Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jan 23, 2022.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Here's the video of the sermon if you need a review:
Topic: Blessings Refreshed
Series: Back to the Bible
Date: Jan 23, 2022
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.
SCRIPTURE READING: Please open your Bibles with your CC and read GENESIS 12:2-3.
I. The Promise of Blessing (Ang Pangako ng Pagpapala)
a. Promise of Land (Pangakong Lupa)
“Go from your country and your kindred and your father’s house to the land that I will show you..."
1. REST
2. SECURITY
3. IDENTITY
b. Promise of Descendants (Pangakong Angkan)
"And I will make of you a great nation..."
c. Promise of Greatness (Pangakong Kadakilaan)
"...and I will bless you and make your name great, so that you will be a blessing."
The Lord "...is able to do exceedingly abundantly above all that we ask or think…” – Ephesians 3:20 (NKJV).
II. The Premise of Blessing (Ang Pundasyon ng Pagpapala)
Numbers 23:19 “God is not a man, that He should lie, nor a son of man, that He should repent; Has He said, and will He not do it? Or has He spoken, and will He not make it good?”
a. His promises are unconditional (Ang Pangako Niya ay Walang Kundisyon)
Animal Cutting Ceremony (Genesis 15)
Genesis 15:6 “And he believed the Lord, and he counted it to him as righteousness.”
b. His promises set us apart (Ang Pangako Niya ay Nagtatangi sa Atin)
Name changing (Genesis 17)
Genesis 17:5 “No longer shall your name be called Abram, but your name shall be Abraham, for I have made you the father of a multitude of nations.”
c. His promises are not earned by good works (Ang Pangako Niya ay Hindi Nababayaran ng Mabubuting Gawa)
Covenant of circumcision (Genesis 17)
Genesis 17:10 - God told Abraham, “This is my covenant, which you shall keep, between me and you and your offspring after you: Every male among you shall be circumcised.”
III. The People of Blessing (Ang Pamamanahan ng Pagpapala)
Hebrews 11:13 (NTPV) – “Lahat ng mga taong ito, namatay sila na may faith. Hindi nila natanggap yung mga pinangako ng Diyos...Masaya na sila kahit nakita lang nila sa malayo ang mga yun. Tanggap nila na mga dayo lang sila at hindi sila taga-rito sa mundo.”
Abraham died having seen some, but not all, of God’s promises. Natanggap niya ang ipinangakong anak, si Isaac ngunit hindi niya nasilayan ang katuparan ng pangako na “In your seed all the nations of the earth shall be blessed.” Dahil ang katuparan ng pangakong ito ay naganap kay Hesus. Because of Christ, every person on earth has the blessing of being able to know God.
Kung dati tinatawag ang Diyos na “Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob,” ngayon maaari na natin siyang tawaging ating Diyos Ama!
Hebrews 11:39-40 (NTPV) – “Dahil sa faith nila, nag-iwan silang lahat ng magandang record. Pero hindi nila natanggap ang pinangako ng Diyos. Kasi may mas magandang plano ang Diyos para sa atin. At ayaw ng Diyos na ma-reach nila ang goal ng faith nila – ang maging perfect – nang hindi tayo kasama.”
a. He plans something better for us (May mas magandang plano ang Diyos para sa atin)
Katulad din ni Abraham at ang mga sumunod sa kanya ay nakatingin patungo sa future – sa katuparan ng pangako ng Diyos, tayo naman po ay nag-eenjoy sa completed work of Jesus mula sa panahon natin pabalik.
b. That all his promises will be made perfect with us! (Ang kanyang mga pangako ay matutupad kasama tayo)
Galatians 3:26-29 (NTPV) – “Kayong lahat ay mga anak na ng Diyos dahil sa pagtitiwala niyo kay Christ Jesus. Nakipag-isa kayo kay Christ nung na-baptize kayo. At ngayon, suot niyo na na parang damit ang buhay ni Christ. So, wala nang pinagkaiba ang Jews sa Gentiles, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae (may pinag-aralan man o wala, mayaman o mahirap, Tagalog, Bisaya, Ilokano, o katutubo, anuman ang kulay o hugis ng katawan – wala na tayong pinagkaiba) kasi iisa na kayong lahat kay Christ Jesus. At since kay Christ na kayo, mga descendants kayo ni Abraham at tatanggapin niyo ang mga pangako ng Diyos.”
At darating po ang araw na mami-meet din natin si Abraham, Isaac at Jacob na ating mga ama sa pananampalataya at ang faith journey nila kay Kristo ay mape-perfect, kasama tayo.
Conclusion:
Church, we are sons and daughters of the King. We are His children! Paano natin nalaman – sabi nga salita ng Diyos!
Church, we are not just forgiven, we are accepted. Paano natin nalaman – sabi ng salita ng Diyos!
Church, we are appreciated and loved. Paano natin nalaman – sabi ng salita ng Diyos!
Church, we are a people of blessing! And it’s a shame kung hindi natin ito ie-enjoy to the fullest.
God wants the best life for us in Jesus and with Jesus. And He has a lot of promises in store! Huwag mag-settle sa kakarampot. Mayaman ang Diyos mo! Makapangyarihan ang Diyos mo! Buhay ang Diyos mo! At higit sa lahat, faithful ang Diyos mo!
“Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao. Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin, kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.” - Numbers 23:19
Reflection [Magnilay-nilay]
1. May bago ka bang natutunan sa message? Ano na ang pagkakaintindi mo sa mga blessings ng Diyos kay Abraham? Para sa kanila lang bai to? Paano tayo naging recipients na rin ng blessings na ito?
2. I-share sa grupo kung paano ka pinagpala ng Diyos with REST, SECURITY and/or IDENTITY.
3. Kung minsan ba ay nadadama mo na parang ‘deserved’ mo dapat ang pagpapala dahil mabait ka? Ano ang dapat nating maging attitude tungkol sa mga natatanggap nating blessings kung hindi ito base sa kabutihan natin kundi base sa katapatan ng Diyos?
4. Hindi nakamit ng mga tao sa ‘Hall of Faith’ sa Hebrews ang pangako habang nabubuhay sila sa mundo – natanaw lang ito. Bakit kaya patuloy silang nagtiwala sa Diyos? Ano ang pwede natin matutunan sa kanilang naging attitude?
5. Bukod sa mga material o praktikal na blessings, natanggap mo na ba ang greater gifts ng Panginoon – kaligtasan, ang Banal na Espiritu, ang Kanyang pag-ibig, etc? I-share sa grupo kung paano mo ito nararanasan sa araw-araw.
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Isa po sa mga pinakamagandang blessing ng Diyos ay MERON NA TAYONG ACCESS SA WRITTEN WORD – ANG BIBLIYA! Ugaliing magbasa ng Bible araw-araw. Maaaring sumabay sa reading plan na ito: https://www.bible.com/reading-plans/29051/together/48124831/invitation?token=dwaeggeS1WreXa36AHH9KQ&source=share
2. We are blessed to be a blessing! Mag-isip ng isang tao na pwede mong ma-bless sa PRAKTIKAL at SPIRITWAL na paraan ngayong week.
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments