Below is the material for our Family Prayer Cell on January 12, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
LOVE MORE
I THESSALONIANS 3:9-13; 4:9-10 By: Sis. Edith Manalo
1. Introduction
Salamat sa Salita ng Diyos na syang nagiging gabay natin sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng pag asa at kalakasan para malampasan ang anumang pinagdadaan.
Bagamat hindi magaganda ang nangyayari sa ating paligid at marami sa atin ngayon ang may sakit o masama ang karamdaman, patuloy tayong lumalaban sa buhay dahil sa pag-asang ang Diyos ang ating karamay at Syang nagpapagaling sa atin.
Bilang tagasunod Nya, magpapatuloy tayong mananalig sa Kanyang pag-ibig at katapatan. Buhay ang Salita ng Diyos na kung babasahin natin at ipamumuhay ay magdadala sa atin ng kapayapaan at dahilan para higit pang maging mapagmahal sa ating kapwa.
2. Pambungad na Panalangin
(Kausapin ang Diyos ng taimtim na nakataas ang mga kamay)
Sinasamba ka naming sa oras na ito Panginoon. Itataas naming ang dakila mong pangalan sapagkat Ikaw ay tapat sa salita mo. Salamat sa pagkakataon na mailalapit naming ang aming mga sarili at ang aming mga kahilingan Syo.
Hayaan mong manahan sa amin ang iyong Banal na Espiritu at maramdaman namin ang presensya mo sa aming pananalangin. Manguna ka oh Diyos sa aming kalagitnaan at hugasan mo ng iyong banal na dugo ang aming mga kasalanan para malaya kaming makalapit at manambahan sa Iyo.
Dalangin namin na malugod ka sa lahat nang aming gagawin… sa pangalan ni Hesus, Amen!
3. Pag-aawitan
WE ARE ONE IN THE BOND OF LOVE
We are one in the bond of love;
We are one in the bond of love.
We have joined our spirits with the Spirit of God;
We are one in the bond of love.
Let us sing now, ev’ry one;
Let us feel His love begun.
Let us join our hands, that the world will know;
We are one in the bond of love.
4. Praise Report and Testimony
Lumipas na po ang taong 2021 at naranasan na naman natin ang katapatan ng Diyos sa ating buhay at napatunayan natin na tunay ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Mas lalo nating nakikila ang Diyos, mas lalo natin Syang minamahal.
Mag-flashback po tayo ng kaunti, maaari ninyong ibahagi kung papaano nyo personal na experience ang kabutihan ng Diyos sa buhay nyo noong 2021. Maaari po nating ihayag na totoo ang Salita ng Diyos sa buhay natin at makapagbigay ng papuri at pasasalamat sa Diyos.
5. Scripture Reading
1 Tesalonica 3:9-13
9 Paano kaya namin mapapasalamatan nang sapat ang Diyos dahil sa kagalakang natamo namin dahil sa inyo?
10 Mataimtim naming idinadalangin araw-gabi na kayo'y muli naming makita at mapunuan ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya.
11 Loobin nawa mismo ng ating Diyos Ama at ng ating Panginoong Jesus na makapunta kami diyan sa inyo.
12 Nawa'y palaguin at pasaganain ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo.
13 Nang sa gayo'y palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang lahat ng kanyang mga hinirang.
1 Tesalonica 4:9-10
9 Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo magmahalan.
10 At ito na nga ang ginagawa ninyo sa mga kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, ipinapakiusap pa rin namin sa inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong pag-ibig.
6. Message
Sa 1 Tesalonica chapter 3, sinabi doon na nababahala si Pablo sa mga Kristiano sa Tesalonica dahil sila ay nakakarasan ng pag uusig sa kanilang pananampalataya. Dahil hindi sya makapunta sa kanila, pinadala nya si Timoteo para palakasin ang kanilang loob at ang kanilang pananampalataya sa Diyos.
Noong makabalik na si Timoteo, si Pablo po ay natuwa sa magandang balita na dala nito. Bagamat inuusig ang mga Kristiano sa Tesalonica, napanatili nilang matatag ang kanilang pananampalataya at pag ibig dahil sa pananalig nila kay Kristo at ito ay nagbigay ng kagalakan kay Pablo.
3:9 – Ang Diyos ay labis na napapasalamatan kapag nagiging matatag ang pananampalataya ng taong nananalig sa Kanya. Sa kabila ng nararanasan nilang pag uusig, naipakita nila ang kanilang pagmamahal sa kapwa at mga kapatiran. May kagalakan kapag nakikita mong ang iyong dinidsipulo ay nagiging matatag at nagbubunga. Ang Diyos ay napapapurihan at nadadakila!
3:10 - Dito makikita din ang panalangin ni Pablo sa mga Kristianio sa Tesalonica.
Masidhi ang kanyang panalangin araw at gabi (sila ang kanyang laging iniisip) dahil gusto nyang personal na puntahan sila para matulungan sa kanilang pananampalataya at nang sa gayon ay hindi sila malinlang ng kaaway. (Makikita dito ang pagmamahal ni Pablo sa kanila)
V. 11 - Umaasa si Pablo na kikilos ang Diyos para sila ay kanyang makasama at makita
V.12 - Dalangin niyang pag-alabin ng Diyos ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa at sa lahat ng tao katulad ng ginagawa ni Pablo sa kanila.
3:13 – Nalalaman ni Pablo na kung maghahari ang pag ibig sa kapwa, mapapaging banal sila nito. Sila ay magiging ganap at walang kapintasan. Maihahanda nila ang kanilang mga sarili sa muling pagbalik ng Panginoong Hesus kasama ang ibang hinirang.
Sa panahon na tayo ay inuusig at nakakaranas ng mga discouragement sa ating buhay kristiano, minsan ay mahirap magpatuloy at magpakatatag sa ating pananampalataya. Lalong mahirap ang magpakita ng pagmamahal sa kapwa kung ang natatanggap mo ay pang uusig mula sa iba. Kadalasan ay mas gusgustuhun na lamang nating tumigil sa pag lilingkod at protektahan ang ating mga sarili sa masamang sinasabi ng mundo. Ngunit hindi ganito ang ginawa ng mga taga-Tesalonica, nanindigan sila sa kanilang pananalig kay Hesus at nagbunga pa ito nang magmamahal sa ibang tao. Ang pag ibig na ito na nanggagaling kay Hesus ay ang magpapabanal sa kanila para makasama nila si Hesus sa Kanyang pagbabalik.
Sa chapter 4:9, binangit muli ni Pablo sa kanila na mahalin pa nang higit ang mga kapatiran dahil ipinakita na ng Diyos sa kanila kung papano ang magmahal. Ang mga Kristiano sa Tesalonica ay nakaranas na ng pag-ibig ng Diyos at ganun din dapat ang kanilang gawin sa mga kapatiran. Naranasan nila ang mahalin nang walang tinata-ngi (unconditional love) at ito din ang nararapat gawin at ipakita sa kanilang kapwa.
4:10 – Sinasabi dito na sila ay nagpapakita na nga ng pagmamahal sa mga kapatiran, pero maaari pa nila itong higitan – LOVE MORE! Kung sila ay nagpapatawad na, maari pa silang magpatawad na muli; kung nagbibigay na sila, maaring mas magbigay pa sila lalo; kung nagmamalasakit na sila, itaas pa nila ang antas ng kanilang pagmamalasakit at pagtulong.
Ine-encourage sila ni Pablo na mahigitan pa ang kanilang ginagawa sa ngayon at gawin ang best na kaya nilang gawin. Ganoon ang ginawa ni Hesus, ibinigay Nya ang lahat na kaya nyang ibigay, kahit ang kanyang buhay para lamang maipakita Nya ang wagas Nyang pagmamahal sa tao. This is the ultimate love He can give to mankind.
Alam ni Pablo na kaya nila itong gawin dahil may pananalig sila sa Diyos na siyang nag nagbibigay at nagpupuno ng pag ibig sa kanilang puso. Ang Diyos ang dahilan kaya maari pa nilang higitan ang kanilang pag-ibig.
Sa ganitong paraan lalo silang nagiging ganap at matuwid sa mata ng Diyos hangang sa muling pagbalik ni Hesus.
CONCLUSION:
Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin kaya tayo nagmamahal! (1John 4:19).
Magmahal tayo ng higit! Ang pagmamahal ay hindi nakabase sa sitwasyon natin sa buhay, kung inuusig ka man o hindi. Ito ay nakabatay kung papano ka nanalig sa pagmamahal sa iyo ng Panginoon Hesus. Kung papano ka tumaggap ng dalisay na pagmamahal na nagmula sa Kanya, ganun din tayo dapat magbibigay ng dalisay na pagmamahal sa iba. LOVE MORE!
REFLECTION:
Maaring nagmamahal na tayo ngayon pero ano pa ang maari mong gawin para lalong maipakita ang pagmamahal mo sa mga kapatiran, sa ating kapwa?
7. Pananalangin
1. Ipanalangin ang tao sa kaliwa at kanan mo na mas lumalim pa ang kanilang pananampaltaya sa Diyos at maging lalong mapagmahal sa kapwa/kapatiran.
2. Ipanalangin ang mga Kristianong nakakaranas ng pag uusig dahil sa kanilang pananampalataya kay Hesus.
3. Ipagpray ang kagalingan sa mga kapatirang alam mong may sakit, trangkaso man ito, COVID o iba pang karamdaman. Protection and covering ng Diyos sa ating lahat against COVID.
4. Provision sa mga walang trabaho at sa mga di makapagtrabaho dahil sa sakit.
5. Wisdom and anointing sa mga church leaders at sa mga decision making.
6. Ipagpray ang online Sunday service, maayos na internet connection, tunay na pagsamba ng mga members at attendees kahit online.
7. Protection, comfort at favor ng Diyos sa mga kapamilya nating OFW
8. Other urgent personal requests
8. Closing Prayer & Announcements
1) ONLINE lang po ang ating services for now. Same time @ 9 am, 2 pm, 6 pm.
2) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer. Make sure you have your own Bible!
3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
4) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
5) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments