Below is the material for our Family Prayer Cell on April 20, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
PARTNERS
2 TIMOTHY 1:15-18 By: Ptr. Noolen Jebb Mayo
1. Pag-aawitan
Mahal na Mahal kita Panginoon
Rommel Guevarra
Mahal na mahal kita Panginoon (2X) Kailanma’y di Ka ipagpapalit Pagka’t sa piling Mo’y langit Mahal na mahal kita Panginoon Mahal na mahal kita Panginoon Mahal na mahal kita Panginoon Kailanma’y di Ka ipagpapalit Pagka’t sa piling Mo’y langit Mahal na mahal kita Panginoon Habang buhay papupurihan Ka Habang buhay maglilingkod sa ‘Yo Habang buhay pag-ibig ko Sayo iaalay (Repeat 2X) Habang buhay papupurihan Ka Habang buhay maglilingkod sa ‘Yo Habang buhay pag-ibig ko Sayo iaalay Mahal na mahal kita Panginoon Mahal na mahal kita Panginoon Kailanma’y di Ka ipagpapalit Pagka’t sa piling Mo’y langit Mahal na mahal kita Panginoon Mahal na mahal kita Panginoon Mahal na mahal kita Panginoon
2. Pambungad na Panalangin
(Lahat ay mag-taas ng kamay.)
Ama naming Makapangyarihan, patuloy kaming lumalapit sa Inyo upang bigyan ng kaluwalhatian at papuri ang pangalan Mo. Pagpalain Mo ang aming awitan, pananalangin at pakikinig ng Iyong Salita upang ang bawat isa ay ma-transform sa tulong ng Iyong Banal na Espirito. Alam namin na diringgin Mo ang aming munting panalangin sa pangalan ng Panginoong Hesus, amen!
3. Introduction
Kung kayo ay nakadalo sa Unified Prayer Meeting na pinangunahan ng Metro Manila North District (MMND) kung saan kabilang ang JCLAM noong nakaraang Miyerkules... SALAMAT sa pagiging PARTNERS ninyo lalo na sa pananalangin kasama ang iba’t ibang churches at divisions ng naturang distrito. Pagpalain kayo ng Diyos!
Ngayon ay balik na uli tayo sa ating Family Prayer Cell na naniniwala tayong malaking tulong ito para sa ika-aayos ng ating bansa sa gitna ng gulo sa politika at pagtaas ng bilihin at singilin; makapag-patuloy ang gawain ng church lalo na ang JCLAM; at mapa-lakas ang espirituwal nang bawat members at attendees bilang PARTNERS sa pananalangin.
4. Praise Reports / Testimonies
Dumaan na naman ang Holy Week na kung saan ay nagbibigay paalala sa atin sa ginawa ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng hirap at kamatayan Niya sa krus; at higit sa lahat ay ang pagtagumpayan Niya ang kamatayan at muli Siyang nabuhay muli. He is Victorious! At ganun din tayo, sa tulong Niya... marami din tayong napagtagumpayan at ito ang ating ipagpapasalamat sa Diyos. Paano ka nagtagumpay sa mga pinagdaanan mo noong nakaraang mga linggo?
5. Scripture Reading
2 Timothy 1: 15 to 18 (ESV)
You are aware that all who are in Asia turned away from me, among whom are Phygelus and Hermogenes. May the Lord grant mercy to the household of Onesiphorus, for he often refreshed me and was not ashamed of my chains, but when he arrived in Rome he searched for me earnestly and found me — may the Lord grant him to find mercy from the Lord on that day! — and you well know all the service he rendered at Ephesus..
2 Timoteo 1: 15 to 18 (MBBTAG)
Alam mong ako'y iniwan ng lahat ng mga nasa Asia, kabilang sina Figelo at Hermogenes. Kahabagan nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo sapagkat sa maraming pagkakataon ay pinasigla niya ako at hindi niya ako ikinahiya kahit ako'y isang bilanggo. Sa katunayan, pagdating niya sa Roma, pilit niya akong hinanap hanggang sa ako'y kanyang matagpuan. Kahabagan nawa siya ng Panginoon sa Araw na iyon. Alam mo naman kung paano niya ako pinaglingkuran sa Efeso.
6. Message
Kung maaalala ninyo ang huling topic ng ating FPC na ‘Not Ashamed’, sinasabi dito na huwag tayong mahiyang magpatotoo sa kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Ibahagi mo sa iba kung gaano Siya nagiging matapat sa iyo.
At isa pa ay huwag mahiyang magbahagi ng Salita ng Diyos sa kapwa. Tayong lahat ay dapat PARTNERS dito sa gawaing ito. Nagtutulungan at nagkaka-isa dahil ito ang mandato sa atin ng Panginoong Hesus bago SIya umakyat sa langit.
Kaya ito ang ating pag-uusapan sa oras na ito... ang pagiging PARTNERS sa paglilingkod sa Panginoon – sa pananalangin, sa pagsamba, sa pag-share ng Kanyang Salita at marami pang iba.
Ngunit sa katotohanan katulad sa unang bahagi ng binasa nating mga talata, may mga DISLOYAL PARTNERS si Pablo sa pamamamagitan nila Figelo at Hermogenes; at maging LAHAT ng mga nasa Asia. Ang mga taong ito ay may PAGDUDUDA sa Salita ng Panginoon at PAGKATAKOT dahil sa ito ay panahon ng persecution. Si Pablo ay inaresto at ikinulong sa mga panahong ito kaya sila ay mga duda at takot sa kanilang mga sarili.
Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi mo talaga pwedeng asahan sa oras ng kapahamakan, hindi mo sila makatuwang sa panahon ng kahirapan; ni hindi ka man lang masamahan sa mga pagkakataon ng kagipitan. TIla ba sa kasiyahan at sa sarap lang sila maasahan. Nangyayari din pala ito dati.
At sa panahon natin ngayon, hindi maitatago na nangyayari pa rin ito sa atin. Ni hindi ka masamahan sa mga gawain ng simbahan (sa physical service; sa FPC, sa CC at iba pa); walang sigasig na maki-isa na gawin ang mandato ni Kristo (ayaw mag-disciple at ayaw magpa-disciple).
Sa pamilya naman, tila lumalayo at ikinakahiya ka kapag may maling desisyon kang nagawa sa buhay. Imbes na palakasin ka nila ay tila I-condemn ka pa nila. May mga nananamantala din sa iyo at inaabuso ka. Hindi sila nakakatulong sa iyo bagkus nagiging kabigatan sila sa iyo.
REFLECTION: Paano ka nagiging DISLOYAL PARTNER?
Pero sa kabila ng mga taong nagbibigay kabigatan, mayroon pa ring mga taong bigay ng Diyos sa iyo bilang PAGPAPALA. Sila naman ang mga LOYAL PARTNERS, katulad ni Onesiforo – nagbibigay encouragement kay Pablo; nagbibigay ng comfort & support sa kanya at higit sa lahat hindi niya ikinahihiya kahit si Pablo man ay nakakulong.
Ito naman ang mga taong nakakatulong sa iyo at nagpapagaan ng mga gawain para sa Panginoon. Sila ang katuwang upang magampanan ang lahat ng gampanin at maabot ang mas marami na nangangailangan ng tulong; ibinibigay ang panahon upang mapaglingkuran ang iba; at naggugugol ng panahon upang samahan ka hirap at kalungkutan.
Nakakatuwang isipin na sa JCLAM ay maraming Loyal Partners. Nagagawa ang mga layunin natin dahil nariyan ang mga ito sa iba’t ibang gawain. May mga mentors na nagtitiyagang magturo ng Salita ng Diyos sa kapwa mananampalataya; mga finders upang ibahagi ang gospel sa mga bagong mananampalataya; may mga namamahala sa mga bata at namamahala sa mga physical at technical na tulong sa bawat services natin; may mga pinapadala sa mga sakuna (baha at sunog) upang pakainin at I-encourage sila,,, at marami pang iba.
Maging sa pamilya at mga kamag-anak, nakikilala mo kung sino ang tumutulong sa iyo kapag nasa oras ka ng alanganin; nag-aabot sa iyo sa gitna ng iyong kahirapan; at hindi ka ikinahihiya kung mayroon kang kamalian na nagawa sa buhay. REFLECTION: Ano ang iyong contribution upang maging LOYAL PARTNER?
CONCLUSION:
Nagbigay ng declaration si Pablo kay Onesiforo kasama ang kaniyang buong pamilya sa verse 16a, at ang sabi ay ganito... ‘Kahabagan nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo’. Ito ay pangako ng Panginoong Hesus sa Mateo 5: 7, ‘Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos’.
Kung ikaw ay nagpapakita ng pagiging LOYAL PARTNER, ang kahabagan ng Diyos ay nasa iyo... kasama ang pamilya mo. Hindi ka Niya iiwan sa oras naman na ikaw ang mangailangan. Marami ang tutulong sa iyo, magpapalakas sa iyo sa oras ng kahinaan sa kalungkutan; at sa kahirapan. At higit sa lahat, hindi ka rin nila ikahihiya dahil sa mga ipinakita mo sa kanila.
Ngunit kung ikaw ay isang DISLOYAL PARTNER, asahan mo na ang pagdududa at pagkatakot ay iyong mararanasan din sa oras ng iyong pangangailangan. Lalayuan ka rin ng mga tao dahil hindi ka nila mapagkakatiwalaan; at higit sa lahat, malamang ayaw ka nilang maging katuwang.
7. Pananalangin sa mga Loyal Partners
a. Mga MISSIONARIES sa loob at labas ng bansa na partners natin sa pagbabahagi ng Salita ng Panginoon... iniiwan ang pamilya, nasa mga lugar na may persecution sa kanila at limitadong pinansyal na tulong para sa kanila at sa kanilang pamilya.
b. Mga MENTORS at FINDERS na kung saan ay sila ang partners natin sa gawain ng JCLAM upang magturo ng Salita ng Diyos sa mga mananampalataya at bagong nakakilala kay Hesus – lakas ng loob at karunungan mula sa Diyos.
c. Mga DEBRIEFERS & MERCY TEAM – ang partners natin na laging handa upang abutin ang community lalo na sa mga nakaranas ng mga sakuna tulad ng baha, sunog at iba pa..
d. Mga CARETAKERS, BUILDING ADMIN at TECH TEAM na partners para magawa ng Physical Service at Livestream ng malinis, maayos, at malinaw ang gawain every Sunday.
e. Mga TITHERS na partners natin pagdating sa pinansyal upang matugunan ang mga pinansyal na pangangailangan ng church para sa mga programa at gastusin para sa operasyon nito.
f. Mga BRGY OFFICIALS na partners din natin para sa kaayusan ng ating barangay – makipagtulungan ang simbahan upang mapanatili ang katahimikan, kalinisan at pananampalataya sa Panginoon.
8. Closing Prayer
O aming Diyos, tulungan mo nga kaming maging LOYAL PARTNERS lalong-lao na sa mga gawain mo upang magawa ang kalooban Mo dito sa lupa. Bigyan mo kami ng Iyong biyaya ng kasigasigan at hindi katamaram; kalakasan at hindi kahinaan; pag-ibig sa kapwa at pamamayanan at hindi pag-balewala kung ano ang nangyayari sa aming lipunan. Salamat sa katugunan Mo sa mga pananlangin namin at hinihingi namin ang lahat ng ito sa pangalan ni Hesus, amen!
9. Announcements
1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.
Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
7)Salt & Light (Youth Activity) on Apr 24, 2022 @ 12nn
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comentarios