Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jun 06, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: You've Got a Friend
Topic: Jesus: Friend of Sinners
Date: June 06, 2021
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
1. Mula sa sermon noong Sunday, ano ang ginamit natin na kahulugan ng FRIEND? Clue: Ito ang ibig sabihin ng Hebrew word na ‘oheb’.
Correct answer: One who loves.
2. Ano ang ibig sabihin ng pagiging SINNER? Clue: Ito ang ibig sabihin ng Hebrew word na ‘chata’.
Correct answer: Missing the mark
3. Nagiging SINNER ba ang isang tao dahil lang sa kanyang ACTION, THOUGHT o EMOTIONS?
Correct answer: Hindi. Ang mga tao ay SINNERS dahil sa ‘inherited nature’. Gaya ng example noong Sunday, ang isang baby na bagong panganak ay HINDI pa nagkakasala, pero siya ay ipinanganak nang makasalanan.
4. Fill in the blank: Ang sabi ni Jesus sa Kanyang mga taga-sunod: “I no longer call you ____________.”
Correct answer: Servants / slaves
5. Fill in the blank: Ang sabi ni Jesus sa Kanyang mga taga-sunod: “You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you might go and b_______ f_______.”
Correct answer: Bear fruit.
Reflect [Magnilay-nilay]
1. Sa iyong sariling pagkaka-intindi, ano ang ibig sabihin na “FRIEND OF SINNERS” si Jesus?
2. Ano ang pakiramdam mo nang malaman na hindi na SLAVE/SERVANT (alipin) ang turing sa iyo ng Diyos kundi FRIEND (kaibigan)?
3. Ano ang meaning ng pag-“bear fruit”? Saang aspeto ito pwede mangyari pa sa buhay mo?
4. Sa tingin mo ba, may pakialam sa iyong paglago si Hesus – bilang kaibigan mo? Bakit?
5. Totoo bang kaibigan ka ng Panginoong Hesus by following His commandments? Bakit o bakit hindi?
6. Kung FRIEND na ang tingin ng Diyos sa iyo, paano ka na dapat namumuhay?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Magpost ka naman sa Facebook ng pasasalamat mo sa Diyos na ginawa ka Niyang KAIBIGAN!
2. Ang mga magkakaibigan ay lalong lumalalim ang relasyon sa pamamagitan ng communication at patuloy na pagkilala sa isa’t isa. Commit to reading the Bible and meditating on God’s Word ngayong week. Make sure din na mayroon kang prayer time.
3. Hindi man tayo magkakaroon ng complete & perfect obedience habang nandito pa sa lupa (si Jesus lamang ang nakakagawa noon), tayo ay tinawag pa rin sa buhay na may SUBMISSION at PAGSUNOD sa Diyos. Let us follow Him and inspire others to follow Him too!
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
Comments