Below is the material for our Family Prayer Cell on February 2, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
RESPECT
I THESSALONIANS 5:12-13 By: Ptra. Kay Carolino
1. Introduction
Salamat po sa mga nag-join sa Foursquare Global Prayer Network. Kung nakajoin po kayo, nanalangin po ang Global Leaders ayon sa The Lord’s Prayer. Praise God po! Hindi lang Pilipinas ang Foursquare family. Global! We can imagine na pagdating natin sa langit ay international…global! Hindi lang yung taga JCLAM ang makikita natin.
Kaya , tama lang po ang ginagawa nating pananalangin. Dapat nga po ay tuloy lang…sa anumang season o alert level. Ayon pa sa survey na ginawa, marami po sa atin ang tumugon na nagpapasalamat sila dahil nagagamit nila ang material na ito para lahat ay makapagparticipate.
Awitan muna po natin ang ating Panginoon
2. Pag-aawitan
NAPAKABUTI NG ATING DIYOS
Napakabuti ng ating Diyos, ‘Di ‘Sya nagbabago
Napakabuti ng ating Diyos, ‘Di S’ya nagkukulang
Itaas ang ngalan Nya, Lahat ng nilikha
Napakabuti nga ng ating Diyos
Ang nais ko'y magpasalamat, sa ating Diyos
Ang nais ko ay magpuri, itaas ang ngalan ni Hesus!
ANG DIOS AY MABUTI (God is so good)
Ang Dios ay mabuti, ang Dios ay mabuti, Ang Dios ay mabuti, mabuti sa ‘kin.
3. Praise Report
Batay sa ating narinig na mensahe last Sunday, ipinakita sa atin na bilang mga kasalanan, minahal na tayo ng Dios….may plano na Siya agad kung paano Niya tayo ililigtas. Ang kailangan na lang natin ay tanggapin nang may pagtitiwala na regalo ito ng Dios sa atin kaya pahalagahan natin ito. Paano mo pasasalamatan ang Dios sa iyong estado ngayon bilang anak Niya?
4. Pambungad na Panalangin
(Manalangin with HANDS RAISED)
Ama naming Dios, lumalapit po kami sa Inyong trono ng biyaya nang may pagpapakumbaba at may pagtitiwala na Kayo po ang aming Buhay na Dios at Makapangyarihan sa lahat. Wala po kaming magagawa kung wala Ka sa aming buhay. Ikaw po ang aming pag-asa at Matibay na Sandigan sa lahat ng aming kinahaharap. Salamat po sa church na binigay Ninyo sa amin kung saan kami ay natututo at lumalago upang lalo kayong makilala. Pagpalain po Ninyo kaming lahat sa Family Prayer Cell na ito. Anoint our prayers today. In Jesus; name, Amen!
5. Scripture Reading
I THESSALONIANS 5:12-13
Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon.13 Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.
6. Message
Sa binasa natin ngayon, may ipinapakiusap si Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica. Mayroon kasing mga individuals sa church na ‘idle’ (mga walang ginagawa kungdi maging busybodies at nakikigulo at tsismis lang). Some of them, most probably, come to the point that they show disrespect to the church leaders. Hindi nila pinapansin yung mga sinasabi, nakikipag-argue sa hindi tamang paraan at nagbibigay ng dahilan para mas lalong gumulo kaysa magiging payapa.
Ano ang mga pakiusap ni Pablo sa mga believers sa Tesalonica:
1) IGALANG ANG MGA NAGTUTURO SA KANILA – hindi lang basta igalang kungdi bigyan ng LUBOS NA PAGGALANG
2) PAG-UKULAN NG PAG-IBIG
Bakit kaya ganito? Pang-power trip ba ito ng mga nagdi-disciple o mga manggagawa o ng mga ‘presbyters”(elders) o ng mga pastors sa iglesya? Nagbibida-bida lang ba sila?
Hindi ba dapat ganito: RESPECT IS EARNED AND NOT DEMANDED (hindi pinipilit hingin kungdi kusa raw ibinibigay ng mga tao sa iba dahil ka-respe-respeto yung leader)
Hindi po ganito ang motibo ni Pablo at mga leaders doon sa church.
Alam kasi ng mga manggagawang ito ang kanilang mga ginagawa na higit pa sa inaasahan. Nakikita kasi ang kanilang mga pagpapagal upang maaalagaan lang ang mga sinsasakupan upang sila ay lumago. Sila ay hindi lang nagtuturo ng mga doktrina kungdi nagrerebuke din kapag may kailangang ituwid (hindi para pagalitan kungdi para matulungan silang mas maging kaaya-aya), at nag-eencourage sa mga panahong may pinagdadaanan ang mga believers (tulad ng pag-uusig, kahirapan, atbp.).
Hindi biro ang mga ginagawang tasks ng mga leaders at disciplers sa Tesalonica. They LABOR or TOIL for their constituents…in teaching doctrines, in becoming their counselor, in helping them with their needs. Hindi sila ‘professional’ na church leader (hindi binabayaran) ngunit ang ginagawa nila ay pag-aalaga sa kaluluwa at spiritual na kalagayan ng mga tao. Sila ang madalas na nagpapakita ng pag-ibig at nagpapadama nito ngunit sila rin ay nangangailangan ng ganitong pagmamahal.
Conclusion:
Sa ating iglesya ngayon, may mga ginagamit ang Dios sa ating buhay upang maalagaan ang ating spiritual lives. In the same way, do you think they deserve the respect and love that Paul requests in the church in Thessalonica? How are we showing our love to them: Do we pray for them? Do we encourage them? Do we message them? Do we think of them and give gifts, with or without occasion? Do we give time to listen to them? Do we honor their rebukes and corrections?
Hindi man natin nakikita ang lahat ng mga iyon ngunit, marahil, nakikita ninyo ang mga bunga ng kanilang pagpapagal sa sarili mo o kahit sa ibang tao o sa church, as a whole.
Reflect: Banggitin, huwag mahiya, ang mga tao sa buhay ninyo na nakakatulong sa inyong paglago sa season na ito sa inyong buhay? Specify what these people do for you. Thank God for them.
7. Pananalangin
1) BLESS THE CHURCH LEADERS THROUGH CONCERT PRAYER FOR THEM
2) GOVT LEADERS: They will have Fear of God and Wisdom from God -- we will respect them despite our personal choices
3) PARENTS/GUARDIANS: They will be SPIRITUAL LEADERS and GOOD MANAGERS of their families --- we, as children, will respect them despite their weaknesses
4) TEACHERS: They will teach with integrity and strength inside and out -- we will respect them for the efforts they do…before, during and after class hours.
5) EMPLOYERS - They will be “better” managers and/or owners – we will respect them because they are the extension of God’s ‘hands’ to ‘feed’ us
6) More opportunities for people to know Christ even in the Musiim community
7) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)
8. Closing Prayer & Announcements
1) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama. Post pic on FB ng inyong ginawang Family Prayer Cell (at kung may reflection dito)
2) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
3) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
4) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
PLEASE PO, WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments