Below is the material for our Family Prayer Cell on June 01, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
KEEP YOUR HEADS
By: Rev. Noolen Mayo
1. Pambungad na Panalangin
O aming Ama na dakila, patuloy kaming nagpapasalamat sa araw-araw Mong biyaya sa akin at sa buo kong pamilya. Ikaw ang Diyos na nag-uumapaw ang pagpapala mula sa probisyon Mo sa aming mga pangangailangan; pag-iingat kahit saan man kami magpunta; kagalingan sa ano mang karamdaman; at kahabagan sa lahat ng aming pagkukulang. Purihin ang pangalan Mo. Muli Mo kaming patnubayan sa oras na ito para sa aming gawain sa Family Prayer Cell at ang Banal na Espiritu Mo ang kumilos sa aming kalagitnaan. Ito ng aming dalangin sa matamis na pangalan ng Panginoong Hesus, amen!
2. Introduction
Muli na naman pinatunayan ng Diyos ang katapatan Niya sa ating buhay dahil nandito ka at kasama muli sa gawaing ito. Ibig sabihin ay mayroong kang papuri na dala dahil sa Kanyang katapatan sa iyong buhay. Pwede ba tayong magtaas ng kamay at isigaw sa Diyos kung gaano Siya kabuti sa atin (give time to declare their worship as you lead them).
May panibago uli tayong pag-aaral ngayon mula sa Salita ng Panginoon pero hayaan muna natin bigyan ng papuri ang Diyos sa pamamagitan nang ating awitan. Sundin lang natin ang awit na ito:
3. Pag-aawitan
Magnificent
Hillsong Music
https://www.youtube.com/watch?v=Xep9hcSQ8xs
Who compares to You? Who set the stars in their place? You who calmed the raging seas that came crashing over me
Who compares to You? You who bring the morning light. The hope of all the earth is rest assured in Your great love
You are Magnificent, Eternally Wonderful,
Glorious Jesus, no one ever will compare to You, Jesus
Where the evening fades, You call forth songs of joy As the morning wakes, we Your children give You praise
You are Magnificent, Eternally Wonderful,
Glorious Jesus, no one ever will compare to You, Jesus
(repeat)
4. Scripture Reading
2 Timothy 4: 1 to 5 (NIV)
In the presence of God and of Christ Jesus, who will judge the living and the dead, and in view of his appearing and his kingdom, I give you this charge: Preach the word; be prepared in season and out of season; correct, rebuke and encourage—with great patience and careful instruction. For the time will come when people will not put up with sound doctrine. Instead, to suit their own desires, they will gather around them a great number of teachers to say what their itching ears want to hear. They will turn their ears away from the truth and turn aside to myths. 5 But you, keep your head in all situations, endure hardship, do the work of an evangelist, discharge all the duties of your ministry.
2 Timoteo 4: 1 to 5 (MBBTAG)
Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus na hahatol sa mga buháy at sa mga patay, alang-alang sa kanyang pagdating bilang hari, inaatasan kita: ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip. Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng oras, magtiis ka sa panahon ng kahirapan. Gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Magandang Balita at tuparin mo nang lubos ang iyong paglilingkod.
5. Message
Kung maaalala natin ang nakaraang linggong pag-aaral tungkol sa ‘Continue’ - lalo na sa gitna ng suffering, ngayon naman ay sundan natin ng ‘Keep Your Heads’ sa gitna ng mga warnings ni Pablo sa mga talatang ating binasa.
Pansinin na sa unang apat na mga talata ay mga ‘warnings’ nga ni Pablo kay Timoteo kung saan darating ang panahon na ang mga tao ay hindi na makikinig ng wastong katuruan; susundin ang kanilang hilig; makikinig sa ibig lang marinig; hindi makiking sa katotohanan; at ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.
Nakikita ba natin o napapansin ba natin na ganito ngayon ang takbo ng ating mundo? Halimbawa, mas pinapaniwalaan pa ang fake news, horoscope o hula; laging naka-post sa social media ang iniinum na milk tea, swimming dito at doon, mga KPop; ayaw sa corrections – tulad ng examples noong nakaraang linggo na message; mas pinapanigan ang mga kasinungalingan kaysa sa katotohanan; at maging sa mga gawa-gawang kwento lamang.
Ngunit isang encouragement ang binanggit ni Pablo sa verse 5, ‘KEEP YOUR HEADS’ - sa greek word ay nephe na ang ibig sabihin ay calm, focused and controlled. Sa pagharap sa mga warnings na nabanggit, ay dapat ito ang ating mga ginagawa. Sa paanong mga kapamaraanan...
MAGTIIS KA SA PANAHON NG KAHIRAPAN – Sa aklat ng 2 Timoteo, madalas na banggitin ang ‘endure suffering’ - ngunit hindi lang ibig sabihin nito ay ma-survive ang bawat kahirapan na nararanasan natin kundi paano mo isinasapamuhay ang mga natutunan mo bilang isang Kristiyano. (ex. wala kang trabaho – magsipag maghanap ng pangkabuhayan at huwag umasa sa hingi; maraming utang – mamuhay sa kung ano ang mayroon ka at magbayad paunti-unti sa pinagkaka-utangan; magtiwala sa Kanyang Salita at mga pangako at huwag sa sariling kakayahan at resources, at iba pa.)
GAMPANAN MO ANG TUNGKULIN NG ISANG MANGANGARAL – Bagamat si Timoteo ay hindi tinawag na ‘evangelist’ o ‘apostle’ - inatasan pa rin ni Pablo na ibahagi ang Mabuting Balita sa mga tao. Maging tayo bilang Kristiyano – ano man ang katayuan natin sa buhay, naatasan tayong lahat na magbahagi ng Kanyang Salita. Nagagampanan ba natin ito? - bilang mandato ng Diyos at misyon ng ating iglesya (JCLAM).
TUPARIN MO NG LUBOS ANG IYONG PALILINGKOD – Binanggit din ni Pablo kay Timoteo na tapusin ang kanyang ‘calling’. Dumarating ang panahon sa ating paglilingkod na tila ba nais nating mag-quit o di kaya’y hindi natin ginagawa ang pinakamagaling natin sa mga ministries na naka-atang sa atin. Tupdin mo ang layunin ng Diyos sa buhay mo at gawin ang pinaka-maigi mo sa paglilingkod tulad sa paglilingkod ng isang Hari. Huwag manawa at gawin ang lahat ng makakaya. Ito’y nagbibigay kaluguran sa Kanya.
CONCLUSION:
Ito ang instruction ni Pablo kay Timoteo, ‘Keep Your Heads’ mula ngayon hanggang sa muling pagbalik ni Kristo o hanggang makapiling mo si Hesus sa Kanyang kaharian (v.1). Ang mga bagay na ito ang ating pinagtutuunan ng pansin sa gitna ng kaguluhan ng ating bayan o ating mundo.
Ang hamon sa atin ngayon ay maging handa sa lahat ng oras hanggang sa Kanyang pagbabalik. Patuloy tayong mamuhay bilang Kristiyano na sumusunod sa nais ni Hesus para sa ating buhay; ibahagi natin ang kabutihan ni Hesus sa nga tao upang maging kalakasan din nila; at tupdin ang pagkatawag Niya sa atin upang ito ang ating kapamaraanan ng ating paglilingkod sa Kanya.
6. Praise Reports/Testimonies
Bilang testimony natin ngayon ay ibahagi mo kung paano mo nagagawa ang ‘keep your heads’ sa mga sitwasyon ng buhay mo? Sabihin mo ito para magbigay kalakasan sa iba at ma-encourage sila sa mga resulta at rewards na dulot nito.
7. Pananalangin
1) Ipanalangin ang mga nasa panahon ng kahirapan upang patuloy na humawak sa pangako ng Panginoon sa Kanyang mga Salita:
i. Mga nasa poverty level na mga kapatiran
ii. Mga nasa ospital na kapatiran o may mga malubhang sakit
iii. Mga may kautangan na hirap makabayad
iv. Mga lubhang nalulungkot dahil sa mga sumusunod (namatayan; problema sa relasyon)
v. Mga negosyo ng mga kapatiran na hirap pa makabangon dahil sa pandemya
2) Ipanalangin na ang bawat member o attendee ng JCLAM (ikaw mismo) ay magkaroon ng boldness para maibahagi ang Mabuting Balita o kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay.
3) Ipanalangin ang mga ministries sa JCLAM para magawa ng may kahusayan; magkaroon ng manpower; at direksyon para sa mga servant leaders:
i. Children Ministries – kid's church; PH208; & JCLAM Christian School
ii. Helps Ministry – magkaroon ng impact sa community
iii. Finders & Seekers – mas maunawaan pa ang tungkol sa kaligtasan
iv. Mentors & Mentees – mas masigasig na pag-aaral tungkol sa discipleship
8. Closing Prayer
Purihin ang kadakilaan Mo sa amin o Amang Diyos na buhay! Nananampalataya at nagpapasalamat kami sa mga katugunan ng aming panalangin ayon sa Iyong kalooban. Maging sa mga Salita na narinig namin ngayon ay magbigay ng transformation sa buhay mananampalataya namin. Sa bawat narinig namign testimonies na nagbigay ng encouragements at kalakasan sa amin. Ang lahat ng ito ay para lamang sa Inyong kaluwalhatian! Idinudulog namin ang patnubay Mo sa amin sa araw-araw, sa pangalan ni Hesus, amen!
9. Announcements
1) Communion Sunday sa darating na linggo – ihanda ang mga elemento para dito (alak at tinapay)
2) Abangan ang nalalapit na ‘Faith Night’ – Physical / Face to Face
3) Simula July 2022, magkakaroon na ng 2 physical service every Sunday – abangan ang oras nito
4) Bisitahin ang ating FB page, Instagram at Youtube para sa updates ng simbahan (just type & search ‘Marikina Foursquare Gospel Church) o puntahan ang ating site sa www.marikinafoursquare.com para mas makilala ang JCLAM
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
コメント