Below is the material for our Family Prayer Cell on March 23, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
NOT MONEY, BUT LOVE OF MONEY
1 TIMOTHY 6:6-10 By: Sis. Edith Manalo
1. Introduction
Purihin at pasalamatan natin ang Diyos unti-unti ay nakakabalik na tayo sa ating mga trabaho dahil sa pagbaba ng COVID cases. Nabubuksan na din paunti unit ang opportunidad na makapaghanap-buhay at bumalik ang silga ng mga negosyo.
Ngunit di natin maiwasang magulantang sa mabilis na pagtaas ng presyo ng gas at petrolyo. Naririyan ang nagbabantang pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Bilang Kristianio, papaano ba natin mapapahalagahan ang pera na meron tayo? May mga taong sapat na kung ano ang dumating dahil malaki ang tiwala sa probisyon ng Diyos. Mayroon din namang gagawin ang lahat para mas dumami pa ang mayroon sila. Sa mga mahihirap na sitwasyon lalo na sa pinansyal, doon nasusubok kung ano ang mas pinapahalagahan natin at kung ano ang laman ng ating mga puso.
2. Pag-aawitan
All I Desire
Oh Lord, My God
All I desire is YOU 2X
More precious than silver
More costly than gold
No riches on the earth compares with You
And what can this world offer
When all I desire is You
(Repeat)
3. Praise Report
Ang Diyos natin ay tapat! Sa pagsuko natin ng ating buhay sa kanya, hindi Nya kailanman pinabayan ang kanyang mga anak. Patuloy Nyang tinutugunan ang ating mga pangangailangan lalo’t ito ay makakabuti sa atin. Maari po natin ibalik ang ating pasasalamat sa katapatan Nya sa ating buhay sa pagpapahayag kung papaano Nya ipinagkakaloob ang ating mga pangangailangan. Bigyang lugod natin ang ating Panginoon sa paghayag ng Kanyang kabutihan.
4. Pambungad na Panalangin
Panginoon, maraming salamat po sa buhay na mayroon kami. Ito ay kaloob mo at hangad mo na kami ay mabuhay ng ganap at sapat. Saliksikin mo nga po ang aming mga puso habang ihihahayag ang iyong salita at hayaan mong maging bukas ito sa iyong pagtuturo at pagtutuwid. Hayaan mong kumilos ang Banal na Espiritu at makita naming ang kabutihan mo sa aming buhay at maging mapagpasalamat sa lahat ng iyong ibibinigay. Ikaw lamang po ang aming sasambahin at iibigin!! Ito po ang aming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen!
5. Scripture Reading
1 Timothy 6:6-10
6 Sa katunayan, may malaki ngang pakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan. 7 Wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya, dapat tayong masiyahan kung tayo'y may pagkain at pananamit.
9 Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasama at mga hangal na hangarin na nagtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. 10 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.
1 Timothy 6:6-10 (ESV)
6 But godliness with contentment is great gain, 7 for we brought nothing into the world, and[a] we cannot take anything out of the world. 8 But if we have food and clothing, with these we will be content. 9 But those who desire to be rich fall into temptation, into a snare, into many senseless and harmful desires that plunge people into ruin and destruction. 10 For the love of money is a root of all kinds of evils. It is through this craving that some have wandered away from the faith and pierced themselves with many pangs.
6. Message
Maraming ibinilin si Pablo kay Timoteo na dapat nyang ituro sa Kristiano doon dahil may mga tao doon na nagtuturo ng taliwas sa Salita ng Panginoong Hesus. Inaakala ng mga taong ito na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman.
Itinuturo dito ni Pablo ang tamang attitude ng tao sa pagtingin sa pera. Sinasabi nya na ang pagkilala sa Diyos ay isa ngang kapakinabangan kung ang tao ay marunong makuntento. Kung ikaw ay masaya sa kung anong meron ka na ibinibigay ng Diyos, mas panalo ka! Kailangan nating maintindihan na ang contentment natin ay makikita lamang natin sa Diyos. Mabuting malaman na ang source ng lahat ng bagay na mayroon tayo ay ang Diyos. Kahit ang lakas mo para kumita ay galling sa kanya kaya nararapat lamang ipagpasalamat natin sa kanya ang lahat ng meron tayo..
Inihayag nya na wala naman talaga tayo na kahit na ano mula noong tayo ay ipinanganak, nagkakaroon lamang tayo ng pera, pagkain, damit at iba pang mga kailangan natin dahil sa Diyos na nagbibigay sa atin. Kapag tayo naman ay mamatay, ano mang meron tayo ay hindi natin madadala sa ating libingan. Kahit tayo ay magpakapagod ng husto sa pagkita ng maaraming salapi at magpundar ng maraming bagay o properties ay hindi natin ito madadala sa ating libingan.
Ang magkaroon ng pera o maraming pera ay hindi naman masama dahil ito ay kailangan natin para maging maginhawa ang ating buhay.
Napakahalaga ng pera sa panahon natin ngayon, hindi ka makakabili ng pagkain, damit, maayos na matitirhan at iba mo pang pangangailangan kung wala kang pera. Ang pera ay pangunahin nating kailangan kaya tayo ay nagtatrabaho. Ito ay kailangan din natin para ma-enjoy natin ang ganda/pleasure ng buhay. Mapupuntahan natin ang magagandang lugar kung tayo ay may pera. Ito ay hindi masama dahil kalooban din ng Diyos na tayo ay mabuhay ng masaya at masagana. Makakatulong pa nga tayo sa ibang nangangailangan kung tayo ay may pera. Ito ay pagpapala din na galing sa Diyos.
Pag ganito ang paraan ng ating isip mas panalo tayo, mas may gain. Ipagpapasalamat natin agad na may damit tayo at makakain dahil alam natin na hindi tayo pinababayaan ng Diyos!
Ngunit sabi ni Pablo, ang PAG-IBIG sa salapi ang nagiging ugat ng kasamaan. Dahil hindi tayo marunong makuntento at ang paghahangad ng sobra sobrang pera ay maaring maging dahilan sa pagkabulid natin sa kasalanan, pagkasira ang relasyon at paggawa ng masama. Ang walang humpay na pagpapayaman kahit mayroon ka na ay maaring mapaglayo sa atin mula sa Diyos. Ang matinding desire na magkaroon ng maraming pera ay maaaring magdala sa atin sa kapahamakan. Kailangan nating maging maingat sa ganitong tukso.
REFLECTION:
Kamusta ang ating puso sa pagtingin sa pera? Mas inuna ba natin ang pagpapayaman kaysa sa Diyos na pinanggalingan ng lahat ng bagay? Nakikita mo ba na biyaya ito na galing sa Diyos o naggiging dahilan lamang ito ng pag-aaway sa pamilya?
Lagi sana natin tandaan na ang biyaya ng Diyos ay laging sapat!
Conclusion:
Matt 6:24
No one can serve two masters, for either he will hate the one and love the other, or he will be devoted to the one and despise the other. You cannot serve God and money
Mateo 6:24
Walang makapaglilingkod ng sabay sa dalawang Panginoon sapagkat kapopootan nya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.
Hindi masama ang pera, ngunit ang pag ibig sa pera ang nagdadala sa atin na gumawa ng kasalanan at nagpapalayo sa atin sa Diyos. Piliin natin mahalin ang Diyos kaysa sa pera. Mas panalo ka, dahil ang Diyos ay nagpapala sa taong nagmamahal sa Kanya.
Godliness with contentment is great gain.
7. Pananalangin
1) Ipanalangin na saliksikin ng Diyos ang bawat puso at bantayan ng Diyos ang ating mga puso na maiwasan na ibigin ang pera. Humingi ng tawad kung kinakailangan.
2) Ipanalangin ang financial needs ng mga kapatiran, MMND churches at JCLAM ministers and workers.
3) Ipananlangin na magkaroon tayo ng tamang paghawak sa pera at maging 0-debt na ang may mga pagkakautang.
4) Ipanalangin na mag karoon pa ng matinding pagkauhaw sa salita ng Diyos at lumapit pa sa Dioys ang mga bagong mananampalataya, members and attendees ng MFGC.
5) Ipanalangin na maging lalong committed ang lahat ng Mentors and Mentees, Finders and Seekers sa lalong paglago ng kanilang spiritual life.
6) Ipanalangin ang mga coaches na gabayan sila ng Banal na Espiritu sa bawat desisyon na gagawin; wisdom and anointing sa lahat ng activites na gagawin.
7) Ipanalangin ang ating bansa, for peace and order sa darating na election. Isama di natin ang pagtigil ng gera sa Ukraine and Russia.
8) Ipagray din ang personal prayer requests ng katabi.
8. Closing Prayer
Panginoon, salamat sa salita mo na laging gumagabay sa amin para mabuhay nang nakakalugod Syo. Alam naming na naisin mo na kami ay pagpalain kung kami ay patuloy na magmamahal sa iyo. Ikaw nga po ang kumilos sa amin pag dating sa paghawak naming sa pera na ipinagkatiwala mo sa amin. Hayaan mo kaming maging good steward ng mga biyaya mo. At higit sa lahat hayaan mong sa Iyo kami tumingin sa panahon na mayroon kaming pangangailangan. Ikaw ang tapat na Diyos at patuloy kaming mananambahan sa iyo. Salamat sa pag tugon mo sa aming panalangin.
Ikaw, oh Diyos ang mapapurihan, sa pangalan ni Hesus, amen!
9. Announcements
1) Membership 101 this Saturday, para sa Member Acceptance next Sunday. Sign-up lang sa https://bit.ly/mfgcsignup :)
2) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
4) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
5) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
6) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
7) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments