top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 7 - Babala: Pabigat!

Below is the material for our Family Prayer Cell on February 16, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




BABALA: PABIGAT

2 THESSALONIANS 3:6-15 By: Ptra. Kay Carolino

 

1. Introduction


Sa nakalipas na mga araw, maraming nagpakita ng pagibig sa isa’t isa dahilsa Araw ng mga Puso. Nakakatuwa pong sa isang araw tulag nito ay mga mga taong nag-effort para magpakita ng kanilang pagmamahal. Kahit nahihrapan ay nagsikap pa ring gawin. But other people just treated it just like any ordinary day. Okay lang po yun! Ang mahalaga, Love Day man o hindi, ay consistent tayong nagpapakita ng pagmamahal.


Katulad ng pag-participate natin sa FPC na ito, nagpapakita ito ng ating pagmamahal, unang una sa Dios na ating pinananaligan at pagmamahal din sa mga tao sa ating paligid, Kaya patuloy lang po tayo sa ating pananalangin! Hindi po sayang ating efforts. Walang matigas na puso na hindi kayang palambutin ng Panginoong Dios! Sige lang, tuloy lang!

Awitan muna po natin ang ating Panginoon


2. Pag-aawitan


JESUS YOU ARE SO GOOD


Jesus, You are so good! Jesus, You are so good! There’s nothing to fear, ‘cause I’m here

in Your presence. Jesus, You are so good! Jesus, You are so, so good!

And I just want to thank You with every beat of my heart.


(1) You’ve given me eternal life and our Word to light my way

You’ve given me Your Spirit with new mercies everyday


(2) You’ve given me a confidence and my soul is filled with peace

For You are my Provider, You supply my every need.


TO BE LIKE JESUS


To be like Jesus, to be like Jesus. All I ask is to be like Him

All through life’s journey…from earth to glory…all I ask is to be like Him.


3. Praise Report


Masakit ang katotohanan, lalo na po kung galing sa Salita ng Dios. Sa mga nakaraang araw ay tinuruan tayong muli na mag- OPERATION: IWAS sa mga stress sa ating buhay na dinudulot natin sa ating sarili mismo at mga stress na dala ng ibang tao sa atin. Kumusta po ang ating De-stressing sa ating spiritual na buhay? Mayroon ka pang gustong i-share na testimony tungkol sa kung paanong tinutulungan ka ng Dios na ma-release ang iyong tension sa buhay o kaya naman ay bagay na ipapasalamat sa Dios?


4. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Ama naming Dios, lumalapit po kami sa Inyong trono ng biyaya nang may pagpapakumbaba at may pagtitiwala na Kayo po ang aming Buhay na Dios at Makapangyarihan sa lahat. Wala po kaming magagawa kung wala Ka sa aming buhay. Ikaw po ang aming pag-asa at Matibay na Sandigan sa lahat ng aming kinahaharap. Salamat po sa church na binigay Ninyo sa amin kung saan kami ay natututo at lumalago upang lalo kayong makilala. Pagpalain po Ninyo kaming lahat sa Family Prayer Cell na ito. Anoint our prayers today. In Jesus; name, Amen!


5. Scripture Reading


2 THESSALONIANS 3:6-15


6 Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo SA PANGALAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at ayaw sumunod sa mga turo na ibinigay namin sa inyo.

7 Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami naging tamad nang kami'y kasama pa ninyo.

8 Hindi kami nakikain kaninuman nang walang bayad. Nagtrabaho kami araw-gabi upang hindi makabigat kaninuman sa inyo.

9 Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatan sa inyong tulong, kundi upang kayo'y bigyan ng halimbawang dapat tularan.

10 Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, “Ang ayaw magtrabaho ay hindi dapat kumain.”


11 Binanggit namin ito dahil nabalitaan naming may ilan sa inyong ayaw magtrabaho, at WALANG INAATUPAG KUNDI ANG MAKIALAM SA BUHAY NG MAY BUHAY.

12 SA PANGALAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO, mahigpit naming iniuutos sa mga taong ito na sila'y maghanapbuhay nang maayos at huwag umasa sa iba.


13 Mga kapatid, huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti.

14 Maaaring mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat na ito. Kung magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makisama sa kanya, upang siya'y mapahiya.

15 Ngunit huwag naman ninyo siyang ituring na kaaway; sa halip, pagsabihan ninyo siya bilang kapwa mananampalataya.


6. Message


MAY BABALA! MAY BABALA! Warning!! Si Apostol Pablo ay may warning na naman! Pansinin natin agad sa unang verse pa lamang na ginamit ni Apostol Pablo ang authority ng pangalan ni Hesus sa pagbigay ng utos sa mga taga- Tesalonica. Ibig sabihin kapag ganito, seryoso ang utos at hindi lang ito suggestion. Ano ang utos niya:


LAYUAN ang mga taong tamad at ayaw sumunod sa mga tinuro na sa kanila ng mga manggagawa ng Dios.


(Ano reaksyon n’yo dito? Ang sungit ba? Ang sam ba? Ang radikal ba? )


Nagbigay pa ng halimbawa si Apostol Pablo ng kanilang ginagawa sa vs. 7-8

1) HINDI SILA NAGING TAMAD SA PANAHONG KASAMA NILA ANG MGA TAGA-TESALONICA

2) HINDI SILA NAKIKIKAIN NANG HINDI NAGBABAYAD

3) SILA AY NAGTATRABAHO ARAW AT GABI PARA HINDI MAGING PABIGAT


(Ano ang mga reaksyon n’yo sa mga ginawa nila? Pa-martir ba? Ma-pride ba?)


Binanggit nio Pablo ang dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga ito:


UPANG MAGING HUWARAN PARA SA MGA TAGA-TESALONICA NG KASIPAGAN!


Alam din naman nila na they deserve din ng mga tulong at blessing pero hindi nila inabuso ito. Ipinakita nila na sila ay may kusa, masikap at masipag.


Bakit nga ba gayon na lang ang tila malalim na hugot nila sa pagbigay ng ganitong utos sa mga kapwa Christians nila sa Tesalonica?


NABALITAAN KASI NILA NA MAY MGA WORKERS SA TESALONICA na NAGIGING PABIGAT SA KANILANG KAPALIGIRAN at SA MGA KAPATIRAN mismo. Laging gusto nang libre. Pabigat kasi mga tamad, pabigat kasi mga ‘busybodies’ – hindi busy sa tamang gawain kungdi busy sa pakikipagtsismisan --- nakikialam sa buhay nang may buhay kasi ang walang ginagawa ay walang magawa kungdi pagkuwentuhan ang buhay ng iba.


Kaya, ang kabilin-bilinan nila Pablos sa kanila: (‘Pag tinamaan, sabihin: AKO YAN!)


1) HUWAG PAKAININ KUNG AYAW MAGTRABAHO. (reaksyon?)

2) ANG MGA TAMAD AY KAILANGANG MAGHANAPBUHAY. (reaksyon?)

3) HUWAG MAGING PABIGAT AT AASA NA LAMANG NANG AASA SA IBA (react?)

4) HUWAG MAGSAWANG GUMAWA NANG MABUTI

5) KAPAG TALAGANG AYAW PA RIN KAHIT GINAWAN NA NANG MABUTI:

Huwag makisama sa kanila para maramdaman din nila ang ‘mapahiya’

Huwag ituring na kaaway.

Pagsabihan sila bilang kapwa mananampalataya.


Conclusion:


Naisip ba natin kung balit ipinaiiwas ni Pablo ang mga believers sa mga kapwa na pabigat? Nakakahawa kasi ang katamaran. Mabilis kumalat ang ‘virus’ ng pagiging pakialamera. Baka magtanong tayo kung bakit ganoong ka-cruel ang utos, parang walang pag-ibig at malasakit?


Meron kasing believers na lagi na lang nakaasa sa iba at tila inaabuso ang kabutihan at pagtulong ng mga mananamapalataya. Pati ang church funds ay naabuso na rin dahil sa mga ayaw magtrabaho. Hindi ito nagpapakita ng tamang CHRISTIAN VALUE. Kaya sila pabigat at tamad ay dahil NAGHIHINTAY NA LANG SA PAGDATING NI HESUS. Hayahay. Samantalang habang naghihintay dito, dapat gawin pa ring magsipag sa trabaho o gawaing bahay man lamang.


Kahit tila exaggerated ang instruction ni Pablo, firm talaga sila sa utos na ito, marahil sa mga taong paulit-ulit na lamang, at tila hindi na nagbabago.


Ano ang tingin ninyo dito? Nawa’y palinawin ito ng Banal na Espiritu sa ating lahat.


Reminder pa rin: 1) GUMAWA PA RIN NANG MABUTI 2) HUWAG ITURING ANG MGA PABIGAT NA KAAWAY 3) PAGSABIHAN NANG MAHINAHON kasi kapwa naman sila mananampalataya…


Ang tanong: Ikaw ba ay nagiging PABIGAT? Kailangan pa bang magbigay ng BABALA s aiyo nang paraming beses..at baka umabot pa sa HINDI KA NA PAKAININ dahil hindi ka man lang makataan ng pagsisikap?


Kung hindi, kinukunsinti mob a ang mga taong tamad? Bakit?


Tulungan nawa tayo ng Dios na magawa ang bagay na ito nang may pang-unawa.


7. Pananalangin


1) Thank God for your source of income; your job; your business. Ask forgiveness from God for not doing your best at work, for doing corrupt practices in your business, or murmuring against God and co-workers.

2) Ang mga Christians, lalo na ang mga taga-Foursquare, na maging MASIPAG sa paglilingkod sa Dios sa pamamagitan ng church at pagsunod sa mandato ng Dios na ipamalita ang tungkol sa pagliligtas ni Hesus.

Ang mga Christians ay talagang maging wise at marunong mag-discern ng tama at mali.

3) Ang mga tumatakbong kandidato at lahat ng alipores nila – na managot sa Dios sa lahat ng kanilang ginagawa, mula pa sa pangangampanya hanggang sa matapos ang eleksyon.

4) Ang kalooban ng Dios-- tungkol sa mga bagong mamumuno sa ating bansa at mga bayan --ang manaig sa ating bansa (binoto man natin o hindi)

5) Ang mga tamad at mga tsismosa/tsismoso ay huwag mang-abuso…na matutunan na maging masikap sa pagtulong imbes na paninirang-puri o hindi man lang maka-ambag sa pagkilos sa tahanan. Panalangin rin na ang mga nakapaligid sa kanila ay maging mabuting tao pa rin sa kanila.

6) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


8. Closing Prayer


Ama naming Dios, nagpapasalamat na po kami ngayon pa lamang sa mga kasagutan sa aming mga panalangin. Patuloy po Ninyong patatagin ang aming pagtitiwala sa Inyo. Huwag nawa naming Kayong laging pasalamatan sa lahat ng Iyong ginawa na, ginagawa at gagawin pa sa amin at sa pamamagitan namin. Ito po ang aming dalangin, sa pangalan ni Hesus, amen!


9. Announcements


1) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama. Post pic on FB ng inyong ginawang Family Prayer Cell (at kung may reflection dito)

2) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

3) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

4) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


PLEASE PO, WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



147 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page