top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 6 - Huwag Padadaya

Updated: Feb 9, 2022

Below is the material for our Family Prayer Cell on February 9, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



HUWAG PADADAYA

2 THESSALONIANS 2:1-12 By: Ptra. Kay Carolino


 

1. Introduction


Salamat po sa patuloy na pananalangin! Hindi po sayang ating efforts. Walang matigas na puso na hindi kayang palambutin ng Panginoong Dios! Sige lang, tuloy lang!

Awitan muna po natin ang ating Panginoon


2. Pag-aawitan


May Galak, May Saya


May galak, may saya, may tuwa sa piling ng Dios; Sapagkat, hirap ng puso ay naglalaho

May awit, may sayaw, may papuri para sa Dios; Na hatid ng pusong pinagpala N’yang lubos


Handog N’ya ay kapayapaan; Handog N’ya ay kagalakan; Handog N’ya ay kalakasan

Sa bawat pusong napapagal


Kaya’t ang awit ng papuri, awit ng pasasalamat at ang awit ng pagsamba, ay para lang sa Kanya


Tunay na Dios


Pupurihin Ka, O, Dios, ang aming alay ay pagsamba

Kaluwalhatian, buong karangalan, kapangyarihan Mo’y walang katulad


Ikaw ang tunay na Dios, Ikaw walang katulad, Ikaw’y nag-iisa, Ikaw lamang wala nang iba

Sa ‘Yo ang aming awit, dinggin ang aming tinig, isisigaw sa buong mundo…


Kadakilaan Mo.


3. Praise Report


Kumusta po ang ating De-cluttering sa ating spiritual na buhay? Mayroon ka pang gustong i-share na testimony tungkol sa kung paano inaayos ng Dios ang iyong buhay dahil Siyan a ang priority mo? Are you putting your house in order for the next generation and what blessings do you see to prove that your house is disciplined in righteousness? Share mo naman sa grupo kahit maikli lamang..


4. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Ama naming Dios, lumalapit po kami sa Inyong trono ng biyaya nang may pagpapakumbaba at may pagtitiwala na Kayo po ang aming Buhay na Dios at Makapangyarihan sa lahat. Wala po kaming magagawa kung wala Ka sa aming buhay. Ikaw po ang aming pag-asa at Matibay na Sandigan sa lahat ng aming kinahaharap. Salamat po sa church na binigay Ninyo sa amin kung saan kami ay natututo at lumalago upang lalo kayong makilala. Pagpalain po Ninyo kaming lahat sa Family Prayer Cell na ito. Anoint our prayers today. In Jesus; name, Amen!


5. Scripture Reading


I. 2 THESSALONIANS 2:1-12

Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin.


3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan.

Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.


5 Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating ng Panginoong [Jesus] papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang nakakasilaw na liwanag.


9 Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. 10 Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak dahil ayaw nilang mahalin ang katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. 11 Dahil dito, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na maniwala sa katotohanan.


6. Message


Kakaiba ang binasa natin ngayon kasi may ipanapakilala si Pablo. Ngunit pareho din sa dati ang kanyang mga warning sa mga taga Tesalonica. Marami kasing false teachers na sumisingit sa mga Christians doon para lituhin tungkol sa pagbabalik ni Hesus na galing raw kay Pablo ang balita..na Siya ay nakabalik na nga. Kaya, dinetalye niya ang mga mangyayari muna bago dumating si Hesus:


Vs.3 - may itinakdang panahon ang paglitaw ng Suwail.

Vs. 4 - itataaas niya ang kanyang sarili

Vs. 4 - kakalabanin ang lahat ng kinikilang diyos at sinasamba ng mga tao.

Vs. 4 - uupo siya sa Templo ng Dios

Vs. 4 - magpapakilalang siya ang Dios


Tingnan natin ang mga unang gagawin ng Suwail……Banggitin muli ang nasa itaas. Sobrang tayog at yabang siguro ng Suwail na ito. Lahat ng klaseng diyos-diyosan daw ay i-chachallenge niya. Pati marahil ang Dios ng mga mananampalataya. Ang Templong tinutukoy marahil ay ang Templo sa Israel na maitatayong muli bago dumating ang Panginoon at siya ang pupuwesto doon. Ipapapakilala niya ang kanyang sarili na siya ang Dios.


Sounds familiar? Marami naming nagpoproclaim nang ganito na sila ang Dios. Pero iba talaga itong Suwail na ito. Talagang maraming mapapabilib na tao at malilinlang niya kasi magmumukha talaga siyang matayog at magaling.


Vs. 6 – lilitaw ang Suwail (Man of Lawlessness) sa takdang panahon. Sino po kaya ito?

Vs. 7 – gumagawa ng ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan muna.

Vs. 8 – malalantad ang Suwail.

Vs. 9 - taglay ng Suwail ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan

Vs. 10 – Gagamit ang Suwail ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak? Sino ang mga ito?


Sino ang tinutukoy na Suwail or Man of Lawlessness. Maraming nagsasabi na ang tinutukoy rito ay ang AntiKristo. Isang particular na tao, hindi basta taong laban kay Kristo, kungdi talagang sugo ng diyablo para maghasik ng kaguluhan at maraming matangay sa kasamaan at maloko.


Anu-ano nga uli ang mga gagawin ng Suwail na ito? Banggitin isa isa. May nakikita na ba kayo sa kapiligiran, sa social media na nangyayari na tulad sa nabanggit?

Marami talaga ang malilinlang ng kaniyang paglililinlang. Maraming talagang madadaya ng kanyang pandaraya. Maraming magiging hangal sa pagsunod sa kanya ngunit hindi nila maiisip ang mga iyon kasi nga naloko nga sila.


Kaya pala ganoon na lang na paulit-ulit ang paalala ni Pablo. At paulit-ulit din tayong nagreremind dito sa ating Family Prayer Cell na:


1) Do not be alarmed – huwag magulat, huwag magpanic, huwag mabahala, huwag magugulo ang isip.

2) Do not be deceived – huwag magpalinlang, huwag padaya, huwag magpakahangal

3) Do not be swayed – huwag magpadala sa mga ‘huwad na himala’, sa mga ‘huwad na kababalaghan’


Ibig sabihin, gagamitin ng Suwail ang kapangyarihan ni Satanas para madaling ma-uto ang mga tao. Madaling mako-convince sa mga himala yun pala hindi pala galing sa Tunay na Dios iyon.


Ang tanong: Paano mo malalaman na hindi galing sa Dios? (humingi ng mga opinion.)


Ito naman ang sinasabi ng mga talata upang bigyan tayo ng katiwasayan na tayong mga mananampalataya ay iniingatan ng Dios:


Vs. 7 – May humahadlang sa paglantad ng Suwail. (Maraming nagsasabi na ang tinutukoy dito ay ang Banal na Epiritu, the Restrainer.) Kaya, sa maraming katuruan tungkol sa kagandahang-loob ng Dios, tatanggalin lamang ang Banal na Espiritu kapag na-rapture na ang mga Christians (remember our lesson on this). Ibig sabihin, kapag lumantad na ang Antichrist, sa malamang ay wala na ang mga Christians dito sa lupa at hindi na natin mararanasan ang mga bagay na ito.)


Ngunit may nagsasabi rin na ang ‘church’ – kalipunan ng mga Christians ang nagpipigil sa paglantad ng Suwail --- dahil ginagawa nito ang mga bagay to preserve everything. Ngunit, same thing, the ‘church’, the believers, will be raptured first before the Antichrist will be revealed.


Vs. 8 - May malaking pangako na madidisplay ang kapangyarihan ni Hesus over the man of lawlessness. Jesus will kill him. Tingnan kung paano.


Vs. 10-12 Kapag binasa natin ang mga talatang ito, kasali ba ang mga Christians dito? Sino ang papapayagan ng Dios ng malinlang? Hindi tayo. Sino?


Conclusion:


Walang puedeng mag-forecast kung sino talaga ang madadaya ng Antikristo pagdating ng araw. Kaya tayo ay binibigyan ng pagkakataon at warning para hindi na tayo madaya. Ngunit kapag talagang na kay Kristo na tayo – tayo ay binigyan na ng Salita ng Dios ng katiyakan na tayo ay ‘secure’ na in the palm of His hands. Huwag lang tayong magpatihulog. Kapag hindi na tayo manampalataya kay Kristo, yun na po ang magdedesisypn ng ating destinasyon.


Be wise! Read God’s Word so that you will know the strategies of the enemy to pull us away from the faith.Surround ourselves with people who will guide us into our spiritual maturity. Pray and fast for the spiritually stubborn.


7. Pananalangin


1) Thank the Holy Spirit for His mighty conviction sa ating buhay. Worship Him.

2) Ang mga Christians, lalo na ang mga taga-Foursquare ay huwag nang malinlang ng Diyablo.

Ang mga Christians ay talagang maging wise at marunong mag-discern ng tama at mali.

4) Ang mga tumatakbong kandidato – na managot sa Dios sa lahat ng kanilang ginagawa, mula pa sa pangangampanya hanggang sa matapos ang eleksyon.

4) Ang mga Pilipinong botante ay maging matalino – na hindi umaayon sa gawi ng Suwail.

5) Ang mga lumalaban pa rin hanggang ngayon sa Dios – na magpakumbaba na sa Dios, lalo na sa ating mga mahal sa buhay.

6) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


8. Closing Prayer & Announcements


1) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama. Post pic on FB ng inyong ginawang Family Prayer Cell (at kung may reflection dito)

2) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

3) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

4) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


9. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


PLEASE PO, WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



132 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page