Below is the material for our Family Prayer Cell on June 08, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
AND NOW MY END IS NEAR
By: Ptra. Glo Oyco
1. Introduction
Sadyang kaybilis ng panahon, halos nasa kalaghatian na tayo ng taong kasalukuyan. Sa bawat pamilya na patuloy na nakikiisa sa ating FPC, congratulate yourselves! Iyan po ay kasama sa ating pagbibigay ng oras sa ating Panginoong Dios, Na sa kabila ng pagiging abala sa iba’t ibang concerns araw-araw ay nanatiling binibigyan ng panahon ang FPC. Sa mga hindi po naman, sabihin mo sa iyong katabi: pagsisikapan ko na makadalo sa tuwina
2. Pag-aawitan
BLESSED ASSURANCE
Blessed assurance, Jesus is mine!
Oh, what a foretaste of glory divine!
Heir of salvation, purchase of God
Born of his Spirit, washed in His blood
This is my story, this is my song
Praising my Savior all the day long
This is my story, this is my song
Praising my Savior all the day long
Perfect submission, perfect delight
Visions of rapture now burst on my sight
Angels descending bring from above
Echoes of mercy, whispers of love
This is my story, this is my song
Praising my Savior all the day long
This is my story, this is my song
Praising my Savior all the day long
Praising my Savior all the day long
3. Praise Report
Sang-ayon sa ating napakinggan na mensahe noong Linggo “Jesus eats with them” at maaring sa mensahe from your personal devotion, magbigay po tayo ng pasasalamat at papuri sa Diyos kung papaanong ang Kanyang pangako, corrections, instructions mula sa Kanyang Salita ay nagiging aktibo/kumikilos sa iyong buhay.
4. Pambungad na Panalangin
Pinasasalamatan Ka po namin at dinadakila aming Dios Ama. Sa nagdaang isang Linggo ay patuloy Mo po kaming ginagabayan, iniingatan, nagkakaloob ng aming mga pangangailangan sa bawat araw. Marami pong salamat sa pagpatawad ng aming nagawang mga kasalanan, pakalinisin Nyo po ang puso at kaisipan at maging karapat dapat po kaming daluyan din ng pagpapala sa bawat isa. Sa aming pagtitipon ngayong gabi, minsan Nyo pa po kaming samahan ng Inyong presensya. Sa aming mga pagpapasalamat, pakikinig ng Inyong Banal na Salita at pananalangin ng samasama ay patuloy po Kayong maitaas sa aming kalagitnaan. Pagpalain Nyo po kami at ang lahat ng aming gagawin, ito po ang aming dalangin sa Pangalan ni Hesus, Amen!
5. Scripture Reading
2Timothy 4:6-8 (ESV)
6 For I am already being poured out as a drink offering, and the time of my departure has come. 7 I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. 8 Henceforth there is laid up for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous judge, will award to me on that day, and not only to me but also to all who have loved his appearing.
2 Timoteo 4:6-8 (MBBTAG)
6 Sapagkat dumating na ang panahon ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Ako'y mistulang isang handog na ibinubuhos sa dambana. 7 Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya. 8 Kaya naghihintay sa akin ang koronang gantimpala para sa mga namuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Sa Araw na iyon, ang Panginoon na siyang makatarungang Hukom, ang siyang magpuputong sa akin ng korona; hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang pagbabalik.
6. Message
Ang 2 Timothy ang pinakahuling epistle na isinulat ni Paul bago sya pumanaw at ito ay binanggit nya sa verse 6: “dumating na ang panahon ng pagpanaw ko sa buhay na ito.”
Mga katagang binabanggit ng isang tao na bagamat alam na alam nya na malapit nang humarap sa huling yugto ng kanyang buhay ay nandun ang kasiguruhan at katiyakan na ang buhay nya ay kanyang ginamit ng lubusan para sa paglilingkod Diyos. Walang halong yabang o pagmamalaki subalit ganap ang kahandaan na harapin na nalalapit na kamatayan.
I. Ang mga paghahanda na ginawa ni Pablo:
1. Pinagbuti ang pakikipaglaban (v.7a)
Sa pagbabalik-tanaw ni Pablo sa kanyang buhay ay marami syang pinagdaanan na pakikipaglaban na ang ilan ay ating natunghayan sa series ng ating mga topics dito sa FPC. Ilan sa mga pinagdaanan niya na pakikipaglaban ay laban sa mga tao na pilit na binabaluktot ang katotohanan ng gospel
(Galatians 1:6-8); nakipaglaban siya sa government officials, at nakipagpalaban din sya sa kanyang sarili laban sa sinful nature na meron sya. Si Pablo ay pinagbuti ang pakikipaglaban sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng mga dapat harapin na mga laban at kinilala nya kung sino ang tunay na kaaway na dapat labanan.
2. Natapos ang dapat takbuhin (v.7b)
Ang sabi ni Pablo, “natapos ang dapat takbuhin” hindi niya sinabi na “nanalo ako” kundi natapos nya yung race. Sa kanyang takbuhin, napakarami niyang pinagdaanan na challenges (na mababasa natin sa Book of Acts sa panahon ng kanyang missionary journeys, nandung nagutom siya, binagyo, na-persecute, nakulong). Ang lahat ng ito ay di naging balakid upang si Pablo ay mag-isip huminto sa ipinapagawa sa kanya ng Panginoon. Maari syang ma-depress, ma-frustrate dahil sa mga nasabing balakid, subalit siya ay nagpatuloy sa kanyang paglilingkod at pagkatawag sa kanya ng ating Dios.
Nung sumali ang pamangkin ko sa 21k marathon, hindi siya ang nanalong first pero dun pa lang sa natapos nya yung marathon ay nandun na ang lubos na kagalakan. Para sa mga sumasali sa marathon ang matapos lang ang kanilang race ay isa ng victory. Ang buhay Kristyano ay isang takbuhin na katulad ng marathon, Hindi isang 100meter dash or sprint. Dapat ay hindi huminto sa pagtakbo upang marating ang finish line. Patuloy tayong tumakbo, kasama ang Panginoong Hesus hanggang sa matapos natin ang ating takbuhin (race). Maaring maraming challenges in life (katulad ng kahirapan, kawalan ng pagkakakitaan, kalungkutan, mga babayarin ng iba’t ibang bills, pagkakaroon ng karamdaman, di pagkakasundo sa loob ng tahanan, nalugi na negosyo. at maraming pang iba’t ibang concerns sa buhay), katulad ni Pablo na hindi huminto at tinapos ang takbuhin ng may pagtitiwala sa Dios, patuloy nating tapusin ang ating mga takbuhin.
3. Nanatiling tapat sa pananampalataya(v.7c)
Sa kabila ng kanyang mga naranasan at nang natatanaw na nalalapit na kamatayan, si Pablo ay nanatiling tapat sa pananampalataya. Kasama na sa pananampalatayang ito ang tapusin ang takbuhin na ibinigay para sa kanya at ang pagiging tapat nya sa katotohanan ng gospel na kanyang pinaniwalaan at ibinahagi sa buong panahon na kanyang buhay matapos nyang makilala si Hesus.
Sa totoong buhay, ayaw nating pag-usapan ang kamatayan at ang paghahanda ng mga bagay bagay na patungkol sa kamatayan. Anu-anong paghahanda ang dapat nating gawin? Kapag nasa point of death ang iyong buhay, doon mo mas nare-realized kung ano ba ang mas mahalaga, ang dapat pagtuunan ng pansin. Ang mga bagay that really matters to you. Na dapat nag-spent ka ng more time sa mga mahal mo sa buhay? Na naturuan mo ang mga anak mo at nabigyan sila ng mas mapagkalingang panahon? Mayroon bang panghihinayang para sa mga mas karapat dapat na ginawa na hindi mo nagawa? Si Pablo ay walang panghihinayang kahit magbalik-tanaw siya sa kanyang buhay, he had prepared so well.
Reflection: Ang usapin tungkol kamatayan/pagpanaw ay iniiwasan. Subalit ito ay
siguradong mangyayari sa buhay ng bawat isa. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Pablo na maaring pumanaw sa loob ng isang buwan o mas maiksi pang panahon, papaano mo i-evaluate ang buhay mo? Masasabi mo rin ba pinagbubuti ang pakikipaglaban; tinatapos ang takbuhin; at nanatiling tapat sa pananampalataya? Papaano mo ito isinasagawa sa ngayon?
