top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - July 10 - Audacious to Gracious

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for July 10, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


‘Wag kayong magsasalita ng nakakasakit sa damdamin ng iba, dapat nakaka-encourage ang mga sasabihin nyo. Gumamit kayo ng mga salitang bagay sa sitwasyon para ma-bless yung mga nakakarinig.’ Efeso 4: 29 (Pinoy Version)


Hindi ganyan ang natutunan nyo tungkol kay Christ! Siguradong narinig nyo na ang tungkol sa Kanya, at bilang mga disciple nya, tinuruan kayo ng katotohanang tungkol kay Jesus.

Efeso 4: 20 – 21 (Pinoy Version)


Hubarin nyo na ang lumang pagkatao nyo, yung dati nyong pamumuhay...

Efeso 4: 22a (Pinoy Version)


AUDACIOUS - showing an impudent lack of respect(pangahas, bastos)


Let your conversation be gracious and attractive so that you will have the right response for everyone.

Colossians 4: 6 (NLT)


GRACIOUS - courteous, kind, and pleasant (magiliw, mapagbigay-loob)


OUR SPEECH IS GRACIOUS...


1. WHEN WE SPEAK THE TRUTH IN LOVE


Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. - Efeso 4: 15


2. WHEN WE SPEAK WHAT IS RIGHT


Matutuwid na labi sa hari ay kaluguran, at kanyang iniibig ang nagsasalita ng katuwiran. - Kawikaan 16: 13


3. WHEN WE SPEAK WITH KINDNESS


Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. - Efeso 4: 31


4. WHEN WE SPEAK ONLY WHEN WE NECESSARILY HAVE TO SPEAK


Sa dami ng mga salita ay hindi mawawalan ng pagsalangsang, ngunit siyang nagpipigil ng kanyang mga labi ay may karunungan. - Kawikaan 10: 19


Conclusion

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan. - Kawikaan 8: 13

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos. - Santiago 1: 19 – 20

Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi, daig pa ang may ginto at alahas na marami. - Kawikaan 20:15


Reflection [Magnilay-nilay]


• Ayon sa introduction, anong mga ‘audacious speech’ ang iyong madalas na nagagawa at nais ng hubarin ito sa iyong pamumuhay?

• Alin naman sa 'gracious speech' ang nais mo namang magamit kapag ikaw ay nakikipag-usap? Magpanalanginan.


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Bantayan ang pananalita ngayong linggo at iwasan ang “audacious” speech.

2. Maglista ng 10 tao na pwede mong masabihan intentionally ng words that speak blessing ngayong linggong ito.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page