top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Jun 20 - Abraham: God's Friend

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jun 20, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:

 

Series: You've Got a Friend

Topic: Abraham: God's Friend

Date: June 20, 2021


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


1. Ano ang title na meron si Abraham na siya lang ang meron sa Bible? Siya ay __________ of God.

Correct answer: FRIEND of God


2. Ano ang 2 examples na ipinakita ni Abraham na siya ay SENSITIVE sa presence ng Lord and that HE LISTENED? I-explain kung paano niya ito napakita sa bawat example.

Correct answer:

a. When he was first called to get out of his country (Genesis 12:1-4) – Narinig niya ang instruction ng Lord na umalis siya papuntang ibang bayan. Kahit na maraming iba’t ibang diyos-diyosan at that time, Abraham listened to the living God.

b. When he welcomed the messengers of God (Genesis 18:1-3) – Tinanggap niya sila at tinrato nang may pag-honor at pag-galang dahil alam niyang galling sila sa Diyos. Sensitive siya sa presensya ni Lord.


3. Ano ang 2 examples na ipinakita ni Abraham na siya ay SWIFT to obey ang mga precepts ng Lord? I-explain kung paano niya ito napakita sa bawat example.

Correct answer:

a. When God tells him to move (Genesis 12:7-8, 13:17-18) – He obeyed kahit na aalis siya sa kanyang comfort zone. At sumunod siya kahit na hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng Lord.

b. When God tells him to be circumcised (Genesis 17:23) - Abraham did not make any excuses. He did not delay. Abraham’s obedience is unconditional and complete. Sumunod siya agad!


4. Ano ang 2 examples na ipinakita ni Abraham na siya ay SECURED in the promises ng Lord? I-explain kung paano niya ito napakita sa bawat example.

Correct answer:

a. When he tells Isaac that God will provide an offering (Genesis 22:8) – Sumunod pa rin siya sa instruction ng Lord kahit na mahirap dahil sigurado siya na gagawa ng paraan ang Lord kahit pa kailanganing “buhayin mula sa patay” si Isaac. Nakapasa siya sa “testing” na kanyang pinagdaanan!

b. When he tells his servant that God will provide a wife for Isaac (Genesis 24:7) – May confidence siya sa kung ano ang kayang gawin ng Lord maging para sa anak niya. Nageexpect siya that God will come through and deliver!


5. Ayon sa diniscuss, ano ang pinakamagandang biyaya na ating makukuha sa Lord? Ito ba ay mga material na bagay?

Correct answer: God can give us all the material and relational and the things we may pray for – pero kailangan nating maintindihan na wala pong higit na biyaya liban sa pagiging malapit na kaibigan natin sa Kanya.


Reflect [Magnilay-nilay]


1. How sensitive are you sa presensya ng Panginoon?

2. May pagkakataon ba na tinanggihan o winalang bahala mo ang mensahe ng Panginoon? Share your experience.

3. Madali ba o mahirap ang sumunod sa Panginoon? Bakit madali? Bakit mahirap?

4. Saang area ng buhay mo ang pinakamahirap ipagkatiwala sa Panginoon? Bakit?

5. "And the Scripture was fulfilled that says, “Abraham believed God, and it was counted to him as righteousness”—and he was called a friend of God (James 2:23). Palitan ang pangalan ni Abraham ng pangalan mo. Sa darating na mga araw, paano mo ire-reciprocate ang pagtawag sa iyo ng Diyos bilang isang kaibigan?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Sanayin ang sarili na nakikinig sa Diyos at magkaroon ng pagnanais na kilalanin siya. Magbasa ng Bible ngayong lingo at magkaroon ng Family Prayer Cell.

2. Kung kaya mo rin, bawasan ang distractions ng TV / social media / games at palitan ito ng panahon ng pakikinig ng Word of God.

3. Sumunod sa Diyos sa pagpapa-bautismo (kung hindi ka pa baptized) at sa pagdidisciple at pagpapadisciple (kung hindi ka pa part ng CC or hindi ka pa nagllead). Inform your CC leader or our church leaders kung interesado.

4. Ipamuhay ang sinabi mong sagot mo sa #5 sa reflection.


 

Care Circle Accountability Questions


Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).


Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.


  1. Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?

  2. Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?

  3. Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?

  4. Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?

  5. Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?

  6. May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?

  7. Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?

  8. Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?

43 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page