Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for April 18, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: Because of Who You Are
Topic: You are the Holy God
Date: April 18, 2021
Rewind:
Ano ang intindi mo sa word na “holy” before hearing the sermon?
Ayon sa diniscuss sa sermon, may dalawang kambing na inihahanda kapag “Day of Atonement”. Ano ang tawag sa dalawang kambing na ito, at ano ang pinagkaiba nila?
Ang mga kambing na ito ay “typology” ni Jesus. Ibig sabihin, ito ay itong element sa Old Testament ay nagiging simbolo ng isa pang element sa New Testament. Ano ang pagkakatulad ng ginagawa sa kambing sa ginawa ni Jesus sa krus?
Kung ang sacrifice noon ay pinili at “walang choice” (dahil sila ay mga hayop), ganito rin ba ang naging sacrifice ni Jesus? Bakit hindi?
Masasabi mo ba na ayaw ng Banal na Diyos na makalapit ang mga tao sa Kanya? Bakit mali itong ganitong pananaw?
Dahil sa sacrifice kapag Day of Atonement na ginagawa ng mga Israelites noon: (1) hindi na nagiging delikado para sa kanila ang presensya ng Diyos, (2) pinatawad na ang mga kasalanan nila, at (3) dahil pinatawad na sila, sila ay may pabor na mula sa Diyos. Para naman sa atin ngayon, ano ang resulta ng “once and for all” na sacrifice na ginawa ni Jesus?
Kung kinikilala mo na si Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas, kalian ka pwedeng lumapit sa Banal na Diyos?
Reflect:
May mga pagkakataon ba parang nahihiya ka or natatakot lumapit sa Diyos? Kailan ito nangyayari? Sa tingin mo, bakit ka nahihiya o natatakot lumapit sa Kanya?
Naiintindihan mo na ba ang ginawa ni Jesus para sa iyo? Paano nito mababago o ma-iimprove ang relasyon mo sa Banal na Diyos?
Dahil na-“wash away” na ang iyong mga kasalanan, matuwid ka na sa harap ng Diyos. Ano ang impact nito sa kung paano ka mamumuhay?
Practice:
Magpasalamat sa ginawa ni Jesus para sa iyo.
Ipaalala palagi sa sarili ang ginawa para sa iyo ni Jesus sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bible.
Tandaan: Pwede ka nang lumapit sa Banal na Diyos! Magkaroon ng prayer time araw-araw para kausapin Siya at palaguin ang relationship sa Kanya.
Care Circle Accountability Questions
Matthew 28:20 - And teaching them to obey everything I have commanded you…
Turuan natin ang ating CC members to obey through accountability. Siguraduhing may LOVE & CONFIDENTIALITY habang tinatanong ang mga ito.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay patungo rito para makapag-build ng relationship with an unbeliever this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot ng relational strain or damage sa iba this week?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
留言