top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 14 - Not Ashamed

Below is the material for our Family Prayer Cell on April 6, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





NOT ASHAMED

2 TIMOTHY 1:8-14 By: Ptra. Glo Oyco

 

1. Introduction


Yes! Tunay na mabuti at tapat ang ating Dios! Imagine, nasa second quarter na tayo ng taong 2022, at sa nakalipas na tatlong buwan, marami rami na rin ang mga panalangin na binigyan ng katugunan ng ating Dios! Maaring ang iba naman ay naghihintay pa ng tamang panahon ng katugunan, tuloy lang! Di magsasawa, di mapapagod at patuloy pa ring lalapit ng sama-sama sa trono ng Kanyang biyaya!


2. Pag-aawitan

DAY BY DAY

Day by day! Day by day!

Day by day, I walk a little closer with my Lord.

Day by day! Day by day!

Where He leads me, I Will Follow

Where He Sends Me I will Go

Day by day, I walk a little closer with my Lord.

Day by day! Day by day!


3. Pambungad na Panalangin


Aming Dios Ama, pinupuri at pinasasalamatan Ka namin sa Inyong patuloy na pag-iingat sa aming sambahayan, sa lahat ng probisyon na aming tinanggap sa nagdaang Linggo. Malaki man o maliit ay isang katotohanan ng Inyong pagmamahal sa amin. Palagi Kayong handang makinig sa Inyong mga anak.


At muli, amin pong ipinagtatagubilin sa Inyong mapagpalang Kamay ang aming Family Prayer Cell na ito ay maging bahagi ng aming pagmamahal sa Inyo. Panahon na kami ay makikinig sa Inyo at panahon din na idalangin ang mga pangangailangan sang-ayon sa Inyong kalooban. Ito man po ay ginagawa naming kasama ang aming pamilya sa loob ng tahanan o sa pamamagitan ng online kasama ang iba’t ibang miyembro ng JCLAM, patuloy po Ninyo kaming Samahan ng inyong Banal na Espiritu. Ito po ang aming panalangin sa Pangalan ng aming Panginoong Hesus, Amen.


4. Scripture Reading


2 Timoteo 1: 8-14 (MBBTAG)


8 Kaya't huwag kang mahihiyang magpatotoo para sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikakahiya, na isang bilanggo alang-alang sa kanya. Sa halip, makihati ka sa pagtitiis para sa Magandang Balita. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos

9 na nagligtas at tumawag sa atin para sa isang banal na gawain. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin, kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob. Sa simula pa, ito ay ibinigay na niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus,

10 ngunit ito'y nahayag na ngayon, nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ang kapangyarihan ng kamatayan at inihayag ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.


11 Para sa Magandang Balitang ito, ako'y itinalagang mangangaral, apostol at guro,

13 Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo, at manatili ka sapananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus.


2 Timothy 1:8–14 (ESV)

8 Therefore qdo not be ashamed of rthe testimony about our Lord, nor of sme his prisoner, but tshare in suffering for the gospel by the power of God,

9 uwho saved us and vcalled us to1 a holy calling, wnot because of our works but because of vhis own purpose and grace, which he gave us in Christ Jesus xbefore the ages began,2

10 and which now has ybeen manifested through zthe appearing of our Savior Christ Jesus, awho abolished death and bbrought life and cimmortality to light through the gospel,

11 dfor which I was appointed a preacher and apostle and teacher,

12 ewhich is why I suffer as I do. But fI am not ashamed, for gI know whom I have believed, and I am convinced that he is able to guard until hthat day iwhat has been entrusted to me.3

13 jFollow kthe pattern of lthe sound4 words mthat you have heard from me, in nthe faith and love that are in Christ Jesus.

14 By the Holy Spirit owho dwells within us, guard ithe good deposit entrusted to you.


5. Message


I. Sa nakaraang FPC ay natutunan natin na ang ikalawang sulat na ito na aklat ng Timothy ay isinulat sa panahon na siya ay mature na sa kanyang pananampalataya. At pagkakaroon ng magandang upbringing magmula sa kanyang ina at sa kanyang lola na si Eunice ay masasabi natin na totoong napaka-BLESSED ni Timothy. Dagdag pa ang katotohanan na siya ay itinuturing na anak sa pananampalataya ni apostol Pablo. At ang pinakamahalaga sa lahat ay tinanggap na rin niya ang gift of God, ang promised Helper na walang iba kundi ang Banal na Espiritu noong siya ay pinag-lay hands ni Apostol Pablo. At dahil sa mga nabanggit ay sinasabi ni Pablo kay Timothy na DO NOT BE ASHAMED/ WAG MAHIHIYA NA MAGBIGAY NG TESTIMONY/PATOTOO TUNGKOL sa PANGINOON (V.8) Ang kaparehong paalala ni Apostol Pablo kay Timothy, ay paalala din sa ating kapanahunan:

A. HUWAG MAHIYANG magpatotoo para sa ating Panginoon (v.8)

Mga kadahilanan upang hindi mahiyang magpatotoo: 1. Ikaw ay niligtas ng Diyos (v.9)

2. Ikaw ay Kanyang tinawag (v.9) 3. Ikaw ay Kanyang pinili sa simula pa man (v.9) 4. Ikaw ay Kanyang itinalaga at binigyan ng mandate (v. 11) Reflection: Anu ano ang nagiging kadahilanan upang ikaw ay mahiyang magpatotoo para sa Diyos? (ang bawat isa ay magbigay ng katugunan) Sa mga patuloy na nagbabahagi ng Salita ng Diyos (one-on-one), sa mga patuloy na nagsi-share ng link ng ating livestreaming upang makarinig ang inyong mga kaibigan, kamag-anak, kakilala at nakikilahok sap ag-follow-up sa ating mga seekers, ito po ay isang magandang kaparaanan ng hindi nahihiya na patuloy na magpatotoo tungkol sa gingawa ng Panginoon sa inyong buhay. Ituloy po lamang yan.

B. HUWAG MAHIYANG makihati sa pagtitiis para sa Magandang Balita (v.8) Bilang mangangaral, apostol at guro ay naranasan ni Pablo ang mga pagtitiis, pagdurusa, hirap at pasakit para sa pagpapahayag ng gospel.Sa mga nakaraan nating topics sa FPC ay kasama nating napag-aralan ang mga naging karanasan ni Pablo sa pagpapahayag ng gospel. Ang kanyang buhay ay palaging nalalagay sa panganib at ito mababasa natin sa 2 Corinto 11:24-27:


24 Limang beses akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na hagupit mula sa mga Judio; 25 tatlong ulit kong naranasang hagupitin [ng mga Romano][a], at minsang pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang mawasak ang barkong aking sinasakyan, at minsa'y buong araw at gabi akong lulutang-lutang sa dagat. 26 Sa malimit kong paglalakbay, nalagay ako sa iba't ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa aking mga kababayan at sa mga Hentil; mga panganib sa lungsod, sa ilang, sa dagat, sa mga huwad na kapatid. 27 Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, at matinding gutom at uhaw. Naranasan ko ang ginawin ngunit wala man lamang maibalabal.


Subalit sa kabila ng lahat na kanyang naranasan ay matapang nyang ipinapahayag na wag pa rin mahiya na ipatotoo ang tungkol sa Diyos na nagliligtas sa pamamagitan ni Hesus. Ang mga paalalang ito ay binabanggit ni Apostol Pablo kay Timothy sa panahon na siya ay nahaharap sa kanyang nalalapit na kamatayan. Ang katapangan ni Pablo na ihayag ang gospel ay nag-uugat sa kanyang tunay na pagkakilala kay Hesus, ang sabi niya sa v.12: sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa Kanya.

Ang Hesus na kinilala ni Apostol ay Pablo, Ang Hesus na tinanggap niya bilang Lord at Savior ng buhay niya ay Hesus na pinagkakatiwalaan nya na pag-iingatan siya ng lubusan hanggang sa huling araw ng kanyang buhay. Reflection: Naranasan/Nararanasan mo ba ang mapahiya sa pagbabahagi ng gospel (Word of God) sa iyong mga kaibigan, kamag-anak, kakilala? Ano ang ginagawa mong sandigan upang patuloy na ibahagi ang Salita ng Diyos?

CONCLUSION: HINDI MAHIHIYA sapagkat ang lahat ng ito ay iyong magagawa “sa tulong ng Espiritu Santona nananatili sa atin”. Ang Banal na Espiritu ay nanahan sa iyo simula pa ng tinanggap mo si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Siya rin ang magpapaalala sa iyo na manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig ng pakikipag-isa kay Kristo.


6. Praise Report


Ipatotoo o sabihin sa mga kasama mo kung paano mo pinasasalamatan ang Dios dahil sa mga bagay tungkol sa ating pinag-usapan ngayon (NOT ASHAMED/HINDI MAHIHIYANG MAGPATOTOO TUNGKOL SA PANGINOON).


7. Pananalangin


1) Sabay sabay na manalangin upang bigyan ng Panginoon ng higit na tapang sa pagbabahagi ng Kanyang Salita.

2) Patuloy na gamitin ang Seeker Service upang maraming tao ang makakilala sa Panginoon. Kasama na ang ang ating Social Engagement (Helps & Mercy Teams) na patuloy na umabot sa mga hindi pa nakakakilala sa Panginoon.Ito ay maging fruitful maging sap ag-follow-up.

3) Ang mga nasa abroad o malayong probinsiya na nangangailangan ng gabay ng Banal na Espiritu at engkuwentro kay Hesus bilang Tagapagligtas.

4) Ang mga negosyo at trabaho ng mga kapatiran at kaanak --- na magamit sa kaluwalhatian ng Dios (tithes, offerings, love gifts, spiritual investments, evangelism and missions in the marketplace, etc.). Magamit ang kanilang Negosyo upang maging kaparaanan din na makakilala kay Hesus ang mga tao na nae-encounter sa kanilang mga negosyo.

5) Foursquare Organization family – here and abroad – magawa ang pinagagawa ng Dios nang may kaayusan at pagsama ng Banal na Espiritu

6) Pastors all over – anointing, tapang, sound mind, love

7) Lahat ng church departments (Men, Women, Young Coupls, Senior Youth, Teens and Youth, Children and Toddlers/Infants) – magpatuloy sa paglago hanggang sa pagdating ni Hesus! At patuloy na isagawa ang mandate na iniwan ni Hesus.

8) Financial provisions and Physical Healing

9) Other needs


8. Closing Prayer


Pinasasalamatan at pinapupurihan ka po namin aming Dios, sa katugunan ng aming mga panalangin. Nawa ang mga Salita Mo aming narinig ay magpaalala sa amin na kami ay di mahiya sa pagpapatoo ng tungkol sa Inyo. Sa lahat na tao na aming makakausap na hindi pa nakakakilala sa Inyo, tulungan po Ninyo kami na maibahagi ang Inyong Salita ng buong pagtitiwala na meron kayong gagawin sa paamaamgitan ng inyong Banal na Espiritu na nasa amin.pinagkakabalahan. Gawin po Niyong fruitful ang Linggong ito para po sa aming pagbabahagi ng Inyong mga Salita, Sa pangalan ni Hesus, Amen!


9. Announcements


1) MMND UNIFIED PRAYER MEETING sa April 13

2) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents

3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

4) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

5) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

6) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

7) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



109 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page