top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Jul 4 - The God-Established Family

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jul 04, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


 

Series: God's Kind of Family

Topic: God-Established

Date: July 04, 2021


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


1. Ayon sa pinag-usapan nung Sunday, EVEN BEFORE THE FALL OF MAN, GOD HAD ALREADY ESTABLISHED THE FAMILY (Bago pa nagkasala ang tao, itinatag na ng Dios ang pamilya). Isa sa mga prinsipyong mula sa Genesis is that GOD CREATED MAN. Ano ang natutunan natin mula rito?

Correct answer: Importanteng malaman ito bilang pundasyon ng pamilya. Para walang sinuman ang magmalaki. Magkaiba man ang ginamit ng Dios na agent sa pagcreate…malinaw na ang Dios ang lumikha sa tao – lalaki man o babae. Mahalagang punto para walang magsabing: “Hinugot ka lang sa tadyang ko!!!” Tapos sasagot naman ang babae: “Patingin ka ng hiwa mo sa tadyang, aber, aber!”


2. Isa pang prinsipyo is that HE CREATED MAN IN HIS OWN IMAGE. Bakit ito mahalagang tandan sa pagdidiscuss tungkol sa pamilya?

Correct answer: Para malinaw na ang kasama sa ilalim ng bubong ng bahay ay hindi hayop, kaya wala ka dapat tatawaging hayop at wala rin dapat mag-aasal hayop. Tao ang kasama mo katulad mo, hindi basahan, hindi dios-diosan, hindi gamit, hindi bagay,


3. Ano ang dalawang gender/sex na ginawa ng Diyos?

Correct answer: MALE or FEMALE only.


4. Pagdating naman sa pag-aasawa, ano raw ang role na ibinigay sa asawa? Fill in the blanks: GOD GAVE A S__________ H___________ FOR MAN. Bakit mahalaga itong maintindihan?

Correct answer: Suitable Helper for man. PARTNER ito para makasama ang makatulong side-by-side sa mga gawain sa buhay. Mahalaga ito upang maaga pa, ay naisin na ng tao na ang Dios ang magbigay ng tamang tao na kanilang makakasama sa buhay….magiging COMPLEMENT – akma, kaganapan; Ang Dios ang may akda kaya Siya ang tanungin at tawagan.


5. Aling ang mas mahalaga: ang mga tao (lalo ang pamilya), ang alagang hayop, ang motor o sasakyan mo, ang mga medalya mo o achievements?

Correct answer: Human beings were blessed to be of greater value on this earth --- to have significance over material things.


6. Maging sa New Testament, pinagtibay ni Jesus ang mga sinabi ng Dios Ama tungkol sa family. Iniba ba niya ang sinabi tungkol sa paglikha ng male at female?

Correct answer: Hindi. Inemphasize pa nga niya ito – na male at female ang pagkakalikha sa tao


7. Inexplain din ni Jesus ang mga prinsipyo ng MARRIAGE dito sa mundo at sa eternity. Ano itong tatlong prinsipyo na pinag-usapan? Alalahanin kung ano ang iyong maaalala.

Correct answer:

- Mahalaga ang marriage para sa order and foundation ng ating society.

- Ang design sa pag-aasawa ay BUBUKOD ang mag-asawa mula sa kanilang mga pamilya at magbubuo ng kanilang sariling household. Hindi sama-sama sa bahay ang buong angkan para magsiksikan o makatipid.

- Ang DIVORCE ay wala sa disenyo ng Diyos. Ang kanyang intensyon ay pang-habambuhay ang marriage.

- Ang marriage ay para rito sa mundo, ngunit hindi na para sa eternity (ibang uri ng spiritual marriage na ang mangyayari sa mga panahong iyon).


Reflect [Magnilay-nilay]


1. Suriin ang iyong pinagmulang pamilya. Kamusta ang naging pundasyong ng iyong tahanan? Naka-ayon ba ito sa standards ng Panginoon?

2. Kung ikaw ay may sarili nang pamilya ngayon, ano ang pundasyon ng inyong tahanan ngayon? Naka-ayon ba ito sa standards ng Panginoon?

3. Anong prinsipyo sa mga nadiscuss noong Sunday ang hindi mo pa masyado naipapamuhay? Bakit? Ano ang pwede mong gawin para masunod ito?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Itrato ang iyong pamilya bilang TAO at LIKHA NG DIYOS kagaya mo. Pahalagahan rin sila nang higit sa inyong mga non-human possessions o mga achievements o pera.

2. Kung ikaw ay may asawa na, hindi pa huli para gawin ang iyong role na dinesign ng Diyos – na maging suitable helper o akmang partner sa iyong asawa.

3. Kung ikaw ay single naman, i-check ang iyong sarili kung ihinahanda mo ba ang iyong sarili na maging suitable helper o akmang partner para sa iyong future spouse.

4. Ipanalangin ang next steps sa iyong pamilya – baka kailangan nang magpakasal (lalo kung nag-lilive-in), baka kailangan nang bumukod, baka kailangan magkasundo muli kung naghiwalay o baka kailangan nang tigilan ang mga 3rd party sa pamilya.


 

Care Circle Accountability Questions


Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).


Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.


  1. Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?

  2. Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?

  3. Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?

  4. Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?

  5. Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?

  6. May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?

  7. Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?

  8. Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?

43 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page