Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jun 13, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: You've Got a Friend
Topic: Covenant Friendship
Date: June 13, 2021
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
1. Ano ang ibig sabihin ng “COVENANT”?
Correct answer: alliance, agreement, pledge, oath
2. Ano ang 1st point sa sermon noong Sunday? Covenant friendship shows D_______ C________________.
Correct answer: Deep Connection / Malalim na Ugnayan
3. Sino ang magkaibigan na naging halimbawa sa diskusyon noong Sunday? Masasabi bang may DEEP CONNECTION ang dalawa?
Correct answer: David and Jonathan. Oo, napamahal sila sa isa’t isa bilang magkaibigan. Mayroon silang SPIRITUAL bond.
4. Fill in the blank: (Ito ang 2nd point noong Sunday.) Covenant friendship demonstrates W__________ S____________.
Correct answer: Willing Sacrifice / Kusang Loob na Pagsasakripisyo
5. Ano ang ginawa ni Jonathan kay David na makikita nating “proof” na pantay na ang tingin niya rito?
Correct answer: 1 Samuel 8:13-14 - Dahil sa pagmamahal ni Jonathan kay David, isinumpa niya na sila’y magiging magkaibigan habang panahon. Ibinigay niya kay David ang kanyang balabal at kagamitang pandigma, pati ang kanyang tabak, pana at pamigkis.
6. Fill in the blank: (Ito ang 3rd point noong Sunday.) Covenant friendship has a R___________ L__________.
Correct answer: Royal Loyalty / Marangal na Katapatan
7. Paano ito naipakita ni Jonathan kay David?
Correct answer: Jonathan kept his friend’s pain confidential (hindi ipinagkalat ang mga pinagdadaanan ni David) and Jonathan defended his covenant friend (pinagtanggol niya si David, maging sa sarili niyang tatay).
8. Fill in the blank: (Ito ang 4th point noong Sunday.) Covenant friendship is S____________ L______.
Correct answer: Selfless Love / Walang Pagtangi sa Sarili
9. Paano ito naipakita ni Jonathan?
Correct answer: Kahit nagtatago na si David at pinuntahan pa din sya ni Jonathan at in-encourage. In-affirm pa nya na si David ang magiging hari at sya ay pangalawa lamang. Pinapakita dito na hindi sya selfish, self-centered, walang self-entitlement at hindi nya pinapairal ang pride nya.. He was selfless in showing his love to David kahit marami siyang dahilan na magmataas.
10. Sino ang unang nagpakita ng COVENANT FRIENDSHIP sa atin?
Correct answer: Ang Diyos.
Reflect [Magnilay-nilay]
1. Sino po pong kaibigan ang nagdala sa inyo ditto sa JCLAM? God chose these people to be your friend for a greater purpose. Na-aappreciate nyo po ba ang mga kaibigang binigay sa inyo ng Dios?
2. Anong kusang loob na sakripisyo ang maaari nating ibigay sa ating kaibigan? Minsan kahit yung oras natin hindi natin maibigay. Lagi kasi tayong busy! We do not make time for our friends.
3. Gaano tayo katapat sa ating mga kaibigan? Subok na po ba? Kung nagkamali man tayo, nagbago na po ba tayo at mas naging marangal na ang ating katapatan?
4. How deep and selfless is your love for your friend? Are you friends because of benefits? Or are you friends because you choose to be a friend despite your odd situations or differences?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Pasalamatan ang mga covenant friends mo – lalo na ang mga umaalalay sa’yo at tumutulong sa spiritual growth.
2. Intentionally, maglaan ng oras / pera / effort / services para sa isa o dalawang kaibigan mo ngayong linggo.
3. May covenant friend ka ba na medyo kinauubusan mo na ng pasensya? Pakitaan siya lalo ng pagmamahal at pagpapatawad.
4. Suriin ang sarili: Bakit ka nakikipagkaibigan sa mga close friends mo? Ano ang iyong motibo?
5. Simulan mo na IKAW MISMO ay maging COVENANT FRIEND sa iba!
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
Comments