Below is the material for our Family Prayer Cell on May 19, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
GODLESSNESS
By: Sis. Edith Manalo
1. Introduction
Attitude Check!
Yan po ay paalala sa atin ng ating Pastor sa mensahe sa atin noong Lingo.
Pagkaminsan po kailangan natin ng personal na pagsasaliksik sa ating sarili para masuri ang ating spiritual na kalalagayan. Makakatulong ito para makita natin ang tunay na kundisyon at motibo ng ating mga puso at kung nasa maayos pa ang ating ugnayan sa Diyos at sa tao. Katulad ng ating katawan na kailangan din ang annual o semi-annual na check-up para malaman natin kung maayos ang ating kalusugan at wala tayong karamdaman. Dahil kung mayroon tayong sakit at ito’y ating mapabayaan maari itong lumala nang lumala at mauwi sa kamatayan.
Sa mga mesahe na ibibinigay ng Diyos sa atin nawa’y maging bukas ang ating mga puso, may pagpapakumbabang ipawasto ang mga bagay na dapat iwasto dahil ito ay sa ikabubuti din natin at sa kaluwalhatian ng Diyos na ating Ama.
2. Pag-aawitan
AKO’Y INIBIG MO, INIBIG MO
https://youtu.be/SemK0DRv1zg
Hindi ko maintindihan
Kadakilaan ng pag- ibig Mo
Hindi ko maunawaan
Mapagpatawad na puso Mo
Ako’y pinili Mo, inibig Mo
Gayong ako’y nagkulang sa’Yo ,
Pasasalamat ko alay sa'Yo
O Diyos purihin Ka sa pag–ibig Mo
Dalangin ko Panginoon
Puso ko’y maging tapat sa’Yo
Sa’yo lamang iaalay
Ang lahat sa buhay ko
Ako’y pinili Mo, inibig Mo
Gayong ako’y nagkulang sa’Yo ,
Pasasalamat ko alay sa'Yo
O Diyos purihin Ka sa pag–ibig Mo
3. Praise Report
Ang biyaya Nya at kahabagan ay laging sapat! Maaring dumadating sa puntong hindi tayo nagiging tapat sa Diyos pero ang Diyos kailanman ay laging tapat sa atin, tapat na tinutupad ang kanyang mga pangako. Maari po ba tayong magbahagi ng kagandahang-loob na ibinigay ng Diyos sa atin nitong nakaraang Lingo?
4. Pambungad na Panalangin
Panginoon, maraming salamat po at nakakapagpatuloy kami sa aming gawain ito. Maraming salamat po sa kalakasan bagamat kami ay pagod na sa maghapong trabaho ay naroon pa din ang kauhawan naming sa Iyong Salita at makapagpanalangin sa isa’t isa.
Sa Salita mo na aming maririnig, buksan mo po ang aming mga puso at makita namin ang iyong pusong puno ng pag-ibig at malasakit sa amin bagamat may panahong kami ay nagkukulang Syo.
Sa aming mga panalangin, hayaan mong maging mabangong samyo ito Syo at manahan ang presensiya mo sa aming kalagitnaan. Ikaw po ang maitaas sa oras na ito… sa pangalan ni Hesus, AMEN!
5. Scripture Reading
2 Timoteo 3:1-5 ((MBBTAG)
1 Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan.
2 Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.
3 Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti.
4 Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos.
5 Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.
2 Timothy 3:1-5 (ESV)
1 But understand this, that in the last days there will come times of difficulty.
2 For people will be lovers of self, lovers of money, proud, arrogant, abusive, disobedient to their parents, ungrateful, unholy,
3 heartless, unappeasable, slanderous, without self-control, brutal, not loving good,
4 treacherous, reckless, swollen with conceit, lovers of pleasure rather than lovers of God,
5 having the appearance of godliness, but denying its power. Avoid such people.
