top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

2022 Family Prayer Cell 8 - Pakaiingat

Below is the material for our Family Prayer Cell on February 23, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




PAKAIINGAT

1 TIMOTHY 1:3-7 By: Ptra. Kay Carolino

 

1. Introduction


Kumusta po ang ating pagdedetoxify ng mga dumi sa ating kaloob-looban? Nawa, maging lifestyle na po natin ang laging nagpapalinis sa Dios dahil ang ating katawan at ang ating buong katauhan ay itinitirhan na ng Dios Banal na Espiritu. Persona po Siya kaya nalulungkot rin sa tuwing tayong nagkakasala at hindi natin ito pinapansin. Hindi natin nanaisin bilang mga anak ng Dios na tuluy-tuloy na mag-build up ang ating mga tila ‘maliliit’ na kasalanan dahil maaari itong lumala nang lumala hanggang titigas na po ito at mas mahirap tanggalin.


Ang pag-participate natin sa FPC na ito ay isang malaking factor na laging tayong nababantayan sa ating kalagayang spiritual, kaya huwag tayong manghinawa dito.


Congratulations to us na nagpapatuloy maging kabahagi ng isang bagay na dapat tayo ay disiplinado na: PANANALANGIN.


Bago ang lahat, awitan muna po natin ang ating Panginoon.


2. Pag-aawitan


HOW GOOD IT IS


How good it is to give thanks unto the Lord. How good it is to give thanks unto our God

Oh, He heals the broken-hearted, binding up their wounds, it is good to bless His holy name.


O, we give thanks unto our Savior; With a heart of gratitude, we give Him praise

His mercy shall endure forever, and I will worship Him all of my days!


GIVE THANKS


Give thanks with a grateful heart, give thanks to the Holy One

Give thanks because He’s given Jesus Christ, His Son (repeat)


And now, let the weak say “I am strong’; let the poor say “I am rich’

Because of what the Lord has done for us. (repeat) Give thanks.


3. Praise Report


Masakit ang katotohanan, lalo na po kung galing sa Salita ng Dios.Sa mga nakaraang araw ay tinuruan tayong muli na mag- OPERATION: LINIS Mayroon ka pang gustong i-share na testimony tungkol sa kung paanong tinutulungan ka ng Dios na ma-linis ang iyong mga karumihan sa buhay o kaya naman ay isang bagay na ipagpasalamat sa Dios?


4. Pambungad na Panalangin


(Manalangin with HANDS RAISED)


Dios naming Ama, nagpapasalamat po kami sa Inyong napakalaking biyaya at kahabagan. Sa bawat araw na kami ay nagkakasala sa Iyo, ang Inyong pagpapatawad ay laging nakahanda sa mga labi at pusong taimtim na humihingi ng kapatawaran sa Inyo. Paano na lamang po kung mabilis Kayo magalit at magparusa, wala na po sa aming mananatiling buhay ngunit dahil sariwa po ang Inyong kahabagan sa bawat araw, kami pa rin po ay nakakatindig at nakakalapit sa Inyong harapan. Salamat po sa Family Prayer Cell na ito. Nawa’y magalak ka po sa aming gagawin ngayong araw na ito. Anoint our prayers today.

In Jesus’ name, Amen!


5. Scripture Reading


I TIMOTHY 1:3-7

(maaaring basahin nang salitan o nang bawat isang kasapi nang sunud-sunod)


3 Gaya ng ipinakiusap ko sa iyo bago ako pumunta sa Macedonia, nais kong manatili ka sa Efeso upang utusan mo ang ilang tao diyan na huwag magturo ng maling aral,

4 at huwag nilang pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan. Iyan ay pinagmumulan lamang ng mga pagtatalo at hindi nakakatulong sa tao upang matupad ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.

5 Ang layunin ng tagubiling ito ay upang magkaroon kayo ng pag-ibig na nagmumula sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya.

6 May ilang tumalikod sa mga bagay na ito at nalulong sa walang kabuluhang talakayan.

7 Nais nilang maging tagapagturo ng kautusan gayong hindi naman nila nauunawaan ang kanilang sinasabi at ang kanilang mga itinuturo nang may buong tiwala sa sarili.


6. Message


May isa na namang babala para tayo ay makapag-ingat! Sulat ito ni Apostol Pablo para sa spiritual son (disciple/mentee) na si Timothy.


1) Ano ang utos niya kay Timothy?

Vs. 3 UTUSAN ANG MGA TAONG CONCERNED na HUWAG MAGTURO NG MALING ARAL


Parang ang hirap basta gawin ito kung hindi mo alam ang tamang aral at maling aral. Pero nag-aral kasi si Apostol Pablo sa iba’t-ibang mentors tulad ni Gamaliel, nila Pedro at mismong sa Panginoong Dios. Kaya by this time, alam niya ang tungkol sa tamang doktrina na galing sa Dios at hindi lang inimbento ng tao.


2) Ano ang ginagawa ng mga taong ito?

Vs.4a Nag-aaksya kasi sila ng panahon ng magturo ng mga ALAMAT AT MAHAHABANG TALAAN NG MGA ANGKAN (genealogy - ge·​ne·​al·​o·​gy: an account of the descent of a person, family, or group from an ancestor or from older forms)


Ano nga ba talaga ang mga ito? Ito yung 3 TRENDING na MALING TURO noon:

o ELITISM – ang maliligtas lamang ay mga taong may kakaiba at mataas na ‘knowledge’ – mga matatalinong tao na hinahanay bilang ‘elite’(totoo ba ito ayon sa atin nang napag-aaralan?)

o IDEALISM – ang turong ito ay nagsasabing ang lahat ng bagay ay masama, bawat nilikha, ang mundo, lahat….(totoo ba ito ayon sa atin nang natututunan?)

o FASCINATION WITH MYTHS AND GENEALOGIES – ang mga alamat ay hindi tototong kuwento kungdi mga kathang-isip lamang ngunit inuugnay nila sa kontra sa mga tunat na kuwento sa Bibliya.


Ang mga trends na ito ay sumasalungat sa turo ng Dios na ang kaligtasan ay hindi batay sa karunungan. Kabaligtaran din ito ng description ng Bibliya sa creation ng Dios – na ang mga ito mabuti. Pinapalabas din nila na ang pagkakatawang-tao ng Dios Anak na si Hesus ay hindi rin mabuti. Kontra ang mga turong ito sa mga facts ayon sa Biblical history.


Vs. 7 Feel na feel na mga taong ito na makapagturo ngunit sablay naman ang mga tinuturo


Pause: Sa ating panahon, sobrang dami ng alamat tungkol sa Creation, mga imbentong kuwento tungkol sa destiny ng tao, at maling kuwento tungkol sa persona ni Hesus, atbp.


(Greek mythology – cite an example. Do you think this has Biblical truth?)

(Genealogy – example: if a Middle East nation traces its roots, madidiscover nila kung saan lahi sila galing: kay Isaac o kay Ishmael. Kapag nagsimula na silang magdiskusyon tungkol dito, ang ending nito – AWAYAN sa kung sino talaga ang nagmamay-ari ng mga bansa. Kaya, hindi na tayo nagugulat sa mga impending wars at rumors of war.)


3) Ano raw ang naidudulot nito?

Vs. 4b - Nauuwi sa pagtatalo kasi walang gustong magpasakop at makinig sa tama.

Vs. 5 - Hindi nakakatulong sa paglago bilang mananampalataya – na magawa na lamang ang layunin ng Dios sa kanyang buhay imbes na nakikipagtalo pa

Vs. 7

- May tumalikod na sa pagmamahalan kaya lalong nalulon sa walang-kuwentang talakayan

- Instead of promoting God’s work, they highlighted man’s foolish wisdom.

- Imbes na mapabilis na kumalat at malaman ng ibang tao ang plano ng Dios, tumatagal pa!

- Imbes na dumami ang naliligtas, maraming nag-fa-fall-away at tumatalikod sat ama.


4) Ano ang layunin ng tagubilin ni Pablo kay Timothy?


Magkaroon ng pag-ibig ang mga tao roon sa iglesya nila Ptr. Timothy na nagmumula sa

- pusong dalisay – pure heart

- malinis na budhi - good conscience

- tapat na pananampalataya – sincere faith


Conclusion:

Ang gawain ng Dios at ang mga katuruang batay sa Bibliya ay sinasalungat ng mga taong may sariling interpretasyon at sariling agenda dahil sa kanilang maling motibo (hal. ginawang raket ang pagtuturo, ginagawang controversy ang mga napakalinaw na katuruan sa Bibliya para makaagaw ng followers, attention, atbp, at feeling bida dahil daming ‘kuwento’ na wala namang kuwenta.). Kapag ganito ang mangyari, hindi uusad at mageexpand ang kaharian ng Dios na mas mabilis. Hihilain nito paatras at pabagal ang layunin ng Dios sa tao: Mahalin ang Dios dahil mabuti ang Kanyang plano para sa buhay ng bawat isa. Kung naiintindihan sana ito ng lahat, titigil na tayo sa pag-ubos ng ating energy, time, resources and relationships sa mga bagay na hindi ayon sa Salita ng Dios.


Reflection:

Nangyayari ba ito sa ating panahon ngayon? Magbigay kayo ng mga scenario..sa inyong tahanan, sa ating church, sa ating kapaligiran. Palagay po ba ninyo, ang ating iglesya ay naituturo kung ano ang naaayon sa Salita ng Dios? Malayang magkomento.


Nawa’y manaig ang layunin ng Dios at matalo natin ang tangka ng Diyablo na guluhin ang ating paglago sa Kanya.


7. Pananalangin


  1. Thank God for continuous cleansing (inside and out). Thank the Holy Spirit for His divine conviction (kinakausap tayo sa ating kaloob-looban para gawin natin ang tama).

  2. Ipanalangin ang ating church na patuloy na maging sensitive sa Banal na Espiritu, na gawin lagi ang nararapat. Strong conviction sa mga ginagawang mali.

  3. Ang mga tumatakbong kandidato at lahat ng alipores nila – na managot sa Dios sa lahat ng kanilang ginagawa, mula pa sa pangangampanya hanggang sa matapos ang eleksyon. Ipanalangin natin na ang mamumujno sa atin ay may takot sa Dios! Ang kalooban ng Dios ang mangyari! (segue: comfort for loved ones of Dr. Cadiz)

  4. Ang mga kapatirang may namumuong gap dahil sa hindi pagkakaunwaan sa iba’t ibang bagay. Nawa’y mamamagitan ang pag-ibig ng Dios na minahal tayo sa kabila ng ating karumihan.

  5. Kagalingan para sa mga may sakit – here and abroad.

  6. Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


8. Closing Prayer


Ama naming Dios, nagpapasalamat na po kami ngayon pa lamang sa mga kasagutan sa aming mga panalangin. Patuloy po Ninyong patatagin ang aming pagtitiwala sa Inyo. Nawa’y kaluguran po Ninyo kami – hindi dahil sa ritwal na paggawa ng bagay na ito, kungdi dahil nakikita po ninyo ang aming pagtitiwala sa Inyong magagawa sa aming mga situwasyon.

Ito po ang aming dalangin na may pasasalamat. Sa pangalan ni Hesus, amen!


9. Announcements


1) May SEEKER SERVICE po tayo sa March 6. Start building relationship with your friends and prepare to invite them to join our Sunday service on that day!

2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama. Post pic on FB ng inyong ginawang Family Prayer Cell (at kung may reflection dito)

3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.

4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’

6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.


10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo


PLEASE PO, WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



187 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page