Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Aug 08, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: From This Day, Forward!
Topic: Step Forward
Date: Aug 08, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan] and Reflection [Magnilay-nilay]
Medyo iba po ang format ng ating CC material ngayong linggo. I-refresh ang grupo sa outline ng sermon at itanong ang mga reflection questions as you discuss.
Background:
- Moses led the Israelites in their journey out of Egypt including CROSSING THE RED SEA. Ito ang entry point ng kanilang wilderness journey
- Nang nasa wilderness na bumagsak ang pagtitiwala ng mga Israelita nang wala silang makain, mainom sa disyerto.
- Maraming nangyari pero suma-total, THE FIRST-GENERATION ISRAELITES DIED. Hindi sila pinayagang makapasok sa Promised Land (except for Joshua and Caleb)
- Si Moses mismo ay hindi nakapasok. Si JOSHUA na ang naging leader ng Israel sa pagpasok sa Canaan.
- May bago silang naging challenge: CROSSING THE JORDAN RIVER. Ito ang entry point ng Promised Land.
I. ANG PAGTANAW SA PANGAKONG HINDI PA NAKIKITA (FORESEEING THE “UN-CHARTED” PROMISE) – Joshua 1:1-9
600 years ago pa, ipinangako na ng Diyos kay Abraham na pagpapalain ang mga Israelites at magiging great nation sila. (Basahin sa Genesis 12:2-3). Marami pang detalye at MULTIPLIED ang blessings sa kanilang bayan. Kasama na rito na mapapasa-kanila rin ang Canaan.
REFLECT:Ano ang mga pangako ng Dios ayon sa kanyang kalooban at as kanyang salita na pinaghahawakan mo hanggang ngayon? Did you give up on them? Did you stop dreaming about them? Naiinip ka na ba?.
A. Step with Assurance (Hakbang na may Katiyakan) – for the ‘unconquered’ territories
Tiniyak ng Diyos na ibibigay Niya ang mga lupain sa mga Israelita.
REFLECT: May tendency ka ba na angkinin yung hindi naman sinasabi ng Dios na angkinin mo? (Siguro dala ng inggit sa iba, o pagkainip, o gustong masunod ang sariling paraan?) Tandaan: May kanya-kanyang lugar tayo na binibigay ang Dios!
B.Step with Confidence (Hakbang na may Kumpiyansa) – for the feeling of being ‘un-accompanied’
Tiniyak ng Dios na sasamahan Niya si Joshua. Lagi Niyang pinaulit-ulit, na HUWAG SIYANG MATAKOT, MAGING MATAPANG LANG KASI SASAMAHAN SIYA NG DIOS. (Tayo rin ay sasamahan Niya!)
REFLECT: Do you have ‘un-charted dreams’ ‘unconquered territories’ ‘un-reached ambitions’? Sa totoo lang, humahakbang ka ba nang may katiyakan o kumpiyansa? Bakit o bakit hindi? Madali ba para sa’yo na talagang pagkatiwalaan na kasama mo ang Diyos?
II. ANG PAGHAHANDA SA MAAARING MANGYARI / PREPARING FOR THE “UN-EXPECTED” (VS. 10-18)
Hindi basta pinasasabak ng Dios si Joshua at ang mga Israelita. Hindi biro ang mga darating na situwasyon. Dapat may paghahanda – loob at labas. Pisikal at espiritwal.
A. Step out for Material Provision (Hakbang para sa Pangangailangang Materyal)– even if seemingly ‘unreasonable’
Kailangang maghanda para sa araw ng paglalakbay. (Gaya ng Israelites as they had taken from the conquered countries, such as corn, oxen, sheep.) This was necessary, as they were about to undergo considerable fatigue in marching. Hindi pinapaasa ng Dios sila sa ‘ihuhulog ng langit’ ‘hahanginin ng paligid”. Step out there and prepare for the days ahead!
REFLECT: Pinaghahandaan mo ba ang mga hindi inaasahan? O umaasa ka lang sa ‘manna’ ngayon? Palibhasa alam mong hindi ka pababayaan ng Dios, nagiging ‘complacent’ o kampante ka na lang ba sa hinaharap? (Iba ang pagiging kuntento sa pagiging ‘kampante.)
B. Step out with Propriety (Hakbang sa Tamang Pag-uugali) – even if seemingly ‘unfair’
Bago tumawid ng Jordan River, na-decide ng 2 tribes and a half na doon nalang sila sa East ng Jordan mananatili. Yun na ang magiging inheritance nila. Pero dahil nangako sila na susunod sa mga command ng Diyos – pinangako rin nila na sasama at tutulong sila sa Israel na makapag-settle down sa Canaan, bago sila malalagay sa tahimik. Pinaalalahanan sila ni Joshua na tuparin ang pangako nilang ito.
REFLECT: Baka may pinangako ka sa Dios na gagawin mo noon at ngayong nandiyan ka na, kinakalimutan mo na? Ayusin natin. Hindi naman natin malilinlang ang Dios!
C. Step out with Purity (Hakbang na may Kadalisayan – even if seemingly ‘unneeded’
Hindi lang basta giyera ang kanilang papasukin, hindi political exercise but a spiritual one. That’s why the ARK of the COVENANT was carried by the priests. The people needed to keep distance from them, to symbolize the HOLINESS OF GOD. They also sanctified themselves…with soap, water, and sexual abstinence.
REFLECT: Kung dinadala ka ng Dios sa isang pangarap o pangitain, pinaghahandaan mo ba ito? Anong paghahanda ang iyong ginagawa?
III. ANG PAGHARAP SA MAHIRAP TAWIRIN / FACING THE “UN-CROSSABLE” – Joshua 3: 1-4
A. Step with Obedience (Hakbang ng Pagsunod) – even if ‘uncomfortable’
The Israelites were asked to follow the Ark of the Covenant being carried by the priests – lalo na dahil hindi pa nila alam ang dadaanan. In short: HUWAG NINYONG UNAHAN ANG PRESENSYA NG DIOS SA INYONG LAKBAYIN.
REFLECT: May nangyari na ba sa iyo na inovertake mo ang plano ng Diyos kaya medyo…sumemplang?
B. Step with Faith (Hakbang ng Pagtitiwala)– even if “un-fathomable”
Minsan hindi natin madaling maunawaan ang nangyayari, ang pinagagawa at ang hinaharap.
Ano kaya ang pakiramdam ng mga naka-assign na magdala ng Ark of the Covenant? Hindi kaya nila maarok kung bakit sila ang nasa una? Hindi biro ang role nila. Mauuna sila. Ikaw kaya ang ilagay sa harap. Tapos hindi mo alam ang gagawin.
REFLECT: Being obedient to God will not always be a popular thing. But we obey because we know the God Who leads us into this spiritual journey will do the miracles again and again for us and through us! Anong mga pagsunod sa Diyos ang ginagawa mo na medyo hindi agree ang mga tao sa paligid?
IV. ANG PAGLATAG O PAGPATAG NG DI-BASTA MADAANAN / PAVING THE “UN-PASSABLE”
A. Step of Corporate Courage (Hakbang ng Sama-samang Tapang) – even if ‘unthinkable’
Ang hirap isipin na kaharap na nila ang Jordan River. Walang iwanan! We’re all in this together! Walang atrasan! Be strong and of good courage! Sama tayo sa hirap at ginhawa!
Hindi parang Marikina River ang Jordan River. Malawak at malalim noong mga panahong iyon. It seems UN-PASSABLE to becoming IMPASSABLE – hindi talaga matatawid. Malabong umikot pa para lang makaraan.
REFLECT: Minsam, hindi ka pa man din tumatawid pero tila ba malulunod ka na. Pero nakakayanan dahil alam mong may kasama ka! Sino ang mga naging kasama mong ‘walang iwanan’ hanggang sa marating ang mga pangako ng Lord?
B. Step to Crossing Over (Hakbang sa Pagtawid) – even un-imaginable
Joshua 3:15b Yet as soon as the priests who carried the ark reached the Jordan and their feet touched the water’s edge.
Just one solid step from the priests! Kung naduwag pala, kung natakot pala, kung nag-inarte pala, kung nagpa-awa effect pala! Di walang napala! Itong napakalaking barrier na ito na magsisilbing entry point sa Promised Land. One bold step in faith for the greatly flooded Jordan River to be paved. Isang maliit ngunit matapang na hakbang patungo sa paghawi ng isang napakalaking balakid para maabot ang patutunguhan, para pumatag ang dadaanan.
REFLECT: Have you reached your Promised Land? Or has God shown you something impossible, unthinkable that you were able to cross over??? How did you feel? What ONE STEP did you take to pave the way for your cross-over?
V. ANG PAGTAYO NG PALATANDAAN NG KATAPATAN / BUILDING THE “UN-FORGETTABLE” MEMORIAL STONES
Ang bawat pinuno ng bawat tribo ay inutusang kumuha ng malaking bato galling mismo sa gitna ng Jordan River.
A. Step of Ownership (Hakbang sa Pag-aari)- even if it is still un-claimed
Kahit hindi pa nila nasasakop ang mga lugar na binanggit ng Dios na kanilang aangkinin, nagtayo na sila ayon sa utos ng Dios ng isang monument (hindi para sambahin kungdi) para maging sagisag na pag-aari na ito ng mga Israelita. God has given us this land! Out feet stepped on it already!
REFLECT: Tinatanggap mo na ba ang pangako ng Dios na kahit hindi mo pa hawak ay sa iyo na?
B. Step of Legacy (Hakbang sa Pamana) – even if it seemingly ‘unsurmountable’
Magiging pamana na ito! Kahit wala pa pero inaangkin na para sa susunod na henerasyon! To be able to pass on the living faith to the next generations, that memorial stone is still there in Israel to tell this story of how GOD PAVED THE WAY WHEN THERE WAS NO WAY!
REFLECT: What memorial stones do you have to remind you of God’s promise to you of CROSSING OVER which was realized?
Conclusion:
WITH A STEP FORWARD IN FAITH, ALL THE “UNs” WILL BE ELIMINATED!
We can look beyond what we can actually see, by faith!We should take that one step of faith, FORWARD, not backward, for His promise to come to reality!
Practice [I-apply ang Natutunan]
Mula sa lahat ng pinag-usapan (lalo pa dahil tungkol sa pagsstep-forward ang topic), ano ang pwede mong gawing aksyon agad? How can you STEP FORWARD IN FAITH?
Kasama na sana sa maging application natin sa ating buhay na mas maging disciplined sa pagbabasa ng Bible at pagmemeditate ng mga pangako ng Diyos. Kung hindi mo alam ang promises Niya, paano natin i-cclaim?
Prayer [Panalangin]
- Pray for your faith and each other’s faith to be strengthened!
- Pray for personal prayer requests.
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
留言