(Maaring magbigay ang bawat isa ng katugunan)
II. Ang motivation ni Pablo sa kanyang paghahanda:
Mayroong gantimpala – crown of righteousness (v.8)
Ang gantimpalang ito ang nagbibigay ng kapayapaan kay Pablo na bagamat siya ay naghihintay ng kanyang kamatayan dahil sa hatol ni Emperor Nero ay kasabay rin na hinihintay nya ang gantimpala mula sa Panginoon. Kay emperor Nero ay hatol ng kamatayan subalit sa Panginoong Diyos ay pagbibigay ng gantimpala sa lahat ng kanyang pagpapagal at paglilingkod na ginawa.
Napakasarap isipin pagkatapos mong magawa ang tamang paghahanda at pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos, ay Siya mismo (ang makatarungang Hukom) ang magbibigay ng gantimpala or reward. At dahil Siya ay makatarungang Hukom, hindi pwede ang anumang short-cut, “lagay” upang mareceived ang reward. Ang reward na ito ay hindi kayang tumbasan ng kahit anong medalya – ang crown of righteousness, na ibibigay hindi lamang kay Pablo, kundi sa para sa lahat na nanabik sa Kanyang muling pagbabalik. Nawa lahat po tayo ay mayroong tunay ang kasigasigan at katapatan sa patuloy na pagsunod sa kalooban ng Diyos sa ating mga buhay.
Habang hinihintay mo ang iyong gantimpala, magpatuloy sa lahat ng iyong ginagawa at sa ministry na ipinagkatiwala sa iyo, sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay. Ang sabi ng isang quotation: “Only one life 'twill soon be past. Only what's done for Christ will last”. Ngayon pa lamang gawin mo na ang mga bagay-bagay na alam mong magbibigay kagalakan sa Dios.
7. Pananalangin
1. Ipanalangin ang bawat sarili sang-ayon sa ating napag-aralan na magkaroon ng tunay na kahandaan
2. Ipanalangin po natin ang mga kapatiran na may mga karamdaman
3. Isama sa panalangin ang transition ng JCLAM Student Center at lahat ng planuhin para dito.
4. Ipanalangin ang JCLAM members upang maging mas masigla na dumalo ng physical services at hindi nanatili sa livestreaming lamang.
5. Ipanalangin ang mga bagong attendees na sila ay patuloy na dumalo at ma-involve sa church habang mas nakikilala si Hesus.
6. Ipanalangin ang MMND activities sa month of July – REUNITED
a. July 3 – UFW
b. July 16 – FCM (9 to12 yrs old; Venue: JCLAM)
c. July 17 – FY (Venue: Inspire Church)
d. July 24 – UFM (Venue: JCLAM) 7. Ipanalangin ang mga walang trabaho, naghahanap ng trabaho at nawalan ng trabaho.
Ipanalangin ang ating government at ang incoming government officials (magmula sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, senators, congressmen/women, governors, mayors)
8. Closing Prayer
Sa Iyo po ang papuri at pasasalamat na sa lahat ng aming ipinanalangin ay Inyo na pong binigyan ng katugunan. Kami po excited sa mga patotoo ng mga answered prayers sa bawat FPC na ginaganap. Marami din pong salamat sa paalala mula sa buhay ni Pablo na nararapat kaming magkaroon ng kahandaan sa lahat ng mangyayari sa aming buhay. Ipinagkakatiwala po namin sa Inyo ang aming personal walk na ito ay sang-ayon sa Inyong kalooban. At Habang kami po ay naghihintay sa aming tatanggapin reward, panatiliin Nyo po kami sa palaging na sakop ng inyong nagtatapat sa Inyo sa bawat season ng aming buhay.
Ito po ang aming panalangin, sa Pangalan ng aming Panginoong Hesus, Amen!
9. Announcements
1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.
Click subscribe. Like the videos when you have watched them 5) Children’s Church via Zoom every Saturday, 9AM to 11AM.
6) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
7) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments