Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jul 11, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: God's Kind of Family
Topic: God-Designed
Date: July 11, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
1. Ayon sa pinag-usapan nung Sunday, EACH CHILD HAS A “BLUEPRINT OF LIFE” FROM GOD THE DESIGNER (Ang bawat anak ay may kanya-kanyang plano ayon sa dinisenyo o nilayon ng Dios). Isa sa mga misconception o maling paniniwala na: “The baby born to a parent becomes real life only in later years”. Ang tingin natin sa bata sa sinapupunan ay hindi pa TOTOONG BUHAY. Kapag nakakauap na, dun pa lang yung panahong sineseryoso. Dahil alam nating mali ito, ano ba ang tama?
Correct answer:
- Basahin ang Biblical principle sa Psalm 139:13-16
- Hindi pa natin nakikita, kita na ng Dios ang bawat buhay at may BLUEPRINT na Siyang hawak na Siya rin ang may akda, at tanging Dios lamang ang nakakaalam nito. Each baby in the womb has already been outlined in His LIFE’s BLUEPRINT
- Bu-hay ‘yang nasa loob ng sinapupunan at buhay siya! Kaya ang pumatay diyan ay labag sa kalooban ng Dios. THE FETUS IS WITH LIFE AND ALIVE!
- The BABY IS ALREADY A COMPLETE PERSON even if he is little and helpless – capable to think with his mind, lungs capable to express strong feelings, has power to communicate.
2. Isa pang misconception is that “The child is a like a lump of clay or dough” na pwede nating i-mold ayon sa gusto natin Bakit ito mali? Ano ba ang tama?
Correct answer:
- Basahin ang Biblical principle sa Proverbs 22:6
- Exegetically, this verse says: TRAIN UP (Hebrew term refers to palate or the roof of the mouth; midwife after delivering a baby would dip her fingers into a juice made of crushed dates and massage the infant’s gums and palate..to create a sensation for sucking. Tapos ililipat sa mommy para dumede. THE BABY SHOULD A THIRST FOR THE NOURISHING FLOW OF WISDOM AND COUNSEL at hindi basta magpapakain, magpapatulog at magpapaaral.
- In the way : in keeping with, in cooperation with, in accordance to….THE WAY THE PARENTS GO? NO!! THEY WAY HE SHOULD GO (not as we see him) Dapat..BE OBSERVANT, DISCOVER YOUR’ CHILD’S WAY AND ADAPT ACCORDINGLY. Strengthening is appropriate term. May kanya-kanyang characteristics that were pre-formed by God, distinct and set.
- When he is old, he will not depart from it: old – hair on the chin…approaching adulthood, hindi yung lolo, hindi retirement, hindi 80 or 90 years old sa wheelchair. Kungdi isang lalaking binatilyo na nagsisimulang tubuan ng balbas. Kapag umabot siya sa maturity, hindi niya iiwan ang tamang landas na tinahak niya.
3. Isa pang misconception is that “The children are expected to be the ‘chip off the old block” -- na dapat kung ano naranasan, naging karera, etc ng magulang, yun din dapat ang sa anak. Bakit ito mali? Ano ba ang tama?
Correct answer:
- Basahin ang Biblical principle sa Psalm 139:15-16
- God knows each child before his parents do. Noong nabubuo tayo, God’s eyes have seen (watched over), like an architect who watches over every detail of the BLUEPRINT. --- designed by GOD.
- Dapat nating agad na malaman na may magandang BLUEPRINT o PLANO ANG DIOS sa buhay ng bawat bata/anak sa sinapupunan, bawat batang/anak iluluwal, bawat batang/anak palalakihin, bawat batang/anak aarugain, bawat batang/anak tumanda na at naging magulang na rin.
- Naglagay ang Dios ng disenyo na kakaiba sa iba. Kaya hindi talaga tayong magiging magkakapare-pareho. Iba’t ibang hulmahan. Kaya walang dahilan upang maghambingan ng buhay at ito ang magiging dahilan ng pagbagsak ng self-esteem o confidence. Gagawin lang natin inspirasyon ang mga taong ito ngunit lagi nating tatandaan: GOD HAS YOUR BLUEPRINT ACCORDING TO HIS LIKENESS. It is uniquely yours! It is wonderfully made for you by God! Custom-designed! Yung mga traits, yung memory bank, yung aptitudes, the longing and desires.
4. Design ba ng Diyos ang masasamang ugali ng anak? Ano ang solusyon dito?
Correct answer: Hindi. No matter how cute our baby is, no matter how cute you were when you were a baby, nananalaytay ang pagiging makasalanan sa kanya, sa iyo, sa mga inampon mo, sa inaalgaan mo, at sa akin. Kaya huwag tayong magtaka na mayroong nagiging masasamang magulang at masasamang anak. Ang solusyon: ALL PEOPLE NEED GOD IN THEIR LIVES SO THAT THEY CAN BE GUIDED TO GROW ACCORDING TO GOD’S BLUEPRINT. ANG DIOS ANG KAILANGAN NG BAWAT BUHAY, PARA LAGING MAIGIYA ANG BUHAY AYON SA BLUEPRINT NIYA.
5. Ayon sa sermon nung Sunday, EACH PARENT HAS A “BLUEPRINT ROLE” AS DESIGNED BY GOD
(Ang bawat magulang ay may layong papel o tungkulin na inilatag na ng Dios). Isa sa mga misconception / maling paniniwala ay: ‘Ang mahalaga ay maibigay ang pangangailangang material. Ayos na yun!” Bakit mali? Ano ba ang tama?
Correct answer:
- Ang mga magulang na nag-iisip nang ganito ay PASSIVE PARENTS – Passive - they do not take action but instead let things happen to them. Ito ang mga magulang na hindi nila naiisip kung anong larawan ang pinapakita nila sa kanilang mga anak…larawan ba ng Dios o larawan ng kalaban ng Dios?
- Basahin ang Biblical principle sa Psalm 103:13 at Isaiah 49:15
- Ang comparison ng Dios sa Kanyang kahabagan at pagmamahal ay mismong tatay at nanay. Ano ang pinapakita rito? Ang mga magulang ay intentiona at consistent sa kanilang pagmamahal sa anak. Hindi pagmamahal ang basta magbibigay lang ng baon, magpapakain lang tuwing kainan. Hindi ayos yun! God did not give you children just to become breadwinners for them or just to be homemakers for them. The life of your children is in your hands. You need to meet other needs – lalo na ang spiritual!
6. Isa pang misconception ang: “Sundin ninyo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko!” “Ang importante, hindi magpapahuli.” Ano ba ang tama?
Correct answer:
- Alam ng mga bata kung tayo ay nagkukunwari lamang. We are japeyk. Mabobola natin ang kapitbahay, makakapagpanggap tayo sa ating mga opisina o trabaho, pero hindi sa harap nga ting mga anak.
- Basahin ang Biblical principle sa I Corinthians 11:1
- Dapat ay walang double standard ng morality. Gusto ng mga bata, tunay na leather at hindi synthetic.
7. Isa pang misconception na: “Nandiyan ang simbahan para magturo ng mabuting asal”. Ano ba ang tama?
Correct answer:
- Basahin ang Biblical principle sa Deuteronomy 6:1-2, Deuteronomy 6:7-9
- Instruction is to be done by parents, for the families, for the next generations.
8. Ang huling misconception na diniscuss ay: “Masyado pang bata. Tsaka na magdisiplina!” Ano ba ang tama?
Correct answer:
- Basahin ang Biblical principle sa Hebrews 12:8-11
- A return to old-fashioned way. Because the society has been too permissive to a fault
- Akala ng mga magulang sa panahon ngayon dahil sa ‘progressive, humanistic education’, masamang idisiplina ang mga bata lalo na paluin. Start them young. Huwag agad bumigay. Masakit sa una, napapahiya ka bilang magulang, pero kapag naging consistent, matututo rin.
9. Bakit kaya binigyan ng instruction ng Diyos ang husbands, wives, parents and children sa Bible?
Correct answer:
- GOD DESIGNED A FUNCTIONALLY ORGANIZED HOME TO BECOME A WITNESS TO EVERY MEMBER OF THE FAMILY AND EVERY NEIGHBOR IN THE COMMUNITY THAT GOD IS THE CENTER OF THE HOME and HE IS ALIVE!
- DO NOT SUIT THE DESIGN TO YOUR OWN TASTE! YOUR FAMILY WILL NOT REFLECT THE IMAGE OF GOD!
Reflect [Magnilay-nilay]
1. Batay sa sermon ngayon, ano ang tamang pagpapalaki sa iyo ng iyong magulang?
2. Batay sa sermon ngayon, ano naman ang nakikita mong mali na ipinapanalangin mong magbago para sa susunod na henerasyon ng inyong pamilya?
3. Sino at ano sa palagay mo ang kailangan upang maging maayos ang pamilya?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Magpasalamat sa iyong mga magulang sa mga tamang pagpapalaki nila sa iyo.
2. Mula sa mga ‘mali’ na nakita mo sa #2, pag-isipan kung paano pwedeng mai-correct ang mga ito. Kung may sarili ka nang pamilya, pag-isipan din kung nadala mo ba ito sa sarili mong paraan ng pagpapalaki ng anak. Ano ang mga pwede mong baguhin?
Prayer
- Pray for your families (and future families, kung single pa) to be as God has designed them. Ipanalangin lalo ang mga bagay na isinagot ninyo sa Reflection question #2.
- Pray for personal prayer requests.
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY.
Mas maganda po itong itanong na one-on-one.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
Comentários