top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Feb 6 - Declutter - Operation: Ayos

Updated: Feb 7, 2022

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Feb 6, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:



Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Topic: Declutter - Operation: Ayos

Series: D2D - Disciplined to Disciple

Date: Jan 30, 2022


Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan] and Reflection [Magnilay-nilay]


Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


Hellenistic (Greek) meaning ng DISCIPLINE - TRAINING specifically, TRAINING FOR RIGHTEOUSNESS. In short, kailangan ng sariling disiplina/training para mas maging matuwid bilang paghahanda sa pag-te-train din sa ibang tao..upang sila rin ay maihanda.


To disciple is to train, educate, teach while To discipline is to train someone by instruction and practice.


Ang pagdidisipulo ay ang pagtuturo ng dapat na kasanayan at paghahasa ng tinuturuan. Ang pagdidisiplina ay ang pagtuturo nang may mahigpit at paulit-ulit na pag-eensayo.


I Cor. 9:27 I discipline my body like an athlete, training it to do what it should. Otherwise, I fear that after preaching to others I myself might be disqualified.


Conscious si Apostol Pablo na dapat siya mismo ay disiplinado tulad ng atleta para may karapatan siyang magturo, magpreach at magtrain sa iba. At para hindi raw sya madisqualify.


SA IKAUUNLAD NG SAMBAHAN, ESPIRITUAL NA DISIPLINA ANG KAILANGAN! At kailangan nating makita na NAPAKAHALAGA ANG PAGIGING DISIPLINADO SA LAHAT NG LARANGAN SA BUHAY.


PASSAGE: II Kings 16:20—20:21; II Chronicles 28:27—32:33 and Isaiah 36:1—39:8.


PUT EVERYTHING IN THEIR PROPER ORDER. Ayusin ang lahat ayon sa kanilang kahalagahan.


I. THE OPERATION: AYOS (De-cluttering) IS FOR OUR GENERATION


II Kings 18:2 Hezekiah came to the throne of Judah at the age of 25 years. He ruled with his whole heart by zealous enthusiasm for God, which spread to the people of Judah and throughout Israel. He showed great humility and wisdom and God caused him to prosper through tremendous blessings.


OPERATION: AYOS – Hezekiah chose to de-clutter the wicked ways

A. DESPITE THE WICKED FATHER…


B. DESPITE THE HUGE AND DIFFICULT CHALLENGES BEFORE HIM

· INAYOS ANG PAGSAMBA

· INAYOS ANG TEMPLE

· INAYOS ANG PAGDIRIWANG NG PASSOVER

· INAYOS ANG MGA ROLES NG MGA PRIESTS


Hezekiah began his reign with righteousness and heartfelt dedication and obedience to God. Halso showed godly attitude and concern for his people


PAUSE: Naturuan po ba tayo ng mga magulang na magligpit ng kalat at ilagay sa dapat kalagyan ang mga bagay bagay? Natrain po ba tayo ng ating mga ninuno na ayusin ang mga relasyong magkakapatid at gumalang sa mga magulang? Nadisiplina ba tayong magkaroon ng malasakit sa isa’t isa o pinag-aaway-away tayo ng ating mga magulang?

Assuming na HINDI TALAGA TAYO TINURUAN at NAPAKITAAN NG MABUTING HALIMBAWA ng KAAYUSAN. Hindi dapat na dahilan ito na hindi nating gawin ito sa ating panahon at henerasyon…upang tayo naman ang magset ng example ng disiplina at kaayusan para sa susunod na henerasyon.


PONDER: Hezekiah showed discipline in KNOWING HIS PRIORITY. Kahit wala siyang training for righteousness from his family, he had the fear of the Lord and he led the nation with righteousness.


REFLECTION for ACTION:

1) Ano ang pinagmulan mong clan o generation? Mabuti o hindi mabuti? Maipagmamalaki o kinahihiya? Maka-Dios o maka-sarili?

Sa kabila ng anumang kinalakihan mong background, whether maayos na hindi maayos, kailangan mo pa ring MAG-DE-CLUTTER para sa pakinabangan ng sarili mong henerasyon at sa mga darating mo pang salinlahi.


2) Ano’ng pag-ayos ang ginagawa mo sa ngayon sa iyong pamilya? Sa inyong tahanan? Itinutuwid mo na ba ang mga maling gawi ng iyong mga ninuno o inuulit mo na naman ang mga katiwalian nila imbes na mag OPERATION: AYOS?


3) Ano’ng mga pag-aayos na ang iyong ginawa na nagpapakita ng disiplina – pagsasanay sa katuwiran?


What does the Bible say about King Hezekiah?


In II Kings 18:5-7

· Nagtiwala sa Dios

· Walang maihahambing na ibang hari sa Judah

· Consistent ang pagprioritize sa Dios

· Laging sumusunod sa kautusan ng Dios

What did God do for Hezekiah?

· Sinasamahan lagi ng Dios

· Umuunlad ang buhay

· Nagtatagumpay sa mga labanin


HEZEKIAH WAS DISCIPLINED! HE TRAINED HIMSELF FOR RIGHTEOUSNESS!


II. THE OPERATION: AYOS (de-cluttering) is REWARDED


Nakita natin na sa pagsisimula pa lang ni Haring Hezekiah sa pamumuno ay pinagpala na siya ng Dios. Ngunit hindi doon natatapos ang kanyang mga adventures.


ANG PANGUNGUTYA AT PANUNUKSO (II Kings 18 :19-25, II Kings 19:28-32)


A. DESPITE THE THREATS


OPERATION:AYOS - Hezekiah seeks God to fight for the people of Israel


II Kings 19:1 – HEZEKIAH TORE HIS CLOTHES, PUT ON SACKCLOTH AND WENT TO THE TEMPLE TO PRAY

· Naging tapat sa Dios

· Nakinig sa propeta ng Dios


II Kings 19:10


EXAMPLE SA ATING TAHANAN: Kapag ang pamilya natin at ang mga members nito ay dinadagok ng kaguluhan at pang-iinsultuhan galing sa loob at galing mismo sa loob….it is really a mess! It is cluttered with disharmony and disunity that needs ORDER. Ngunit kung pinipili ng pamilyang ito na maging matuwid sa kabila ng mga banta ng pagwasak dito, ito ay ginagantimpalaan.


Ang mga miyembro ng pamilya ay TRAINED FOR RIGHTEOUSNESS…disciplined…not to start a quarrel, not to provoke anger, not to fan the animosity…not siding with lies…but running after truth and justice with utmost care. We should be de-cluttering fights and quarrels and focus on how to please the God of the family! Kaya nagkakagulo kasi kung kani-kanino humahanap ng saklolo at kung sinu-sino ang sinisisi sa mga nangyayari.


PONDER: Hezekiah showed discipline in KNOWING the VALUE OF DISCIPLINE in CALLING ON THE LORD MOST HIGH FOR HELP.


Kahit sobrang sobra na pang-iinsulto, kahit sagad-sagad na ang pangaalipusta, kahit it gave all the reasons to be messed up and make ‘sugod’ at manabunot at manakit at magdemanda at magpa Raffy Tulfo at magpost sa FB ng iringan at i-ban ang mga taong ito sa ating buhay, you do not go that way because you want order…you want to de-clutter evil thoughts and ways…you desire OPERATION: AYOS sa ating tahanan.


REFLECTION for ACTION:

1) May kontribusyon ka ba sa kaguluhan o mess o clutter sa iyong tahanan sa iyong opisina o sa iyong community? Can you decide to contribute sa OPERATION: AYOS?

2) Nakakacontribute ka ba sa katuwiran dahil you have trained yourself to be righteous? Do you keep practicing it, over and over?

3) Nakikita mo na ba ang gantimpala ng disiplinado at sa Dios kumakapit sa lahat ng panahon? Are you sharing with others the joy of a disciplined and de-cluttered life?


B. WITH GOD’S ASSURANCE (tungkol kay Sennacherib – hari ng Assyria)


II Kings 19:22 -28 Through Isaiah the Prophet, God encouraged Hezekiah II Kings 19:32-34 (tungkol sa Assyria)

“They will become a mess before you! Kasi nag OPERATION: AYOS ka!”


II Kings 19:35-36 - Kasagutan ni Lord


God intervened for Hezekiah by sending an angel to destroy 185,000 Assyrians in one night. (Isang gabi lang, nasolve agad ng Dios!)


II Chron. 32:20-23 Sennacherib returned to Assyria, completely disgraced. Then one day he went into the temple of his god where some of his sons killed him.


Why did God do this? His prayer was so heartfelt, humble, and praiseworthy to God. God indeed listened to Hezekiah’s prayers and delivered His people. He was rewarded for the DISCIPLINE he showed in focusing on God and putting everything in order!


HEZEKIAH WAS DISCIPLINED! HE TRAINED HIMSELF FOR RIGHTEOUSNESS!


III. THE OPERATION: AYOS (De-cluttering) is a WARNING FOR ALL


II Kings 20:1 King Hezekiah became ill and was at the point of death. Prophet Isaiah sent the message from God to him: PUT YOUR HOUSE IN ORDER, BECAUSE YOU ARE GOING TO DIE, YOU WILL NOT RECOVER.


Posibleng tanong natin: “Bakit bigla-bigla, at sa peak ng kanyang paghahari sa Judah? Unfair si Lord! “ I am a disciplined person. I know how to prioritize God in my life. Why am I getting sick of an incurable illness?”


Upon hearing this proclamation Hezekiah turned his face to the wall and prayed to God

II Kings 20:3 “Alalahanin po sana ninyo, Yahweh, na namuhay akong tapat sa inyo. Buong puso ko pong ginawa ang lahat ng bagay ayon sa iyong kagustuhan.”


EXAMPLE SA ATING TAHANAN: WE ARE ALL FINITE BEINGS …WE ARE ALL BOUND TO DIE PHYSICALLY…Bawat miyembro nito..bata man o matanda. Our physical lives are not meant to live forever. Some will die soon..so soon that we might be caught with surprise, some not too soon…it’s gonna be painful! It won’t be easy to accept. May mga pamilyang nakaranas n anito, at mayroong hindi pa. Hindi natin pinapalangin na mangyari sa atin ngunit ito po ang realidad!


Kahit gaano tayo DISIPLINADO SA BUHAY, DISIPLINADO SA PAMILYA, TRAINED FOR RIGHTEOUSNESS AND DISCIPLESHIP, we are living in the flesh and we are bound to leave earth.


PONDER: Hezekiah STRIVED TO HEED TO GOD’S WARNING TO PUT HIS HOUSE IN ORDER. WE ARE ALL BEING WARNED TO PUT OUR HOUSE IN ORDER WHILE THERE IS STILL TIME…Ihanda ang ngayon para sa darating na henerasyon! We are talking about THEIR TRAINING FOR RIGHTEOUSNESS, the SPIRITUAL DISCIPLINE!


GOD saw his tears and He would heal him and add 15 years to his life. Isaiah returned and put figs on the boil of Hezekiah’s flesh and he was healed.


Ngunit may twist pa po sa kanyang buhay: News of Hezekiah’s illness reaches Babylon


II Kings 20:12-19

· Nagtiwala sa strategy ng kalaban (Babylon) – na kunwari ay concerned sa sakit niya at nagdala pa ng bonggang pasalubong.

· Nagpaka-kampante sa tagumpay at kapayapaan na tinatamasa na meron sa kanyang kaharian

· Nagpakita ng pride by displaying and exposing everything in his treasury.


IPINAGMALAKI ANG KAAYUSAN NG KANYANG KAHARIAN/TAHANAN.


Hezekiah was caught in a weak moment of pride while abundance and peace prevailed.

In II Chronicles 32:25-26 we are told that Hezekiah’s heart was lifted up, and that wrath was impending over him.


But “then Hezekiah humbled himself for the pride of his heart, he and the inhabitants of Jerusalem, so that the wrath of the Lord did not come upon them in the days of Hezekiah.”


There are always consequences to each and every decision we make.


God chose not to punish Hezekiah directly because of his repentant attitude, but the consequences would be put onto the forthcoming generations.


Hindi nga pinarusahan ng Dios si Hezekiah dahil nagpakumbaba siya. Ngunit tila nasayang ang extension ng buhay nya nang ipinanganak niya ang kanyang anak. He was not able to COMPLETELY PUT HIS HOUSE IN ORDER. Ang extension ng buhay nya na 15 years ay hindi pa nagamit para disiplinahin o disciple ang anak nyang si Manasseh


Manasseh was the successor of Hezekiah. But he didn’t follow in the good path of his father and became the most wicked king that ever ruled in Judah (II Kings 18—20; II Chronicles 29—32; Isaiah 36—39).


REFLECTION:

1) Ano ang ginagawa mo sa buhya mo ngayon? Naka focus ka ba sa pangmundo lamang at para na henerasyon ngayon?

2) Ano na ang gingagawang mong pang de-clutter spiritually?

3) Handa na ba ang sususnod na henerasyon kapag wala na tayo?


CONCLUSION:

· DE-CLUTTER FROM PRIDE AND INDEPENDENCE FROM GOD! LET HIM BE IN CONTROL AND CENTRAL!

· PUT OUR HOUSE IN ORDER! SET OUR LIFE IN ORDER! BEFORE IT’S TOO LATE!

· ALIGN ALL THINGS WITH HIS RIGHTEOUSNESS!

· OPERATION: AYOS!


Practice [I-apply ang Natutunan]


Ano ang iyong NEXT STEP o ACTION PLAN, mula sa iyong mga naging sagot sa reflection sa itaas?


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

13 views0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


bottom of page