top of page

CC - September 2026 - Kingdom Business

Writer: Marikina Foursquare
Marikina Foursquare
18 hours ago
3 min read

KINGDOM BUSINESS


Introduction

Sa pagpasok ng ber months, marami na naman tayong pinagkakaabalahan. May mga excited na sa Pasko, abala sa trabaho, sa eskwela, at sa business. Kahit nasa iba't ibang lugar man tayo, bawat isa sa atin ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan.

 

Ano ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?

 

Marahil, sabi ng iba, “Mind your own business.” Pero sa Kingdom business, let us mind it.

 

Sa espiritwal na aspeto, tayo rin ay tinawag upang maging abala. Hindi lamang tayo tinawag na maging aware sa kung ano ang nangyayari sa spiritual realm, kundi mahalaga rin na malaman natin: Paano natin ito ia-apply sa ating pamumuhay dito sa earthly realm?

 

Discussion

Question 1:

Ano ang “business” o kailangang gawin na ipinapakita sa mga talata?

 

Basahin:

• Matthew 28:19–20

• Mark 16:15

• Luke 19:10

 

Leader Guide/Teaching Anchor:

Hayaan muna silang magbahagi ng kanilang mga obserbasyon.

 

Ang “business” dito ay tumutukoy sa gawain o mission na ipinagkatiwala sa atin ni Jesus.

 

Tulungan silang makita kung ano ang gawaing ito mula sa mga talata.

• Matthew 28 → Gumawa ng mga disciples

• Mark 16 → I-share ang Gospel

• Luke 19 → Hanapin at iligtas ang mga nawawala

 

Key Point:

This is our Kingdom business: makibahagi sa gawain ni Jesus na hanapin at iligtas ang mga nawawala.

 

Question 2:

Ano ang “business” o patuloy na gawain ng Diyos sa ating buhay?

 

Basahin:

• Psalm 147:3

• Jeremiah 30:17

• 3 John 1:2

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

Hayaan muna silang magbahagi ng kanilang mga obserbasyon.

 

Tulungan silang makita mula sa mga talata kung ano ang patuloy na ginagawa ng Diyos sa buhay ng mga mananampalataya.

 

• Psalm 147:3 → Kagalingan sa isip at damdamin

• Jeremiah 30:17 → Kagalingan sa katawan

• 3 John 1:2 → Kagalingan sa kabuuang kalagayan

 

Key Point:

This is God’s business in our lives: patuloy Niyang ipinagkakaloob ang kagalingan sa ating isip, katawan, at kaluluwa.

 

Question 3:

Ano ang dapat nating makita na lumalago sa buhay ng isang mananampalataya?

 

Basahin:

• Galatians 5:22–23

• John 15:4–5

• Matthew 7:16–20

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

Hayaan muna silang magbahagi ng kanilang mga obserbasyon.

 

Tulungan silang makita na ang paglago sa buhay ng isang mananampalataya ay dapat makita sa bunga ng kanyang buhay. Habang nananatili tayo kay Cristo at lumalago sa Kanya, mas nakikita rin ang bunga ng Banal na Espiritu sa ating buhay.

 

• Galatians 5:22–23 → Fruit of the Spirit

• John 15:4–5 → Abiding in Christ

• Matthew 7:16–20 → Knowing a tree by what it produces

 

Key Point:

This is our business in life: lumago at magbunga na nagpapakita kay Cristo sa buhay natin.

 

Question 4:

Ano ano ang mga challenges na kinakaharap natin habang naghihintay sa pagbabalik ni Jesus?

 

Basahin:

·         Matthew 25:1–13

·         Matthew 24:42–44

·         2 Peter 3:8–14

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

Hayaan muna silang magbahagi ng kanilang mga obserbasyon.

 

Tulungan silang makita mula sa mga talata na may iba't ibang hamon habang naghihintay sa pagbabalik ni Jesus, tulad ng mahabang paghihintay, hindi natin alam kung kailan Siya darating, at ang pagpapatuloy sa banal na pamumuhay habang naghihintay.

 

·         Matthew 25:1–13 → Mahabang paghihintay at kawalan ng paghahanda

·         Matthew 24:42–44 → Hindi alam kung kailan Siya darating

·         2 Peter 3:8–14 → Pagtitiis sa paghihintay at pamumuhay nang banal

 

Key Point:

This is our business in life: manatiling ready at faithful habang naghihintay sa pagbabalik ni Jesus.

 

Question 5:

Paano natin maisasabuhay ngayong linggo ang mga katotohanang natutunan natin bilang mga Kingdom citizens?

 

Leader Guide / Teaching Anchor:

 

Hayaan silang magbahagi ng kanilang personal na application.

 

Ngayong linggo, pumili ng isang konkretong paraan upang maisabuhay ang mga katotohanang natutunan. Isipin kung paano mo ito maisasagawa sa iyong pamilya, trabaho o pag aaral, relasyon, at paglilingkod. Sa pagtatapos ng linggo, balikan ito at isulat kung paano mo nakita ang pagkilos ng Diyos habang isinasabuhay mo ang Kanyang katotohanan.

 


Comments


©2026 by Marikina Foursquare Gospel Church. Proudly created with Wix.com

bottom of page