Below is the material for our Family Prayer Cell on March 2, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
BUHAY NA BINAGO
1 TIMOTHY 1:12-14 By: Ptr. Noolen Jebb Mayo
1. Pambungad na Panalangin
(Lahat ay tumayo)
Ama naming nagbigay ng buhay sa amin, pinupuri Ka namin sa kabutihan Mo dahil pinapatawad Mo kami araw-araw sa mga nagagawa naming kasalanan at kalikuhan sa Inyong mga mata. Nagpapasalamat din kami sa araw-araw Mong katapatan upang ipagkaloob sa amin ang Iyong mga biyaya at pagpapala sa aming mga pangangailangan. At sa patuloy na pag-iingat Mo upang kami ay ilayo sa kapahamakan at ano mang sakit na pwedeng dumapo sa amin.
Ikaw ang maging sentro ng aming pag-aawitan, pag-aaral ng Iyong mga Salita at pananalangin sa oras na ito sa pamamagitan ng pangalan ni Hesus... ang lahat ay magsabi ng AMEN!
2. Introduction
Panibagong buwan muli ang dumating at alam kong napakarami tayong napulot na aral sa ating series na D2D – Disciplined to Disciple. Mula sa mga bagay na dapat nating AYUSIN (de-clutter) sa ating mga pag-uugali; sa mga bagay na IWASAN (de-stress) lalo na sa mga pananaw at pananalita; sa mga kasalanang kailangan LINISIN (de-toxify); at sa mga dapat na gawaing kailangan nang HINAY-HINAY (de-escalate).
Sa mga bagay na ito na nag-remind sa atin, nawa ay magkarooon tayo ng ACTION sa ating mga personal na buhay. Paunti-unti man o biglaan, isa itong malaking hakbang upang magkaroon ng BUHAY NA BINAGO. Ito ang ating naisin at ipanalangin na mangyari sa ating mga buhay.
Lumapit tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-aawitan...
3. Pag-aawitan
Ako'y Binago Niya
Papuri Singers
https://www.youtube.com/watch?v=bz3_m8NVed0
Verse 1:
Nung una, ang akala ko
Ang buhay ko’y di na magbabago
At kahit, ano pang gawin
Ako’y bumabalik sa maling gawaiin…
Marami na akong sinubukan
Kung sino-sinong nilapitan
Nang halos Ako ay sumuko na
Si Hesus ay nakilala…
Chorus:
Ang aking Buhay ay binago Niya
Magmula nang ako’y magpasya
Sa aking puso’y pag hariin Siya
Anong himala, Ako’y nag-iba
Bridge:
Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang Anak Niya
Sa langit pupunta
O Kaybuti ng Diyos at ako’y binago Niya
Verse 2:
Lumipas ang mga taon
Lalong naging tapat ang Panginoon
Sa aking mga pagkukulang
Siya ang nagtutuwid sa aking daan…
Kung iisipin ko lamang
Sa kahapon ko siya ang kulang
Sa aking mga kailangan
Higit Siya sa sino pa man…
4. Scripture Reading
1 Timothy 1: 12 to 14 (ESV)
I thank him who has given me strength, Christ Jesus our Lord, because he judged me faithful, appointing me to his service, though formerly I was a blasphemer, persecutor, and insolent opponent. But I received mercy because I had acted ignorantly in unbelief, and the grace of our Lord overflowed for me with the faith and love that are in Christ Jesus.
1 Timoteo 1: 12 to 14 (MBBTAG)
Nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Jesu-Cristo na nagbibigay sa akin ng lakas, dahil itinuring niya akong karapat-dapat na maglingkod sa kanya, kahit na noong una'y nilapastangan, inusig at nilait ko siya. Sa kabila nito'y nahabag sa akin ang Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong ako'y hindi pa sumasampalataya. Pinasagana sa akin ang kagandahang-loob ng ating Panginoon at ipinagkaloob niya sa akin ang pananampalataya at pag-ibig na natatagpuan sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
5. Message
Kung buhay na binago ang pag-uusapan, isang magandang kwento si Pablo kung paano siya binago ng Panginoong Hesus. Mula sa pagiging taga-usig ng Diyos, siya ngayon ay naging tagapagtanggol sa pananampalataya kay Hesus. Kitang-kta ang buhay na binago sa pamamagitan niya.
May mga ilang bagay na makikita natin sa pamamagitan ng mga talatang ating binasa kung papaano naging ‘turn downside up’ ang isang buhay. Ating pag-aralan ang mga ito...
DATING DI KARAPAT-DAPAT PERO GINAWANG MATAPAT (v. 12) – Kung pag-uusapan kung sino ang hindi karapat-dapat, ang dating Pablo na hindi naniniwala sa Panginoong Hesus ang isa dito. Kahit sa dami ng himala na ginawa ng Diyos, na marahil ay nabalitaan naman niya ito patuloy ang pagkutya niya dito.
Ngunit siya ay ginamit ng Panginoong Hesus upang maging apostol at church planter. Ang dating hindi karapat-dapat sa gawain ng Diyos ay ngayong binansagang tapat sa kaniyang paglilingkod sa Diyos. Kitang-kita ang buhay na binago ng Diyos.
Nais ka ring gamitin ng Diyos upang maging lingkod Niya. Maraming kapamaraanan kung paano ka maglingkod sa Diyos... maaari mong gamitin ang iyong talento (hal. Pagsayaw, pag-awit, pagtugtog ng instrumento); ang iyong kakayahan (hal, pagtuturo, pagtulong, pamumuno); ang iyong experience (hal. management, public speaking). Ipakita mong binago ka na sa pamamagitan ng paglilingkod.
DATING DUMADALUHONG (AGGRESSOR) NGUNIT BINIGYANG KAGANDAHANG-LOOB (v. 13) – Nabasa natin kung papaano nilapastangan, inusig at nilait ni dating Pablo ang mga mananampalataya ng Panginoong Hesus noong siya ay hindi pa naniniwala kay Hesus. Tunay na pinahirapan at marahil pinatay niya ang mga ito dahil sa kanilang pananampalataya.
Ngunit noong na-encounter niya ang Panginoong Hesus, humingi ng tawad sa Diyos at tinalikuran ang mga kasalanan, naranasan niya ang kagandahang-loob ni Hesus na punong-puno ng kapatawaran at pag-ibig sa kanya kahit sa likod ng kanyang mga ginawa.
Huwag kang mahiyang lumapit sa Panginoon, ano man ang iyong nakaraan; sino ka man noon sa harapan ng Diyos, Bukas ang pag-ibig ng Diyos sa iyo at handa Ka niyang yakapain at tanggapin.Lumapit ka sa Kanya at matatanggap mo ang kagandahang-loob na hinahanap mo. Sa iyong pagsisi, may buhay na binagong nakalaan sa iyo.
DATING UBOD NG SAMA NGUNIT BINUHOS ANG BIYAYA (v. 14) – Masasabi nating ubod nga ng kasamaan si dating Pablo noong hindi pa niya nakikilala ang Panginoong Hesus. Siya ay lumalaban at sumasalungat sa totoong Diyos.
Ngunit nag-uumapaw ang biyaya ng Diyos sa buhay ni Pablo tulad ng binanggit niya sa talatang ito kalakip ng pag-ibig ni Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya niya. Ang dating ubod ng sama ngayon ay binuhusan ng Kanyang biyaya.
Gaano ka man kasama sa paningin mo kung tatanggapin mo ang biyaya ni Hesus para sa iyo... walang kasing lawak ng langit o kasing lalim ng dagat ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Ganyan ka iniibig ng Diyos dahil nalulugod Siya kapag may buhay na binago.
CONCLUSION:
Inilarawan ni Pablo kung ano ang buhay niya dati sa harapan ng Diyos pero noong siya ay lumapit sa Diyos at tinalikuran ang kanyang mga kasalanan, ganun na lamang ang pagtanggap sa kanya ng Panginoong Hesus. Ang kagandahang-loob at biyaya Niya ay naranasan ni Pablo at naging karapat-dapat siyang maglingkod sa Diyos sa kabila ng mga nagawa nito.
Kung ikaw ay mananampalataya na ng Panginoong Hesus, masasabi mo na may pagbabago na sa iyong buhay. Naranasan mo na ang kagandahang-loob at biyaya ng Diyos sa iyo. Nawa ay handa ka na ring maglingkod sa Kanya gamit ang iyong buhay na binago.
At kung ngayon mo pa lang nauunawaan na kailangan mong lumapit sa Panginoong Hesus, isuko mo ang iyong buhay sa Kanya, humingi ng kapatawaran sa mga kasalanang nagawa na at talikuran na ang mga ito. Mahal ka ng Diyos at nais Niya na magkaroon ka din ng buhay na binago..
6. Praise Reports/Testimonies
Maaari ba sa ating testimony ngayon ay hindi yung usual na pinapasalamat natin tulad ng kagalingan, probisyon, pag-iingat, karunungan at iba pa... NGUNIT sagutin (specifically) kung ano ang binago na ng Diyos sa iyong buhay (ex. BISYO – sugal, alak, sigarilyo; PANANALITA – pagmumura, pagsisinungaling; MALING GAWAIN – pandaraya, pagnakaw, pagpatay, pangangalunya; at marami pang iba). At kung paano mo Siya nabibigyan ng kaluguran sa buhay mo ngayon.
7. Pananalangin
1) Ipanalangin na patuloy kang baguhin ng Diyos lalo na sa mga bagay na hindi mo pa naisusuko sa Kanya tulad ng bisyo, masamang pag-iisip sa kapwa, maling gawain... and so on.
2) Sa immediate family mo na nais mong magkaroon din ng BUHAY NA BINAGO, banggitin mo ang kanyang pangalan sa inyong pananalangin.
3) Maging sa mga kasalukuyang lider ng ating bansa at mga tumatakbo sa ano mang posisyon sa darating na election, idulog natin sa Diyos na maging sila ay magkaroon ng BUHAY NA BINAGO.
4) Sa mga bansa na nag-iisip ng digmaan o banta man lang, magkaroon ng takot sa Diyos ang mga pinuno nito.
5) Mag-isip ng 10 katao na nais mong magkaroon din ng BUHAY NA BINAGO at mai-share ang link ng livestream sa kanila sa darating na linggo (06 Mar 2022).
8. Closing Prayer
9. Announcements
1) May SEEKER SERVICE po tayo sa March 6. Start building relationship with your friends and prepare to invite them to join our Sunday service on that day!
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama. Post pic on FB ng inyong ginawang Family Prayer Cell (at kung may reflection dito)
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito. Magtype ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.
5) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
6) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
PLEASE PO, WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments