top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 18 - Pusong Dalisay

Below is the material for our Family Prayer Cell on May 11, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


PUSONG DALISAY

By: Bro. Martin Valenzuela

 

1. Introduction


Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa sa ating gawain ng pananalangin! Alam po natin lalo na sa panahon ngayon na kailangan nating idulog sa Panginoon ang lahat ng ating mga pangangailangan – at hindi lang yan, maging ang ating mga pasasalamat at pagsamba ay inaalay natin sa kanya. Sa gitna po ng ating busy week, mainam pa rin na talaga na napapaalalahanan tayo sa mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa ating spiritual walk.


2. Pag-aawitan


A Pure Heart

A Pure Heart, That’s What I Long For;

A Heart That Follows Hard After Thee.

A Pure Heart, That’s What I Long For;

A Heart That Follows Hard After Thee.


A Heart That Hides Your Word

So That Sin May Not Come In.

A Heart That’s Undivided

But One You Rules And Reigns;


A Heart That Beats Compassion,

That Pleases You, My Lord,

A Sweet Aroma Of Worship

That Rises To Your Throne.


3. Pambungad na Panalangin


Panginoon, maraming salamat po sa pagkakataon na magsama-sama kaming muli upang mapaalalahanan ng iyong salita at maidulog ang aming mga panalangin. Maraming salamat din po sa pagkakataon na kami ay maging bahagi ng nakaraang halalan. Salamat sa kapayapaan at Kalayaan na mayroon kami.


Itinataas namin ang gawaing ito, maging ang lahat ng nagco-conduct ng kanilang FPC. Samahan mo po kami at pangunahan. Malugod ka po nawa sa aming paglapit sa inyo. Linisin niyo po kami at patawarin. Sa pangalan ni Hesus, Amen.


4. Praise Report


Kung kayo po ay may pasasalamat sa Panginoon, maaari niyo pong ibahagi sa grupo upang ma-encourage po ang bawat isa at mabigyan natin ng credit si Lord sa Kanyang katapatan at pag-ibig sa atin.


5. Scripture Reading


22 Iwasan mo ang mga masasamang hilig ng mga kabataan. Lagi mong gawin kung ano ang tama. Maging tapat ka, mapagmahal, at madaling pakisamahan. Gawin mo ang mga ito kasama ng mga taong tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso. 23 Lumayo ka sa mga walang kwenta at walang sense na mga debate. Alam mo namang dyan nagsisimula ang mga away. 24 Hindi dapat nakikipag-away ang nagse-serve sa Panginoon. 25 Dapat mabait sya sa lahat, magaling at mapagpasensyang teacher. Dapat kalmado syang magsalita pag kino-correct niya yung mga kumakalaban sa kanya, kasi malay natin, bigyan sila ng Diyos ng chance na magsisi at malaman ang katotohanan. 26 Tapos, matatauhan sila at makakawala sa trap ng Devil, na humuli sa kanila para gawin silang sunud-sunuran sa mga gusto nito. – 2 Timothy 2:22-26 NTPV

22 So flee youthful passions and pursue righteousness, faith, love, and peace, along with those who call on the Lord from a pure heart. 23 Have nothing to do with foolish, ignorant controversies; you know that they breed quarrels. 24 And the Lord's servant must not be quarrelsome but kind to everyone, able to teach, patiently enduring evil, 25 correcting his opponents with gentleness. God may perhaps grant them repentance leading to a knowledge of the truth, 26 and they may come to their senses and escape from the snare of the devil, after being captured by him to do his will. – 2 Timothy 2:22-26 ESV


6. Message


Sa pagpapatuloy po ng sermon-serye ni Pablo kay Timothy, may mga karagdagang paalala siya sa batang pastor. Imagine po ang isang magulang na nagpapaalala sa kanyang anak na nasa dorm at malayo sa pamilya. Parang ganyang scenario. Nagbibigay si Pablo ng mahalagang paalala: malinis na puso. Isang pusong dalisay.


Kapag naririnig natin ang salitang dalisay, nai-imagine natin ang isang unpolluted na ilog: malinaw, walang kalat, may mga isdang lumalangoy, pwedeng inuman. Pero kaunting kalat lang ang ilagay mo dun, hindi na siya dalisay. Kapag sinabing dalisay, ang ibig sabihin ay uncontaminated. Walang bahid.


Sa panahon ngayon na marami ang umaagaw ng ating atensyon at marami ang temptations sa paligid, paano tayo magkakaroon ng isang pusong dalisay? Posible ba na hindi tayo ma-contaminate ng mga ‘spiritual dirt’ sa ating paligid? Possible po, depende sa ating mga choices. Ito po ang instructions ni Pablo:


Choose your company (22) - Iwasan mo ang mga masasamang hilig ng mga kabataan. Lagi mong gawin kung ano ang tama. Maging tapat ka, mapagmahal, at madaling pakisamahan. Gawin mo ang mga ito kasama ng mga taong tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.


Ano ba ang hilig ng mga kabataan? Usually, passionate sila sa maraming bagay. Curious, gusto laging may sinusubukang bago. Hindi masyadong iniisip ang consequences ng mga bagay bagay. Enjoy now, suffer later. You Only Live Once (YOLO). Bahala na si Batman. Pero hindi lang naman ito para sa mga kabataan. Kahit sa mga nakatatanda, applicable din ito.


Kaya ang payo ni Pablo, sumama ka sa mga taong tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso. Sinabi din niya ito sa mga taga Corinthians: “Do not be deceived. Bad company corrupts good morals.” – 1 Corinthians 15:33. Piliin mo ang mga sinasamahan mo.


