top of page

2022 Family Prayer Cell 13 - Pag-alabin!

Writer's picture: Marikina FoursquareMarikina Foursquare

Below is the material for our Family Prayer Cell on March 30, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




PAG-ALABIN

2 TIMOTHY 1:1-7 By: Ptra. Kay Carolino

 

1. Introduction


Congratulations! Nagpapatuloy kayo sa gawin ng pananalangin at pagbubulay-bulay sa Salita ng Dios. Sinasagot agad o pinoproseso pa, magpatuloy lang tayo. Hindi bingi ang Dios! Nakikinig Siya!Hindi rin Siya bulag! Nakikita Niya ang lahat ng ating dalahin!


2. Pag-aawitan




3. Pambungad na Panalangin


Dios naming Ama, nagpapasalamat po kami sa pagiingat ninyo sa amin sa buong linggo. Salamat po sa probisyon, sa karunungan, sa trabaho, sa spiritual family ng JCLAM, sa mga taong nanalangin para sa amin, sa mga kaibigan, sa mga mahal sa buhay, at sa mga ministries at gifts po Ninyo sa amin.


Panginoon, itinatagubilin po naming sa Inyo ang Family Prayer Cell na ito. Nawa ay malugod po Kayo at hindi po naming gawin ito bilang obligasyon at pagsunod lamang s autos kungdi dahil sa kaalaman naming sa Inyong Salita na ito po ang kapangyarihan na dinisenyo mo sa pagpapatibay ng aming relasyon sa Inyo.


Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na kami sa Inyong kasagutan. Sa ngalan ni Hesus.


4. Scripture Reading


2 Timoteo 1: 1-7 (MBBTAG)


1 Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos upang ipangaral ang tungkol sa buhay na ipinangakong makakamtan natin sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus—

2 Kay Timoteo na minamahal kong anak.

Sumaiyo nawa ang kagandahang-loob, kahabagan, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

3 Tuwing inaalala kita sa aking panalangin araw at gabi, nagpapasalamat ako sa Diyos na aking pinaglilingkuran nang may malinis na budhi gaya ng ginawa ng aking mga ninuno.

4 Kapag naaalala ko ang iyong pagluha, nananabik akong makita ka upang malubos ang aking kagalakan.

5 Hindi ko nalilimutan ang tapat mong pananampalataya, na naunang tinaglay ng iyong lolang si Loida at ni Eunice na iyong ina. Natitiyak kong nasa iyo rin ang pananampalatayang ito.

6 Dahil dito, ipinapaalala ko sa iyo na pag-alabin mong muli ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay.

7 Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.


2 Timothy 1:1-7 (Contemporary English Version)

1From Paul, an apostle of Christ Jesus.

God himself chose me to be an apostle, and he gave me the promised life that Jesus Christ makes possible.

2 Timothy, you are like a dear child to me. I pray that God our Father and our Lord Christ Jesus will be kind and merciful to you and will bless you with peace!

3 Night and day I mention you in my prayers. I am always grateful for you, as I pray to the God my ancestors and I have served with a clear conscience.

4 I remember how you cried, and I want to see you, because that will make me truly happy.

5 I also remember the genuine faith of your mother Eunice. Your grandmother Lois had the same sort of faith, and I am sure that you have it as well.

6 So I ask you to make full use of the gift that God gave you when I placed my hands on you. Use it well.

7 God’s Spirit doesn’t make cowards out of us. The Spirit gives us power, love, and self-control.


5. Message


Background: The Greek term for “youth” is neotes. In this culture, someone could be called a “youth” until they were forty years old. (Earle) The word for ‘youth’ (KJV) is neotēs, ‘used of grown-up military age, extending to the 40th year.’”


Malamang nang sinama ni Paul si Timothy ay teenager pa lang siya. (Acts 16:1) Ngunit lumaon ang higit sa isang dekada nan ang sumulat si Pablo sa kanya. Nagkaroon na rin ng maraming karanasan si Timothy sa paghandle niya ng church. Kaya ang ikalawang sulat na ito ay na nasa edad na mature na si Timothy.


Tingnan natin ang mga paunang salita ni Pablo:


1) Paano itinuturing ni Pablo si Timothy, ayon sa vs. 2? Kung ikaw si Timothy, meron ka bang Pablo sa iyong buhay?

2) Ano ang panalangin ni Pablo para sa spiritual son niyang si Timothy, ayon sa vs. 2?

3) Ano ang pakiramdam raw ni Pablo sa paglipas ng bawat araw ayon sa Vs. 3

4) Nagbalik-tanaw si Pablo, vs. 4. Ano ang naaala niya? May ganito ka bang memories?

5) May naalalang mga tao si Pablo na nasa paligid ni Timothy? Sino yun at anong ginawa?

6) May pangarap si Pablong mangyari sa parehong verse. Ano iyon? May ganito ka bang desire?


Kapag pinag-aralan natin ang naging upbringing, growth and development, exposure and training ni Timothy, we can wee that he is BLESSED! Pinagpala siya! Kaya, gayun na lamang ang bilin ni Apostol Pablo sa kanya:


1. PAG-ALABIN MULI ANG MGA KALOOB- Vs. 6 Nang pinatungan ng kamay (laying on of hands) ni Pablo si Timothy (passing a blessing to a formally recognized leader or to officially commission them as their representatives before God) sa pagsisimula ng kanyang ministry, kaakibat nito ang pagpapahayag na sa paggamit ni Timothy ng kanyang mga ministry gifts, ay may kasama itong ‘anointing’ o pagkasi o pagsama ng Banal na Espiritu.


Kaya ang instruction ni Pablo, sa payak na salita, ay PAYPAYAN mo (di ba, kapag pinapaypayan ang isang maliit na alab ay lumalaki ito at nagiging apoy na magbibigay na mas malaking init at lakas)….kapag pinag-alab, mas lalong iinit ito at magkakaroon na kapangyarihang magawa ang dapat magawa. Hindi dapat hindi pansinin baka paglaon ay mamatay ang apoy. Hindi dapat ipag-walang bahala.


Ang bilin ni Pablo: gamitin ang mga ‘ministry gifts’ nang maayos. (iba-iba ang gifts ng iba’t Ibang tao. Need mong ni-discover kung hindi mo pa alam)


2. PAKILUSIN ANG BANAL NA ESPIRITU NA NASA ATIN NA - Vs. 7 Sa ganang kalakasan lang ni Timothy, hindi niya kakayanin ang malaking hamon sa ministry. Maraming magbibigay ng dahilan upang matakot, mahiya, o panghinaan ng loob si Timothy sa kabila ng kanyang magandang background. Need niya talaga ang Banal na Espiritu bilang kanyang Helper.

a) Sa Kanya galing ang katapangan at kapangyarihan – hindi batay sa sarili niyang galing na magawang magsalita, magturo, mamuno sa church, magrebuke atbp.

b) Sa Kanya galing ang pagmamahal na natatanging motibo sa paglilingkod.

Kapag hindi galing sa Banal na Espiritu ang pagibig na ito, mauubos ito agad at hindi mataas ang standard. Lalo na kung matatanda ang ibang kausap niya, need ni Timothy ng higit na pagmamahal upang mas maipakit niya ang pagibig ni Hesus bilang ehemplo sa lahat.

c) Sa Kanya galing ang pagpipigil sa sarili o sound mind – sa dami ng tila mga nanggugulo sa church na maling tagapagturo, mga taong nanlilimbak sa kanya dahil mas bata siya kaysa sa nakakarami, maaaring siya ay pumatol at mapikon agad. Kaya ang self-control ay kailangan niya para sa maayos niyang pamamalakad ng church.


CONCLUSION:

Mabuti ang Dios na pinapaligiran tyo ng mga taong tumutulong sa atin upang tayo ay magpatuloy sa paglilingkod sa Kanya. Ang gagawin na lang natin ay pag-alabin ang mga naituro na, pag-alabin ang mga nadiskubre ng mga ‘ministry gifts’, gamitin ang mga ito nang may kahusayan. Sure na sure, kapag ang Banal na Epiritu ay ating pinakilos, bibigyan tayo ng Dios- hindi ng kahiyaan --- kungdi ng tapang na harapi ang anumang challenge, ang pagmamahal sa lahat ng ating nakakasalamuha, at pagpipigil sa sarili upang makagawa ng tamang desisyon sa buhay.


ACTION PLAN: Magtanong sa mga spiritual guardians mo kung ano ang nakikita nilang kaloob mo na maaari mong magamit sa paglilingkod sa Dios.


6. Praise Report


Ipatotoo o sabihin sa mga kasama mo kung paano mo pinasasalamatan ang Dios dahil sa mga bagay tungkol sa ating pinag-usapan ngayon, at ipaliwanag kung bakit ka thankful sa Lord:

o Mayroon kang katulad ni Pablo sa iyong buhay – spiritual parent

o Lumalaki ka na may “Lois” at “Eunice” sa iyong buhay – spiritual guardians/relatives

o Pagbibigay sa iyo ng Dios ng kapangyarihan na magawa ang pinagagawa Niya

o Pagbibigay sa iyo ng Dios ng pagibig upang maging tama ang motibo sa paglilingkod

o Pagbibigay s aiyo ng Dios ng pagpipigil sa sarili para tamang pagiisip at desisyon


7. Pananalangin


1) Ang ating mga spiritual parents or guardians --- na pagpalain sila ng Dios!

2) Ang mga nanlalamig at nanghihina ay PAALABIN sa kanilang paglilingkod sa Dios.

3) Ang mga nasa abroad o malayong probinsiya na nangangailangan ng gabay ng Banal na Espiritu at engkuwentro kay Hesus bilang Tagapagligtas.

4) Ang mga negosyo at trabaho ng mga kapatiran at kaanak --- na magamit sa kaluwalhatian ng Dios (tithes, offerings, love gifts, spiritual investments, evangelism and missions in the marketplace, etc.)

5) Foursquare Organization family – here and abroad – magawa ang pinagagawa ng Dios nang may kaayusan at pagsama ng Banal na Espiritu

6) Pastors all over – anointing, tapang, sound mind, love

7) Lahat ng church departments (Men, Women, Young Coupls, Senior Youth, Teens and Youth, Children and Toddlers/Infants) – magpatuloy sa paglago hanggang sa pagdating ni Hesus!

8) Financial provisions and Physical Healing

9) Other needs


8. Closing Prayer


Nagpapasalamat po kami, O, Dios, dahil alam naming narinig mo ang mga panalangin. Nawa ang mga Salit ng Dios na aming narinig ay magpaalala sa amin na kami ay pinagpala na at kailangan lang naming pag-alabin ang mga ito sa aming buhay. Gabayan mo kami sa aming mga lakarin at mga pinagkakabalahan. Banal na Espiritu, patuloy nawa naming Ikaw pakinggan sa aming buhay. Salamat po sa lahat lahat. Sa Inyo po ang lahat ng papuri. Sa pangalan ni Hesus, Amen!


9. Announcements


1) MMND UNIFIED PRAYER MEETING sa April 13

2) Membership 101 this Saturday, para sa Member Acceptance next Sunday. Sign-up lang sa https://bit.ly/mfgcsignup :)

3) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents

4) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

5) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

6) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

7) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

8) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



138 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page