Below is the material for our Family Prayer Cell on April 27, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
CHARACTERISTICS OF A TRUE DISCIPLE
2 TIMOTHY 2:1-7 By: Sis. Edith Manalo
1. Introduction
Katatapos lang ng mahal na araw at marami tayong napanood na kwento tungkol sa Panginoong Hesus. Pinagpala din tayo nang napanood nating skit noong Biyernes Santo sa ating simbahan. Bilang disipulo ng Diyos, nagkaroon tayo ng pagkakataong saliksikin ang ating mga sarili at magbulay-bulay kung ano nga ba ang ginawa o ginagawa natin sa ating Panginoong Hesus. Marahil ang iba ay nakarelate din sa ibang mga character. Tayo ngayon bilang taga-sunod ni Hesus, gusto nating itama ang ating pagkakamali at lalong pang pag ibayuhin ang paglilingkod natin sa Diyos.
Napakaganda din po ng ating Serye nitong mga nakaraang Lingo na Jesus’ Way. Noong Lingo natutunan natin na makakapagbigay tayo ng karangalan/glory sa Diyos kung gagawin natin ang Kanyang kalooban. Bilang disipulo ng Diyos nararapat lamang na tularan natin ang buhay ni Hesus noong narito pa Siya sa lupa at ibigay natin ang ating buhay sa Kanya.
2. Pag-aawitan
LORD I OFFER MY LIFE TO YOU
All that I am, all that I have
I lay them down before you, oh Lord
All my regrets, all my acclaims
The joy and the pain, I'm making them yours
(Chorus)
Lord, I offer my life to you
Everything I've been through
Use it for your glory
Lord I offer my days to you
Lifting my praise to you
As a pleasing sacrifice
Lord I offer you my life
(Verse 2)
Things in the past, things yet unseen
Wishes and dreams that are yet to come true
All of my heart, all of my praise
My heart and my hands are lifted to you
(Repeat Chorus)
(Bridge)
What can we give that you have not given?
And what do we have that is not already yours?
All we possess are these lives we're living
That's what we give to you, Lord
(Repeat Chorus)
3. Praise Reports
Ang buhay bilang taga-sunod o disipulo si Hesus ay isang journey. May mga pagsubok at mayroon ding tagumpay. Maari po ba tayong magbahagi ng ating mga tagumpay sa buhay bilang disipulo ni Hesus? Maari nating i-share ang ating good reports sa paglilingkod sa Diyos. Dahil alam naman natin na hindi natin magagawa ang mga ito kundi sa tulong Nya, nararapat lamang na pasalamatan natin Sya.
4. Pambungad na Panalangin
Panginoon, maraming salamat dahil nagkakasama kami muli para makarinig ng salita mo at makapanalangin sa isa’t isa. Nawa’y makapagbigay ito ng encouragement at makapagpalakasan kami sa aming pagsasama-sama. Samahan mo nga po kami at dingin nyo ang aming ipapanalangin nang naayon sa iyong kalooban. Mapagtibay nawa namin ang aming pananampalataya at makapagpatuloy sa aming paglilikod sa’yo. Ikaw po ang malugod sa lahat ng aming gagawin, sa pangalan ni Hesus… Amen!
5. Scripture Reading
2 Timoteo 2:1-7 ((MBBTAG)
1 Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ng kagandahang-loob ni Cristo Jesus.
2 Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga taong may katapatan at may kakayahang magturo naman sa iba.
3 Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno.
5 Hindi maaaring gantimpalaan ang isang manlalaro kung hindi siya naglalaro ayon sa mga alituntunin.
6 Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat unang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan.
7 Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.
2 Timothy 2:1-7 (ESV)
1 You then, my child, be strengthened by the grace that is in Christ Jesus,
2 and what you have heard from me in the presence of many witnesses entrust to faithful men, who will be able to teach others also.