6. Message
Sa 2Timothy 3:1-5, patuloy ang pagpapaalala at pagbibilin ni Pablo kay Timothy lalo na sa mga huling araw. Sinabi nya dito na dadating ang panahon nang sobrang paghihirap. May paghihirap dahil sa godlessness ng mga tao. Inihayag ni Pablo ang mga magiging katangian ng mga tao sa panahong iyon. Ang mga tao ay magiging:
· Maibigin sa sarili / lovers of self
Ang mga tao sa huling araw ay may magiging makasarili, ang pagpapahalaga nila ay sa sarili lamang nila. Hindi nila kayang magsakripisyo para sa ibang tao. Ang centro ng ginagawa nila ay para lamang sa sarili nila.
Ang taong ito ay ayaw na mapipintasan. Ang kanyang pinaplano at ginagawa ay laging pabor sa kanya.
· Maibigin sa salapi / lovers of money
Ang mga diyos nila ay pera. Ang pera lamang ang nagpapatakbo ng buhay nila. Papasukin kahit maling transaksyon makakuha lamang ng malaking pera.
Hindi sila marunong magbigay sa ibang nangangailangan. Bagkus patuloy na nagkukumahog para madagdagan pa ang meron sya. Walang kakuntentohan.
Mas mahalaga ang pera sa kanyang kaysa relasyon sa pamilya at sa Diyos.
· Palalo, mapagmataas, mapagsamantala / proud, arrogant, abusive
Sila ay magiging mayayabang. Hindi tumatanggap ng pagkakamali. Sila lagi ang bida, maangas at puno ng pride.
Ang kaunting mayroon sya ay ginagagamit para mag maliliit ang kapwa. Nang-aabuso ng mga mahihina para magmukhang sila ang magmukhang malakas, marunong at may kapangyarihan.
· Suwail sa magulang / disobedient to their parents
Sila ay walang pagpapahalaga sa damdamin ng mga magulang. Hindi nakikinig at sinusuway ang utos at gabay ng magulang. Sa bibig nila mismo nanggagaling ang pagmamaliit at pagmumura sa sarili nilang ama at ina.
Sumasagot at ayaw patalo sa magulang. Sila pa ang mas matapang at mas mataas pa ang boses pag nangangatwiran. “Wait lang” ng “wait lang” pero hindi naman din susunod sa magulang.
· Walang utang na loob / ungrateful
Ang mga tao ay hindi na marunong magpasalamat. Pakiramdam nila ay entitled sila ng lahat ng mayroon sila kaya nakakalimutan na ang salitang “Salamat”. Inaakala nilang sa sariling lakas at galing kaya mayroon sila kaya pakiramdam nila ay nararapat lamang sa kanila ang magagandang bagay.
Hindi nila kinikilala na lahat ng magagandang bagay ay nagmumula sa Diyos.
· Lapastangan sa Diyos / unholy
Kahit ang Diyos ay hindi nila kinikilala. Walang pakialam sa Diyos. Kinukutya ang Diyos, ang Kanyang nilikha at ang Kanyang kapangyarihan. Hindi nila kinikilala ang tunay na Diyos na lumalang sa kanila.
· Walang pagmamahal sa kapwa, walang habag/ heartless, unappeasable
Matigas ang puso ng mga taong ito. Gagawin ang gusto nang walang pagpapahalaga sa buhay ng tao. Normal na lamang sa kanila ang pagiging bayolente. Mga bully at walang awa at mapagsamantala sa kapwa tao. Mapanukso at mapang-amok.
· Mapanirang puri / slanderous
Ang lengwahe ng dila nila ay tsismis at kasiraan ng ibang tao. Pakiramdam nila ay bida sila pag may dala silang kwento ng mga kahihiyaan at kapintasan ng ibang tao. Hindi nila isinalang alang na may buhay silang nasisira sa kanilang paninirang puri.
Sila ay mga sinungaling, trolls at nagdadala ng fake news.
· Walang pagpipigil sa sarili, marahas / without self-control, brutal
Ang taong ito ay laging galit at nanakit ng kapwa pisikal man o berbal. Hindi sila marunong magpasensya, nagsasalita ng masasakit sa kapwa, nambubugbog ng mga mahihina, bayolente.
Wala din silang control sa sex, drugs, pagsusugal, alcohol, sigarilyo, pagkain kahit sa pagtatrabaho ganun din sa pag gastos. Isama na natin ang walang control na online at video games.
· Walang pagpapahaga sa mabuti / not loving good
Wala silang naiisip na mabuting para sa kanilang kapwa. Wicked! Ang laman ng kanilang isip ay kasamaan at masaya sila sa pag gawa nito. Pandaraya, panlalamang at kasiraan sa kapwa ang nais nilang gawin.
Nagiging normal na lamang ang pre-marital sex, abortion, tinatanggap na din ang same sex marriage.
· Taksil / treacherous
Hindi sila marunong maging tapat o loyal sa kanilang pamilya at asawa, kaibigan, trabaho, sa kinabibilang nilang grupo o samahan, maging sa sarili nilang bayan. Hindi sila mapagkakatiwalaan sa ano mang bagay.
· Padalus-dalos, mayayabang / reckless, swollen with conceit
Sila ay walang isinaalang-alang. Sila ang diyos ng sarili nila. Gagawin nila kung ano ang gusto nila. Walang batas, walang boundaries, sila ang masusunod dahil magaling ang tingin nila sa sarili nila.
· Maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos / lovers of pleasures rather than lovers of God
Mas pinapahalagahan nila ang kasiyahan, parties, inuman, gimmick, tropa, jamming, galaan kaysa mga bagay na patungkol sa Diyos. Mas uunahin ang mga kasiyahan at iba pang bagay kasya pag simba at pagsamba tuwing Lingo.
Tinalikuran na ang Diyos, masunod lang ang layaw ng katawan.
Sinabi sa v. 5 na sila ay may anyong maka-Diyos ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang buhay. Ang bilin ni Pablo kay Timoteo… IWASAN MO ANG GANITONG URI NG MGA TAO.
Reflection:
Sa mga nabanggit na katangian, maaari pong pumili ng top 3 na nangyayari sa inyong buhay.
CONCLUSION:
Sa mga huling araw ang godlessness ay mangyayari at lantarang makikita natin. Bilang Kristiano dapat tayo ay mapagmasid at maging mapagbantay kahit sa ating mga sarili nang sa ganun ay hindi tayo makagawa ng mga bagay na hindi maka-Diyos.
Tayo ay pinili ng Diyos at itinalaga para sa Kanya. Makikita lamang ang kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay kung isasabuhay o ia-apply natin sa ating buhay ang kanyang Salita. Iwasan natin ang taong hindi namumuhay at kumikilala sa tunay Diyos at manatili tayong matuwid sa ating pamumuhay Kristiano.
7. Pananalangin
1. Ang bawat mananampalataya ay magkaroon ng bukas na puso para maisabuhay ang Salita ng Diyos.
2. Magkaroon ng humility at complete submission sa pagtutuwid ng Diyos.
3. Mailayo tayo sa impluwensya ng godlessness at manindigan tayo sa katuwiran ng Diyos
4. Ipanalangin ang mga leaders ng church – God’s guidance sa mga decision making at anointing sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos.
5. Ipanalangin ang ating mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa for strength, protection, comfort and favor sa kanilang trabaho.
6. Ipanalangin ang healing sa ating bansa.
7. Ipagray din ang personal prayer requests ng bawat isa.
8. Closing Prayer
Panginoon, kinikilala ka namin bilang aming Diyos at salamat sa iyong Salita na nagtutuwid sa amin. Humihingi kami ng tawad sa mga bagay na nagawa at nasabi namin na hindi nakakalugod syo. Tulungan mo nga po kaming mabuhay nang naayon sa iyong kagustuhan at magbago from glory to glory.
Tulungan mo kaming maging katulad mo nang sa ganun ay malugod ka sa lahat ng aming iispin, gagawin at sasabihin. Ilayo mo po kami sa mga bagay na hindi makakapagigay kaluguran sa iyo at ikaw ang maitaas sa aming mga buhay.
Nagpapasalamat din kami sa pagtugon mo sa aming mga panalangin. Ito po an gaming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen!
9. Announcements
1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.
Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments