top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 4 - Magpalakasan

Below is the material for our Family Prayer Cell on January 26, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:





MAGPALAKASAN

I THESSALONIANS 4:16-19; 5;9-11 By: Ptra. Kay Carolino


 

1. Introduction


Napag-aralan po natin last week kung paano po manalangin nan aka-align sa Lord’s Prayer. Ito po ang kauna-unahang panalangin na tinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagd, hindi para lang kabisaduhin at paulit-ulit na bigkasin nang walang kabuluhan. Ipinakita lang sa panalangin ang puso ng Panginoon na maaari nating maging damdamin at laman ng puso sa paglapit sa Dios. Pinakikinggan ng Dios ang lumalabas sa ating ng labi na nanggagaling sa puso na may tamang motibo sa paglapit sa Kanya at may pagpapakumbaba sa Kanya. Sa buong 2021 na ating pagganap ng Family Prayer Cell, napakaraming sagot sa ating panalangin ang ating naranasan at nagbunsod sa ating pasalamatan ang Dios.


2. Pag-aawitan



Intro

G C G D G


Verse 1

G C2 G G C2 G

Your kingdom generation declares Your majesty

C D C G C2 G

Our lives are resounding with Your praise


Verse 2

G C2 G G C2 G

We see Your Spirit moving, we burn with holy fire

C D C D G

Your glory is seen through all the earth


Bridge

C Dsus4 Em7 C2 Dsus4 C2 D

You set eternity in my heart, so I'll live for You, for You


Chorus

G C2 G Dsus4 G G C2 G Dsus4 G Em

Hallelujah, hallelujah, honour and praise fore - ver

C/E C G/B AmD G

We'll shout a victory cry from here to eternity

C2 G Dsus4 GG C2 G Dsus4 G Em

Hallelujah, hallelujah, we'll take our place in history

C/E D C G/B AmD F2 G

We'll shout Your awesome love from here to eternity


HE’S COMING SOON


(G7) C Cm G Em Am D G G7

He’s coming soon! He’s coming soon! With joy we welcome His returning


C Cm G Em Am D G

It may be morn, it may be night nr noon; We know He’s coming soon.


3. Praise Report


Batay sa ating narinig na mensahe last Sunday, we are blessed because the Lord is the One Who promised, and He is faithful to fulfill them. We are blessed also to blessed others. So far, anong aspeto ng iyong buhay ay pinagpala ng Panginoon at nagamit rin para mapagpala ang iba?


4. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Ama naming Dios, lumalapit po kami sa Inyong trono ng biyaya nang may pagpapakumbaba at may pagtitiwala na Kayo po ang aming Buhay na Dios at Makapagnyarihan sa lahat. Wala po kaming magagawa kung wala Ka sa aming buhay. Ikaw po ang aming pag-asa at Matibay na Sandigan sa lahat ng aming kinahaharap. Looking forward po kaming lahat sa Inyong malapit na pagdating na kung saan kami ay Inyong dadalhin na sa kung saan po Kayo naroon at habambuhay na naming Kayong makakapiling. At sa pananalangin naming ito, tinuturuan po Ninyo kaming maghintay nang walang pagkabagot kungdi may pag-asa sa hinaharap. Samahan po Ninyo kami sa aming pakikinig ng Inyong mensahe at sa aming pananalangin. Anoint our prayers today. In Jesus; name, Amen!


5. Scripture Reading


I THESSALONIANS 4:16-19; 5;9-11


16 Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. 17 Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. 18 Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga salitang ito.


Ch. 5 : 9 Hindi tayo pinili ng Diyos upang bagsakan ng kanyang poot, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10 Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito. 11 Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.


6. Message


Sa mga binasa natin ngayon, may dalawang verses na inulit ni Apostol Pablo sa mga Chritians sa Thessalonca: PALAKASIN NINYO ANG LOOB NG BAWAT ISA!


Bakit ganito ang sinasabi ni Pablo sa kanila. Nanghihina ba sila? Gusto na ba nilang umayaw sa pagiging follower ni Kristo? Hindi na ba sila umaasa sa mga pangako ng Dios? Naiinip na ba sila sa katuparan ng mga pangako?


As a background, kagagaling lang ni Pablo sa Tesalonica, kung hindi man tatlong linggong nakaraan ay tatlong buwan (not certain). Pero excited kasi siyang malaman kung anona nangyayari sa kanilang paglago bilang Christians. Kaya pinadala niya si Timothy, ang kanyang disciple at minementor/tinuturan sa ministry. Natuwa si Pablo sa magandang report na dala ni Timothy tungkol sa pagiging matatag sa pananampalataya ng mga taga Tesalonica. Pero alam din ni Pablo na may mga bulaang guro sa paligid na maaari na namang magpalito sa kanila kaya sa mga talatang ating binasa, makikita natin na pinalakas ni Pablo sila sa kanilang pag-asa sa hinaharap.


1) Una, may darating na isang event na ang tawag ay “rapture” – sa verse ay “CAUGHT UP” - ang ibig sabihin sa Griyego ay “snatched up….to denote its suddenness” – biglaang pagkawala upang dalhin sa ‘clouds’, hindi dahil sa sariling kapangyarihan kungdi sa pagkilos ng Dios.


Mauunang mangyayari ito sa mga namatay na naging follower ni Kristo Hesus. (Bibigyan silang muli ng ‘katawang hindi na mabubulok”) at i-mi-meet ang mga nabubuhay na mayroon na ring katawang hindi nabubulok…sa ere, sa clouds. WOW!


Malalaman ng lahat ito!!! May tunog ng malakas na trumpeta! May malakas na tinig mula sa kalangitan at nandoon din ang archangel at maririnig ang Kanyang tinig.


Parang pelikula pero tila “science-fiction” (sci-fi) movie na hindi mangyayari…ngunit mangyayari po ito ayon sa Bible.

PAUSE: ANO ANG FEELING NINYO DITO SA MANGYAYARING ‘ RAPTURE’? (ask each one)


Paano kaya natin ma-eencourage ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagtingin natin sa event na ito?


2) Pangalawa, hindi tayo itinakda na makaranas ng poot ng Dios. We were REDEEMED, we were SAVED, we were FORGIVEN! Purihin ang Dios! Tayo ay makasalanan ngunit isinama Niya tayo sa listahan ng mga ginawang Niyang anak Niya! Nakasulat ang ating pangalan sa Aklat ng Buhay! Nananatiling buhay si Hesus mula sa Kanyang pagkabuhay na muli upang patuloy na magawa ang kalooban ng Dios Ama sa pamamagitan Niya: na makasama tayo panghabangbuhay (kahit na tayo ay patay na kapag nag-RAPTURE o buhay pa rin sa pagdating Niya).


Kaya gayon na lamang ang instruction ni Pablo sa kanila para maisip ng mga taga-Tesalonica na hindi sayang ang kanilang paglago, na kailangan nilang pagsumikapan na magkaroon ng self-control (to be sober – ginagamit ang salitang ito para sa mga hindi nagiging ‘lango o lasing sa alak…ibig sabihin, nasa tamang pagiisip at alam ang ginagawa), at mabuhay sa kaliwanagan. Kaakibat nito ang ang tatlong mahalagang virtues: FAITH, HOPE and LOVE.


PAUSE: Kumusta kaya ang ating pamumuhay sa panahong ito na naghihintay tayo sa pagdating ng Panginoong Hesus?


Paano kaya natin ma-eencourage ang isa’t isa sa pamamagitan ng ginawa ni Hesus na pagliligtas sa atin?


CONCLUSION:


Tanong: Sigurado ka bang makakasama ka sa Rapture? Paano mo nasabi?


Kung hindi ka sigurado, gusto mo bang makatiyak? Today is the day of salvation! (someone should share privately the Good News).


Kung siguradong sigurado ka na, paano ka nabubuhay ngayon habang naghihintay sa Kanya?


Magsabi tayo sa isa’t isa ng mga salita ng pampalakas (ex. Tuloy lang…. Ang pag-asa natin ay buhay…. Huwag tayong susuko…..Darating na si Lord, kapit lang…etc. in English puede).


7. Pananalangin


1) Individually, mag-isip at ipanalangin ang panibagong set of loved ones na gusto mong makasama sa RAPTURE.

2) Foursquare churches will continue to be firm and strong as we wait for His coming.

3) Discipleship and mentoring plans of JCLAM church – lumakas; magpatuloy nang may kasiglahan; maging culture ng bawat miyembro at regular attendee

4) Healing for all those who are sick with every kind of disease (not only covid). Mention names.

5) Provision for material and financial needs – tuition fees, payment for utilities (KURYENTE, TUBIG, INTERNET, RENTA, atbp.)

6) Wisdom (na magawa ang tamang bagay sa tamang panahon sa anumang situwasyon) para sa lahat: sa mga manggagawa ng Dios, mga tatay, mga nanay, mga anak, mga tauhan sa gobyerno

7) Darating na National Election – pray in the Spirit (hayaang tulungan tayo ng Banal na Espiritu kung paano ipapanalangin ang ating bansa hinggil dito

8) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang nais na ipanalangin) for one another


8. Closing Prayer & Announcements


1) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama. Post pic on FB ng inyong ginawang Family Prayer Cell (at kung may reflection dito)

2) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

3) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

4) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


PLEASE PO, WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



146 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page