3 Share in suffering as a good soldier of Christ Jesus.
4 No soldier gets entangled in civilian pursuits, since his aim is to please the one who enlisted him.
5 An athlete is not crowned unless he competes according to the rules.
6 It is the hard-working farmer who ought to have the first share of the crops.
7 Think over what I say, for the Lord will give you understanding in everything.
6. Message
Sa Chapter 1 ng 2 Timothy, inihayag ni Pablo kay Timothy ang kanyang pagdudurusa bilang apostol at guro para mapahayag ang Mabuting Balita kaya sa Chapter 2, nagbilin sya ng dalawang bagay kay Timoteo:
1. Magpakatatag ka.
Sinasabi ni Pablo na may suffering sa paghahayag ng Salita ng Diyos. Hindi ito madali kaya ganun na lamang ang pag e-encourage nya kay Timoteo. Sinabi ni Pablo na magpakatatag sya. Papaano? sa pamamagitan ba ng sarili nating effort o lakas ng loob? Magpakatatag daw tayo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos (by grace) na nasa kay Kristo-Hesus, doon daw tayo kukuha ng lakas! Yung grace ni Hesus ang makakatulong sa atin para maging matatag at para malampasan ang mga sufferings na maaring maranasan ng mga Kristiano dahil paghahayag ng Salita ng Diyos.
Sa ating buhay Kristiano, may nararanasan ka ba ng rejection, discouragement o persecution dahil sa pananampalataya mo sa Panginoong Hesus? Ang sabi ni Pablo, magpakatatag ka dahil ang kagandahang-loob ng Diyos ay laging available para sa ating mga anak Nya. Hindi tayo kailan man pababayaan ng Diyos.
2. Magdisciple ka ng discipler.
Sa verse 2, sinabi na Pablo na ituro nya sa mapagkakatiwalang tao lahat nang narinig o natutunan nya kay Pablo para ito ay maituro din sa iba. Sinasabi nyang magtrain ka ng mga disciplers.
Marahil marami na sa atin ay matagal ng Kristiano. Marami na tayong narinig at natutunang Salita ng Diyos. Bilang taga-sunod ni Hesus, mainam na ang ating natutunan ay hindi lang nanatili sa ating sarili kundi naibabahagi natin sa iba na maaring magtuturo din sa iba. Sa ganun ay marami ang makakarinig ng Salita ng Diyos at maging taga sunod ni Kristo.
Katulad din ng ginagawa ngayon sa ating simbahan tungkol sa Discipleship 1:1. Itinuturo natin sa iba ang ating natutunan para sila ay magturo din sa iba nang sa gayon ay dumami ang maging tagasunod ni Kristo.
Action Plan:
Kung ikaw ay nag nanais na ma-involve sa gawing ito, ipanalangin na makasama ka sa Discipleship 1:1 at ipagbigay alam lamang sa inyong host o leader na gusto mong ma-disciple at gusto mong mag disciple ng iba.
Sa v3- v6, inihalintulad ni Pablo ang tunay na disipulo sa isang sundalo, manlalaro (athlete) at magsasaka para mas malaman natin kung anu-ano ang mga katangian ng isang tunay na disipulo:
A. Sundalo (Matiisin at Focused sa pagsunod sa Diyos)
Bilang sundalo ng Diyos makakaranas tayo nang pagdurusa o mga sufferings na pinagdadaan ng lingkod ng Diyos. Ang sundalo ay matiisin sa mga paghihirap na kanilang nararanasan. Ang sundalo ay nakafocus sa paglilingkod at sa pagsunod sa pinag uutos ng kanyang commander-in-chief. Wala syang pansariling agenda, ang motibo ng puso nya ay sundin ang utos ng Diyos at makapagbigay lugod sa Diyos.
B. Bilang Manlalararo (May disiplina at tapat)
Ang isang manlalaro ay hindi nananalo kung hindi sya tapat na sumusunod sa mga rules o tuntunin ng laro. Sila ay may disiplina sa sarili at nagpupursigeng magtraining para lalong lumakas at manalo. Ganun din ang isang tunay na disipulo, kailangan nating maging disiplinado sa ating spiritual life. Ang kasanayan sa araw araw na pananalangin, pagbabasa ng Bibliya at pagdalo sa gawin ng Diyos ay mahalga para maging matatag at matagumpay tayo bilang Kristiano. Makakatulong din ang tapat na pag sunod sa mga utos ng Diyos para maranasan natin ang tunay na tagumpay.
C. Bilang Magsasaka (Masipag at matiyaga)
Ang magsasaka ay nagsisikap at natitiyaga sa paghahasik, pag aararo, pagdidilig upang mapalago at maging malusog ang kanyang ani. Sya dapat ang nakikinanbang sa bunga ng kanyang pinaghirapan. Sila ay matiyagang ding naghihintay sa araw ng anihan.
Katulad ng isang magsasaka, nararapat lamang na tayo ay nagsisikap at nagtitiyagang sa pag-aalaga at tuloy tuloy na pananalangin sa ating dinidisipulo. Patuloy ang pag tuturo ng Salita ng Diyos para sila ay lumago at magbunga.
Sa ating pagtatanim ng salita ng Diyos tayo ay unang natututo at ang unang lumalago sa pananampalataya. Tayo ang unang nakakaramdam ng galak sa pag aaral ng Salita ng Diyos at kanilang paglago. Tayo ang unang napapalapit sa Diyos na syang bunga ng ating ginagawa.
Ang mga katangian na ito ay mahalaga para maging tunay nga tayong disipulo ni Hesus. Ang mga katangiang ito ay maaari pa nating mapaglinang habang tayo ay nagpapatuloy na maglingkod sa Diyos sa tulong ng kanyang kagandahang-loob.
Sa v. 7, Kailangan natin itong mapag isipang mabuti hindi lang basta marinig dahil ang Panginoon mismo ang magpapaunawa nito sa atin. Kailangan maging bukas ang ating isipan sa mga bagay na sinasabi ng Diyos.
REFLECTION:
Bilang disipulo ni Kristo, nakikita mo ba ang mga katangiang ito sa iyong buhay?
CONCLUSION:
Ang maging tunay na disipulo ay hindi madali, totoong mahirap, may discouragement at suffering pero kung tayo ay nakatuon sa kagandahang loob (grace) ng Diyos na ibinigay na sa atin, maari tayong magpatuloy dahil alam natin na ang ating pinaglilingkuran ay tapat at mabuting Diyos.
Ang taga-sunod ni Kristo ay dapat nagtataglay ng mga katangian na pagiging matiisin, masunurin sa Diyos, may disiplina, tapat sa Diyos, masipag at matiaga para maging matatag at tunay na disipulo ng Diyos.
Alalahanin natin na sa kanya nangagaling ang ating lakas para magpatuloy.
Our labor in the Lord is not in vain. He is our rewarder!
7. Pananalangin
1. Ang bawat member at attendee ay magkaroon ng bukas na puso para maturuan at makapagturo sa iba ng Salita ng Diyos. ( Ma-involve sa Discipleship 1;1)
2. Ipanalangin ang mga leaders ng church – coaches, mentors, finders, teachers na magpatuloy at maging masigasig sa pagturo ng Salita ng Diyos. Magkaroon ng anointing sa pagbabahagi ng gospel.
3. Ipanalangin ang mga Kristiano na kakaranas ng discouragement, rejection, persecution dahil sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos lalo na kung sila ay kabilang sa MMND. Nawa ay wag silang tumigil sa paglilingkod at mapuspos sila ng kagandahang loob ng Diyos.
4. Ipanalangin ang ating mga kapatiran na nasa ibang bansa na magkarron sila ng boldness para maihayag ang gospel ng Dios.
5. Ipanalangin ang ating bansa, for peace and order sa darating na election.
6. Ipagray din ang personal prayer requests ng bawat isa.
8. Closing Prayer
Panginoon, nagagalak po kami sa iyong paalala na maging matatag sa aming paglilingkod at magkaroon ng mga katangian ng isang tunay na disipulo ni Hesus. Wala po kaming magagawa kung wala ka sa amin. Samahan mo po kami sa aming Kristianong buhay para kami ay maging katulad mo at para lalo pang lumaganap ang salita mo.
Ganun din salamat po sa pag tugon sa lahat ng aming ipinagdasal. Tapat kang Diyos at tinatanggap na namin ang mga kasagutan sa lahat ng aming hiling.
Purihin ka aming Diyos sa lahat ng aming gagawin at ikaw ang madakila sa aming buhay, sa pangalan ni Hesus… Amen!
9. Announcements
1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.
Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments