Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for April 25, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: Because of Who You Are
Topic: You are the Awesome God
Date: April 25, 2021
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
Ano ang mga bagay na “beautiful” o “awesome” para sa iyo?
Ayon sa diniscuss sa sermon, “beauty begins and ends with God”. Anong ibig sabihin nito, at bakit ito totoo?
Bakit ginawang maganda ng Diyos ang paligid? Ano kaya ang gusto Niyang maisip ng mga tao kapag nakikita natin ang beauty of creation? Kanino Niya tayo gustong mapalapit?
Ginawang maganda ng Diyos ang mundo, pero naging ‘distorted’ at ‘perverted’ ito. Ano ang naging sanhi nito?
Ano ang pinapakita ng ‘sinful world’ sa mga tao tungkol sa Diyos?
Nang nasa mundo si Jesus, pinakita Niya ang PAG-IBIG at COMPASSION ng Diyos, na hindi tulad ng sagot sa #5. Nagbigay si Ptra. Kay ng 3 storya ng mga naka-encounter ni Jesus sa Bible (at mapapanood din sa The Chosen) na nakadama ng pag-ibig Niya. Magbigay ng 1 sa tatlong ito, at i-explain kung paano niya na-encounter si Jesus.
Kung tinanggap mo na si Jesus, maaari nating i-look forward ang Marriage Supper kasama Siya. Ayon sa sermon, ano ang mga maaari nating i-expect kapag nasa walang hanggang presensya na tayo ng Diyos?
Kahit na hindi natin nakasama physically si Jesus, mapalad pa rin tayo. Bakit? Sino ang nakakasama natin ngayon?
Reflect [Magnilay-nilay]
Ano ang naiisip mo kapag nakikita at na-eexperience ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos? Mas lalo ka bang napapalapit sa Kanya, at mas naniniwala ka na Siya ay isang “awesome God”? Bakit o bakit hindi?
Maraming storya sa Bible ng mga naka-encounter personally ng pag-ibig ng Diyos. Ikaw, ano ang kwento ng buhay mo kung saan nakita mo ang kagandahan ng pag-ibig Niya sa iyong buhay?
Kung pinaganda na ng Diyos ang iyong buhay, sa tingin mo ba ay dapat mo pang gustuhin na bumalik sa dati? Bakit kaya minsan ay parang ipinapasira ulit natin ang buhay na pinaganda na ng Diyos?
Na-eenjoy mo ba ngayon ang presensya ng Diyos through the Holy Spirit? Bakit o bakit hindi?
Sigurado ka na ba na makakasama mo ang Diyos sa Kanyang pagbabalik at ma-eenjoy mo ang magandang presensya Niya? (Kung hindi pa, magandang makapag-share ng Gospel ang CC Leader sa member na ito. Maaaring gamitin ang lesson 1 sa New Life tungkol sa “God’s Assurance”.)
Practice [I-apply ang Natutunan]
Ugaliing pasalamatan at purihin ang Diyos sa araw-araw dahil sa kanyang beautiful and awesome na (1) mga likha, (2) pag-ibig sa iyo, (3) presensya.
Nagiging distorted at perverted ang ating tingin sa Diyos, sa sarili at sa iba dahil sa sin (kasalanan). I-confess sa Panginoon tuwing tayo ay may pagkakasala, at mag-focus ‘wag sa kasalanan kundi sa katotohan na ikaw ay “NEW CREATION” na!
Araw-araw ay manalangin para humingi ng gabay at pag-sama ng Holy Spirit sa iyo. Tandaan: Ngayon pa lang (kahit wala pa sa ‘langit’), pwede mo nang ma-enjoy ang kamangha-mangha Niyang pagsama.
Hindi ba kapag nakaka-experience tayo ng maganda ay gusto agad nating ikwento sa iba? I-share mo ang beauty and awesomeness ng Panginoon sa ibang tao this week.
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot ng relational damage sa iba this week?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
コメント