Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jul 25, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: God's Kind of Family
Topic: God-Maintained
Date: July 25, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
1. Fill in the blank: Bawat isang mananampalataya sa bawat kinabibilangang pamilya ay may ___________.
Correct answer: MISYON
2. Ano ang misyon ng ating mga pamilya?
Correct answer: PAGLIWANAGIN NG DIOS ANG ATING MGA TAHANAN para sa mga tao sa loob at lahat ng nakakikita sa pamilya natin sa labas.
3. Alam na ang tamang pundasyon. Alam na ang disenyo – ang blueprint ng magulang at ng bawat anak. Hahayaan na ang MasterBuilder na gumawa ng bahay. Habang ginagawa ito, patuloy naman dapat na nakikita ang layunin ng tahanan…physical house and the spiritual home. How will it happen? Clue: R____________ M_____________
Correct answer: REGULAR MAINTENANCE.
4. Pwede bang asahan ang ibang tao na mag-maintain ng pamilya mo? Bakit o bakit hindi?
Correct answer: huwag asahan ang ibang tao ang magmaintain ng pamilya mo School has a part, the church has a part but God created the family for the well-being and instruction of the next generation. Parents were given the responsibility by God for passing on the knowledge of God and leading their children to become adults that live holy lives as commanded by God.
5. Ayon sa ating pinag-usapan, our homes should be MAINTAINED WITH GOD’S RIGHTEOUSNESS (NAPAPANATILI ANG ALAGA SA KALINISAN: KATUWIRAN NG DIOS). We should let it shine! May dalawang area na nabanggit na
Correct answer:
A. Sa pag-uusap at kuwentuhan (daily conversations) – Hindi lang formal na discussions o sermon, kundi sa pang-araw-araw na pag-uusap. Hindi awkward o pinagtatawanan ang pag-uusap tungkol sa Lord, kundi bahagi ng conversations ng pamilya. Hindi puro cellphone o puro chismis o puro tungkol sa sarili, kundi tungkol sa kabutihan ng Diyos ang topic.
B. Sa kilos at gawa - Hindi mahihiyang umuwi sa bahay ang bawat miyembro ng pamilya. Proud na maglakad sa kalye at binabati ka nang may paggalang at hindi pinagtsitsimisan dahil sa masasamang salita.
6. Ang dapat makita ng lahat, sa pamilya, at sa paligid, at sa church -- may powerhouse ang tahanan! Kung anumang problema, ay Salita ng Dios ang nagiging sandigan! Hindi lang sa décor o sa t-shirt o sa sticker kundi talagang nakikita sa buhay ng pamilya na ang Diyos ang nangunguna. Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ay ang pagbibigay at pagtanggap ng correction. Ano ang apat na tips na binigay kung paano natin mapapakinang ang katuwiran ng Diyos?
Correct answers:
· Hindi puede hindi papansinin ang mga habitual sins
· Hindi maaaring hindi pinag-uusapan ang mga alitan
· Hindi papayagan na maraming authorities sa tahanan
· Hindi palulusutin ang mga pinangakong ‘consequence’ o “penalty’ na binitawan
7. Our homes should also be MAINTAINED WITH GOD’S CARE –Napapanatili ang alagaan at malasakitan –ANG PAGIBIG NG DIOS). Dapat natin itong paningningin! Ano ang naaalala mong mga punto kung paano natin ito magagawa?
Possible answers: Have a balance of support, care and love Layunin ng Dios na ang ating mga pamilya ay maging daluyan ng pagmamahal para sa ating sariling mga kapmilya at sa labas ng ating pamilya ANG PAGMAMAHAL NG DIOS ay LAGING GAWING ULAM SA HAPAG KAINAN! Binabahagi ng lahat, nararanasan ng lahat, natitikman ng lahat!
Kahit kailan, hindi mabubuo ang tahanan kung hindi pinagdidikit o pinag-uugnay ng pagibig, lalo na ng pag-ibig ng Dios. Kung sa nuclear nga ay hindi na natin magawa, paano pa kaya sa extended families, paano kayo sa grandparents, paano kayo sa stepfamilies, paano pa kaya sa neighbors at sa community? WE NEED GOD’S LOVE TO GLUE PEOPLE / OUR FAMILY TOGETHER. THIS RADIANT LOVE WILL INVITE OTHER PEOPLE TO OUR FAMILY (AND NOT AVOID OUR FAMILY) – kitang kita ng iba ang reflection ng pagibig ng Dios.
8. Ano ang mga naaalala mong tips tungkol sa family bonding?
Possible answers:
· Do not easily give up
· Do not be stuck with one strategy
· Do not make ‘sermon’ every time you bond but make them pleasantly teachable moments
· Do not make it a bonding of one, for one, by one
· Do not focus only on what is tangible
· Do not stop praying
9. Ano ang mga naaalala mong tips tungkol sa family problem solving?
Possible answers:
· Be ‘there’ when one hurts
· Be ‘there’ to celebrate
· Be there to forgive and ask forgiveness
10. Fill in the blanks: We are not the kind of family that God wants para lang pagusapan sa FB, para hangaan ng iba. We shall be the p________ kind of family that stands strong, being lighted or illumined by the presence of God’s righteousness and love… that will change the c______ and the n_______! Maintained by a balance of discipline and love! Holiness and compassion! Righteousness and care!
Correct answer: PRECIOUS... CHURCH… NATIONS
Reflect [Magnilay-nilay]
1. Looking back sa mga panahon bago mo marinig ang sermon na ito (and being honest), sa tingin mo, naipapamuhay ba ng inyong pamilya ang inyong totoong misyon? Talaga bang naka-sentro ang pamilya niyo sa Lord at sa pagshare sa iba tungkol sa kanya – o baka nafocus sa achievement, pagiging ‘mabait’, pagiging kahanga-hanga sa Facebook, sa influence/reputation, sa pera? Kung oo, paano? Kung hindi, bakit kaya?
2. Ano sa tingin mo ang pagkakaiba ng PAMILYANG MABABAIT at PAMILYANG NAKIKITAAN NG PAG-IBIG NG DIYOS? Automatic ba na kapag “mukhang mabait” ay napapagliwanag na agad ang kabutihan at katuwiran ng Diyos? Bakit/bakit hindi?
3. Ano ang madalas niyong pinag-uusapan sa pamilya? Natural ba na lumalabas sa conversations ang Diyos? O parang napipilitan lang, o parang awkward pa nga o bored na kapag yun ang topic?
4. Kung ikaw ay magulang – sa tingin mo ba ay magtutuloy sa spiritual walk nila ang mga anak mo kapag ikaw ay nawala na? (Yung totoong sagot.) Bakit/bakit hindi? Ano ang pwedeng gawin para maging “OO” ang sagot mo?
5. Kung ikaw naman ang anak – naiintindihan mo ba ang iyong personal misyon at naipapamuhay mo ba ito, o nasanay lang na sumasama sa church sa magulang? (Yung totoong sagot.)
6. Bakit kailangang mula sa Diyos ang pag-ibig na ipinapakita sa isa’t isa?
7. Paano niyo kaya pwedeng mas praktikal na maipapakita ang pag-ibig sa bawat isa sa pamilya?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Mahirap mapag-usapan ang Lord nang ‘natural’ sa pamilya, kung ang mga individuals mismo ay walang personal na ugnayan sa Panginoon. Ipanalangin na talagang makakilala ang bawat myembro ng pamilya sa Lord at magkaroon ng intimate na relationship sa kanya. I-encourage din ang bawat isa na magkaroon ng sariling quiet time / devotion time sa Lord. Kung hindi marunong magdevotion – pwedeng magpatulong rito: https://marikina4square.wixsite.com/website/post/bible-reading-plan
2. Gawing ‘normal’ conversation piece ang Panginoon at ang kanyang katapatan at kabutihan. Ugaliing pag-usapan ang Lord sa inyong pamilya. Pwede siguro kayong mag-kamustahan araw-araw sa natutunan ninyo sa devotion. Tanungin ang isa’t isa tungkol sa mga ipinagpapasalamat sa Lord. At ugaliing mag-Family Prayer Cell.
3. Gawin ang mga naisip sa #7 sa itaas.
4. Mag-schedule ng family bonding kahit na nasa bahay lang.
5. Sa susunod na may hindi pagkakaunawaan – sundin ang tips para sa family problem solving.
Prayer
- Pray for your families (and future families, kung single pa) to be maintained by God – na Siya ang maging sentro ng pamilya at maging #1 priority ang inyong mission na maipakita ang liwanag ng Lord sa iba, at na Siya at ang pag-ibig Niya ang maniig sa inyong pamilya.
Pray for personal prayer requests
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY.
Mas maganda po itong itanong na one-on-one.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
Comments