top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Jan 30 - Mankind Reprieved

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jan 30, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Topic: Mankind Reprieved

Series: Back to the Bible

Date: Jan 30, 2022


Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


Reprieved - a formal temporary suspension of the execution of a sentence especially of death


We are in the last days…

Matt 24:3, 6-7 - 3 Habang nakaupo si Jesus sa Mount Olives tinanong Sya nang mga Disciples habang sila lang ang magkakasama...“Kelan po ba mangyayari ang mga sinasabi Nyo? Ano po ang signs ng pagdating nyo uli at katapusan nang mundo?” 6 Makakarinig kayo nang mga labanan at ng mga balita tungkol sa gyera, pero wag kayong matatakot. Talagang mangyayari muna ang mga yun...Pero hindi ibig sabihin ay dumating na ang katapusan. 7 Mag-aaway-away ang mga bansa at kaharian. Magkakaroon nang taggutom at lindol sa ibat-ibang lugar.

--

Ang tagal naman… but really: God is patient… ayaw Nyang may mapahamak kahit isang tao. (2 Peter 3:9)

--

Bakit may mapapahamak? Genesis 3 (The Fall of Man)


Serpent’s deception method (Paraan ng panlilinlang ng Ahas)

Ang Diyos ay inilalarawan ng ahas na para bang pinipigilan silang tamasahin (mag-enjoy sa) ang Kanyang nilikha sa hardin ng eden.


Genesis 3:1b MBB - Isang araw tinanong nito (Ahas) ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”


Genesis 2:16-17a - 16 Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, 17 maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama...Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.


Same deception in our present day

· Totoo bang mahal ka ng Diyos?

· Talaga bang karapat-dapat kang pagpalain ng Diyos?

· Makasalanan ka, tapos magpapa-gamit sa Kaharian ng Diyos?

· Paano yan, hindi ka pa perfect. Hindi ka pwedeng lumapit at humingi ng tulong sa Diyos.


Nalilimitahan tayong tamasahin ang pag-ibig at pagpapala ng Diyos dahil nahuhulog tayo sa panlilinlang ni Satanas

God’s first response after Adam and Eve sinned…

· God first cursed the serpent (Satan - Gen 3:14)

· God revealed His plan for redemption! (Gen 3:15)


Genesis 3:15 ESV - I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and her offspring; He shall bruise your head, and you shall bruise his heel.”


Wala pang ginagawa ang tao gusto na agad tayong iligtas ng Diyos!


Sa Old Testament time, pinakita sa atin ng diyos ang kagustuhan nyang tayo ay maligtas

- NOAH (Genesis 6:6-7)

- ISAAC AND JACOB

- EXODUS

- EXILE – TIME OF DANIEL


THE UNFAIR SITUATION

· Genesis 3:15 ESV - I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and her offspring; He (Jesus) shall bruise your head, and you (Satan) shall bruise his heel.”

· Romans 5:19 - 19 For as by one man’s disobedience many were made sinners, so also by one Man’s obedience many will be made righteous.


For those who believed in Jesus: we are more than conquerors!

Wala nang karapatan si Satanas sa buhay natin!


Our boasting is in our Lord Jesus Christ!


There’s still greater punishment waiting for Satan and those who will follow him.


We are in the timeline that God is delaying his punishment because of sin


Hindi mo kailangang magpabibo sa Diyos because God already made a way from the beginning!


Conclusion:

Sin is great but GOD ALREADY HAS A PLAN.


Conclusion:

Today, RIGHTEOUSNESS IS GREATER! REDEMPTION and VICTORY IS HERE!

DAKILA ANG ATING DIYOS!


Reflection [Magnilay-nilay]


1. May mga pagkakataon ba na ikaw ay dinideceive ni Satan na hindi ka worthy/karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos? I-share ang iyong experience.

2. Ano ang masasabi mo sa naging reaksyon ng Diyos sa pagkakasala ni Eba at Adan—na ang isinumpa Niya ay si Satanas, at gumawa agad Siya ng ‘redemption plan’ para sa tao? Ano ang nakikita mong karakter ng Diyos dahil dito?

3. Naiisip mo ba na ‘bumawi’ sa Diyos o gumawa muna ng mabuti bago lumapit sa Kanya? I-share ang iyong experience. Maliligtas ba tayo ng ating ‘good works’? Bakit hindi?

4. Bakit dinedelay ng Lord ang punishment for sin? Ano ang dapat na epekto nito sa pamumuhay natin?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Araw-araw po nating ipaalala sa ating sarili ang kabutihan at grasya ng Diyos. Pinakamagandang paraan po na gawin ito ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang salita. May gabay po sa ating website: https://marikina4square.wixsite.com/website/post/bible-reading-plan

2. Kung naranasan mo na ang pag-ibig ng Diyos, hindi ka mag-aatubili na ibahagi ito sa iba. Hinihintay ng Diyos na mas marami pang makakilala sa Kanya bago dumating muli si Hesus. I-share natin si Jesus sa isang mahal sa buhay na wala pang relasyon sa Kanya.

3. Ikaw ay KARAPAT-DAPAT na sa harap ng Panginoon dahil sa ginawa ni Jesus! Kung wala ka pang ministry, ngayon ang tamang panahon para mag-serve. Sabihan lang ang iyong CC leader o mag-chat sa https://m.me/marikina4square kung interesado.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

33 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page