top of page

CC - July 3 - Heart of Stone to Heart of Flesh

  • Writer: Marikina Foursquare
    Marikina Foursquare
  • Jul 6, 2022
  • 2 min read

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for July 3, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


Read: Jeremiah 17:9


Mga Bagay Na Nagpapatigas Sa Puso Ng Tao:


1) Rebelyon at Katigasan ng Ulo /Rebellion and Stubbornness

Jeremiah 5:8,10b & 23


2) Manhid na Budhi / Seared Conscience

I Timoteo 4:1b & 2


3) Pagmamataas / Pride

Kawikaan 16:5


4) Pag-Ayon Sa Sistema Ng Mundo

Kawikaan 21:2

Ezek. 11:19-20


HEART OF FLESH – sensitive to God’s presence

Romans 10:9-10

Reflection [Magnilay-nilay]


• Alin sa apat na bagay sa itaas ang nararanasan mo pa sa iyong buhay?

• Sa intindi mo, ano ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng heart of stone sa heart of flesh?

• Masasabi mo bang sensitive ka sa presensya at pagkilos ng Diyos? Bakit oo o bakit hindi?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Magpatuloy na isuko ang buhay sa Panginoon sa araw-araw. Spend time sa Kanyang salita at sa pananalangin para mas lalo pang lumalim ang relasyon sa Kanya.

2. Panahon na magpa-disciple at maglingkod sa Panginoon! Tanungin ang iyong CC leader kung ano ang pwedeng gawin.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

Comentários


Subscribe Form

©2019 by Marikina Foursquare Gospel Church. Proudly created with Wix.com

bottom of page