Below is the material for our Family Prayer Cell on May 4 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
APPROVED!
2 Timothy 2:14-19 By: Ptra. Kay Oyco-Carolino
1. Introduction
Praise God po sa sama-samang pananalangin ng buong Metro Manila North District through our Unified Prayer Meeting. Patuloy lang po tayo na gawin ang pananalangin at pagbubulay-bulay sa Salita ng Dios. Sinasagot agad o pinoproseso pa, magpatuloy lang tayo. Hindi bingi ang Dios! Nakikinig Siya!Hindi rin Siya bulag! Nakikita Niya ang lahat ng ating dalahin! At nawa, patuloy tayong maging tulad ng MANLALARO, SUNDALO AT MAGSASAKA sa kaharian ng Dios!
2. Pag-aawitan
For the Lord is my Tower
For the Lord is my tower
And He gives me the power
To tear down the works of the enemy
In a difficult hour
He will crush the devourer
And bring the power of darkness
Underneath my feet
For the Lord is my tower
And He gives me the power
To tear down the works of the enemy
In a difficult hour
He will crush the devourer
And bring the power of darkness
Underneath my feet
Blessed be the name of the Lord
Blessed be the name of the Lord
The Most High
Salvation Belongs to our God
Salvation belongs to our God
Who sits upon the throne
And unto the Lamb
Praise and glory
Wisdom and thanks
Honor and power and strength
Be to our God forever and ever
Be to our God forever and ever
Be to our God forever and ever, amen
And we the redeemed shall be strong
In purpose and unity
Declaring aloud
Praise and glory
Wisdom and thanks
Honor and power and strength
3. Pambungad na Panalangin
Dios naming Ama, nagpapasalamat po kami sa pag-iingat ninyo sa amin sa buong linggo. Salamat po sa probisyon, sa karunungan, sa trabaho, sa spiritual family ng JCLAM, sa mga taong nanalangin para sa amin, sa mga kaibigan, sa mga mahal sa buhay, at sa mga ministries at gifts po Ninyo sa amin.
Panginoon, itinatagubilin po naming sa Inyo ang Family Prayer Cell na ito. Nawa ay malugod po Kayo at hindi po naming gawin ito bilang obligasyon at pagsunod lamang s autos kungdi dahil sa kaalaman naming sa Inyong Salita na ito po ang kapangyarihan na dinisenyo mo sa pagpapatibay ng aming relasyon sa Inyo.
Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na kami sa Inyong kasagutan. Sa ngalan ni Hesus.
4. Praise Report
Ipatotoo o sabihin sa mga kasama mo kung paano mo pinasasalamatan ang Dios dahil sa mga bagay tungkol sa ating pinag-usapan ngayon, at ipaliwanag kung bakit ka thankful sa Lord
5. Scripture Reading
2 Timoteo 2: 14-19 (MBBTAG)
14Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito at pagbilinan mo sila, sa pangalan ng Diyos, na iwasan nila ang mga pagtatalo tungkol sa mga salita na walang kabuluhan at walang ibinubungang mabuti; sa halip, ito'y nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.
15 Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tama ang paggamit sa salita ng katotohanan.
16 Iwasan mo ang mga usapang walang paggalang sa Diyos, sapagkat ang mga iyan ang lalong naglalayo ng mga tao sa Diyos.
17 Ang mga salita nila ay parang ganggrena na kumakalat sa katawan. Kabilang sa mga nagturo ng ganito ay sina Himeneo at Fileto.
18 Lumihis sila sa katotohanan at ginugulo nila ang pananampalataya ng iba sa pamamagitan ng pagtuturo na ang muling pagkabuhay ay naganap na.
19 Ngunit matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak:
“Kilala ng Panginoon kung sinu-sino ang tunay na kanya,” at,
“Ang bawat nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan.”
2 Timothy 2:14-19 (NIV)
14 Keep reminding God’s people of these things. Warn them before God against quarreling about words; it is of no value, and only ruins those who listen. 15 Do your best to present yourself to God as one approved, a worker who does not need to be ashamed and who correctly handles the word of truth. 16 Avoid godless chatter, because those who indulge in it will become more and more ungodly. 17 Their teaching will spread like gangrene. Among them are Hymenaeus and Philetus, 18 who have departed from the truth. They say that the resurrection has already taken place, and they destroy the faith of some. 19 Nevertheless, God’s solid foundation stands firm, sealed with this inscription: “The Lord knows those who are his,” and, “Everyone who confesses the name of the Lord must turn away from wickedness.”