Isang bulok na kamatis lang ang mapasama sa isang tumpok nang maayos na kamatis, lahat na ay mabubulok. Malakas makahatak ng kabutihang-asal ang maling barkada. Kung ang palagi mong kasama ay palamura, pala-reklamo, palaaway – hindi imposibleng mahawa ka rin. Pero kung ang nasa paligid mo ay mga taong tumatawag sa Panginoon at may malinis na puso, asahan mo na ikaw ay lalago.


Tanong: Sino ang madalas mong kasama? Sino ang mga taong gusto mong kasama?


Choose your battles (23-24) - Lumayo ka sa mga walang kwenta at walang sense na mga debate. Alam mo namang dyan nagsisimula ang mga away. 24 Hindi dapat nakikipag-away ang nagse-serve sa Panginoon.


Bukod sa mga taong palagi nating kasama, piliin din natin ang ating mga laban. Para sa ating peace of mind at hindi tayo ma-stress nang hindi naman kailangan, umiwas na lang sa mga bagay na wala namang patutunguhan.


Tandaan: Hindi lahat ng issue kailangan nating patulan. Hindi lahat ng post sa facebook ay para sayo. Pwede mo na lang palagpasin. Wag nang mag-comment. Laging tanungin ang sarili: “is it worth my time?” Kung hindi, wag nang pag-aksayahan ng panahon.


Mahilig kasi ang mga taga Ephesus sa mga deba-debate at talastasan. Gustong-gusto ng mga Greeks yun para ma-showcase ang kanilang wisdom! Pero sa kingdom naman ng Lord, mas mahalaga ang pag-ibig at hindi ang parunungan.


Choose your battles wisely. Lumayo na lang sa mga diskusyong pagmumulan ng away. Wag patola. Kung lahat ng issues papatulan mo, mapapagod ka lang. Masasayang lang ang energy mo, mai-stress ka pa, maaaring mawawalan ka ng credibility sa harap ng ibang tao, at ang oras na sana ay ginamit mo para sa mas makabuluhang bagay ay napunta lang sa wala.


“Answer not a fool according to his folly, lest you be like him yourself.” – Proverbs 26:14


Tanong: Mapagpatol ka ba? Ano ang mga mga nagti-trigger sa iyo?


Choose your words (25-26) - Dapat mabait sya sa lahat, magaling at mapagpasensyang teacher. Dapat kalmado syang magsalita pag kino-correct niya yung mga kumakalaban sa kanya, kasi malay natin, bigyan sila ng Diyos ng chance na magsisi at malaman ang katotohanan. 26 Tapos, matatauhan sila at makakawala sa trap ng Devil, na humuli sa kanila para gawin silang sunud-sunuran sa mga gusto nito.


Malaki ang role ng ating salita sa pakikipagkapwa. Minsan nga, kahit maganda ang intention natin, nami-misunderstand tayo dahil sa tono at lakas ng ating pakikipag-usap. Paano pa kaya kapag hindi natin sinasala ang ating mga sinasabi?


Kaya ang sabi ni Pablo, maging mabait, mapagpasensya, kalmado kapag nakikipag-usap – kahit pa nagco-correct ng iba! Kasi di natin alam, baka ang ating salita ang makapagpabago (o makapagpatisod) sa kanila.


Marami ang sumasagad sa ating pasensya, pero piliin pa rin natin na habaan ang ating pasensya sa kanila. Minsan kasi sa height ng ating emosyon, nakakalimot na tayo. Nalalaglagan ng bunga ng Espiritu! Gusto natin silang itama sa mga mali nila, pero instead na maituwid sila, napapalayo pa. Natu-turn off. Hindi tuloy natin ma-reach out para kay Jesus. Kaya paalala: Magtimpi.


Ang ganda ng scenario ni Pablo: malay natin, bigyan sila ng Diyos ng chance na magsisi at malaman ang katotohanan. Tapos, matatauhan sila at makakawala sa trap ng Devil, na humuli sa kanila para gawin silang sunud-sunuran sa mga gusto nito. Sabi pa ni Pablo, “For the kingdom of God is not a matter of talk but of power.” – 1 Corinthians 4:20


At ang power na yun ay nakikita sa ating pag-ibig na galing kay Kristo.


Tanong: Kumusta ang iyong choice of words? Nafi-filter mo ba ang iyong mga salita?


Muli, para sa isang pusong Dalisay, kailangan nating pumili: choose your company, choose your battles, choose your words. Paalala ito hindi lang kay Timothy, kundi para din sa ating mga disciples ni Jesus.


7. Pananalangin


1. Pray that the Lord will lead us to the right group of people na makakatulong sa atin sa ating paglagong espiritwal.

2. Pray for discernment at patience na hindi tayo malalaglagan ng bunga – online o offline.

3. Pray for our government especially the COMELEC as they finalize the results of the elections

4. Pray for the local governments and their respective constituents. Declare that the Lord is sovereign over everything that transpired sa elections.

5. Pray for people who were offended, wounded, or stumbled because of people’s political differences. Maghari pa rin ang pag-ibig ni Kristo. May God mend all broken relationships.

6. Pray for our tithers. May the Lord bless their faithfulness.

7. Pray for our PH208 families. Itaas natin sa Panginoon ang kanilang relasyon sa Diyos. Maghari nawa ang pag-ibig sa kani-kanyang pamilya.

8. Pray for our youth. May they be protected from bad influences and corrupting ideas.

9. Pray for our JCLAMCS. Salamat sa Diyos sa kanilang pagtatapos ng school year sa kabila ng pandemya. Pray for enrollees for the next school year.

10. Personal prayer requests.


8. Announcements


1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.

Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.

4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.

Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



100 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page