top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - July 17 - Vile to Virtuous

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for July 17, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


Vile - “low estate, moral littleness or guilt” – morally low (mahalay, bastos, marumi)

Virtuous - “behavior showing high moral standards” (mabait, mabuti, malinis)


I. From Dishonorable to Honorable

(Mula sa Kawalang-Dangal Patungo sa Pagiging Marangal)


A. Our body is a temple of the Holy Spirit


1 Corinthians 6:19

19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan


1 Corinthians 6:18

Iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.


Ang ninanasa ng Espiritu ay taliwas o kabaligtaran ng ninanasa ng laman.


Galatians 5:17

Sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin.


Sin can only reign if we allow it.


Romans 6:12-14

Therefore do not let sin reign in your mortal body, that you should obey it in its lusts.

And do not present your members as instruments of unrighteousness to sin, but present yourselves to God as being alive from the dead, and your members as instruments of righteousness to God.

For sin shall not have dominion over you, for you are not under law but under grace.


“If you are free from one thing, you are bound to another”

Slavery to sin gives you a freedom called “License” (to sin).

Slavery to God gives you a freedom called “Liberty”.


Bondage to sin yields shame and moral deterioration, culminating to death we deserve.

Bondage to God yields the fruit of progressive holiness culminating to gift of life.


B. We are God’s possession


1 Corinthians 6:19-20

19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; 20 sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.


Mali ang katuwiran na…

“Katawan ko ito kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko sa katawan ko!”


Romans 7:18-19 Pinoy version

Alam kong walang mabuti sa akin, ibig kong sabihin, sa natural kong pagkatao. Kasi kahit gusto kong gawin ang tama, hindi ko yun magawa. Hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, pero yung masamang ayaw ko, yun ang ginagawa ko.


Romans 7:24-25 Pinoy Version

Haay… Kawawa naman ako! Mismong katawan ko ang pumapatay sa akin! Sino ang magliligtas sa akin? Salamat sa Diyos, gagawin nya ito sa tulong ng Panginoon nating si Jesus Christ.


II. From Indecency to Purity

(Mula sa Kahalayaan Patungo sa Kadalisayan)


A. Know and yield to God/ Pagkilala at pagpapasakop sa Diyos


Romans 13:14

But put on the Lord Jesus Christ, and make no provision for the flesh, to gratify its desires.

X “My body, my choice.” --> “HIS CHOICE NOW for MY BODY.”


B. By starving it of sinful stimulation/ iwasan ang magpapasigla sa makamundong pagnanasa

Romans 13:14

But put on the Lord Jesus Christ, and make no provision for the flesh, to gratify its desires

CONCLUSION

Romans 12:1 ESV

I appeal to you therefore, brothers, by the mercies of God, to present your bodies as a living sacrifice, holy and acceptable to God, which is your spiritual worship.


The body that we have now must honor and glorifies God. This is our act of worship. Let us present our bodies as living sacrifice, holy and acceptable – a virtuous body that we can give to God!


Reflection [Magnilay-nilay]


· Ano ang mga bagay na ginagawa mo sa iyong katawan na nagbibigay ng kaluguran sa Diyos?

· Ano naman ang hindi? Ano ang dapat mong baguhin?

· Paano mo pinapahalagahan ang iyong katawan?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Magdesisyon na gamitin ang iyong katawan para sa ikalulugod ng Diyos. Gawan ng aksyon ang mga area ng iyong buhoy na hindi mo napahahalagahan ang iyong katawan.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page