top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Jul 18 - The God-Built Family

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jul 18, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:

 

Series: God's Kind of Family

Topic: God-Built

Date: July 18, 2021


Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


1. Ang unang point sa ating napakinggan noong Sunday ay: LET GOD, THE MASTER BUILDER, INSTALL A ________________ IN THE HOME. Ibig sabihin ay hayaan nating ang Dios ang maging Pinagmumulan ng Lakas / Katatagan ng Pamilya.


Correct answer: POWERHOUSE.


2. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng ‘POWERHOUSE’ of prayer? Ibig sabihin ba ay basta nagppray bago kumain o bago matulog?


Correct answer: Hindi ibig sabihin nito ay nag-oorasyon lamang tuwing alas seis ng gabi. Hindi ibig sabihin nito ay nag-aantanda bago umalis ng bahay. Hindi lang ang ibig sabihin nito ay nagdadasal kapag may matinding pangangailangan lamang. Hindi ito pananalangin bilang relihiyosong pagkilos kungdi lifestyle ng pagtitiwala sa Dios na buhay, anytime, anywhere, under any circumstance by every member of the family or even beginning from one member of the family! Ang tinutunkoy po natin ay yung ORGANIC at CONSISTENT na PAGTAWAG SA DIOS.


3. Bakit mahalaga na magkaroon ng POWERHOUSE of PRAYER sa pamilya?


Correct answer: Ang lakas at tibay na kailangan ng isang pamilya ay nakasalalay sa pagtitiwala at pagkilala talaga na ang Dios na hindi natin nakikita ang Panginoon ng tahanan natin. Ang Dios ang ating Powerhouse! Ang Banal na Epiritu na nananahan sa mga puso ng mga taong nakakakilala kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ay ang pinagmumulan ng lahat ng kayang gawin ng pamilya natin! Laging may pinaghuhugutan ng lakas at enerhiya na gawin ang tama. Tumatatag sa kabila ng mga pagsubok. Bumabagsak ngunit nakakatayo muli nang may panibagong sigla.


4. Fill in the blank: Ang pangalawang punto sa sermon noong Sunday ay: LET GOD THE MASTER BUILDER’S _______________ FOR “WALLS, CEILINGS AND FLOORS, ETC.” BE USED IN THE HOME. Ibig sabihin, hayaan nating ang _____________ ng Dios ang gamiltin sa bawat bahagi ng tahanan


Correct answer: STANDARDS. Kailangan iwasan ang sub-standard na materials para sa ating tahanan. Ang akala lang natin, tama ang lahat ng standards na ginagamit natin, akala natin katanggap tanggap sa lahat ng tao sa bahay natin ang mga “values” – mga bagay na pinahahalagahan natin – ngunit iba pala ang dating ng nakikita nilang ginagawa natin.


5. Sa Bible mismo ay may mga example ng mga pamilya o magkakapatid na may mga generational mistakes or sibling rivalries. Ipinapakita na talagang walang exempted sa pagkakaroon ng pagsubok, at kailangan nating lahat ang tulong ng Diyos para ma-repair at ma-redeem ang mga pamilya. Magbigay ng ilang example na naaalala mo mula sa message noong Sunday.


Possible answers:

· Adam blamed Eve for his choices (and Eve turned around and blamed an animal for her choices)

· Abraham (our founding forefather) offered up his wife TWICE for his own selfish fears,

· Sarah mistreated her maidservant and husband’s child,

· Lot decided to offer up his daughters to ALL of the townsmen to have their way with them (which included his future sons-in-law), and

· then we get to Isaac na naging deceiver

· Si King David din mismo ay nagkaroon ng maraming problema sa pamilya. He firstborn son Amnom was a rapist, his second born Absalom tried to take his dad’s job and slept with his wives, and his seventh born Solomon simply married everyone he wanted to sleep with.

· Cain and Abel – maagang inggitan

· Esau and Jacob – kahit sa pagkakapanganak palang ay may “unahan” na

· Lot’s daughters – may incestuous relationship sa tatay nila

· Joseph and his brothers – ibinenta si Joseph sa merchants


6. Ayon kay Harold Sala, ano ang tatlong rason na nirereject ng mga tao ang values ng mga magulang nila?


Correct answer:

- Ang mga magulang na nag-iisip nang ganito ay PASSIVE PARENTS – Passive - they do not take action but instead let things happen to them. Ito ang mga magulang na hindi nila naiisip kung anong larawan ang pinapakita nila sa kanilang mga anak…larawan ba ng Dios o larawan ng kalaban ng Dios?

- Basahin ang Biblical principle sa Psalm 103:13 at Isaiah 49:15

- Ang comparison ng Dios sa Kanyang kahabagan at pagmamahal ay mismong tatay at nanay. Ano ang pinapakita rito? Ang mga magulang ay intentiona at consistent sa kanilang pagmamahal sa anak. Hindi pagmamahal ang basta magbibigay lang ng baon, magpapakain lang tuwing kainan. Hindi ayos yun! God did not give you children just to become breadwinners for them or just to be homemakers for them. The life of your children is in your hands. You need to meet other needs – lalo na ang spiritual!


7. Isa pang misconception ang: “Sundin ninyo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko!” “Ang importante, hindi magpapahuli.” Ano ba ang tama?


Correct answer:


- 1) Some begin too late in life to convey Christian values. – Late na natuturuan

- 2) Christian values being practiced is different from what is being believed. – Iba ang tinuturo sa totoong ginagawa.

- 3) Christian values are seen to be Christian legalism. - Ang pamilya natin ay lumalaking ang laging naririnig ay : BAWAL YUN, BAWAL ITO, MASAMA YUN, MASAMA ITO, na hindi nalalaman ang paliwanang kung bakit.


8. OK na ba na naintindihan mo ang established foundations ng Lord at ang design niya sa family? Ano pa ang dapat nating gawin?


Correct answer:

- Do not stop at the foundation and expect a good family! Do not stop at looking at the beauty of the design! You are building for your family….you are building for the next generation. Start building according to God’s design! LET THE MASTERBUILDER BUILD YOUR HOME. YOUR LABOR IN YOUR FAMILY WILL NOT BE IN VAIN!


Reflect [Magnilay-nilay]


1. May powerhouse (consistent at lifestyle ng pananalangin at pagtitiwala sa Diyos) ba ang tahanan ninyo?

2. Ano kayang 'values' (hal. Pandaraya, Pagsagot-sagot, Galit , atbp.) na mali ang naipapasa mo nang hindi mo namamalayan o di mo pinapansin?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Pag-usapan kung paano kayo pwedeng magkaroon ng mas consistent na POWERHOUSE of PRAYER lifestyle sa inyong pamilya. Kaya ba ninyo magkaroon ng regular na family altar? Dapat bang mas magkaroon ng maayos na personal devotion time?

2. Gumawa ng listahan ng mga values (na ayon na sa TAMANG STANDARDS) na nais mong magkaroon / masunod sa iyong pamilya. Pag-usapan ito kasama sila.


Prayer


- Pray for your families (and future families, kung single pa) to be built by God – na magkaroon ng consistent at organic na prayer lifestyle, at masunod ang values na gusto ng Panginoon (hindi lang for legalism, kundi dahil naranasan na natin ang grace ng Lord).

Pray for personal prayer requests

 

Care Circle Accountability Questions


Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).


Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY.

Mas maganda po itong itanong na one-on-one.


  1. Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?

  2. Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?

  3. Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?

  4. Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?

  5. Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?

  6. May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?

  7. Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?

  8. Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?

35 views0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


bottom of page