CC - July 2026 - Kingdom Metaphors
- Marikina Foursquare

- Jul 5
- 3 min read
KINGDOM METAPHORS
Introduction
Sa bawat panahon, nagbabago ang paraan ng pakikipag-usap at paghahatid ng mensahe. Habang nagbabago ang kultura at teknolohiya, nagbabago rin ang paraan ng pagpapahayag upang mas maintindihan ng mga tao. Maging ang mga simpleng mensahe ay maaaring maiparating sa iba't ibang kaparaanan depende sa kausap at sa konteksto.
Ilan sa mga ito ay:
● Stories or testimonies
● Short videos (TikTok, Reels, YouTube Shorts)
● Illustrations
● Movies or TV series
● Songs
Nagbabago ang panahon, ngunit hindi ang katotohanan ng Kaharian ng Diyos. Handa ka bang matuto sa mga talinghaga ni Jesus?
Sa mga susunod na linggo, pag-aaralan natin ang ilan sa mga talinghaga ni Jesus tungkol sa Kaharian ng Diyos sa church service. Habang sinisimulan natin ang seryeng ito, ihanda natin ang ating puso na makinig, umunawa, at tumugon sa Kanyang Salita
Discussion
Question 1:
Ano ang mga ordinaryong bagay na ginamit ni Jesus upang ituro ang tungkol sa Kaharian ng Diyos?
Basahin:
Matthew 13:47–50
Matthew 13:31–32
Matthew 13:44
Matthew 13:33
Sa tingin mo, bakit kaya pinili ni Jesus ang mga ordinaryong bagay na ito upang ituro ang tungkol sa Kaharian ng Diyos?
Leader Guide/Teaching Anchor:
Hayaan muna silang magbahagi ng kanilang obserbasyon.
Tulungan silang makita na ang mga parable ni Jesus ay gumagamit ng mga ordinaryong bagay na pamilyar sa Kanyang mga tagapakinig upang ihayag ang mga katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos.
Matthew 13:47–50 → Lambat (Net)
Matthew 13:31–32 → Buto ng Mustasa (Mustard Seed)
Matthew 13:44 → Nakatagong Kayamanan (Hidden Treasure)
Matthew 13:33 → Lebadura (Yeast)
Key Point:
Gumamit si Jesus ng mga pamilyar na larawan mula sa pang-araw-araw na buhay upang maunawaan ng mga tao ang mga espirituwal na katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos.
Question 2:
Bakit gumamit si Jesus ng mga parable sa Kanyang pagtuturo?
Basahin:
Matthew 13:10–17
Matthew 13:34–35
Psalm 78:2
Leader Guide / Teaching Anchor:
Hayaan muna silang sumagot.
Matthew 13:10–17 → Inihahayag ang katotohanan sa mga handang makinig.
Matthew 13:34–35 → Gumamit si Jesus ng mga parable bilang pagtupad sa propesiya.
Psalm 78:2 → Ang katotohanan ay ihahayag sa pamamagitan ng mga talinghaga.
Key Point:
Ginamit ni Jesus ang mga parable upang ihayag ang katotohanan ng Kaharian ng Diyos sa mga handang makinig...at inaanyayahan ang mga may pusong handang makinig na mas lalong hanapin at unawain ang Kanyang mensahe.
Follow-up question: May mga pagkakataon ba na nahihirapan kang intindihin ang Bible?
Leader Guide:
Kapag may bahagi ng Salita ng Diyos na hindi natin agad nauunawaan, maaari tayong lumapit sa Diyos at hilingin sa Kanya ang karunungan at pang-unawa. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na maunawaan at maisabuhay ang Kanyang Salita.
Question 3:
Batay sa mga talata, ano ang maaaring maging hadlang sa pag-unawa at pagtugon sa mensahe ng Kaharian ng Diyos?
Basahin:
Matthew 13:18–23
James 1:22
Hebrews 3:15
Leader Guide / Teaching Anchor:
Mula sa mga talata:
May mga pusong hindi handang tumanggap ng Salita.
May mga nakikinig ngunit hindi ito isinasabuhay.
Maaaring tumigas ang puso kapag hindi tayo tumutugon sa Diyos.
Key Point:
Ang kalagayan ng ating puso ang nakaaapekto sa kung paano natin tinatanggap at nauunawaan ang mensahe ng Kaharian ng Diyos. Humingi tayo sa Diyos ng pusong mapagpakumbaba, handang makinig, at handang tumugon sa Kanyang Salita.
Question 4:
Ano ang dapat nating maging tugon sa mensahe ng Diyos na ipinapahayag sa mga parable?
Basahin:
James 1:22–25
Luke 8:15
Leader Guide / Teaching Anchor:
Hayaan muna silang sumagot.
James 1:22–25 → Hindi sapat ang makinig lamang; kailangan itong isabuhay.
Luke 8:15 → Ang pusong tumatanggap ng Salita ay namumunga.
Key Point:
Ang tunay na paglago ay nangyayari kapag tinatanggap, inuunawa, at isinasabuhay natin ang mensahe ng Diyos. Habang pinag-aaralan natin ang mga talinghaga ni Jesus sa mga susunod na linggo (o nitong mga nakaraang linggo kung ongoing na ang Sunday series), maging bukas tayo sa pagtuturo ng Diyos at handang sumunod sa Kanya.
Question 5:
Paano natin maisasabuhay ang mga katotohanang itinuturo ni Jesus sa Kanyang mga parable?
Basahin:
Joshua 1:8
James 1:22
Colossians 3:16
Leader Guide / Teaching Anchor:
Mula sa mga talata:
● Magnilay sa Salita ng Diyos araw-araw.
● Hayaan ang Salita ni Cristo na mamuhay at maghari sa ating puso.
● Isabuhay ang ating natututuhan at maging masunurin sa Diyos.
● Patuloy na lumago bilang mga mamamayan ng Kaharian ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Key Point:
Ang mensahe ng Kaharian ay nagbabago ng buhay kapag ito ay pinagninilayan, pinaniniwalaan, at isinasabuhay.
At habang lumalago tayo bilang mga mamamayan ng Kaharian ng Diyos, maging bahagi rin tayo ng pagpapalawak ng Kanyang Kaharian sa pamamagitan ng ating pamumuhay, pagbabahagi ng Gospel, at pag-anyaya sa iba na makilala si Jesus.
In summary:
Understand God's Word.
Receive it.
Live it.
Share it.
Application:
Ano ang practical application mo for this month sa ating natutunan today?




Comments