Below is the material for our Family Prayer Cell on March 16, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
WATCH YOUR LIFE
1 TIMOTHY 4:11-16 By: Bro. Martin Valenzuela
1. Introduction
Maaaring sa mga nakalipas na araw ay naging masyado tayong abala sa maraming bagay. Marahil ito ay may kinalaman sa trabaho, sa pamilya, sa school, o baka naman sa masyado lang tayong nababad sa social media. At sa kabusyhan natin, baka may nakakalimutan tayong bantayan – ang ating mga buhay at testimony. Ika nga, baka muntik na tayong malaglagan ng bunga (o baka nalaglagan na nga!). Nawa’y ang ating pagsasama-sama ngayon ay magsilbing paalala sa atin na kailangan nating maging mapagbantay dahil, una, malapit nang dumating ang Panginoon, at pangalawa, dahil may mga nakamasid sa atin bilang mga Anak ng Diyos. Ngunit bago po tayo magpatuloy, tayo po muna ay mag-awitan.
2. Pag-aawitan
I Have Decided to Follow Jesus
I have decided to follow Jesus;
I have decided to follow Jesus;
I have decided to follow Jesus;
no turning back, no turning back.
Though none go with me, I still will follow;
though none go with me, I still will follow;
though none go with me, I still will follow;
no turning back, no turning back.
The world behind me, the cross before me;
the world behind me, the cross before me,
the world behind me, the cross before me;
no turning back, no turning back.
Trust and Obey
When we walk with the Lord
In the light of His Word,
What a glory He sheds on our way;
While we do His good will,
He abides with us still,
And with all who will trust and obey.
Trust and obey,
For there’s no other way
To be happy in Jesus,
But to trust and obey.
3. Praise Report
Dumako tayo sa ating testimony time. Bilang pagkilala sa ginagawa ng ating Panginoon sa ating buhay, inaanyayahan ko ang sinumang nag-uumapaw ang kagalakan sa puso na magbigay ng pasasalamat sa ating Panginoon. Kapag tayo po ay handang magpatotoo, tayo din po ay handang tumanggap nang marami pang pagpapala mula sa Panginoon.
4. Pambungad na Panalangin
Ama naming Diyos, maraming salamat sa pagkakataon na kami po ay magsama-sama para sa gawaing ito ng Family Prayer Cell. Inaanyayahan Ka po naming manguna sa aming pakikinig ng Iyong Salita, at sa aming mga panananalangin. Pagpalain mo po ang magbabahagi ng iyong Salita sa amin. Buksan Mo po ang aming mga puso at isip upang malayang kumilos ang Banal na Espiritu sa aming kalagitnaan at sa aming buhay. Maraming salamat po at ngayon pa lang, ine-expect na po naming ang mga himalang gagawin mo. Sa Pangalan ni Hesus, Amen.
5. Scripture Reading
11 Ituro mo ang mga ito sa kanila at ipatupad mo. 12 Wag mong hayaang maliitin ka nila dahil lang bata ka pa. Ang gawin mo, maging example ka para sa mga naniniwala – sa pagsasalita mo, sa pag-uugali, sa pagmamahal, sa faith, sa at malinis na pamumuhay. 13 Hanggang sa dumating ako, gamitin mo ang oras mo sa pagbabasa ng Scriptures sa harap ng mga tao, sa pagpi-preach, at sa pagtuturo. 14 Wag mong pabayaan yang gift na meron ka, binigay yan sayo ayon sa prophecy na sinabi nung pinatong ng mga leaders ng church ang mga kamay nila sayo. 15 Gawin mo tong mga ito at ibuhos mo dyan ang oras mo para makita ng lahat kung paano nag-iimprove. 16 Mag-ingat ka at tignan mong mabuti ang mga tinuturo mo. Gawin mo lagi ang mga to, kasi pag ginawa mo to, maliligtas mo ang sarili mo at ang mga nakikinig sayo. - 1 Timothy 4:11-16 (NPV)
11 Command and teach these things. 12 Don’t let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in conduct, in love, in faith and in purity. 13 Until I come, devote yourself to the public reading of Scripture, to preaching and to teaching. 14 Do not neglect your gift, which was given you through prophecy when the body of elders laid their hands on you.
15 Be diligent in these matters; give yourself wholly to them, so that everyone may see your progress. 16 Watch your life and doctrine closely. Persevere in them, because if you do, you will save both yourself and your hearers. - 1 Timothy 4:11-16 (NIV)
6. Message
Kilala natin si Timothy bilang isang batang pastor na in-appoint ni Apostle Paul para mag-lead ang church sa Ephesus. Ang sabi sa mga pag-aaral, nasa halos 30 years old na si Timothy nang siya ay nagserve bilang pastor. Sa standards ng panahon nila, napaka-bata pa ni Timothy para maging leader! Ang paniniwala kasi nila ay mas may bigat ang mga turo ng matatanda, kaya bakit nila pakikinggan ang turo at susundin ang utos ng mga nakababata?
Marami po kasing mga bilin si Paul para sa church na nais niyang ituro ni Timothy sa church. Ilan na rito ang pag-iwas sa mga maling teachings, kung paano ba patakbuhin ang church, at kung ano-ano ba ang qualifications dapat ng mga servants sa church. “Command these things” ang sabi. “Ituro mo ang mga ito sa kanila at ipatupad mo.”
Challenging po ito para sa batang pastor na si Timothy! Paano ba siya pakikinggan? Paano siya magiging credible sa harap ng mga tao para sundin siya? Gayundin naman, sa sitwasyon natin, paano ba natin ipapakita ang ating pananampalataya sa mga tao sa paligid natin? Hindi man tayo tinawag na pastor katulad ni Timothy, ngunit pareho lang po tayo ng responsibility bilang Christian na ipakita na totoo si Lord sa buhay natin. Kailangang maging buhay ang ating testimony!
Paano natin ipapakita na legit tayo? Nagbigay ng instructions si Paul kay Timothy na maaari din nating gawin:
Set an Example (v.12) – it doesn’t matter kung bata ka pa o baguhan ka pa lang sa pananampalataya. Ang mahalaga, ipakita mo na totoo ka nang binago ng Panginoon! Walk the talk, sabi nga! Dapat maging example tayo sa lahat – believers man o unbelievers. Anong areas ng buhay natin ang dapat nating bantayan?
- Sa pagsasalita. Baka naman hanggang ngayon masakit pa rin tayong magsalita. Walang preno ang bibig sa pagmumura. Baka madalas tayong maringgan ng mga anak natin ng, “mamatay ka na!” o “demonyo ka!” at iba pang mga curses. Hindi na po ito dapat.
- Sa pag-uugali. Hindi na po tayo dapat nagiging palaaway o magagalitin. Kung dati magaspang ang ating ugali, dapat kumikinis at kumikinis na ang ating ugali. Ang ugali po natin ang unang nakikita ng ibang tao. Kung walang pagbabago sa ating ugali, matu-turn off po sa atin ang mga kapatiran, lalo na po ang nasa labas.
- Sa pagmamahal. Natututo na po tayo dapat magpatawad. Kaya na nating palagpasin ang mga kaunting inconveniences galing sa ibang tao. Hindi yung kaunting nasagi ka lang, manunugod ka na agad. Dapat mas loving na po tayo. At dapat mas ramdam ito ng mga taong nasa paligid natin. Marunong na tayong magsabi ng “I love you” at pinapadama natin ito sa kanila.
- Sa faith. Tayong mga Christians po dapat ang pinaka-hopeful na tao kasi naka-anchor kay Jesus ang hope natin! Wag naman sanang sa atin pa naririnig yun, “wala ka nang pag-asa!” o kaya, “babagsak na talaga tayo”, “give up na lang”, “di na yan magbabago!”. Bantayan po natin na dapat nae-encourage sa atin ang iba, wag naman silang lumayo lalo sa Diyos dahil nawalan sila sa atin ng pag-asa.
- Sa malinis na pamumuhay. Marami ang nakamasid sa atin mula nang maging Christians tayo. Kaya bantayan nating mabuti na hindi madudungisan ang pangalan ni Jesus sa klase ng pamumuhay natin. Mas maging aware tayo na hindi na tayo ang “dating tayo” dahil binago na tayo ni Kristo.
Stick to your Commitments (v.13) – ine-expect ni Paul na kahit malayo siya sa Ephesus at di siya nakikita ni Timothy, gagawin pa rin nito ang lahat ng mga ministries at personal commitments na ipinangako niya. Marami kasi sa mga taga Ephesus ang nawili na na mag-ubos ng oras sa mga gawaing hindi naman productive: puro kwentuhan tungkol sa mga alamat, pangangapitbahay, at pag-uusap tungkol sa buhay nang may buhay.
Si Timothy, bilang isang pastor, ay inaasahang gamitin ang oras niya sa pagba-Bible study, sa pagpi-preach, at sa pagtuturo, etc. Tayo naman bilang mga Kristyano, bagaman wala tayong titulo bilang pastor, ay inaasahan din na gawin ang mga bagay na ito: mag-aral ng salita ng Diyos sa ating personal devotion, pagiging involved sa discipleship, pagbibigay ng tithes, pag-attend sa mga services, at pag-support sa mga gawain ng church. Lalo na kung tayo ay official members na ng church! Ito ay commitments natin hindi lang sa church, kundi sa harap ng Diyos.
Strengthen your Gifts (v.14) – lahat po tayo ay may tinanggap na spiritual gifts nang tayo ay ma-born again. Ang mga gifts na ito ay magagamit natin para makatulong sa church at sa mga kapwa natin Christians. Katulad ni Timothy. Marahil kinakitaan ni Paul si Timothy ng gift of leadership, gift of teaching and preaching, at gift of faith kaya napagkatiwalaan siya sa challenging role ng pagiging pastor.
Kaya ganun na lang ang bilin ni Paul na wag niyang pabayaan ang gift na binigay sa kanya ng Diyos. Ang ibig sabihin, pag-ibayuhin ang paggamit! Wag hayaang ma-stuck. Ang bagay na hindi ginagamit, naluluma, kumukupas, kinakalawang. Kung ang gift ni Timothy ay leadership, teaching, preaching at faith, mag-lead siya sa mga tao sa church, magturo siya nang magturo, at tulungan niya ang congregation na mas maging mapanalanginin!
Tayo din po! Bantayan natin ang ating mga sarili na laging gamitin at wag pabayaan ang mga gifts na bigay sa atin. Mag-serve tayo, at mas lalo pang mag-improve! Kapag may mga trainings at seminars, mag-join tayo! Kapag may ministry opportunities, magpagamit. Wag nating sayangin, kasi the more na ginagamit natin ang ating gifts, the more na bibigyan pa tayo ng mas maraming pagkakataon para maging useful sa kaharian ng Diyos.
Conclusion:
Practice – Persist – Progress (v.15-16)
Ang mga instructions na ito ni Paul kay Timothy, at sa atin din bilang mga Christians, ay hindi for one-time obedience lang. Ang kailangan po natin ay Practice – Persist – Progress: gawin hanggang makasanayan, gawin kahit mahirapan, gawin hanggang sa magbunga lahat ng pinaghirapan.
Bantayan natin ang ating mga sarili. Minsan makakalimot tayo na maging magandang halimbawa sa iba. Minsan ay mawawalan tayo ng ganang tumupad sa ating mga commitments, minsan din ay kakatamaran nating i-improve pa ang ating mga sarili. Ayaw na nating mag-grow.
Subalit tandaan na may nakakakita o wala, dapat nating gawin ang lahat ng ito. Hindi lang para sa ating sarili, kundi para sa lahat ng mga nakapaligid sa atin. Wala man tayong titulong pastor, subalit katulad ni Timothy, lahat tayo ay lingkod ng Diyos. At bilang Kanyang lingkod, inaasahan tayong bantayan kung paano tayo namumuhay.
Reflection:
Anong areas ng buhay mo ang nahihirapan kang bantayan? Magbigay ng mga scenario, kung meron, kung saan na-“caught off guard” ka at hindi mo nabantayan ang iyong sarili. Anong maaari mong gawin upang mas mabantayan mo ang iyong sarili?
7. Pananalangin
1) Tayo ay humingi ng sorry sa Panginoon kung tayo man ay “nalaglagan ng bunga” sa mga nakalipas na araw o buwan. Hingin natin ang Kanyang gabay na maging mas mapagbantay tayo.
2) Ipanalangin natin ang ating mga pastor at church leaders na sila rin ay maging mas watchful, at masunod nila palagi sa tulong at biyaya ng Holy Spirit ang mga instructions ni Paul kay Timothy.
3) Tayo ay magpasalamat sa Diyos sa mga kaluluwang dinagdag Niya sa Kanyang kaharian nitong nakaraang Seeker Service. Ipanalagin na magpatuloy sila sa pagsaliksik sa Diyos at lumago sa kanilang pananampalataya.
4) Ipanalangin natin ang ating mga Finders – mga taong assigned para mag-follow up sa ating mga bagong mananampalataya. Nawa’y bigyan sila ng Diyos ng wisdom at overflowing love na kailangan nila sa kanilang ministry.
5) Hilingin natin sa Diyos na maging mas mabunga ang mentor-mentee relationships ng ating mga kapatirang nasa discipleship program ng church. Nawa’y mas mag-ignite ang passion nila sa Lord at sa Great Commission.
6) Patuloy nating ipanalangin ang ating bayan, ang kasalukuyang campaign season, at ang darating na national and local elections.
7) Isama natin sa panalangin ang patuloy na nangyayaring gulo sa Russia at Ukraine. Ipanalangin ang mga sibilyan, lalo na ang mga bata at matatanda na naiipit sa gulo. Ipanalangin din ang mga mananampalataya sa dalawang bansang ito.
8) Ipanalangin natin ang lahat ng sectors na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Hingin sa Diyos na patuloy na maghimala sa budget at mga pangangailangan ng mga taong ito, lalo na sa mga nasa laylayan.
9) Ipanalangin ang personal requests ng bawat isa.
8. Closing Prayer
Ama naming Diyos, ngayon pa lang po ay ipinagpapasalamat na namin ang Iyong tugon sa aming mga panalangin. Alam namin na mabuti Ka at tapat sa Iyong mga pangako. Patawarin niyo po kami sa mga panahong hindi Ka namin napapasaya dahil nakakalimutan naming bantayan ang aming mga salita, mga kilos, mga pag-iisip at mga pakikitungo sa kapwa. Patawarin Mo rin po kami kung hindi kami nagiging tapat sa aming mga pangako, at sa mga panahong isinasawalang-bahala namin ang Iyong mga kaloob.
Tulungan mo po kami na mas lalo pang maging aware sa aming pamumuhay, maging mapagmatyag, at magpatuloy sa aming paglilingkod sa Iyo. Samahan Mo po kami sa aming bawat hakbang.
Ito po ang aming dalangin na may papuri at pasasalamat. Sa Dakilang Pangalan ni Hesus, Amen!
9. Announcements
1) Water Baptism po sa Sunday! Pwede pang humabol. Please message https://m.me/marikina4square ASAP para makasali sa briefing on Saturday :)
2) Membership 101 next Saturday, para sa Member Acceptance next Sunday. Sign-up lang sa https://bit.ly/mfgcsignup :)
3) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
4) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
5) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
6) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
7) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
8) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments