top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Aug 01 - Come Forward

Updated: Aug 3, 2021

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Aug 01, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:

 

Series: From This Day, Forward!

Topic: Come Forward

Date: Aug 01, 2021


Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


1. Inaral natin ang story ni David – simula kung paano siya nagmaang-maangan sa kasalanan. Ano ba ang nature ng sin?


Correct answer:

- Unavoidable – Marami talagang bagay sa paligid na nakakatukso – gaya nung pagligo ni Bathsheba habang gabi at nasa rooftop si David

- Untimely – Panahon ng giyera – at madalas ang mga lider ay namumuno ng mga tauhan nila. Pero si David, nasa bahay lang.

- Unoriginal – Hindi lang ito first time na natukso


2. Hindi lang ang pagtatalik nila ni Bathsheba ang itinago ni David. Ang sabi nga: One sin leads to another if left unchecked. Ano pa ang mga nagsunud-sunod na nagawa ni David?


Correct answer:

- Pagtatakip sa pagdadalang-tao ni Bathsheba

- Pagpapatay sa asawa ni Batsheba

- Pag-encourage pa sa connivance (vs. 25 Okay lang yan. Talagang ganun. Nagutos si Joab sa isang messenger at tinuruan pa ng script. Kaya ang balik ay ‘huwag daw ma-discourage si Joab. Haaay… pinalakpakan pa ang connivance – ang maling ginawa. Ang plot na pumatay.)


3. Nanatili bang secret ang kasalanan ni David? Paano ito nabunyag? Onti lang ba ang nalaman ng Diyos?


Correct answer: Pinadala ng Dios ang propetang si Nathan. NATHAN CAME FORWARD TO DAVID’S DIRECTION. Sa pamamagitan ng isang kuwento ay pinahayag ng Dios ang kasalanang pinakatatagu-tago ni Haring David. Alam ng Diyos ang lahat ng ginawa ni David.


4. Ipinaalala ng Lord kay David na naging matapat Siya sa kanya. Talagang mahalagang isipin natin ang ginawa na ng Panginoon sa buhay natin at kung sino na tayo sa harap Niya – para makaiwas sa pagkakasala. Ano bai tong mga naging ‘reminder’ ng Diyos kay David?


Correct answer: (Basahin ang v.7-8 para makita ang mga sagot)

Vs. 7b - 1) He was anointed as king of Israel and 2) He was delivered from King Saul’s murder attempts

Vs. 8a - 3) He was given everything he needed and wanted

Vs.8b - 4) He would be given even much more!!! – Pwedeng pwede sana lumapit sa Lord si David at bibigyan siya ng higit pa sa meron na siya! Hindi na kailangan gumawa ng sarili niyang ‘path’


5. Ano ang naging consequence ng ginawa ni David?


Correct answer: Continued violence – sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya, Continued rebellion – lalo sa kanyang pamilya


6. Ano ang ginawa ni David matapos ma-confront tungkol sa kanyang kasalanan? Bakit maganda na ganito ang naging response niya?


Correct answer:

- Umamin sa nagawang kasalanan – Vs. 13 – “I have sinned against the Lord

- Nanalangin ng may pagsisisi – Psalm 51

- OK ito dahil imbis na mas lalong lumayo sa Lord, he CAME FORWARD in humility. Nathan’s rebuke became an open invitation to COME HOME TO GOD! God was inviting DAVID to COME FORWARD.


7. Paano siya nanalangin? Ano ang mga sinabi niya sa kanyang ‘penitent prayer’?


Correct answer: (Basahin ang Psalm 51 para malaman ang sagot)

- He began with the acknowledgment of the MERCIFUL GOD! – vs. 1

- He desired to be cleansed thoroughly from the sin – vs. 1b, 2-9

- He asked for restoration of the right spirit & God’s joy, & Holy Spirit’s presence & preservation – v.10-12


Reflect [Magnilay-nilay]


1. Bakit kaya may tendency tayo na itago kapag may nagagawang kasalanan?

2. Do you agree na: One sin leads to another if left unchecked? Paano ito nangyayari?

3. May mga kasalanan ba tayo na pwedeng itago sa Lord? Ano ang reaction / response mo kung alam mo na lahat ay nakikita niya?

4. Ano ang impact ng sin? Sa iyo lang ba? Who else is affected?

5. May panahon na ba na nagkasala ka sa Lord, at meron itong naging consequence? Ikwento.

6. May panahon din ba na nagkasala ka sa Lord, at tinago mo, at naibunyag ito? Ikwento.

7. Paano ka nag-coconfess ng sins sa Lord? Kagaya ba ng kay David?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Nasaan ka ngayon? Are you living in sin, or walking towards a sinful path? Nakikita tayo ng Diyos. Kung tinanggap mo na si Hesus, righteous ka na sa harap ng Diyos. Hindi ka na “slave” sa mga tawag ng mundo at tawag ng laman. You can overcome!

2. Sino ang pinadala ng Dios upang maialis ka sa kung saan ka naroon ngayon ng pagkakasala? Meron ba? Magkaroon ng mentor / accountability partner. Mahalaga ito sa paglago. Imagine mo na lang kung walang Nathan si David.

3. I-check kung paano ka lumalapit sa Diyos para humingi ng tawad. It takes repentance!!! TUNAY NA PAGSISISI! Tunay na pagbabalik-loob! Hindi pangangatuwiran sa dami ng accomplishments na nagawa. Hindi pagkukuwenta kung quits na lang. Hindi na sinusukat kung malala o hindi Malala. Hindi na inaalam kung may naapakan o nasasaktan o wala namang nasaktan.


Prayer [Panalangin]


- Confess your sins to the Lord with all humility – thank Him for His forgiveness!

- Pray for personal prayer requests.


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

21 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page