top of page

CC - August 2026 - Latter Rain Showers

  • Writer: Marikina Foursquare
    Marikina Foursquare
  • 1 day ago
  • 3 min read

LATTER RAIN SHOWERS


Introduction


Sa paglipas ng mga panahon, nagbabago rin ang klima. Isa sa mga pinakaaabangang season sa Pilipinas ay ang tag-ulan. Kasabay nito ang iba't ibang inaasahan at paghahanda ng mga tao.

 

Kapag maulan ang panahon, ano ang karaniwan mong ginagawa? Ano ang mga bagay na ine-enjoy o inaabangan mo?

 

Ilan sa mga ito ay:

-          Walang pasok o work-from-home

-          Masarap matulog

-          Mainit na kape o tsokolate

-          Mas malamig na panahon

-          Panonood ng movies o pagbabasa ng libro

 

Kapag may forecast ng ulan, natural lang na mag-expect tayo at maghanda. Ngunit higit pa sa pagdating ng ulan, nais din ng Diyos na matuto tayong umasa at maging handa sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa ating buhay.

 

Kung inaasahan natin ang pagdating ng ulan, handa rin ba tayong umasa sa isang bagong pagkilos ng Diyos?

 

 

Discussion

 

Question 1:

Ano ang ipinapakita ng mga talata tungkol sa Banal na Espiritu at sa Kanyang gawain?

 

Basahin:

·         John 14:16–17

·         John 16:13

·         Acts 1:8

 

Leader Guide/Teaching Anchor:

Hayaan muna silang magbahagi ng kanilang obserbasyon.

 

Tulungan silang makita na ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kapangyarihan o impluwensya. Siya ay Persona na kumikilos sa buhay ng mga mananampalataya.

 

·         John 14 → Helper

·         John 16 → Guide

·         Acts 1 → Empowerer

 

Key Point:

Ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa buhay ng bawat mananampalataya upang tulungan, gabayan, at palakasin sila.

 

Question 2:

Bakit ipinagkaloob ng Diyos ang Banal na Espiritu sa Kanyang mga anak?

 

Basahin:

·         John 14:26

·         John 16:7–15

·         Romans 8:14

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

Hayaan muna silang sumagot.

 

Tulungan silang makita na ang Banal na Espiritu ay ibinigay upang:

·         magturo

·         gumabay

·         ihayag ang katotohanan

·         akayin ang mga anak ng Diyos

 

Key Point:

Ibinigay ng Diyos ang Banal na Espiritu upang akayin tayo sa katotohanan at sa Kanyang kalooban.

 

Question 3:

Ano ang dapat nating maging tugon sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa ating buhay?

 

Basahin:

·         Galatians 5:16

·         Ephesians 5:18

·         Romans 8:5–6

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

Hayaan muna silang sumagot.

 

·         Lumakad ayon sa Espiritu.

·         Magpasakop sa Kanyang pangunguna.

·         Ituon ang isip sa mga bagay ng Espiritu.

 

Key Point:

Ang tamang tugon ay ang mamuhay na sensitibo at sumusunod sa Banal na Espiritu.

 

Question 4:

Ano ang maaaring maging hadlang sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa ating buhay?

 

Basahin:

·         Ephesians 4:30

·         1 Thessalonians 5:19

·         Galatians 5:17

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

 

Mula sa mga talata:

·         Maaaring malungkot ang Espiritu.

·         Maaaring maapula ang Kanyang pagkilos.

·         May labanan ang laman at ang Espiritu.

 

Key Point:

Ang kasalanan, katigasan ng puso, at pagsunod sa laman ay maaaring makahadlang sa pagkilos ng Banal na Espiritu.

 

Question 5:

Paano tayo magiging bukas sa patuloy na pagkilos ng Banal na Espiritu araw-araw?

 

Basahin:

·         Psalm 143:10

·         Colossians 3:16

·         Jude 20–21

 

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

 

Mula sa mga talata:

 

·         Hayaan ang Diyos na magturo.

·         Mamuhay sa Kanyang Salita.

·         Manalangin at manatili sa pag-ibig ng Diyos.

 

Key Point:

Habang patuloy tayong nananalangin, nagbabasa ng Salita, at sumusunod sa Diyos, mas nagiging bukas tayo sa pagkilos ng Banal na Espiritu.

 

Application:


Ngayong linggo, maglaan ng oras bawat araw upang manalangin at hilingin sa Banal na Espiritu na gabayan ka sa iyong mga desisyon, relasyon, at paglilingkod. Isulat ang isang paraan kung paano mo nakita ang Kanyang pagkilos sa iyong buhay.

 

 


Comments


©2026 by Marikina Foursquare Gospel Church. Proudly created with Wix.com

bottom of page