6. Message
Patuloy ang pag-eencourage ni Pablo sa young pastor na si Timothy. Sumasabak kasi si Timothy sa mga oppositions at ang feeling niya, bata pa siya kaya may mga insecurities ---- marahil hindi siya papakinggan, hindi siya gagalangin, hindi siya susundin. Lalo na dahil may mga false teachers na naman na nabigyan ng pangalan na lalong nagpapatindi ng challenge sa kanya.
Ang problema sa mga false teachers na nabanggit ay:
1) They are departing from the truth (Lumilihis sa katotohanan) – tapos na raw ang resurrection of the dead (ang tinutukoy po rito ang yung mangyayari sa rapture..na hindi pa naman talaga nangyayari)
2) They are destroying the faith of some believers (Ginugulo ang pananampalataya ng ilan)
Vs. 14 Kaya si Pablo ay nagsabi kay Timothy na: ipaalala at pagbilinan ang mga believers na
sinasakupan ni Timothy…hindi para sa anumang dahilan kungdi ang PANGALAN NG DIOS
ang isinasaalang-alang. Anu-ano ang mga dapat gawin ng mga mananampalataya?
1) Vs. 14 -- IWASAN ANG PAGTATALU-TALO – Saan? Godless chatter, walang saysay na salitaan…. Ano ang dulot nito? nagpapahamak lamang sa mga nakikinig (walang naidudulot na mabuti)
React: Magbigay ng mga halimbawa ng scenario na may pagtatalu-talo sa walang kabuluhang bagay na maaaring makapahamak sa nakikinig
2) Vs. 15 -- SIKAPING MAGING KALUGUD-LUGOD SA PANINGIN NG DIOS - Paano? Maging isang manggagawang aprubado ng Dios…Ano’ng paraan? Itama ang paggamit ng mga Salita ayon sa katotohanan
React: Magbigay ng mga naririnig mong turo na tila di naayon sa Salita ng Dios
3) Vs. 16 – IWASAN ANG USAPANG WALANG PAGGALANG SA DIOS – Ano ang bunga?
Lalong magpapalayo sa mga tao sa Dios. Saan inihanlintulad ang ganitong scenario?
Vs. 17 - Sa GANGRENE (yung nagmula sa sugat na sobrang nainfect na kinakain n anito ang laman sa loob; mabilis kasing kumakalat yung infection kaya minamarapat na putulin agad yung bulok na part para hindi na kumalat sa mga matinong bahagi ng katawan)
Kung dito inihalintulad ang ganitong mga diskusyon, ibig sabihin ganoon kalala ang epekto niya. Dapat supilin agad para hindi na maapektuhan ang ang ating buong pagkatao
React: Kailan kaya nangyayari ito sa ating situwasyon? Paano natin hindi ginagalang ang Dios sa ating mga usapan kahit na tayo ay mananampalataya na?
CONCLUSION: Ineemphasize nang mabuti ni Pablo kay Timothy ang mga bagay na ito. Maaari nga namang imbes na maging malusog ang mga mananampalataya, ay lalong magsikalasan ang mga ito sa Dios dahil sa kaguluhan sa mga walang kabuluhang usapan.
ACTION PLAN: Ano ang maaari mong gawin upang masunod mor in ang mga biling ito. Paano mo makikita ang sarili mong APRUBADO sa paningin ng Dios?
7. Pananalangin
1. ANG NATIONAL ELECTIONS – na maging mapayapa at masayang exercise (at hindi magulo at nakakalungkot na event) para sa mga Pilipino. Tulungan tayo ng Dios…ANG BAYAN NATIN AY BAYAN NG DIOS!
2. ANG CHURCH – maging ilaw at asin ng sanlibutan sa anumang platform
3. God will raise up more disciple-makers!
4. Our pastors and church workers and staff – to be the kind of people God wants them to be…with royal loyalty to God and the church (JCLAM).
5. Students – tuition, wisdom, joy
6. Workers – patience (back to office work), diligence and promotion from the Lord
7. Businesspeople – seek God in everything, wisdom to run the business, direction
8. Personal requests
8. Announcements
1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.
Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments