God our Savior, 4 who desires all people to be saved and to come to the knowledge of the truth. 5 For there is one God, and there is one mediator between God and men, the man[a] Christ Jesus, 6 who gave himself as a ransom for all, which is the testimony given at the proper time.


6. Message


Dahil sa mga maling katuruan sa panahon na binabanggit ni Pablo kay Timothy ang ating binasang mga verses, nakiusap siya ng mga dapat gawin sa pagsamba sa loob ng church:

V.1. UNA SA LAHAT, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo at pasasalamat sa lahat ng tao.

Ang pakiusap ni Pablo kay Timothy, UNA SA LAHAT/HIGIT SA LAHAT ay nagpapabatid ng dapat na pinakamahalagang gawin sa panahon na may kaguluhan at pagkakaroon di mapayapang samahan at ito ay sa pamamagitan ng pagdulog/paglapit sa Diyos ng mga kahilingan (supplications), panalangin (prayers), pagsamo (intercessions) at pasasalamat (thanksgiving)

1. Kahilingan (supplications) – ang mga panalangin para sa mga specific na pangangailangan. Pinakasimpleng kaparaanan ng pananalangin. Inihahayag mo ang iyong mga pangangailangan sa Panginoong Dios. Kinakausap mo sya katulad ng isang ama.

2. Panalangin (prayers) – pangkalahatang tawag sa panalangin

3. Pagsamo (intercessions) – panalangin para sa iba at maaring para sa sarili. Ito ay paraan ng pananalangin na mas malalim na kaparaanan (nililiglig ang Panginoong Dios para sa katugunan ng panalangin). Kapag nanalangin para sa kagalingan, sa mga nagpipighati, at sa may mga matinding pangangailangan..nagsusumamo sa Panginon para sa katugunan ng panalangin.

4. Pasasalamat (thanksgiving) Ang ganitong panalangin ang ipinapakiusap ni Pablo kay Timothy at ito rin ang panalangin natin sa kapanahunan ngayon.


v.2 Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal. Ang panalangin na hiniling ni Pablo ay PARA SA LAHAT NG TAO, mga HARI at MAYKAPANGYARIHAN. Ang “mga hari at maykapangyarihan” sa ating kapanahunan ay tumuutukoy sa mga tao na meron authority over us. Halimbawa, sa isang bansa ang may may kapangyarihan ay ang ating Pangulo at iba pang mga halal na namumuno sa iba’t ibang panig ng bansa. Maaring hindi mo man nais o gusto ang namumuno, ang sinasabi ni Pablo ay dapat silang ipanalangin. Sa lugar kung saan ka nagtatrabaho, ang mga boss ang may authority over you. Maaring may mga opinion kayo na hindi pinagkakasunduan at ang kaparaanan mo bilang manggagawa ay kaiba sa kaparaanan ng iyong boss. Minsan, napapagalitan ka, nako-correct ka, isama sa panalangin. Kasama ang mga nasa military services at mga nasa church leaders na mayroong authority over you. Lahat sila ay kasama sa dapat na isinasama sa pananalangin. Sa loob ng tahanan, ang ating mga magulang ay binigyan ng authority over us.Ipinapanalangin ba natin sila?

Hindi man naging specific si Apostol Pablo sa content ng panalangin para kanila subalit napaka-specific ang magiging resulta ng pananalangin sa mga nabanggit. At ang mga ito ay:

1. Upang makapamuhay ng matahimik 2. Makapamuhay ng mapayapa 3. Makapamuhay ng maka-Diyos

4. Makapamuhay ng marangal


Ang mga ito ang napakagandang resulta ng pananalangin kaya ganun na lamang ang pakiusap ni Pablo kay Timothy unahin sa lahat ang pananalangin. Ang tanong sa bawat isa: ginagawa ba natin na ipanalangin ang lahat? Ang mga maykapangyarihan over us, ang mga taong hindi natin kaisa/kapanalig, kagalit, kaaway, katunggali sa mga opinion, ipinapanalangin ba natin sila? Napakasarap mabuhay ng matahimik, mapayapa, marangal at maka-Diyos. Ang pananalangin tungo sa kapayapaan, ay panalangin na magbibigay ng pagbabago, una sa ating mga sarili patungo sa bawat at lahat ng tao na ating ipinapanalangin. Panalangin ang pinakamainam na kaparaanan sa kapayapaan, ang taong mapanalanginin ay taong may kapayapaan sa kanyang puso. Conclusion:

Tulungan nawa tayo ng Dios na magawa ang pananalangin na magbibigay kapayapaan sapakat ito ay mabuti at nagbibigay lugod sa ating Panginoong Dios. Nagbibigay kaparaanan din ang pananalangin na nagbubunga ng kapayapaan upang ang lahat ay makakilala sa Kanya at magkaroon ng kaligtasan. Ito ay kasama sa ninanais ng Dios, na lahat ay makakilala sa Kanya at tumanggap sa Kanyang anak na si Hesus, our One Savior, One Lord.


7. Pananalangin


1) Ang mga Christians, ay tunay na maging mapanalanginin at maging tagapamagitan sa larangan ng pananalangin para sa lahat ng tao.

2) Ipanalangin ang lahat ng mga namumuno sa ating bansa magmula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas ng posisyon.

3) Ang mga tumatakbong kandidato at lahat ng alipores nila – na managot sa Dios sa lahat ng kanilang ginagawa, mula pa sa pangangampanya hanggang sa matapos ang eleksyon. Maging matalinong botante ang bawat isang boboto sa darating eleksyon. Hindi madala ng kung ano lang ang nababasa/nakikita/naririnig sa social media at sa bawat pagkampanya.

4) Ang kalooban ng Dios-- tungkol sa mga bagong mamumuno sa ating bansa at mga bayan --ang manaig sa ating bansa (binoto man natin o hindi) at magkarooon ng mapayapang eleksyon at higit na kapayapaan matapos na ilabas ng resulta ang eleksyon.

5) Ipanalangin ang kasalukuyang nangyayari between Russia at Ukraine at ang mga decision din ng iba pang malalaking bansa sa nangyayaring kaguluhan.

6) Ipanalangin namumuno sa Foursquare Philippines at mga pastors/leaders ng church sa matalino at tamang pag-handle sa mga isyu ng usapin/sigalot sa miyembro, sa kamanggagawa, sa mga pastors.

7) Ipanalangin ang bawat pamilya

8) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


8. Closing Prayer


Ama naming Dios, nagpapasalamat na po kami ngayon pa lamang sa mga kasagutan sa aming mga panalangin. Maraming salamat po sa kapayapaan at patuloy po kayong kumilos sa puso ng bawat isa sang-ayon sa Inyong kalooban.

Ito po ang aming dalangin, sa pangalan ni Hesus, amen!


9. Announcements


1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama. Post pic on FB ng inyong ginawang Family Prayer Cell (at kung may reflection dito)

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


PLEASE PO, WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



153 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page